XXIV postfriendship

nagsisisi ako na pinagtagpo tayo ng tadhana para makilala kita at ituring bilang isa sa mga pinakatunay kong kaibigan.

ang sobrang lakas lang ng sense of humor ni god para isipin niya na magiging magkasundo tayo. sa klase ng buhay na meron ka? lahat susuko maging kaibigan mo.

you and your fucked up life.

may nalalaman ka pang pacool? ulol.

ang plastic lang, please.




XXIII separation anxiety

ngayon itinakda ang araw kung saan nagsimula ang katapusan. bumagsak ang balikat ko ng malaman ko na babalasahin kami sa gerbis. ibig sabihin? bagong amo, bagong kagerbis, bagong buhay.

nakakalungkot pero kailangan kong yakapin ang katotohanan na sa buhay, walang permanente.

iniisip ko pa lang na magkakahiwalay na kami, hindi na ako makahinga.




XXI gudlak

hindi ko alam kung magiging masaya o malungkot ako nung nalaman ko na yung mga tarantadong kaklase ko nung kolehiyo (sila yung tipo ng estudyante na hindi na nga pumapasok sa klase, ibinabagsak pa ang theory at skills) ay ganap ng mga rehistradong nars sa mga kilalang ospital dito sa pilipinas gayun din sa ibang bansa.

kung alam lang ng mga pasyente nila, ayaw ko ipagkatiwala ang buhay ko sa mga tinutukoy kong ‘nars’ na iyon dahil sila ang dahilan kung bakit mababa ang kalidad ng nursing sa bansa.




« Previous Entries   Next Entries »