Jan
1st

ang dahilan kung bakit may trabaho ako hanggang ngayon

naglaro kami ng pinoy henyo: gerbis edition at christmas party ang salitang pinahuhulaan ko sa aking amo

xienahgirl: tao ba ito?
boss: hindi
bagay?
hindi
hayop?
hindi
lugar?
hindi
pangyayari?
oo
nangyayari ba ito araw araw?
hindi
weekly?
hindi
monthly?
hindi
minsan lang ito mangyari?
oo
nangyaayri ba ito sa bahay?
hindi
sa office?
oo
minsan lang nangyayari sa office?
oo
english?
oo
ginagawa ng empleyado?
oo
resignation?
sisiguraduhin kong magreresign ka kapag hindi mo nahulaan yan!
christmas party?
Oo! Oo! Oo! you really love your job, ano?

i love my job. i love my job. i love my job. rinse and repeat.

Oct
8th

VI birheng alay

gerbismate1: ayaw ni kuya maginom tayo sa bahay namin para sa birthday ko!
gerbismate2: bakit ayaw niya?
gerbismate1: nagtanong kasi siya kung may maganda daw ba akong katrabaho.
gerbismate2: anong sinagot mo?
gerbismate1: sinabi ko lahat kayo may asawa na!
gerbismate2: ilang taon na ba yung kuya mo?
gerbismate1: 26 years old.
gerbismate2: ano ka ba? ayan oh! si shella anna.

end.

kung makapagusap itong mga hinayupak na kaopisina kong ito akala ata nila bingi ako o kaya naman wala ako sa tabi nila. seryoso, medyo natatakot ako sa pwede nilang gawin para lang masolusyunan ang uhaw nila sa alak at bidyoke. kapag may nabalitaan kayo na babaeng kinatay at nawalan ng mga laman loob, malamang katawan ko iyon na inialay ng mga kagerbismate ko kapalit ang dalawang mucho ng redhorse at orange na nagaraya.

dead end.