pasabog ng 2012


hi! i’m xienahgirl of chiksilog.com

dating gawi tayo, ha? comment lang kayo tapos ibibigay ko yung password via email para mapanood niyo itong video. maiksi lang naman. ni hindi nga aabot sa lalamunan para masabi na nabusog kayo. paano ba naman? hindi ko talaga alam yung gagawin ko. hanggang dunung dunungan lang pala ako.

kung sakali na meron kayong gusto na ipagawa sa akin para sa susunod na video, (pwera lang yung mga may kinalaman sa kabastusan, kalibugan at kababuyan) maaring paki sabi lang sa post na ito at libreng libre kong gagawin yun para sa inyo.

pakipagpasensyahan niyo na yung mababang kalidad ng video na ito gawa ng ginamit ko lang yung web camera ng pipitsuging laptop ko. saka wag na kayo masyado umasa kasi magiging malungkot lang kayo oras na malaman niyo na natural lang pala yung itsura ko.

oh siya na, happy new year!




that’s xienahgirl

tumutupad lang ako sa pangatlong blog challenge na nagsasabing maglabas ako ng picture ko kapag nanalo ako sa PBA. sabi ko sa sarili ko, bakit picture lang kung pwede namang video?

dahil sa hindi naman lahat ng tao interesadong mapanood ang video na ito at sa ipinanganak akong madugas na negosyante, naisip ko na para makuha ninyo ang password ay kakailanganin niyo munang pindutin ang like button sa CHKSLG FACEBOOK PAGE at magiwan ng comment na nagsasabing humihingi kayo ng password. duh.


uulitin ko lang na naubusan ako ng pagkain sa PBA kaya wala talaga ako sa tamang sarili ko. hindi ako handa at oo na nga, wala akong presence of mind.

ang dami kong sinabi.

kailangan ko lang ulit pasalamatan ang mga taong tumulong sa akin para gawing posible ang pangarap ko para sa datkom.

danibab, xyla, zyra mae, andoyman, senseirob, ced, jed, oliver, yhel, kox, yeye, micamyx, ada, vinsent valentine, abad, sherica, ayan, plaridel, chiara, lordart, neil, lunes, kaitee, ynah, ayiene, rocel, famous power, jepoy, mejoom, maldito, ninong, lian, lioloco, vanvan, mariano, WP, badoodles, anne

sa mga hindi bumoto sa akin, gusto ko lang sabihin na matalas ang memorya ko pagdating sa mga taong tumulong at hindi tumulong sa akin. libreng libre niyo na ako burahin sa facebook friends list niyo. seryoso, gawan niyo ang mga sarili ninyo ng pabor at tanggalin niyo na rin ako pati sa mga buhay niyo.




hindi ko alam kung ano nakain ko

baka naman nabudol budol ako kasi bigla na lang ako napapayag na gawin ito para sa pangalawa kong blog challenge.

ang hirap pala gumawa ng video blog dahil sa tuwing magsasalita ako, kung hindi tatahol yung aso o sisigaw yung kapitbahay–may bigla namang dadaan na tricycle. gustong gusto ko na sila pagbabarilin lahat pero saka na lang kapag may baril na ako. yung totoo, hindi ko mabilang kung ilang beses ako nagpaulitulit dahil sa nabubulol ako sa sarili kong dila. mabuti sana kung dila ng iba diba? kaso hindi. isa pa, nahirapan ako magisip ng mga dapat at hindi ko dapat sabihin kaya pagpasensyahan niyo na muna. kapatapatawad naman dahil nga unang beses ko ginawa ito. hamo, sa susunod hindi na mauulit.




« Previous Entries