excuse me, pero hindi tayo close

kakaunti lang ang kaibigan ko at halos lahat pa nga ng mga iyan ay puros babae. aminado naman ako na mahirap ako makitungo sa mga lalake dahil kundi ako ilang ay hindi ko lang talaga alam kung paano umarte sa harapan nila.

nagtatapangtapangan lang ako, kunwari kumportable ako makisama sa lalake. ang totoo, masyado akong conscious sa galaw ko saka parang lahat yata ng kilos ko de numero. parang may regla lang na hindi mapakali kasi mali yung napkin na nailagay sa panty.

palagi kong ibinibintang ito sa mga magulang ko dahil sa ipinasok nila ako sa isang catholic school exclusive for girls. hindi ko na tuloy matandaan kung paano ang pagkakasunod sunod ng mga nouns at adjectives niyan pero pwde na siguro, parang tama naman kasi sa pandinig.

marami rin naman akong mga advantages na nakuha mula sa pagaaral sa ganitong klase ng setting. halimbawa ay yung magbibihis ako sa tuwing matatapos ang klase namin sa PE. wala naman talagang pakealaman kung magkakitaan ng baby sando at training bra. walang sawayan kung nakabukaka ka at hindi ka nakapagsuot ng shorts. mabilis lang makahingi ng loose powder makahiram ng suklay at ayos lang din na parepareho kayo ng pabango.

kung magkakaroon kami ng crush, makokontento na lang kami doon sa security guard o di kaya naman sa teacher namin na lalake. abnormal kung tutuusin. paano ba naman, wala naman kaming mapagpilian na kaklaseng lalake. hindi rin naman bago sa akin yung mga kaklase ko na nagkagustuhan sa isat isa o kaya naman sa teacher na babae dahil nga siguro dala iyon ng hormones na kailangan tugunan na sa lalong madaling panahon.

kahit bente kuwatro anyos na ako, naaapektuhan pa rin ako ng sitwasyon na meron ako nung nasa highschool pa lang ako. kapag nagpaplano ako ng lakad naming mga kaopisina ko, na puros babae lang din naman, hindi maiwasan yung kagustuhan nila na isama yung boypren nila. sa totoo lang, wala naman sa akin yung kasama nila yung mga boypren nila pero minsan kasi nakakainis yung kung boypren pa nila yung hindi nakakaintindi at ipinipilit na makisiksik sa barkadahan namin. namputsa naman. naiintindihan ko kilala ko yung mga boypren nila pero hindi naman kailangan na makipagbuhulan pa ako ng bituka sa mga lalake nila para masabi lang na close kami. hindi pa ba nakukuntento yung mga boypren nila na may lakad silang sarili nila at panahon naman para lumakad kami na kami lang na magkakaibigan na babae? ang OA lang minsan magpakaover protective ng mga kala mong ang gwapo na boypren na iyan. ang kapal pa ng mukha dahil sila pa yung namimili at nagpaplano kala mo naman kasama. may mga syota lang talaga na hindi alam kung saan lulugar. hindi makuha na ayaw namin siyang kasama sa ganitong klase ng lakwatsa. sabihan mo ng diretsahan, hala, hindi pa rin naintindihan. ang manhid. wala yatang kaibigan na iba yung lalake.

lumalabas lang tuloy na bitter ako sa buhay.




kaya naiwan ng eroplano

pinagalitan ako nung pekeng intsik–bakit daw hindi na ako nagsusulat ng madalas dito sa blog ko? akalain mo nga naman. kung sino pa yung hindi nakakaintindi ng tagalog, siya pa yung nagtataka kung bakit wala akong kwento. sinisisi niya yung kaadikan ko sa paglalaro ng cityville sa facebook. sabi ko sa sarili ko kapag naging mayor na ako tapos meron na akong pier, magupdate ako ng blog ko.

wirdo ako kung ituring ng mga tao dahil sa ang hilig ko umalis. kapag sinabi kong alis, hindi lang basta diyan lang sa pinakamalapit na mall tatambay dahil ang tinutukoy ko ay yung biyahe sa ibat ibang malalayong lugar–yung walang nakakakilala sa akin. kung pwede nga lang pati byahe papunta sa puso mo, ginawa ko na. bakit hindi? abnormal na gawain ito para sa mga kababaihan na kaedad ko dahil kadalasan makikita mo yung tipo ko na kumekerengkeng doon sa mga bar o di kaya naman nasa simbahan–kung hindi tagabasa ng mga linya sa bibliya ay malamang sa malamang, tagakolekta ng hostia at mompo. walang mali sa pagkuha ng hostia at mompo. hindi lang talaga bagay sa personalidad ko yung gawin yun.

mas gusto kong sabihin na napilitan ako na mag-isa.

wala kasi akong kaibigan. kung meron naman akong mga itinuturing na tunay na kaibigan, iyan yung mga mahihilig lang sa titing malandi. mahilig din naman ako sa mga ganyang klase ng titi pero minsan nakakasawa yung tutuksuhin ka lang pero hindi naman ibibigay. pakakagatin ka lang para makatikim pero hindi ka naman pakakainin.

napakagastos gawing bisyo ang pagbyahe. biruin mo, bibili ako ng tiket at hindi iyon natatapos lang doon–iisipin ko kung saan ako tutuloy, kung magkano ang pamasahe, saan bibili ng pasalubong, ano ang pwedeng kainin at alin ang panty na dadalhin. wala halos makaride sa ganitong klaseng trip. walang makadig sa ganitong klase ng deep. palibhasa, mga bata pa kaya hindi mahilig mag-ipon at nawawaldas lang ang kwarta sa kabibili ng damit at bag na naalikabukan lang naman dahil hindi na nagagamit.

walang makasabay sa klase ng schedule meron ako. nagtratrabaho ako tuwing sabado at linggo samantalang yung mga normal na manggagawang pilipino, nagpapahinga at nagpapalaki ng pukersya. sa isip ko nga, baka mas malaki yung pukersya ko kasi wala akong pasok ng lunes hanggang biyernes. ewan ko rin kung bakit naging ganon na parating libre ako sa mga araw na may pasok sila. pinili ko itong trabahong ito na nagpapalamon sa akin at sa pamilya ko kaya wala akong karapatang umarte.

pinagagalitan ako ng mga magulang ko dahil sa nagpapaalam ako na may pupuntahan ako isang araw bago ang flight ko. style ko daw bulok pero wag ka kasi gumagana. wala na silang magagawa kundi pagtyagaan ang pagaanak nila ng mahilig magtapang tapangan. kung sabihan na lang kaya nila ako na mag-ingat ako kesa sermunan ako sa kung bakit ko daw sila hindi sinasama sa mga lakwatsa ko, di sana naging maayos pa rin ang pamilya namin?

walang nakakaintindi sa akin.

sino daw kukuha ng picture ko? sino ang gigising sa akin sa umaga? sino ang kasama ko magbubuhat ng gamit ko?

ang dami daming tanong.

pagpasensyahan niyo na ako kung sabihin ko na ang sarap sa pakiramdam na may mga naiinggit sa akin. sila yung mga maagang nakapagasawa at mahihina ang loob. ang swerte ko daw kasi bata pa ako, walang nobyo, akin ang oras ko at nakakapunta ako sa mga lugar na gusto ko. ang sagot ko naman, ang ganda sa pakiramdam na unti unti kong tinutupad yung mga pangarap ko.

pampalubag loob ko na lang iyan kung iisipin mo.

hindi ko na nga mabilang kung ilang kapalpakan na ang meron ako sa tuwing may byahe ako. sa tuwing may aberya, gusto ko may susundo na lang sa akin. yung aaluhin ako mula sa pagiyak tapos kakargahin ako mula sa pagkakalugmok ko sa maling desisyon sabay sabi sa akin ng ulitan daw mula sa base. ang solid na nga ng bonding namin ni lord kasi ang dami na naming sikreto na pinagsasaluhan sa isat-isa. ubos ang daliri ko sa dalas ng beses na gustong tumulo ng luha ko pero hindi pwede kasi wala akong dalang tissue. hindi ko nga magawang masabi kahit kanino kasi masyadong nakakahiya. mawawalan kayo ng paggalang sa akin kapag nalaman niyo, kaya maigi yung ganito na wala kayong alam.

balak ko nga pala magbackpacking trip sa susunod na buwan sa vietnam, cambodia at thailand. wag kayong magalala, kasama ko yung kaibigan ko nung kolehiyala pa ako. siguro sa susunod na alis ko papuntang ibang bansa, hindi na ako magsasama ng kahit sino. gusto kasi akong masolo nung pekeng intsik.




yung naubusan ka ng supply ng panty sa tukador

gusto kong sabihin na ang bawat araw na dumadaan sa buhay ko ay normal at ordinaryo pero hindi pwede kasi bawat mulat ng mata ko sa panibagong petsa ay hudyat sa iba na namang karanasan.

eksena yun sa bus tapos punuan–wala ng bakanteng upuan. lagi namang ganun kapag rush hour tipong yung mga tao nagmamadaling umuwi na mula sa nakakapagod at paulit ulit na trabaho nila pero ako naman kabaliktaran kasi papasok pa lang ako sa opisina. maswerte ako kasi naipagkasya ko pa yung pwet ko sa ipinagdamot na upuan ng katabi ko. nagbabaan na yung ilan sa mga pasahero, nakapandukot na mula sa bulsa ng iba yung mga mandarambong tapos may mga lumipat ng pwesto dahil gusto nila madinig yung ipinapalabas na show ni willie revillame para lang may dahilan silang ikwento yun sa mga kaopisina nila para kutyain at hamakin kung gaano kawalang buhay si shalani soledad. meron ng mga bakanteng upuan na kagaya ng sa akin, mga tirang ipinagdaramot ng mga akala mo dalawa ang presyo ng ticket na ibinayad. sa palagay ko hindi kakasya ang kahit ano mang pisnge ng pwet mo. kung halimbawang maselan ka, malamang bababa ka na lang sa bus na ipinilit kang ipagkasiksikan ng kundoktor dahil sabi niya may mauupuan pa sa dulo–animan.

lahat naging aburido na kasi nga yamot na sila, gutom pa, ang lamya ni shalani at ang tagal maghintay ng bus ng pasahero. kaway ng kaway yung kundoktor para tumawag ng pasaherong wala naman sa waiting shed at di interesadong sumakay. hanggang sa may sumakay na lalakeng mataba.

sabi nung kundoktor umupo daw siya
sabi nung lalakeng mataba hindi na ayos lang daw
ser umupo ka na kasi
hindi na lang ho
pwes kung ayaw mo umupo bumaba ka na lang!
hindi ho ako bababa dahil magbabayad ho ako
kapag nakita ng mga tao na may nakatayo sa bus ko, iisipin nilang wala ng upuan.
alam ko hong hindi ako kakasya sa upuan ng bus niyo kaya nga ho hindi na lang ho ako umupo at ipinapaubaya ko na lang iyang mga bakanteng upuan doon sa mga babae at matatandang pwede hong makaupo

pak, sabog!

kunwari nanonood pa rin kami ng palabas sa tv pero ang totoo palihim na natuon yung atensyon namin doon sa argumento ng dalawang nagtatalo. gusto kong pumalakpak at humiyaw sa paghanga para sa lalakeng mataba. magalang siyang nagsalita pero alam mo na matapang ang tonong ginamit niya. seryosohan? gusto kong tapikin yung balikat nung lalakeng mataba para sabihin na nasa kanya ang amor ko sa ipinaglalaban niya. kaya lang sa reyalidad, napayuko lang ako kasi baka mamaya magsapakan sila tapos talsikan ako ng sumisirit na dugo. mahirap maglaba ng mantsa ng dugo sa puting damit.

may punto yung lalakeng mataba. respetuhan lang. alam na nga niya sa sarili niya na mataba siya at walang magiging personal na kapakinabangan para sa kahit kanino ang ipagdutdutan o ipangalandakan iyon sa lahat. sa katunayan, walang karapatan ang kahit na sino na gawin iyon. ang hirap kasi sa atin ang hilig natin mamintas ng tao pero hindi naman natin naisip kung ikalalaki ba ng bayag o ikatataas ng ihi natin yun. walang bearing. ilang pagkakataon na ba ang dumating sa buhay mo na hindi naging kabawasan sa pagkatao mo ang kapintasan mo?




« Previous Entries   Next Entries »