May
April
March
February
January
October
September
August
July
June
May
April
March
Good job miss xienah, natesting ko kung hanggang saan bago mo sasabihin ang mga katagang “humihingi ako ng kapatawaran.” Napakabait mo talaga, hehe, apir…
ayaw ko ng may kaaway. tinapos ko lang yun para hindi na siya humaba pa. nakakatamad kasi e.
huh?
eh?
bakit ang ganda mo… hehe! kahit nagagalit ka ang ganda mo pa rin… ahlabyu!
may panahon ka pa para bawiin iyang sinabi mo. haha. oo maganda ako pero hindi mo gugustuhin na magalit ako. nambubugbog ako ng tao! haha. biro lang pero pwede mo ring seryosohin.
ahaha! natakot ako bgla nawala ang chiksilog.. nakalagay sa screen GONE isang pagkalakilaki na GONE.. refresh ko ayun nagbagong anyo lang pla.. kala ko naligaw ako.. ahlabyu xG ganda ng bagong design ng site..
asos. lorkor. haha. hindi bagong design iyan sa totoo lang luma na nga siya binalik ko lang. haha. nagmaintenance mode lang saglit kasi nga binalik ko yung lumang layout at nagtweak ako ng konti.
“wala akong pakealam sa putanginang internet mo. gago.” “walang masama sa sinabi ko.” -> siguro nga hindi masama sa site mo ang magmura… ngunit hindi naman ako nagtatanong dun, at hindi mo din ako kilala “minura” mo ako. hindi naman kita minura at hindi ko kasi yuon gawain. paano kung marami akong alam sayo? kung saan ka nadaan? kung saan ka nakatira? na nakatingin ako sayo ngayon? sana wala kang “mamura” na hindi mo alam ang kayang gawin sayo. “respetuhan tayo.”
ngayon kung di mura yung ungas para sa iyo at term of endearment yun wala na akong magagawa. hindi ikaw yung minura ko yung putanginang internet mo at kung naoffend ka sa salitang gago e ewan ko na lang. ang dami mong alam. bahala ka na. papaalala ko sa iyo–internet ito. kung gusto ko sabihin na papasabugin ko ang mars wala kang magagawa. para matapos na lang ito at hindi na siya humaba pwes humihingi ako ng kapatawaran. alam ko na yung ginawa mo. sapat na? gusto ko lang sabihin na naoffend ako sa sinabi mo. naoffend ka sa sinabi ko? amanos.
Mahilig ka ba sa yema?
oo.
“boplaks ka rin e. wala akong pakealam sa putanginang internet mo. gago.” – sayang miss xienah, siguro hindi naman ako kawalan sa Trillion mong Fans, ngunit namiss understood mo ata ang mensahe ko. Sayang.
wala akong pakealam sa fans dahil una hindi ako artista. walang masama sa sinabi ko. baka gusto mo tignan ulit yung tanong mo. tignan natin kung sino ang mali sa ating dalawa. ang sa akin lang. respetuhan tayo. ngayon kung ikaw di mo maintindihan iyon wala na akong magagawa
alam mo bang mas maganda ako sayo??!!
ewan ko. natanong na ata ito?
bakit super nakakatuwa ang pahinang ito
ako lang talaga nagdadala sa mga taong iyan. kung wala ako wala rin sila. hahaha
tlga XG??? binibili ang datkom??? pano???
sa bilihan? obyusli. haha
Ungas, ayan tuloy, nadetect ng Globe na nandurugas ako sa kanila. Na-blocked na ata ang pag aakses ko ng libre ng intarnet. Siguro sa Ayala Company ka nagtatarbaho, at nisumbong mo ako sa iyong amo miss xienah.
bastos ang bunganga mo e. kung may ungas man dito, ikaw yun. wala kang karapatang tarantaduhin ako sa sarili kong datkom. gago ka pala e. ano naman ngayon kung sa ayala company ako nagtratrabaho? may magagawa ka ba? boplaks ka rin e. wala akong pakealam sa putanginang internet mo. gago.
sorry ah. pero namiss talaga kita ate
hindi mo na kailangan sabihin iyan. alam ko naman yan.
i love philo? do you love philo? :D
oo pero mas gusto ko ang logic
ngayon ko napatunayan na sinasagot mo ang mga tanong, dahil sinagot mo ang tanong ko. kudos chiksilog! :D
kala mo kasi joke lang itong blogsikret? haha. totoo ang mga tanong dito. kala niyo hindi ano? ayos ba? salamat
Bakit pinipilit na akong mag-load ng Globe? Dahil ba ito sa pag eenjoy ko ng labis sa pag akses sa intarnet sa selpon ng libre gamit ang isang makapangyarihang wapsayt?
hindi naman siguro. paranoid ka lang. hahaha
maganda ka ba?
gumaganda ako
pwede bang mag pakulot?
bawal. hahaha
itog mo bugok!
ewan ko sa iyo gago.
totoo bang nagbalik na si mr_d? bakit parang wala kang koment dun..
hindi naman kasi siya nagpapakomento dabah? haha. saka bahala na siya sa buhay niya kung gusto niya bumalik o ano man. potah. matanda na yan. kaya na niya sarili niya.
meron bading na monggoloid hahahah pasagot lng nung tanung nya…sa china dami dun =)
ops. di kasi ako pwede sumagot ng ganyan e. baka sabihin ng mga tao may diskriminayon na nagaganap sa datkom. haha
meron nako sa wordpress kaso ung adress ng site ko e merong www.site.wordpress.com bat ganun??? panu ko gagawing www.site.com lng????
binibili kasi ang datkom. haha. may pera ka ba? wala? pwes mangarap ka na lang. hahaha
kamusta kana???
ok naman ako. inaantok. kailangan ko ng madaming pera para makabili ng slr. hahaha
habang tumatagal , may pagiging-emo ang mga entry mo s chikZi.
madaling makaantig ng damdamin ang mga lathala mo. halimbawa nalang si Pokwang, magaling na komedyante. ngunit nung umiyak siya sa telibisyon, parang isang kakaibang eksena. nakakaantig.
ngunit dahil hindi naman ikaw si Powkie, horey!
ang lahat ng bagay may happy ending, siguro kung sa showbiz, nasa “starlet” stage pa lang. madami pang intriga ang haharapin upang makamit ang mga bituin.
blogsikret pala ‘to.
dami kasing requirement upang mkapagkomento dun sa chikZi.
ang mga tao sa mundo sayber-espeys ay nagdidisguise lamang dahil sa 3 dahilan.
A. Sobrang ganda, ayaw ng maraming fans.
B. Hindi kagandahan, hayaan nalang mag imajin ang mga mambabasa s itsura nya.
C. None of the above.
Tanong…
Bakit kailangang mag disguise?
ito na kasi yung mga panahon kung saan bumalik na yung dati kong brilyo sa paglalatahala. ito talaga ang style ko. masasabi ko na meron talagang kurot sa puso. komportable na ako sa ganito. emo blogger naman talaga ako matagal na. nagkataon na binansagan ako na humor blogger kasi ewan ko. hindi ko rin alam ang dahilan. haha. sa totoo lang, iba yung pakiramdam kapag nakakakita ako ng komedyante na umiiyak. talagang kurot sa puso diba? ehem. ako? starlet stage pa lang? ok. sabi mo e. kala ko nga lipas na ako kasi ang tagal ko na dito sa blogosphere. inaamin ko naman na madami pa akong kailangan matutunan. araw araw natututo pa rin ako. iyon naman ang mahalaga kapag mahal mo ang isang bagay, handa ka pagibayuhin ang craft mo. teka? bitwin? sorry. kikay kasi ako kaya gusto ko heart. hahaha. oo blogsikret ito. haha. madami bang requirement? e natural lang naman yun. name. email. ano kinadami don e dalawa lang yun? hahaha. hindi ako nagdidisgays. hindi ako isang alter ego. ako ang blog ko. kung ano yung nakikita niyong detalye sa datkom–iyon ako. siguro letter b ako. hindi naman talaga ako kagandahan inaamin ko yun. hindi ako nagdidisgays. kung tatanungin mo ako kung bakit kailangan magdisgays siguro dahil sa hindi naging maganda ang pagkabata nila. inaabuso sila ng magulang nila. hahaha. ewan ko rin. siguro kasi walang nakadikit na obligasyon sa sasabihin mo kung wala naman pangalan na mananagot. diba ang mga nagbabalatkayo ay yung mga tao na may tinatago. wala akong tinatago. kung tutuusin pabor pa ito sa inyo dahil yung mga sikreto ko ang nakalathala dito. ang datkom ang puso at isip ko.
kung sa valenzuela ka ate xG, dun ka ba sa may chateu valenzuela? kung oo, bibisitahin kita pag nagbakasyon kami sa pinas. idol. (FC?)
anong fc? feeling close? haha. hindi naman. walang fc fc dito. hindi ako taga chateu valenzuela. pangmayaman yun diba? kasi naman hindi kami sa sabdibisyon nakatira. dito lang kami sa slums. haha
bakit ang laki ng itlog mo? hindi pa miskrol down.
ganun talaga. malaki talaga itlog ko. bakit ba? walang pakealamanan ng itlog. haha
sya nga pala, hindi pa rin ba tapos yung tungkol doon sa babaeng sabi ko wag mo na banggitin? napaka loser ng issue na yan tigilan na yan.
bigla akong natawa dito sa tanong na ito. hahahaha. anong isyu? may isyu ba? ni hindi ko nga alam na merong isyu e. di naman kasi ako nagbabasa ng blogs ng mga insecure na bloggers. hahaha.
may bading bang mongoloid???
sa palagay ko wala. haha.
TIGASan ka?
sa valenzuela nga! sos. haha
idol kita eh, pan0 magsimula ng blog?
blogger at wordpress
Alam mo yung tsoknatworld? Eh ang pandecocoworld?
ang dami mong alam. haha
kailan mo idadagdag sa blogroll mo si umleo23?
ngayon na. nanginging pa. haha. mwa mwa boytoy. haha
panu mgkaron nga ganitong blogsite n sarili mo?? panu ung ganito ms. xienah?? san pde mag register??? heheheh d ako marunong ako ung pinaka awtkast sa awtkast ^_^ pero gsto ko matutunan ung kgaya ng ganito ^_^
subukan mo sa magregister sa blogger o sa wordpress. madali lang gumawa. kaya nga ang daming pakers nagkalat sa blogosphere kasi ang dali dali gumawa ng blog. sana di ka matulad sa mga pakers. paramis mo ah? hahaha
haaaay…. ang mo ineng… sana makita kita
eh? ano daw sabi mo? haha
wala
meron
ano ang pinapangarap mong utot?
sagutin mo muna kung bakit ang bobo ng tanong mo. hahaha
magkanu bayad sa pokpok
ewan ko.
bakit ang galing ni bob ong, parang ako.
kung gayon magkasinggaling tayo. haha.
paano sisimulan ang isang relasyon kung pareho kaming nadyadyahe sa isa’t isa?
kung ganyan e magdasal ka na lang na may maging matapang sa inyo. haha. nahihiya kayo sa isat isa? bakit? magkaiba ba amoy ng kilikili mo?
kailangan ba 18+ ka para kumita sa blogging o ok lng kahit hinde? kailangan din ba may bank account ka o ok lng kahit wala?
pwede mo naman na lokohin ang edad mo. sos. pwede na yan. kahit dose anyos ka pa lang basta may blog ka pwede. kailangan mo ng eon card at paypal
maliban sa chiksilog may iba ka pa bang blog?
meron! at dahil diyan nagpapasalamat ako na ipinaalala mo na meron pa akong secret blog. haha. pero dahil sa secret blog iyon [ito] na lang ang iclick mo at [ito] at [ito]
ba’t ang galing moh mag-sulat?
hindi naman kasi ako nagsusulat. para lang akong nagkukwento. ganun. haha
madame
ewan ko saiyo. haha
ano yan paa ng sisiw?
oo parang ganun na nga
napagtanto ko sa fs na taga val ka.. san d2?..
hindi ko na pwedeng sabihin kung saan dito partikular sa balingswela. para ito sa aking sariling proteksiyon. haha
ilan ba ang bloggers na minahal mo? bakit dehins naging kayo?
hindi mahalaga kung ilang ang bloggers na minahal ko. ang mahalaga ay yung bilang ng mga bloggers na mamahalin ko pa lang. haha. kung bakit hindi naging kami? siguro hindi pa nila nakikitang pangangailangan ang katawan ko. hahaha
bakit laging bitter ang mga losers? parang lahat ng losers, ang rason dinaya sila.
hindi ko rin alam. bihira ko lang kasi maranasan ang matalo. hahaa
Ano apelyedo ni Mama Mary?
hindi na mahalagang malaman natin
Panu aq gaganda?
antayin mo na pumanget ako. gaganda ka. haha
ano ang wala sa meron?
ang dali naman nito. edi yung meron yung wala.
Bakit?
kasi hindi ano.
paano ba magpakatotoo?sa lahat ng sapeto?
sa pamamagitan ng pagiisip.
Ano mga senyales na ‘basted’ na ak0?
kag nagsabi ka ng aylabyu sa nililigawan mo tapos thanks ang sagot. yun. basted ka. hahahahaha
Member ka ba ng 26K?
hindi pero gusto ko
Ano ibig sabihin ng “K” s “26K”?
kalukadidangs
deal or no deal?
noodle
bakit may mga taong kahit walang ginagawa sayo eh kinaiinisan mo?? hehehehe
ang tawag dun, irrational hatred. hindi lang ako nakakaranas nito. lahat ng tao. hindi lang nila lubusan na mawari sa ulirat nila. kahit ikaw meron aminin mo. akshuli imposible na may kainisan ako ng wala sa hulog. kadalasan may rason ako para mainis sa tao.
Bakit challenging tumawid sa kalsada kapag naka green na ang stoplight?
hindi ko pa nasubukan kasi tuwing yellow lang na ilaw ako tumatawid



Sorry, comments for this entry are closed at this time.