15 Comments »
ito na–ang pinakapapansin na komento sa kasaysayan ng datkom at sa sobrang agaw atensiyon nitong blogistang ito, naisipan ko na ibigay sa kanya ang hinihiling niya.
sabi nga, baliw na matatawag ang taong papatol sa baliw. pwes, nakahanap siya ng katapat niya.
una sa lahat, mayabang talaga ako at matagal ko ng alam na magaling ako sumulat pero hindi ko lang masyadong pinapahalata. yung talento ko? wala sa kalingkingan ng talento na meron ka. kung ikukumpara lang din sa iyo? hindi naman sa pagaano pero nainsulto ako.
pangalawa, hindi ako nagpapanggap sa blog na ito. lahat ng makikita ng mata mo dito ay kapiraso ng pagkatao ko. banal ang bawat titik. sagrado ang bawat kwento. hindi ko kailangan patunayan sa kahit kanino, lalo na sa iyo, kung nagsasabi ako ng totoo. hindi naman ako nandito para paniwalain kayo sa mga kasinungalingan. nagsusulat ako para maglathala, maglabas ng sama ng loob, matuto mula sa pagkakamali, insultuhin ang mga bobong katulad mo, bumuo ng alaala at kausapin ang sarili ko. para sa akin, hindi para sa kahit kanino.
pangatlo, im consistently inconsistent. sana marunong ka makaintindi ng ingles kasi hindi ko alam kung paano pagkakasyahin iyang napakalaking ideya na yan sa kokote mo. ito yung isa sa mga bagay kung bakit ako tinanggap ng tao dahil sa lagi akong merong hindi ko alam.
pangapat, diyos ka kaya huhusgahan mo ako? pwes ako xienahgirl, wala rin akong pakealam pero pasisikatin kita.
28 Comments »
happy birthday to me.
lagi kong sinasabi na limot ko na yata kung paano dapat sinisimulan ang mga ganitong klase ng blog entries pero bahala na, susubukan ko pa rin kahit na wala naman talagang katuturan yung mga pinagsususulat ko. basta masabi lang na may first paragraph, pwede na yun.
hindi ko na patatagalin ito dahil matanda na ako at alam ko hindi na uso ang bolahan sa parteng ito ng blogosphere. bago ang lahat, gusto ko muna magpasalamat sa lahat ng mga nagabalang magpasa ng litrato para sa chiksilog blog contest. seryoso, tatanawin ko yang tanda ng pagkakaibigan natin. napakalaking utang na loob nito kung tutuusin at hindi ko alam kung paano ito matutumbasan kaya pagdamutan niyo na itong shirt na ibibigay ko sa inyo.
oo, ibibigay kong shirt sa inyong lahat na sumali at nagpasa sa kontes. tama ang basa mo, lahat ng nagpasa ng entries para sa chiksilog blog contest ay makakatanggap ng shirt. sa totoo lang ang dami nila at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng panustos sa kagagahan kong ito pero ayos lang, minsan lang naman ako magbertdey at sa palagay ko huling beses ko na gagawin ito. traumatic. daig ko pa yung mga politiko sa paspasang product placement ads ng pangangampanya kung makagastos ako. kala mo kung sino akong rich bitch kung makaarte, diba?
maraming mga pasaway ang hindi sumunod sa rules, pero sige–palulusutin ko. maraming mga nagpasa mula sa ibang bansa, pero sige–pagbibigyan ko. isa pa, ang hirap pumili ng pinakamagandang photo entry. bakit ko kailangan pahirapan ang sarili ko kung pwede ko naman pagbigyan lahat? madudurog ang puso ko kapag nabalitaan ko na may malulungkot dahil hindi siya nanalo kaya mas minabuti ko na lang na panalunin lahat.
sa mga sumali at nagpasa, pakiantay niyo na lang yung email na ipapadala ko sa inyo na naglalaman ng detalye sa kung paano ninyo makukuha yung premyo.
gusto ko lang naman, masaya tayong lahat.
ayaw ko maging ipokrito, aaminin ko–nagtatampo ako sa ilan sa mga taong nagsabi na sasali sila pero pinaasa lang ako. friendship over mothafuckers.