alam mo kung ano yung masakit?

yung nagaksaya ka ng pera at pagod sa pagdayo sa napakalayong lugar para lang ialay yung virginity mo sa lalakeng hindi mo naman sigurado kung mahal ka nga tapos kinabukasan, magigising ka ng tunog ng telepono niya–iaabot mo sa kanya yung telepono niya para lang maisampal sa iyo yung katotohanan na tumatawag na sa kanya yung totoong syota niya.

true story.




magkaroon lang ng update

matagal ko ring hinintay yung tamang pagkakataon kung kailan ako maglalabas ulit ng blog entry. hindi naman dahil sa abala ako sa mga pinagdadaanan ko sa buhay dahil kung tutuusin, lahat naman tayo may pinaglalabang mga problema–depende nga lang yun kung blogger ka at kung gaano ka kasipag isulat iyon para maging published post.

isa pa, ayaw ko lang din naman bumalik sa pagsusulat kung mabigat lang din yung loob ko kasi alam ko sa sarili ko na hindi lang magiging maganda yung mga sasabihin ko. mabuti na itong medyo nakapahinga ako ng konti para makapagmunimuni naman ako soa buhay.

bilang masyado kang cool para simplehang pindutin yung like button sa facebook page ko, hayaan mong balitaan na lang kita ng mga kaganapan sa buhay kong ito–yun ay kung interesado ka lang naman.

-nagaalinlangan ako kung kailangan ko pa manatili sa kasalukuyan kong trabaho. minsan kasi parang nagbubulagbulugan na lang ako na ayos lang lahat dito opisina. pakiramdam ko, bukod sa pagkakaibigan na meron ako sa opisina, yung dahilan na lang para hindi ko iwan yung ginagawa ko ay yung rason na tinatamad ako maghanap ng bagong trabaho. alam mo yun? ayoko yung babalik ulit sa simula. kung tutuusin, hindi ka nga sa babalik sa simula, kundi babalik ka sa wala. nganga. tumaas nga pala yung posisyon ko, promoted na ako. yun lang, hindi kasabay ng pagiiba ng titulo ko yung sweldo ko. ayun, ganun pa rin. yung binabayad sa akin kulang doon sa bigat at dami ng trabaho na pinapagawa. hindi kasi ako yung tao na mahilig magkawang-gawa na tipong ayos lang sa akin na kaligayahan lang yung napapala ko. aba, may pangangailangan din ako saka yung pamilya ko. may bituka kami na kailangan palamunin. ewan ko. hindi naman ako ingrata. oo, mabuti nga ako may trabaho samantalang yung iba wala. salamat. marunong naman ako magpasalamat dahil may trabaho ako pero kaya lang, napakarami kong ginagawa na alam kong hindi na ako magiging masaya kapag pinilit ko pa.

-nakulong nga pala yung tatay ko. mana mana na lang siguro yan. paano, yung huling nabalitaan ko dinemanda daw siya ng estafa. alam ko na ngayon kung kanino nagmana yung ate ko. ito yung mga pagkakataon na gusto ko na talagang sumuko dahil parang tinodo na ng diyos lahat ng pwedeng pagsubok na ibigay. all in. all out. hindi ko napaghandaan na akuin yung responsibilidad ng pagiging padre de pamilya. hindi ko alam kung paano ko kakayanin. wala akong mapaghingahan ng problema ko dahil masyadong mabaho.

-ganun pala yung pakiramdam na makatikim ng luto ng diyos. pwede na akong mamatay.

-kung hindi mo pa alam, dalawa ang blog ko. matagal na at huli ka na sa balita. yung http://anti.chiksilog.com ay isang feature blog kung saan sinusubukan ng lahat ng makakaya ng sarili ko na maglahad sa wikang ingles dahil na rin sa kagustuhan kong maintindihan ako ng pekeng intsik gawa ng hindi na nga epektibo yung manikluhod ako sa harapan niya para mamalimos ng pagmamahal. dadaanin ko na lang sa kung saan ako tunay na magaling at iyon ay ang kunin ang kalooban niya sa pamamagitan ng pagsusulat ng tungkol sa buhay ko–sa kung gaano katindi ang dating awesomeness ko.

-katulad ng naipangako ko, mamimigay talaga ako ng CHKSLG SHIRT oras na maging 500 yung likes ng facebook page ko. gustong gusto ko na talaga ulit mamigay. hindi ko na nga alam kung ilan pang blogista ang kailangan kong plastikin at bolabolahin ang ulo para matapos yung natitirang 97 likes. oo nga pala, total medyo galante naman ako at alam kong karamihan sa inyo ay mga astang pasosyal kuno, hayaan ninyo na samahan ko ang CHKSLG shirt ng 5 pirasong 100php worth gift certificate galing Starbucks. depende sa pangangailangan. kung gusto nung nanalo na halagang 1000php galing sa SM department store yan o puregold, walang problema dahil gagawan natin ng paraan. kahit pa sa avon yan o sundance, keri lang.

mahaba at madami pa ang kwento ko. abangan niyo yung iba kasi aminin na natin, wala ng ibang nagsusulat ng ganito sa blogosphere kundi ako lang. ang mature ko diba? thanks.




masarap talaga makinig sa usapan ng iba

malamang magbabago yung pagkakakilala ninyo sa akin matapos niyong mabasa itong tugon ko tungkol sa pagkakaroon ko ng STANDARD at pagiging PIHIKAN ko sa lalake.

malaking bagay sa akin yung sinasamahan akong umiyak. gusto ko lang magpasalamat sa kanya para sa bawat payo na ibinibigay niya sa akin at para sa lahat ng madaling araw na inilalaan niya para mapanatili ang katinuan ko.




« Previous Entries