binuksan ni Ms. HR ang huddle room 3 at pumasok ang 5 aplikante. malamig ang kwarto, pero ilang sandali pag katapos nilang maupo ay naginit na ang paligid dahil sa mga tanong ni Ms. HR.
Ms. HR: is that all miss XienahGirl?
XienahGirl: yes, ma’ am.
Ms. HR: mr interviewee number 5?
interviewee number 5: yes, ma’ am?
Ms. HR: in a brief manner, tell me something about yourself.
interviewee number 5: i am interviewee number 5. i was a former band member but i decided not to pursue with it. since then, i managed our family business but i am not that happy. i was about to marry my fiance but my father wont let me, so i broke up with her. i hate my life. now, i am looking for someone to support me. maybe someone out there.
Ms. HR: if i understand it correctly, your father disapproved of your relationship with your fiance?
interviewee number 5: yes.
XienahGirl at Ms. HR: BWAHAHAHAAHAHAHAHA
i hate his life too, sabi ng utak ko.
hindi ko alam ang kultura ng mga job interview. hilaw pa ako pagdating sa mga ganitong klase ng pangyayari sa buhay ng tao. inaamin ko, hindi pa ganap ang karanasan ko pagdating sa paghahanap ng trabaho. wala nga akong balak magtrabaho, ang gusto ko lang magkaanak ng walang asawa o di kaya naman ay ang magkaroon ng isang album na naglalaman ng mga tinagalog na version ng kanta ni alyssa alano. hindi ko alam kung ako ba ang may problema o sadyang kahit saang anggulo ko tignan ang eksena ni interviewee number 5, meron talaga akong nakikitang mali? alam ko masama akong tao pero hindi naman sa panghahamak, dapat hindi na sinabi ni interviewee number 5 na kinasusuklaman niya ang buhay niya. siguro akala ni interviewee number 5 nasa isang segment kami ng noontime show na kapag naawa ang mga manonood, magbibigay simpatya sila sa pamamagitan ng pagaabot ng dolyares. sa kaso ni interviewee number 5, makukuha niya ang trabaho kung saan ako ang kakumpetensiya niya imbes na limpak limpak na salapi kalakip ng ibat ibang klase ng herbal drugs na walang therapeutic effect. mabuti na lang at hindi talent show o beauty contest ang interview para sa nasabing trabaho. malamang sa malamang, ako na ang magiging bagong takdang presidente ng kumpanya nila ng di oras. kung ganito lang sana kadali kumita ng pera, ikinuwento ko na sana pati yung riot sa kalsada namin tuwing gabi at sa kung paano ako hindi makatulog dahil doon.
napansin ako ni Ms. HR na patagong ngumingisi. ako naman, sinagot siya ng tingin dahil nakita ko siyang humahagikgik. sa palagay ko pareho kami ng nasa isip ni Ms. HR–iwasan ang magkwento ng walang kalatuylatuy na bagay na hindi mapapakinabangan ng sanlibutan. kung meron man akong bagay na ipinagmamalaking natutunan, iyon ay ang sagutin kung ano lang ang itinatanong sa iyo at hindi yung nilalagyan mo pa ng mga paligoy ligoy, mabulaklak na salita at palabok. tama ba ako?
interviewee number 5, meron nga pala akong magandang balita para sa iyo: kasama na ako sa lupon ng mga manggagawa. pasensiya ka na lang kung mas maganda ang kwentong buhay ko kesa sa iyo. subukan mo kaya isulat yan sa blog? hula ko patok sa comments yan. baka mapasama ka pa sa top10 emo blogs. heto ang blade, maggilit ka na ng leeg. bago mo gawin yan, gusto ko magpasalamat na rin siguro dahil kung hindi sa iyo–siguro hanggang ngayon, nagbibilang pa rin ako ng poste.
alam ko na sikreto mo
33 comments

