Thursday

[offtopic]
bago ang lahat, hayaan ninyo na ibahagi ko sa inyo ang mga ekslusibong kuha mula sa mga piling eksena ng pelikulang IronMan.

ironman picture number one at ironman picture number two

[/offtopic]

habang inaantay ko na mabakante ang computer para makisawsaw sa free internet sa isa sa mga pinakasikat na clothing store, naisipan ko muna magchillax at kumaswal sa isang area. pinanood ko ang dalawang magkaibigan na naglalaro ng baseball sa wii nang bigla na lang silang humirit nito…

pare1: bat ganyan ka tumira? ang bakla.
pare2: pinapraktis ko na nga ang magpatalo sa laro.
bakit mo naman pa kailangan pa pagensayuhan yun?
balak ko kasi makipagpustahan sa kanya tapos magpapatalo ako.
ano ba yung balak mo?
pipiringan ko ang mata niya tapos dadalhin ko either sa tagaytay o antipolo.
pare wag dun, sabi ko sa iyo sa manila bay kayo.
gusto ko dun kami magdinner
sa manila bay na nga lang talaga
alam mo ba na nagaaral ako mag-bake para sa kanya?
oh di nga?
gusto ko siya bigyan ng cake na gawa ko
ganun?
i want the perfect romantic date for her.
sabi ko sa iyo pare dun ka sa manila bay, may sunset.
pagtatawanan niya lang yun.
ano ka ba? baka maiyak pa yun.
gagawin ko talaga lahat pare, the works.
kung gusto mo dun ka sa may makati
ano meron dun?
may chinese restaurant tapos nakaupo kayo sa sahig, 600 lang.
ayaw ko dun
dun ka na lang sa condo, sa roof top. tapos tutulungan kita magset up.
paano kaya kami dun sa roof top? ang daming tao dun.
ayos lang yun pare.
gusto ko kasi medyo outdoor para kakaiba.
ano gusto mo? sa garden gazeebo?
basta pare, gagawin ko ang lahat.
maganda sa may Le Souffle
maganda nga daw yung ambience dun
maghanda ka ng 3thousand
ayos lang yun, makakakuha naman ako ng 10thousand
goodluck, pare. kaya mo yan.

lahat ng tao tsismoso. walang tao na ayaw ng balita. alam ko sasabihin ninyo nakikiepal na naman ako sa usapan ng iba. anong magagawa ko? epal talaga ako. pinanganak akong intrimitida. sa parteng ito, kasalanan na nila. ang lakas ng boses nila habang naguusap. kung gusto nila na silang dalawa lang ang makakarinig, dapat sa library sila nagpunta at dun na lang nagbulungan kasabay ng mga halinghingan na maaaring magbigay sa atin ng ideya para magduda sa kanilang tunay na kasarian.

ang masasabi ko: tunay na lalake si pare2. hindi dahil sa magarbong pagpaplano niya, kung hindi dahil sa hindi siya nahhiyang humingi ng tulong para maipakita kung gaano siya kapursigidong mapasaya ang minamahal niya. akala ko sa mga youth oriented show ko lang nakikita ang mga ganitong eksena kung saan nagpaplano ng ‘the works’ ang mga magbabarkada para kay pare na makuha niya ang katawan loob ni mare, ang totoo–nangyayari pala talaga sa buhay natin ang maging baduy.

marami pa sana ako gusto sabihin sa kanyang mga paraan para mahulog ng tuluyan ang loob ni mare kaya lang medyo nahiya ako. hindi kami close. gusto ko rin nga sana tapikin ang balikat ni pare2 nung mga panahon na yun at bulungan ng goodluck kaya lang nagutom ako bigla kaya kumain muna ako at hindi ko na narinig ang iba pang pinagusapan nila. ano kala niyo sa akin, hardkor tsismosa? anong gusto niyo? sundan ko pa hanggang sa bahay nila para malaman kung ano ang kabuuan niyang plano para kay mare? siyempre may life din naman ako. may sarili din akong lovelife.

mare na taga cainta, kung sino ka man–ang swerte mo. seryoso, maswerte ka kay pare2. sana lahat ng lalake katulad ni pare2, katulad niyang baduy.

kala ko ba may sarili akong lovelife? bakit ko pinapakealaman itong mga ito?

Tuesday

dalawang taong inantay ng sangkablogosperyuhan

salamat kay somemaleblogger
para sa napakainit na sex on the beach

click

Tuesday

can opener

Sunday

kamusta na tayo? oo tama ka, tayo–ikaw at ako. matagal na kitang di nakakausap ng matino. hindi na tayo nakakapagusap ng normal, yung tipong nagbabangayan na parang aso at pusa hanggang sa magkasakitan ng damdamin, magkayurakan ng puri at magkabasagan ng pagkatao. ganun tayo–noon, pero ano na ang nangyari sa atin?

hindi ko alam kung mababasa mo itong sulat ko, pero itutuloy ko pa rin. yung lathala ko nga [noon] na tungkol sa iyo nabasa mo, ito pa kaya? hindi ko nga pala naipaalam sa iyo na datkomista na ako pero sigurado ako na nabalitaan mo na ang tungkol dito. dinadala ka talaga ng tadhana patungo sa akin–patungo sa puso ko.

alam mo ba nung sinabi sa akin na magdadatkomista na ako, ikaw kaagad ang pumasok sa isip ko? gustong gusto mo ako maging datkomista, di mo lang pinapahalata. naisip ko nga baka shy type ka lang–pademure, para itago sa akin ang tungkol sa nadarama mo pero alam ko ipinagmamalaki mo ako. marami sana akong gusto itanong sa iyo–tungkol sa mga bagay sa pagiging datkomista dahil gusto ko kabahagi kita sa kung ano ang mararating ko. kaya lang nahihiya talaga ako kasi alam ko na abala ka sa buhay mo ngayon.

alam mo ba na magdadalawang taon na kitang hinahangaan? magdadalawang taon na kitang kras. nagsisimula pa lang ang karera ko sa paglalathala, hinahangaan na talaga kita. hindi naman sa nabubulagan ako ng dahil sa paghanga ko sa iyo pero nakikita ko talaga na mabuti kang tao. kahit minsan inaangasan at tinatarayan mo ako, alam ko naman na paraan mo lang yun para makuha ang atensiyon ko.

akala ko malandi ako, pero ang totoo mas malandi ka pala. naisip ko, ang kalandian mo ang naging dahilan kung paano ka nangyari sa buhay ko. isa yun sa mga masasayang alaala ng pagiging blogista ko. noon nga, nagtataka yung tatay ko kasi babae yung aso namin pero isinunod ko ang pangalan niya sa iyo. doon nga din sa slum book ng tropa ko, isinusulat ko kaagad ang pangalan mo sa patlang katabi ng katanungan na who is your crush. nakakapanghinayang nga lang. maraming katanungan ang nasasagot ng mas madami pang katanungan na naging dahilan kung bakit mas nagiging kumplikado para sa atin ang mga bagay.

gusto ko nga pala na humingi ng pasensiya dahil sa hindi ko pagimbita sa iyo sa pagdiriwang na gaganapin para sa nalalapit kong kaarawan. pakiramdam ko kasi wala naman akong halaga sa iyo–hindi mo nga alam na hehep hep hurray happy birthday ko na. ayos lang, hindi ko rin naman natatandaan ang petsa kung kelan ang kapanganakan mo. gayunpaman, natutuwa at nagagalak ako at ipinanganak ang isang suplado at wirdo na tulad mo sa buhay ko.

isa pa nga palang dahilan kaya di kita maiimbita ay sa kadahilanang baka matorpe ako sa harapan mo. hindi ako ipinanganak para kausapin ng normal ang mga taong hinahangaan ko. hindi ko alam kung paano kikilos kapag malapit ka sa akin. nagiinit ang pisngi ko at lumalamig ang kamay ko sa tuwing naiisip ko na magkatabi tayo. baka nga titigan lang kita ng matagal pero siyempre ayaw ko na matunaw ka at mawala ka sa buhay ko kaya mas makakabuti na manatili ka na lang sa kinalalagyan mo. sa malayo, kung saan malaya ako na humahanga sa iyo.

hindi ko alam kung napapansin mo ako o nagiinarte ka lang na hindi dahil nga nagkukunwa-kunwarian kang suplado. wala kang karapatan dahil di ka naman gwapo para magsuplado ng ganyan. ayos lang, yun nga yung nagustuhan ko sa iyo. hindi maitatanggi ng mga tao ang nalalaman nila tungkol sa nararamdaman mo para sa akin. balita ko kasi kras mo rin ako. naisip ko tuloy, paano kaya kung boyps kita? kilala mo ako misterE, ambisyosa ako. sa palagay ko nakakatuwa yun. masayang makita na tayo. paano mo kaya ako liligawan? baka nga di na ako magpaligaw dahil ako na lang ang manliligaw sa iyo.

aaminin ko, dati nalito ako sa kung ano ang meron tayo na ako lang ang may alam. kala ko noon lab kita, mabuti na lang pala hindi–talagang kras lang ang nadarama ko para sa iyo. kasi naman yung mga tao sa paligid natin tinutukso tayo, ayan tuloy nilagyan ko ng malisya tayong dalawa. pero mabuti na lang matalinong bata ako. hindi ako basta basta nagpapadala sa buyo ng iba. naniniwala naman ako na mas matalino ka sa akin, pero nagpabuyo ka rin. tsk. tsk. tsk.

ikaw talaga misterE–akalain mong mas sikat ka pa kaysa sa akin? isa kang malaking misteryo na mismong buong sangkablogosperyuhan gustong mabunyag. ang daming mga tsismosong kapitbahay ang nakikibalita sa kung ano na nangyayari sa iyo, sa kung ano na ang nangyayari sa ating dalawa. madaming inggiterong lalake ang gustong kumuha at pumalit sa posisyon mo–ang pagiging kaisaisahang blogger kras ko. ikaw? hindi mo na kailangan pang sumubok pa. sayang nga lang dahil hindi mo naman alam kung paano papahalagahan ang kung ano mang paghanga ang meron ako para sa iyo.

ipinapangako ko na kasabay ng pagwawakas ng liham na ito ay ang pagbubukas naman ng isang panibagong yugto para sa ating dalawa. hanggang sa muling pagsasalubong ng landas misterE, hanggang sa muli.

ikaw pa rin ang espesyal na payaso ko
ikaw pa rin ang espesyal na payaso ko


« Previous Page