CHKSLG

alam mo kung ano yung masakit?
yung nagaksaya ka ng pera at pagod sa pagdayo sa napakalayong lugar para lang ialay yung virginity mo sa lalakeng hindi mo naman sigurado kung mahal ka nga tapos kinabukasan, magigising ka ng tunog ng telepono niya–iaabot mo sa kanya yung telepono niya para lang maisampal sa iyo yung katotohanan na tumatawag na sa kanya yung totoong syota niya.

true story.

kaplastikan ng kapaskuhan
maswerte na siguro akong maituturing para magkaroon ng barkada sa opisina. yun nga lang, binubuo kami lahat ng mga babae.

nung isang buwan, napagkasunduan namin yung magkaroon ng monito monita–kris kringle kumbaga. bilang pasko naman saka marami kaming pera, naisip namin na may pagkagastusan na mura lang at pasok naman sa budget. tipong makisabay lang sa pressure ng holiday season. kung tatanungin niyo ako? pakiramdam ko, ako yung parang lider lideran sa grupo. kung ano yung sabihin ko, yun masusunod. bilang hindi naman talaga bright ang paguutak ng mga ibang members ng tropahan namin at wala naman silang maisip na category para sa unang linggo ng kris kringle, sinabi ko bakit hindi na lang ‘something chinese’? para maiba lang. siyempre umangal sila. ayaw nila tumanggap ng something chinese. kaya lang wala na silang magawa kasi nga kapag tinatanong ko naman sila kung anong category ang gusto nila, hindi naman makapagsalita. yung totoo? ‘something cute’ talaga? ano tayo? highschool? bumabalik sa pagkabata, ganun?

sa totoo lang, ayaw ko yung nakakatanggap ako ng regalo. palagi na lang kasi na hindi ko gusto yung naibibigay sa akin. nakakalungkot. parang lumalabas kasi nito na hindi ako kakilala ng mga kaibigan ko gawa ng yung hindi naman bagay sa akin yung mga naibibigay nila. ganun yata talaga siguro, ano? para sa akin kasi, mas magugustuhan ko yung regalo kapag yung binigay sa akin ay yung alam ko na pinagisipan na magagamit ko o kaya naman alam na may kinalaman sa akin.

ayun lang naman yung bagay na maarte ako, pero sa iba hindi naman na.

ilang araw bago yung christmas party namin, naglabas kami ng wish list. alam mo na? para may ideya na kami kung ano yung mga posibleng pwedeng ibigay. ako, sweet lang yung hiningi ko: sapatos sa tiangge. napakaswerte pa nga ng nakabunot sa akin kung susumahin mo dahil sobrang makakatipid siya. kamalas malasan lang dahil yung nabunot ko ang hiningi, mamahaling sapatos. branded. sa isip ko, anak ng kaputaputahang puta nga naman. may parang disclaimer doon: ibabalik niya daw yung sobra. ang budget kasi halagang 500pesos lang. yung hiningi niya, halagang 700pesos. unfair diba? sa totoo lang, siya yung iniiwasan naming lahat na makuha dahil nga sa sobrang ambisyosa ng hinihiling niya. kinunsulta ko yung ilan sa mga kabarkada ko at sinabi na malay mo naman at ibalik yung sobrang 200pesos. sabi ko, imposible na yun. siyempre kaibigan mo yun at nakakahiya naman na maningil pa sa ganitong kapaskuhan. pero kasi ayos lang sa akin na sosobra ng kinse, bente o singkwenta pesos yung presyo. pero 200pesos? pambili ko na ng isang pares ng sapatos yun sa tiangge!

christmas party na. grabe. pikit mata ko na lang talaga binili yung regalo. sobrang mahal naman kasi at wala na sa budget ko. nangilid talaga yung luha ko sa counter pagkaabot ko ng pera. kung sino man ang gagong nagimbento ng ‘in spirit of christmas’, mamatay na siya kamo. lintek siya.

dinagdagan pa nung nabunot ko sa christmas party ang kabadtripan ko sa kanya nung nalaman namin na gusto niya na paghintayin niya muna kami dahil pupuntahan niya daw muna yung christmas party nung isa pang grupo ng magkakaibigan sa opisina namin. naisip ko parang ginagawa niyang negosyo itong kris kringle. kala niya ang cool ng dating niya na marami siyang pinupuntahang party? ang laki na ng natipid niya sa mga party nung pasko dahil sa kris kringle na yan. magpapabili ka ng sobra doon sa napagusapan na presyo tapos sasabihin mo na irereimburse na lang. kailan pa naging insurance company ang mga kaibigan mo? tipong hihingi ka ng higit pa doon sa price range na dapat. tapos babayaran mo na lang ‘kuno’ yung sosobra? abusado.

hindi namin siya hinintay at nauna na kami. habang tumatagal, hindi na rin talaga gumaganda yung timpla ng araw ko. gusto ko na lang talaga matapos yung christmas party namin dahil hindi ko na talaga kaya makipagplastikan na masaya ako. nung dumating na yung taong nabunot ko sa kris kringle, pagkakataon ko na para ibigay yung regalo. inabot ko tapos binuksan nung nabunot ko yung kahon nung sapatos. inobserbahan ko yung reaksyon niya, hindi siya masaya. nakakunot yung noo tapos parang may nakain na hindi maganda. sinukat niya yung sapatos at nagiisip siya ng malalim. ewan. siguro iniisip niya yung dapat na maging reaksyon niya. kung masaya ka, pagiisipan mo pa ba kung masaya ka? hindi ako natuwa sa ginawa niya. alam ko na hindi niya nagustuhan yung regalo na binili ko. kasalanan ko pa ba yun bilang siya naman yung nagsulat sa wish list? ingrata amputa na yun. hindi ko nakayanan ang pagkainsulto ko kaya binigay ko na lang sa kanya yung resibo at sinabi ko sa kanya na ibalik na lang niya yung sapatos at kumuha ng gusto niya.

umalis ako ng party.

nagpasko. nagbagong taon. may kagalit ako at wala akong pakealam kasi hindi ko kailangan ang mga katulad niya sa buhay ko.

pasabog ng 2012
hi! i’m xienahgirl of chiksilog.com

dating gawi tayo, ha? comment lang kayo tapos ibibigay ko yung password via email para mapanood niyo itong video. maiksi lang naman. ni hindi nga aabot sa lalamunan para masabi na nabusog kayo. paano ba naman? hindi ko talaga alam yung gagawin ko. hanggang dunung dunungan lang pala ako.

kung sakali na meron kayong gusto na ipagawa sa akin para sa susunod na video, (pwera lang yung mga may kinalaman sa kabastusan, kalibugan at kababuyan) maaring paki sabi lang sa post na ito at libreng libre kong gagawin yun para sa inyo.

pakipagpasensyahan niyo na yung mababang kalidad ng video na ito gawa ng ginamit ko lang yung web camera ng pipitsuging laptop ko. saka wag na kayo masyado umasa kasi magiging malungkot lang kayo oras na malaman niyo na natural lang pala yung itsura ko.

oh siya na, happy new year!

magkaroon lang ng update
matagal ko ring hinintay yung tamang pagkakataon kung kailan ako maglalabas ulit ng blog entry. hindi naman dahil sa abala ako sa mga pinagdadaanan ko sa buhay dahil kung tutuusin, lahat naman tayo may pinaglalabang mga problema–depende nga lang yun kung blogger ka at kung gaano ka kasipag isulat iyon para maging published post.

isa pa, ayaw ko lang din naman bumalik sa pagsusulat kung mabigat lang din yung loob ko kasi alam ko sa sarili ko na hindi lang magiging maganda yung mga sasabihin ko. mabuti na itong medyo nakapahinga ako ng konti para makapagmunimuni naman ako soa buhay.

bilang masyado kang cool para simplehang pindutin yung like button sa facebook page ko, hayaan mong balitaan na lang kita ng mga kaganapan sa buhay kong ito–yun ay kung interesado ka lang naman.

-nagaalinlangan ako kung kailangan ko pa manatili sa kasalukuyan kong trabaho. minsan kasi parang nagbubulagbulugan na lang ako na ayos lang lahat dito opisina. pakiramdam ko, bukod sa pagkakaibigan na meron ako sa opisina, yung dahilan na lang para hindi ko iwan yung ginagawa ko ay yung rason na tinatamad ako maghanap ng bagong trabaho. alam mo yun? ayoko yung babalik ulit sa simula. kung tutuusin, hindi ka nga sa babalik sa simula, kundi babalik ka sa wala. nganga. tumaas nga pala yung posisyon ko, promoted na ako. yun lang, hindi kasabay ng pagiiba ng titulo ko yung sweldo ko. ayun, ganun pa rin. yung binabayad sa akin kulang doon sa bigat at dami ng trabaho na pinapagawa. hindi kasi ako yung tao na mahilig magkawang-gawa na tipong ayos lang sa akin na kaligayahan lang yung napapala ko. aba, may pangangailangan din ako saka yung pamilya ko. may bituka kami na kailangan palamunin. ewan ko. hindi naman ako ingrata. oo, mabuti nga ako may trabaho samantalang yung iba wala. salamat. marunong naman ako magpasalamat dahil may trabaho ako pero kaya lang, napakarami kong ginagawa na alam kong hindi na ako magiging masaya kapag pinilit ko pa.

-nakulong nga pala yung tatay ko. mana mana na lang siguro yan. paano, yung huling nabalitaan ko dinemanda daw siya ng estafa. alam ko na ngayon kung kanino nagmana yung ate ko. ito yung mga pagkakataon na gusto ko na talagang sumuko dahil parang tinodo na ng diyos lahat ng pwedeng pagsubok na ibigay. all in. all out. hindi ko napaghandaan na akuin yung responsibilidad ng pagiging padre de pamilya. hindi ko alam kung paano ko kakayanin. wala akong mapaghingahan ng problema ko dahil masyadong mabaho.

-ganun pala yung pakiramdam na makatikim ng luto ng diyos. pwede na akong mamatay.

-kung hindi mo pa alam, dalawa ang blog ko. matagal na at huli ka na sa balita. yung http://anti.chiksilog.com ay isang feature blog kung saan sinusubukan ng lahat ng makakaya ng sarili ko na maglahad sa wikang ingles dahil na rin sa kagustuhan kong maintindihan ako ng pekeng intsik gawa ng hindi na nga epektibo yung manikluhod ako sa harapan niya para mamalimos ng pagmamahal. dadaanin ko na lang sa kung saan ako tunay na magaling at iyon ay ang kunin ang kalooban niya sa pamamagitan ng pagsusulat ng tungkol sa buhay ko–sa kung gaano katindi ang dating awesomeness ko.

-katulad ng naipangako ko, mamimigay talaga ako ng CHKSLG SHIRT oras na maging 500 yung likes ng facebook page ko. gustong gusto ko na talaga ulit mamigay. hindi ko na nga alam kung ilan pang blogista ang kailangan kong plastikin at bolabolahin ang ulo para matapos yung natitirang 97 likes. oo nga pala, total medyo galante naman ako at alam kong karamihan sa inyo ay mga astang pasosyal kuno, hayaan ninyo na samahan ko ang CHKSLG shirt ng 5 pirasong 100php worth gift certificate galing Starbucks. depende sa pangangailangan. kung gusto nung nanalo na halagang 1000php galing sa SM department store yan o puregold, walang problema dahil gagawan natin ng paraan. kahit pa sa avon yan o sundance, keri lang.

mahaba at madami pa ang kwento ko. abangan niyo yung iba kasi aminin na natin, wala ng ibang nagsusulat ng ganito sa blogosphere kundi ako lang. ang mature ko diba? thanks.

bakit kasi hindi mo papasukin sa loob?
ang hirap talagang maging anak sa labas. isipin mo, gaano ba karami sa nagbabasa ng blog ko ang anak sa labas na makakapagsabi sa akin na ayos lang kami?

higit isang buwan ko din pinagisipan kung kailangan ko bang balikan yung buong 24 na taon ng buhay ko. pinipilit kong alalahanin yung kung paano ako nakarating sa araw na ito, kaya lang puros masasakit na alaala lang yung namumukod tangi kong matandaan. tinigil ko na lang kasi baka mabaliw ako.

minsan iniisip ko kung nagplano ba ang nanay ko na ipalaglag ako nung mga panahon na nalaman niya na meron siyang anak sa lalakeng may asawa na? sana nga hindi na lang niya ako pinanindigan na buhayin baka kasi mas naging maayos pa ang buhay ng nanay ko kapag nagkataon. tanggap pa siguro siya ng mga kapatid niya. nakakilala pa siguro siya ng taong magmamahal sa kanya. nakapagtapos siya ng kolehiyo at nakapagtrabaho siya sa magandang kumpanya. nakakapagdiwang siya ng kaarawan, bagong taon, pasko at mga araw na walang pasok na buo ang pamilya niya. para kasing ipinagkait ko yun sa nanay ko nung oras na naipanganak niya ako. alikabok pa lang ako, alam mo na napakasama kong tao.

bata pa lang ako alam ko na anak ako sa labas at may ibang pamilya yung tatay ko. ipinaliwanag sa akin ng nanay ko kung bakit hindi ko kasama yung tatay ko sa gabi para basahan ako ng maikling kwento ng gaya ng mga mag-ama na nakikita mo sa mga pelikula. hindi nagkulang yung nanay ko sa pagpapaintindi sa akin ng mga maliliit na bagay sa kung bakit wala kaming family picture. sa kung bakit kaming dalawa lang ang nasa bahay. sa kung bakit puros laruan lang ang nakikita ko sa kwarto at hindi yung tatay ko ang sumasalubong sa akin sa tuwing umuuwi ako galing sa eskwela. sa kung bakit pumupunta si papa sa bahay hindi para umuwi kundi para lang magbigay ng pangsustento para sa linggo.

apat na taon na akong nagsusulat pero ngayon ko lang talaga napagdesisyunan na sabihin ito. walang nakakaalam sa mga kabigan ko at lalo na sa mga malalapit na tao sa buhay ko. hindi ko pa rin kasi alam ang isasagot ko sa kanila kapag naitanong nila kung nasaan ang tatay ko samantalang hindi pa naman siya patay. hindi naman sa natatakot ako na malaman nila na bastarda ako kaya hindi ko sinasabi yung totoo. siguro kasi, hindi ko naman nakikitang mahalaga yung ganung klaseng katotohanan para sa kanila. oo, magbabago yung pagtingin nila sa akin pero hindi naman na mahalaga iyon kasi ako mismo sa sarili ko iba ang tingin ko sa akin. minsan may mga pagkakataon na pakiramdam ko hindi ganap yung pagkatao ko, na tipong may kulang sa sarili ko. hanggap sa naisip ko na magrebelde. pero bakit ako magrerebelde para makakuha ng atensyon at para mapatunayan sa lahat na tama sila sa ideya nila na wala akong patutunguhan at wala akong kwentang tao? para saan ba na sisirain ko ang buhay ko kung pwede ko naman ipakita sa lahat na kaya kong maging maayos at matino? pinagigihan ko. wala na nga akong sa balikong landas pero may napala nga ba ako sa pagiging matuwid? talunan pa rin ako. habang buhay ko na yata kailangan galingan sa buhay para lang mapagtakpan ko yung pagiging anak ko sa labas. balewala na ako ang pinakamagaling, pinakamatalino pinakamaganda dahil hindi uuwi ang tatay ko sa amin para piliin niya kami bilang pamilya niya.

ito lang naman talaga kasi ang paliwanag sa napakaraming bagay–sa kung bakit naging ganitong klase akong tao ngayon. sa kung bakit hindi ako mahusay makitungo sa mga lalake. sa kung bakit wala pa rin akong syota, sa kung bakit hindi ako mabuting tao. sa kung bakit pakiramdam ko parati na lang na may kailangan akong patunayan. wala kasi talaga akong tatay na matatawag. merong sumusuporta sa pinansyal na pangangailangan ko, pero wala talaga akong masasabi na tinulungan ako para maging buo yung pagkatao ko.

alam mo kung ano yung makapagbibigay solusyon sa lahat ng ito? yung malaman kung paano mawawala yung mga pinagdadaanang pighati na naranasan ng nanay ko.

matalino akong tao pero hindi ko alam kung paano ko masasagot ito.

magkano na ba ang dolyar?
pagkatapos ng mahigit sa dalawang taon na nagtrabaho ako dito sa kumpanya namin, sa wakas! naging number 1 din ako.

sa mga hindi nakakaalam, nagtratrabaho ako bilang account manager sa isang financial institution. alam ko, malayong malayo ang trabaho ko sa kursong nursing na tinapos ko noong kolehiyo pero kinailangan ko magtyaga. alam naman nating lahat na ang oportunidad ng mga nurse ay nasa ibang bansa at wala sa pilipinas. napakalaking isyu niyan dahil kailangan mo muna kumuha ng karanasan dito sa pilipinas bago ka lumipad sa ibang bansa. paano ka nga naman pa papasok sa trabaho dito pinas bilang nurse kung wala naman may balak tumanggap at magpasahod ng tama? ang nangyayari pa nga ay ikaw pa ang dapat magbayad para makapasok. katarantaduhan.

nung una, 6 na buwan lang talaga dapat ako dito sa trabaho ko. balak ko kasi mag ipon lang para may pangtustos ako oras na maisipan ko na kumuha ng masters degree. ayun nga, hanggang sa nakuha ko na kung paano yung teknik dito sa opisina. naging magaling ako sa bagay na hindi ko naman pinagaralan talaga. pwede pala yon, ano? siguro, magaling lang talaga yung HR na kumuha sa akin dahil sa tamang lugar niya iniligay ang profile ko.

sa una lang pala talaga mahirap ang lahat pero oras na nagkaroon ka ng kusa na matuto, magiging maayos rin ang takbo dahil sa makakasanayan mo na. madaming beses na akong kinakantyaw ng dapat na bagong boss ko–tanggapin ko na raw yung offer ng promotion at lumipat na raw ako sa department niya. sabi ko hindi pa ako handa. ngayon ko pa lang talagang natututunan mahalin ang trabaho ko. ayaw ko muna na kunin niya sa akin yung kaligayahan na yon. alam ko mas malaki ang matatanggap kong incentives sa bagong department, kaya lang hindi pa talaga ako handa. kontento na ako muna sa ngayon sa bonus na natatanggap ko sa pagiging top employee. kontento na rin ako ngayon sa respeto na nakukuha ko sa mga katrabaho ko kasi alam nila na magaling ako. yung mga hindi ko naman talaga kinakausap, binabati ako. yung mga nakakasalubong ko lang sa pantry noon, nginingitian na ako. masarap sa pakiramdam yung minsan maranasan ko na importante pala ako. ganap ang kasiyahan ko kasi alam ko na naghirap ako at wala akong tinapakan na tao para marating ko ang pagiging number 1 sa opisina.

oo, malaki ang sweldo ko dito sa trabaho ko at hindi ko itinatanggi iyon. sobrang laki nga kahit nagpapalamig lang ako sa opisina. bakit ko ipagpapalit yung ganitong kakumportableng buhay? wala muna akong balak magtrabaho sa ibang bansa kagaya ng mga kaklase ko nung college na ngayon ay puros nakabalabal ang mga mukha sa litrato na nakabalandra sa facebook dahil nga sa nurse sila sa saudi at kung saan pa mang maladisyertong kaharian na meron ang mundo. mas gugustuhin ko pa na pumunta sa ibang bansa para bumyahe kesa magtrabaho. bakit ako maiinggit sa kanilang napalayo sa mga mahal sa buhay at nakikipagsapalaran para mabuhay sa bansang hindi mo naman kilala? edi kayo na.

bigyan mo nga ng masaya yan
gusto kong isipin na ulilang lubos na ako. wala na akong magulang na magaasikaso sa akin.

mag-isa na lang ako ngayon dito sa bahay. kutson, laptop at ako na lang ang laman nitong apartment kasi nailipat na sa bagong bahay na rerentahan namin yung ibang gamit. pinoproblema ko nga kung ano yung susuotin ko mamaya papuntang opisina kasi wala na yung mga damit ko dito. isa pang problema ay yung hindi ko alam kung papaano pagkakasyahin yung mga kasangkapan namin–mas maliit kasi yung bagong apartment. pangatlong lipat ko na ng bahay. sa parehong lugar pero sa ibang kanto. lumilipat ako ng bahay na hindi ako nakikilala ng mga kapitbahay ko.

naaawa nga ako sa kapatid ko dahil siya yung nagaasikaso ng lahat. ako yung panganay, ako yung dapat na gumagawa pero baliktad pa ang nangyari. ayos lang daw sa kanya kasi bakasyon naman at wala naman siyang pinagkakaabalahan. ang totoo, siya pa nga itong naaawa sa akin kasi pumapasok ako sa trabaho at umuuwi lang ako para matulog at gumising para pumasok lang ulit sa trabaho. ulit ulit lang. nakalimutan ko na may edad na nga pala yung kapatid ko. mas malaking tao pa nga siya sa akin kung tutuusin. akala ko bata pa siya na kailangan antabayanan at lagyan ng tuwalya sa likod dahil sa pinapawisan siya sa kalalaro, hindi na pala. iniisip pa pala ako ng kapatid ko kasi natuwa siya nung makita niya na yung kwarto na paglalaanan niya sa akin ay pwede raw magphotoshoot. gusto ko siyang batukan tapos yakapin pagkatapos. kilala nga talaga niya ako. ang dami na kasing nagbago simula ng nagtrabaho na ako. madami na akong nakakalimutan. madami na akong nakakaligtaan. ano na nga ba yung tawag sa kulay ng buhok ng nanay ko? ano na nga ba yung sigarilyo na binibili ng tatay ko? ano na nga ba yung size ng paa ng kapatid ko? masyado akong naging abala sa wala naman talaga. tapos hindi na ako nakabawi. nawala na lang silang lahat ng hindi ko man lang sila napasaya.

may ibang pamilya na yung tatay ko. 24 na taon akong hindi naman talaga nagpapasko at nagbabaging taon na kasama siya. yung nanay ko naman, may sakit tapos hindi siya pumabor sa paglipat namin ng bagong bahay kaya nandon muna siya sa tiyahin ko. ewan ko ba. palagi kong sinasabi na gusto kong magisa pero ngayon na magisa na ako parang nalungkot naman ako. hindi ko rin maintindihan. handa na akong mabuhay ng magisa pero ibang usapan naman yata yung iwanan ka ng mismong pamilya mo.

ayoko pa naman ng naglalaba. tambak na yung labahin dito sa kwarto ko. nanay ko ang naglalaba ng mga damit ko. isipin niyo na kung ano ang gusto niyong isipin, bahala kayo. alam ko pwede naman na ako na yung maglaba, ewan ko ba kung bakit ayaw nila na gumagawa ako dito sa bahay. siguro kasi alam nila na pagod ako galing ng trabaho o kaya naman kilala lang talaga nila ako bilang tamad. ayun pa ang isa, nagugutom na ako. hindi ko nga rin natutunan kung papaano ang magluto. parang border ako sa sarili kong bahay. prinsesa daw ba ako kasi parang matutunaw yung kamay ko kapag hinawakan dahil sa sobrang lambot. hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot dahil wala akong alam sa bahay at wala rin akong alam sa buhay.

paano ko kakayanin ang magisa? mamatay akong mangmang. ang lakas ng loob ko na bumukod samantalang wala naman akong alam. hindi pala lahat nadadaan sa pera. hindi pala totoong nabibili ng pera ang kaligyahan. kung pwede nga lang bumili ng kasama na hindi ako iiwan, baka nga ginawa ko na. hindi ko nga alam kung bakit hindi pa ako sumusuko sa buhay kong ito.

ang milagro ng pagkuha ng credit card
ginawa ko ang entry na ito sa kagustuhan ko na maging inspirasyon sa mga tao na nangangarap na magkaron ng credit card.

ako lang ba o ang yabang pakinggan nung kasasabi ko lang?

hindi ko naman talaga gusto magkaron ng credit card. sa katunayan, may nalalaman pa nga akong pasumpa-sumpa noon at sinabi ko na kaya ko mabuhay ng wala niyan.

daig ko pa yung pinakakuripot na ilokanong kilala mo sa sobrang sarado ng palad sa pagtitipid ng pera. hanggat maaari ayokong gumastos. kung pwede pa gamitin, pagtyatyagaan. kung pwedeng lakarin, susubukan. kung kakayaning magutom, pagbibigyan. kaso simula nung naospital ako, hindi na ako nagpagutom at naging galante na ako pagdating sa pagkain kaya naman medyo nadagdagan yung timbang ko. mabalik tayo sa usapang credit card–dahil sa bobo pa ako noon pagdating sa pera tinatago ko lang yung pera ko sa ilalim ng unan ko. kung hindi naman sa secret pocket ng bag ko o kung hindi naman sa loob ng vase. kontento naman ako sa ginagawa ko kaya lang nung nagsimula na akong magtrabaho, hindi na kasya yung sinusweldo ko sa vase na pinaglalagyan ko. kailangan ko ng ligtas na mapagtataguan ng pera kasi ang lakas makapangupit ng mga tao dito sa bahay kala mo piso lang yung kunukuha nila mula sa alkansya. naisip ko na magbukas ng savings account kaya lang akala ko ganap na yung pagkatao ko kasi meron akong debit card. may kasama kasing atm card kapag nagbubukas ka ng savings account diba? sabi ko yesssss, tangina tao na ako! kaso nagkamali ako. nalaman ko na hindi naman pala tumatanggap yung mga online stores ng debit card. muntanga lang ako kasi hindi ko maintindihan kung bakit pa naimbento ang debit card kung hindi mo rin naman pala siya magagamit sa mga panahon na gusto mong magmukhang mayaman.

sige, ok lang. nagtimpi muna ako kasi sabi ko paninindigan ko talaga yung sinabi ko na ayaw ko magcredit card. hanggang sa isang araw, nangailangan ako magbook ng ticket. ano pa nga ba? credit card ang kailangan. ako yung tipo ng tao na ayaw humingi ng tulong. masyadong mabigat yung timbang ng bayag ko para magpatulong sa iba. kinapalan ko na lang talaga yung mukha ko at nanghiram ng card. nakipagusap ako doon sa kaibigan ko sa opisina. sabi ko kung pwede bayaran ko siya pagkabook niya ng flights. hindi ako manggagantso, ok? money down oras na ibook niya yung inaabangan kong flight. kaya lang masyadong kupal yung kaopisina ko. hindi niya ako pinagamit ng card niya. isipin mo yun? tangina. magkaibigan kami at kilala niya kung gaano ako kaistrikto sa pera. ayoko yung nagmamakaawa ako pero ginawa ko pa rin kasi ganun kahalaga yung flight na inaabangan ko. hindi tumalab. sa palagay ko tatalab yun, kaya lang masyadong kupal lang yung kaopisina ko na yon. ano pa nga ba? edi friendship over. gago pala siya e. simula noon, sabi ko ko na hindi ko na ibababa ang pagkatao ko para lang sa credit card.

mahirap kumuha ng credit card sa klase ng trabaho na meron ako. hindi katulad ng pilipinas ang america na bigay lang ng bigay ng credit card. sa mga hindi nakakaalam, nagtratrabaho ako bilang account manager sa isang financial institution. tunog mataas yung posisyon pero maniwala ka, empleyado lang din ako. ang punto ko lang kasi, alam ko kung paano ang kalakaran sa credit card. alam ko na qualified ako sa lahat ng requirement pero masyado lang talagang bulag yung mga bangko pagdating sa kredibilidad na meron sa propesyon ko. isipin mo, 5beses ako nagapply ng credit card pero ni isa ay hindi man lang ako natanggap. ang kapal nga ng mukha ng bangko na ito kasi kahit sa kanila ako nagbukas ng savings account, hindi pa rin nila ako binigyan ng credit card. malamang dahil nga sa trabaho na meron ako. kalokohan talaga.

rejected na nga ako sa pagibig pati ba naman sa putanginang credit card na yan?

kaya kayo diyan na mga walang credit card, ang gawin ninyo para makakuha kayo ay ang magapply muna ng secured credit card. hindi ko maipapaliwanag ito ng maayos at detalyado pero hayaan niyong bigyan ko kayo ng ideya. ang konsepto kasi nito ay yung magbubukas ka ng account at lalagyan mo ng pera na magsisilbing credit limit mo. parang prepaid credit card. ang kagandahan nito, kapag ipapaputol mo na yung linya ng credit card ay makukuha mo pa rin yung pera na nasa account na binuksan mo. matalino naman kayo. maiintindihan niyo yun. walang diskriminasyon sa credit card na ito–kahit wala kang trabaho, ayos lang. basta may kakayanan ka na bayaran yung bill mo, bibigyan ka nila.

sobrang saya ko lang talaga nung malaman ko na dumating na yung card. isang linggo lang meron na. sana matagal ko na pala ginawa yon. kaya lang siyempre kung may ligaya, may lungkot din at yun ay nung magbabayad na ako ng bill ko. napunta yung kalahati ng sweldo ko bill ng credit card. hindi nakakatuwa yon. masyadong maaga para madala ako sa pagkakaron ng credit card kaya minabuti ko na gamitin lang yun kapag kailangan. yung tipong nagugutom ako tapos gusto ko magpadeliver ng pizza. mga ganung bagay.

paikutin niyo lang ng paikutin yung pera. mas maigi na gamitin mo yung pera ng iba, hindi ba? hanggang sa magkaron ka ng magandang credit card history at kapag nakita iyon ng mga bangko, hindi na sila magdadalawang isip pa na bigyan ka ng card at pwede mo na kunin yung pinambayad mo doon sa secured credit card mo.

pakiramdam ko, bigla akong nagkaroon ng pinagkatandaan. ang bigat ng responsibilidad na meron kapag may credit card ka. ginusto ko naman ito kaya walang pakealamanan.

yung humingi ka ng hotdog at hindi tender juicy ang ibinigay
ewan ko kung ako lang ito pero ilan ba sa inyo ang nakaranas na ang madinig yung mga magulang niyo na magpataasan ng boses habang nagtatalo sa kung ano ang dahilan at kung sino ang dapat sisihin sa kung bakit nagkasiraan ang pamilya niyo?

pambihira lang talaga kasi pagkatapos mong marindi sa walang kwentang away, biglang itutuon sa direksyon mo ang atensiyon para pagbuntunan ka ng galit. kapag hindi sila nakuntento na sigaw-sigawan ka, magkakasundo na lang sila na palayasin ka sa bahay na ikaw naman ang nagbabayad ng buwanang renta.

walang hiyang buhay naman ito, oh. hindi ko kailangan ng ganitong klaseng drama sa bisperas ng kaarawan ko. dinaig pa nga ng buhay ko ang lahat ng magasin sa dami ng isyu. ang malas lang kasi tuloy tuloy pa rin ang takbo ng buhay. saka na ako maghahanap ng maliit na kwarto na matutuluyan dahil sa ngayon, kailangan ko itagay ito.

magpapainom ako.

excuse me, pero hindi tayo close
kakaunti lang ang kaibigan ko at halos lahat pa nga ng mga iyan ay puros babae. aminado naman ako na mahirap ako makitungo sa mga lalake dahil kundi ako ilang ay hindi ko lang talaga alam kung paano umarte sa harapan nila.

nagtatapangtapangan lang ako, kunwari kumportable ako makisama sa lalake. ang totoo, masyado akong conscious sa galaw ko saka parang lahat yata ng kilos ko de numero. parang may regla lang na hindi mapakali kasi mali yung napkin na nailagay sa panty.

palagi kong ibinibintang ito sa mga magulang ko dahil sa ipinasok nila ako sa isang catholic school exclusive for girls. hindi ko na tuloy matandaan kung paano ang pagkakasunod sunod ng mga nouns at adjectives niyan pero pwde na siguro, parang tama naman kasi sa pandinig.

marami rin naman akong mga advantages na nakuha mula sa pagaaral sa ganitong klase ng setting. halimbawa ay yung magbibihis ako sa tuwing matatapos ang klase namin sa PE. wala naman talagang pakealaman kung magkakitaan ng baby sando at training bra. walang sawayan kung nakabukaka ka at hindi ka nakapagsuot ng shorts. mabilis lang makahingi ng loose powder makahiram ng suklay at ayos lang din na parepareho kayo ng pabango.

kung magkakaroon kami ng crush, makokontento na lang kami doon sa security guard o di kaya naman sa teacher namin na lalake. abnormal kung tutuusin. paano ba naman, wala naman kaming mapagpilian na kaklaseng lalake. hindi rin naman bago sa akin yung mga kaklase ko na nagkagustuhan sa isat isa o kaya naman sa teacher na babae dahil nga siguro dala iyon ng hormones na kailangan tugunan na sa lalong madaling panahon.

kahit bente kuwatro anyos na ako, naaapektuhan pa rin ako ng sitwasyon na meron ako nung nasa highschool pa lang ako. kapag nagpaplano ako ng lakad naming mga kaopisina ko, na puros babae lang din naman, hindi maiwasan yung kagustuhan nila na isama yung boypren nila. sa totoo lang, wala naman sa akin yung kasama nila yung mga boypren nila pero minsan kasi nakakainis yung kung boypren pa nila yung hindi nakakaintindi at ipinipilit na makisiksik sa barkadahan namin. namputsa naman. naiintindihan ko kilala ko yung mga boypren nila pero hindi naman kailangan na makipagbuhulan pa ako ng bituka sa mga lalake nila para masabi lang na close kami. hindi pa ba nakukuntento yung mga boypren nila na may lakad silang sarili nila at panahon naman para lumakad kami na kami lang na magkakaibigan na babae? ang OA lang minsan magpakaover protective ng mga kala mong ang gwapo na boypren na iyan. ang kapal pa ng mukha dahil sila pa yung namimili at nagpaplano kala mo naman kasama. may mga syota lang talaga na hindi alam kung saan lulugar. hindi makuha na ayaw namin siyang kasama sa ganitong klase ng lakwatsa. sabihan mo ng diretsahan, hala, hindi pa rin naintindihan. ang manhid. wala yatang kaibigan na iba yung lalake.

lumalabas lang tuloy na bitter ako sa buhay.