kapag sinabi kong hindi pa ako ready, hindi pa talaga ako ready. huwag mo kasi akong pilitin sa mga bagay na gusto mo. tignan mo ang nangyari? inisip mong handa na ako at kaya ko na pero nakita mo naman, nasaktan lang ako at nalunod dahil sa maling akala mo.
-xienahgirl on wakeboarding, cwc
ito na ang pinakawalang kwentang kaadikan na ginawa ko sa mundo ng internet. parang may nagbago ba? lahat naman ng ginagawa ko walang halaga. emo alert. dangerous emo alert. alam ko nasabi ko na ito pero uulitin ko na rin para sa kapakanan ng lahat ng mga kadarating lang sa aking buhay–blogger ako at hindi diva pero paminsan minsan pwede rin.
pambihirang kanta yan, ang baba. hindi bagay sa magandang boses ko. excuseseses, i haz a lot of them. mapapatawad niyo pa ba ako? no? k.
bongga na ako ngayon, hayteks! palakpakan niyo naman ako. napansin niyo? im technically improving pero yung pagkanta ko ay pangcabinet pa rin talaga.
[edit]
ito na nga pala yung pangalawang bersiyon, YUNG MAS NASA TONO. i thank you.
[/edit]
aba.
alam ko nagulat kayo sa biglaan kong pagbabalik dahil anakngteteng palagi akong hindi nagtatagumpay sa subok kong makatulog sa tangahali mula sa paguwi ko galing sa gerbis. hanggat hindi ko ito ginagawa at nairaraos, hindi matatanggal itong matagal ng bumabagabag sa noo’y payapa kong utak.
ako sunudsunuran sa uso? LOL mo.
antayin natin ang unti unting pagbagsak at pagkalaos ni marian rivera sa pamagitan ng audiofile na ito.
Sabay Sabay Tayo popularized by the not so popular XienahGirl
ito na ang pinakawalang kwentang 30 minuto ng buhay niyo.
ang audio file na ito ang isa sa mga pinakamatibay na ebidensiya na isa akong madaldal na nilalang. oras masimulan ko na ang magsalita, hindi na ako titigil. siguro gawa na rin ito ng wala akong makausap sa notepad.
at huwag na kayo masyado magreklamo–bulol talaga ako sa personal.