Oct
7th

BlogSikret September09


May
April
March
February
January
November
October
September
August
July
June
May
April
March

Galing, updated na ulit ang sikrets. Tambay ulit ako dito ah. Pwedi ba?

oo naman. go!

sino ako?

sikret.

Bkit ntn hinihila ang lubid?

pwede rin naman itulak ang lubid e

makipot pa?

naman

anung pinaka nakakatawang blinag mo!?!

wala akong nakakatawang binlag. e wala naman nakakatawa sa buhay ko. sos yan.

bkit parang paniki yung nasa ulo ng avatar mo?

paniki talaga yun. hahahahaha

How important is privacy and personal information in a relationship? Do you believe that anyone with nothing to hide, hides nothing?

alam mo yung joharis window? siyempre lahat ng tao may hindi alam o hindi dapat sabihin. respetuhan na lang ang magagawa ninyo sa isatisa.

paano po ba kung ang lalake na mahal mo ay may anak na pala sa ibang babae pero hindi na po sila nagsasama pero yung anak nila ay nasa boyfriend ko?

anong problema ba? ayaw mo ng ganung setup? pwes kung ayaw mo sabihin mo agad sa lalake para hindi makompromiso ang relasyon niyo. hindi malinaw yung tanong mo. sareeeeh.

pano magkaron ng sariling blogsikret? what are the codes? please tell me naman oh :( thank you.

hanap ka lang sa internet ng form codes na babagay sa gusto mo.

sarap moh babes?

yuck?

woooh. idol!!! saRap Basahin Blogs mo.. hmmmm.. nahihiwagaan lng ako.. babae ka ba idol? ^^

oo babae ako! harujosku.

virgin ka pa ba?

hindi virgin, extra virgin pa kamo

hi xG! matagal tagal akong hindi nakabisita dito. nagulat kase ako parang di ka na ganun kaaktibo magblog? tama ba ang konklusyon ko? tapos yung mga entries mo eh ang onti na din ng comments. anung nangyare? feeling mo ba nabawasan ang sumusubaybay at humahanga sa pagsulat mo? fan mo kase ako, pero dahil naging busy ako medyo di din ako nakabisita dito. wala lang, nakakalungkot isipin na nung nawala ako, parang madaming nangyare na feeling ko, tumamlay ang blogosphere. bat ganun? ganun ba talaga o ako lang nakakramdam nun? yung mga ibang bloggers kase na binabasa ko din dati, ngaun karamihan sa kanila di na din nagbablog… :(

nagsasalita ako para sa sarili ko at hindi para sa buong blogosphere. oo nga, medyo totoo yan. hindi lang naman ikaw ang nagulat na di na ako aktib magblog. kahit ako din nagulat na di na rin ako ganun kaaktib sa blogging. medyo nakakarita lang yung mga tao na sinusukat ang galing ng isang blogista sa bilang ng comments. alam mo kung ano? ikinalulungkot kong sabihin na HINDI CHATROOM O FORUM ANG DATKOM na katulad ng nakikita mo sa ibang blogs. kasama kasi sa bilang yung reply ng admin kaya binibigyan kayo ng ideya na madami nga talaga ang comments. hindi ganun ang kalakaran ko sa datkom. nakakatawa lang kasi sobrang offtopic ng mga pinagsasasabi ng mga tao dun sa blogs na sinasabi mo na madaming komento. hindi ang comments box ko ang lugar para makipagtsismisan sa isat isa. kaya nga ako gumawa ng social networking sites para sa mga offtopic na sasabihin niyo. wala akong pakealam sa comments sa hits o sa kahit anong numerong alam mo. basta ako, nagbablog. kung nabasa mo ok. kung hindi ok lang din. walang mawawala o mababago sa mundo. mas gusto ko nga yung walang nagbabasa ng blog ko kasi mas malaya ako sa kung ano yung pwede ko isulat. hindi ako nakukulong sa kung ano yung gusto ng nakakarami. bakit ko ipipilit na magcomment yung mga tao kung close ended naman yung entry o sa madaling sabi–nasabi ko na lahat at hindi na nangangailangan ng komento? hindi nababawasan ang mga taong totoong naniniwala sa akin ang nawawala lang ay yung mga bloggers na seasonal. tipong magpupunta lang sa blog mo para ibrodkas ang ang website nila. ikaw. sa iyo na rin nagmula na sumusubaybay ka pero naging busy ka lang. ano ang tsansa na iba ang dahilan ng ibang tao? totoo yun, tumamlay ang blogosphere kasi meron kaming tinatawag na offline life. hindi umiikot ang mundo ko sa internet tulad ng inaakala ninyo. hindi ko alam kung ano ang pwedeng maging solusyun dito. krisis yan na kailangan sagutin at pagmunihan. talagang nagrant ako? hahahahaha. salamat sa tanong mo nailabas ko na ang saloobin ko sa isyung ito.

Sorry, comments for this entry are closed at this time.