Jan
20th

pacific hub

pangkaraniwang araw na sa akin yung pumapasok ako sa trabaho ng hindi nakakapagayos. tipong gigising ako, magbibihis, magsisipilyo tapos sabay sibat na parang adik na nakahithit ng sinunog na alpombra. noon ko pa problema ang palaging kinakapos sa oras at wala akong balak gawan iyan ng paraan. sa palagay ko kasi mas epektibo akong tao kung palagi akong nagagahol sa oras na para bang mas nailalabas ko pa yung husay at talento ko sa pakikipagsapalaran ko sa buhay.

nagmamadali akong naglakad mula sa MRT papuntang trabaho habang inaayos ko yung buhok kong nagkabuholbuhol dahil nga sa wala na akong oras na makapagsuklay ng biglang may isang lalake na umistorbo sa ginagawa kong multitasking abilities.

lalake: miss anong oras na?
xienahgirl: quarter to 9.
lalake: ano? 8?
xienahgirl: quarter to 9.
bingi lang? hindi ata relo kailangan niya kundi palito na may naka balot na bulak sa dulo para panghinuli. gusto ko rin sanang sabihin na oras na para bumili siya ng relo pero wag na lang dahil wala akong panahon makipagdebate habang kumakandirit ng lakad sa bangketa ng ortigas.

lalake: ang hirap pumasok sa trabaho ng ganitong oras ano?
xienahgirl: sanayan lang
lalake: diyan ka ba sa kanto nagtratrabaho? ako kasi sa kabilang kanto
xienahgirl: ah oo
pagkatapos, dinedma ko na yung lalake. akala ko nga wala na siya at naghiwalay na kami para bumalik sa mga kanya kanya naming buhay pero huwag ka, ang kulit niya at talagang gusto pa makipagusap sa akin.

lalake: ako nga pala si (insert name here) taga (insert company name here)
xienahgirl: shella, gerbis
lalake: balita ko mahirap yung trabaho dun pero maganda kasi madaming incentives
xienahgirl: ahkei
hindi ako nakikipagusap sa mga taong hindi ko kilala at lalo na sa mga hindi mukhang tao. akala mo kung sinong gwapo umasta. nasobrahan ata sa pambobola ng mga magulang niya ito kaya akala niya talagang magandang lalake siya. ano ba bigas na kinakain nito at nagkaron siya ng lakas ng loob para magpakilala sa akin? dapat ipagbawal na sa pilipinas yan. hindi naman sa nanlalait ako pero mas malala pa kasi yung gusto kong gawin–gusto ko pa sana yurakan ang pagkatao niya pero parang ayaw ko na lang sabihin na ang liit niya at mukha siyang tanga–hindi siya bagay sa kahit sinong nilikha ng diyos dahil ang pangit niya.

lalake: pwede ko ba makuha ang cellphone number mo?
xienahgirl: HINDI KO DALA AT HINDI KO KABISADO
lalake: pansin ko nga wala kang bag
xienahgirl: mahirap na sa panahon ngayon dahil napakadelikado
akala ko kapag sinabi ko yung mga piling impormasyon ko, titigilan na ako pero, de puta naman! dumodonromantiko si gago. hindi niya ba alam yung salitang swabe? ang bulok talaga ng style niya na parang gusto ko lang manuntok ng panga ng lalakeng may hawak ng selpon nung mga panahon na iyon. malas lang kasi siya pala yung tinutukoy ko. hindi ako nagsisinungaling sa parteng ito ng usapan namin: hindi ko dala ang selpon ko at hindi ko kabisado ang selpon number ko. ewan ko. parang naisip ko na lang na iwan yung selpon ko sa bahay dahil ginagamit ko lang naman ang selpon ko para gawing alarm clock. isa pa, wala namang premyo kung makabisado ko yung numero ng sim card ko. iyan lang ang mahirap kapag wala kang bag na dala dahil wala na silang ibang makukuha mula sa iyo kundi ang puri mo. asa naman sila na makukuha nila yun agad?

lalake: sige dito na ako shella, nice meeting you.
xienahgirl: …
first name basis? kunwari feeling close. ayaw ko maging bastos pero hinihiling ng pagkakataon kaya ako ganito. wala akong interes sa mga usapan na tulad nito. wala akong balak na magkaron ng emosyon sa mga eksenang tulad na ito. nahalata siguro nung lalake na iniisip kong masama siyang loob kaya nilubayan na ako.

naisip ko, may selpon siya. bakit hindi siya tumingin ng oras dun?

ano ba? 2010 na. nasa bagong dekada na tayo yan pa rin ang mga linya? ang luma. uso pa pala yung mga ganitong klase ng punchline. sanay na ako sa mga ganitong pangyayari. maniwala kayo, ang dami ko ng beses na nakaranas ng mga ganitong klase ng bagay. partida, wala pa akong make-up niyan. pupungas pungas pa ako. hindi ako nakakuntodo postura pero ang lakas pa rin ng dating ko.

proof that im mothafucken gorgeous.

natuto na ako: aalis ako ng maaga sa bahay para hindi ko siya makita at makakasabay sa paglalakad papuntang trabaho.

Jan
11th

dahil mahilig ako sa siomai

siguro naman nakasakay ka na sa MRT? nadadaan ka dun sa may ortigas station sa southbound? pagkababa ko sa tren bigla akong nakaramdam ng gutom at dahil merong isang stall doon na nagtitinda ng siomai at maaga pa naman ako para sa pasok ko kinabukasan sa gerbis naisipan kong bumili muna ng mangangata.

walang tao sa stall, ako lang at yung tindera. tumingala ako para tignan kung ano yung mga klase ng siomai na meron sila at napansin ko ang isang malaking japanese siomai sa karatula. isipin mo, saan ka nakakita ng japanese siomai sa pilipinas? japanese siomai sa ortigas. noon lang ako nakakita ng ganun kaya sabi ko sa sarili ko hindi ko papalampasin ang pagkakataon na tikman ang siomai haponeso.

nagaritmetik na agad ako ng babayaran ko, pakitang gilas ba. nilabas ko na yung pera na gagastusin ko sa ate siomai tindera para cool effect. ganun sa mga pelikula na may eksena sa restawran diba? iniiwan lang yung bayad sa mesa. gusto ko iiwan ko rin yung bayad ko sa takip ng lalagyan ng gulaman pandan.

tinanong ako ni ate siomai tindera kung gusto ko daw ba palagyan ng chili yung siomai ko, aba sabi ko hindi ko tatanggihan yan lalo na kung libre. iyon na ang hudyat, ready get set go na para kumain. ginawa ang siomai para muli akong makaramdam ng pagmamahal. bumilis ang tibok ng puso ko na para bang pinagtagpo talaga kami ng tadhana sa mga segundo na iyon. pangalan pa lang parang punong puno ng halimuyak ng rosas yung pagkain na yun at hindi nga ako nabigo. nilagyan ko agad ng toyo ang mga mumunting siomai haponeso. hindi ko na nga pinigaan ng kalamansi, ganun ako kasabik ngumuya para sipsipin ang linamnam mula sa laman ng pagkaing ito. bawat subo at kagat ay para bang nakakarinig ako ng mga anghel na nagsisiawitan ng papuri para kay hesus.

eksaherado pero totoo, masarap talaga–sobrang sarap. hindi sapat ang salitang sarap para ilarawan ang lasa. malinamnam, sa sobrang linamnam nakalimutan ko ang pangalan ko. nakailang inom na ako sa gulaman pandan pero wala pa rin ako sa wisyo. wala ako sa sarili ko–hindi ko napansin na naglalakad na ako palayo hanggang sa ginising ako ng isang boses mula sa isang magandang panaginip.

miss, yung bayad niyo po?

ayun naman pala, hindi lang pangalan ko yung nakalimutan ko kundi pati na rin yung bayad ko. may nalaman pa akong prepare prepare ng bayad at aritmetik aritmetik tapos makakalimutan ko din naman pala? anak ng siomai. nakakahiya pero babalikbalikan ko si ate siomai para patunayan sa kanya na magbabayad ako sa mga susunod na pagkakataon na kakain ako. wag nga siyang umasta, baka bilhin ko pa yung buong stall niya para lang sesantihin ko siya.

naisip ko, hindi talaga dapat xG ang pangalan ko, dapat talaga pG–patay gutom.

Jan
2nd

chamber of secrets

the clutter that is my room

ngayon lang sa buong dalawang taon ko ng pagkakaroon ng sariling kwarto naging magulo ang mga gamit ko. hindi talaga ako makalat at sa katunayan, lahat ng makita kong basura, tinatapon ko kaagad. kaya kapag nakita ko yung mga gadgets ng kapatid kong nakakalat, sinisigurado ko sa iyo sa basurahan niya yan mapupulot.

gustong gusto kong pinapanood sa tv yung palabas na pinapakita nila yung mga bahay ng mga sikat na tao. kapag nagpapasok ka kasi sa kwarto mo, parang ipinapakilala mo na rin sa kanila kung sino kang talaga. binubuksan mo yung posibilidad na maintindihan ka nila. para sa akin, ang kwarto ko, bukod sa banyo, ang isa sa mga lugar sa bahay kung saan nakakulong ang aking mga pangarap, kalibugan at sikreto at dahil medyo matagal akong nawala sa blogosphere, hayaan niyo na magpakilala akong muli sa inyo sa pamamagitan ng pagpapakita sa inyo ng mga lihim ko.

1) single sized bed na may kubrekama na felix the cat- para sa single na tulad ko
2) dugyot hotdog pillows- hindi ko alam kung bakit ayaw ko ipalaba itong mga unan ko na ito.
3) dugyot square pillows- hugis kwadrado
4) malong- hindi ako nakakatulog hanggat hindi ako nakakapagkumot. wala akong pakealam kahit brownout o summer, basta ako? magkukumot pa rin ako.
5) peksman mamatay ka man nagsisinungaling ako- mas gusto ko si eros atalia kaysa kay bob ong
6) cherry p1 mobile phone- si pharell, pangalawang selpon ko na ito sa ganitong klaseng model. nalaglag sa tricycle yung una at walang nagbalik dahil sa akala nilang lahat ay isa lang itong calculator
7) laptop tray- mas mababang desk, mas maganda
8) msi wind netbook- Zeff ang ipinangalan ko sa laptop ko, may reklamo? ito ang isa sa mga pinakamahal na naipundar ko simula ng nagtrabaho ako sa gerbis. alam niya lahat ng katarantaduhan ko–na wala akong porn. Zeff ang pangalan ng laptop ko kasi naisip ko msi wind. wind. zephyr. zeff. cool.
9) charger/power outlet- pangcharge, pangpower kay Zeff
10)toeberries flipflop- akala ko 89php ito, akalain mong pagpunta ko sa cashier 45 pesos lang? ito ang nagsalba sa akin nung mga panahon masakit na ang paa ko sa paghihitay dahil sa pagsuot ko ng highheeled shoes
11)lampshade- 180pesos pero nabili ko ng 150pesos, napamura ako diba? pagdungaw ko sa kabilang tindahan, 130pesos ang presyo. napaputangina talaga ako.
12)durabox- ang dahilan kung bakit lukot ang mga damit ko dahil hindi sila nakatiklop ng maayos.
13)tv- na channel 9 lang ang meron
14)lens cap- na akala kong nawawala
15)payong- na hindi ko ginagamit kapag umuulan dahil baka mabasa
16)microphone- na hindi ko alam kung bakit ako merong ganito sa kwarto ko
17)plastic bag- na may laman na madami pang plastic
18)electronic piano- na kahit kailan hindi ko natutunan gamitin
19)havaianas- napanalunan ko sa isang surfing event ng mga bloggers
20)king air- electric fan
21)laundry basket- dito nakalagay yung mga damit na sinuot ko ng 3 araw
22)id strap- nakuha ko sa iblog summit event
23)wallet- lalagyan ng limpak limpak kong salapi
24)kikay kit- deadly secet weapon
25)pabango- mas deadly secret weapon
26)virgilio- stuffed monkey na pagaari ng kapatid ko na hindi ko alam kung bakit nasa akin
27)thou- canon 1000d camera na binili ko nung december 31. pinakamahal na naipundar ko sa taong nakalipas.
28)plastic bag- na naman
29)basket- dito nakalagay yung mga importanteng papeles ko tulad ng resignation letter at resibo mula ministop
30)paperbag- dito nakalagay ang ilan sa mga nakuha kong freeebies mula sa mga blog events
31)bag- maraming marami pang bag
32)lunch box- na hindi ko pa nagagamit at mas gusto ko na lang display dahil sa sobrang ganda
33)sneakers- 130pesos ko nabili sa 168mall dahil may damage
34)fuschiang kurtina- dahil wala ng kaming iba pang kurtina
35)bintana- na inakyat ko ng minsang naiwan ko ang susi ng bahay

Oct
29th

XXVI balasa

Comments Off

napansin ko na lahat ng katrabaho ko sa department–mapababae, lalake, bakla, tomboy at guniguni ay masaya na merong karelasyon.

moral of the story: napagisipan ko na magpapalit ng lang ako ng department.

Oct
25th

XXIII separation anxiety

Comments Off

ngayon itinakda ang araw kung saan nagsimula ang katapusan. bumagsak ang balikat ko ng malaman ko na babalasahin kami sa gerbis. ibig sabihin? bagong amo, bagong kagerbis, bagong buhay.

nakakalungkot pero kailangan kong yakapin ang katotohanan na sa buhay, walang permanente.

iniisip ko pa lang na magkakahiwalay na kami, hindi na ako makahinga.