BlogSikretMarch08
Nawala na naman ako, naramdaman niyo ba? Kung hindi, you don’t love me. SAD. :( Kung oo, aylabyuuu!
naramdaman ko. siyempre. tsk tsk
ako rin, type na type kita eh pero shy-type talaga ako at maitim ang batok at gilagid. bukod pa yon sa rexona with guava extract na deodorant na gamit ko..
haha. ano gusto mo gawin natin tungkol diyan?
naka-publish naman e… pag-tinype yung password, tapos cinlick yung submit, wala namang nangyayari…
ano yan? entry talaga? kasi kung java script yan di yan tatalab
Anung gagawin ko kapag nawala blog ko?
iyak ka for 5minutes. orasan mo. tapos kapag tapos na e install ka na lang panibagong blog
Miss ko na sila Kuya Mariano at Kuya Ignoramous, makakausap ko pa kaya sila?
oo naman, kahit espiritu na sila makakausap mo pa rin sila sa pamamagitan ng ouija board
ay! bakit ganun?! gumawa na ‘ko ng password-protected post pero ayaw naman ma-view kapag nilalagay ko na yung password! may topak ba ang wordpress??! o ako lang ang may problema?
kailangan mo siya ipublish. baka naman nagpunta ka lang sa view tab?
xg! nakita ko na rin yung post password! sa wakas! thank you talaga! a million… ay ‘di, centillion!… ay ‘di, infinite thanks to you xg!
ok ok ok. no problem. pambihira. ginawa mo akong tech support ng wordpress. haha
sino gumagawa ng banner mo? yung may mga itlog?
ewan ko kung sino gumawa nun. napulot ko lang yun sa internet. hahaha
gusto sana kita maging friend xG. kaso shy type ako eh. anong dapat kong gawin?
kung gusto mo maging kaibigan ko kailangan mo magpakilala sa akin diba?
ano yung atribida?
contravida. pakialamera. hahaha
xienah hindi ako makapagcbox sau san ba yun dito? sori bulag ako hehehe
nakaprivate cbox ako
ano ang mabilis na pampatulog?
kailangan mo lang i set yung mood ng paligid mo at gawin mong conducive sa pagtulog. subukan mo maligo ng maligamgam na tubig para marelax yung muscles mo at mas mabilis kang makakatulog dahil presko.
paano ba gumawa ng password-protected post sa wordpress? di ko talaga s’ya ma-gets e…
punta ka sa dashboard ng wordpress tapos sa write posts. may makikita ka sa gilid na kulay blue na sidebar tapos hanapin mo yung post password.
gusto kong patayin si willie revillame. Ikaw gusto mo rin ba syang patayin?
pwede pero parang wag na muna. hayaan na lang muna natin na may wowowee para naman may kabuhayan ang mga nangangailangan
Ano sa tingin mo ang pwedeng gawing domain name at ipareha sa dat-org?
dat org? medyo mahirap yun. ewan ko. ano ba title ng blog mo edi yun na lang para di mahirap. o kaya hanap ka ng magandang salita na pwedeng makakuha ng atensiyon.
ako? ewan.. nakalimutan ko na, basta isang araw nakita ko na lang sarili kong hook magbasa ng mga blog ng mga tao.. nagumpisa siguro kay ala paredes.. hahaha tapos ngayun lang ako gumawa ng sariling blog na totoo.
akshuli isa rin si ala sa mga naunang nabasa ko.
Namiss niyo ba ako? Ako, namiss ko kayo!
oo naman
Dapat pa ba akong magbalik sa normal kong katauhan? Ang hirap kasi ng maraming pulgas eh
tama. bumalik ka na sa normal na katauhan mo. tsk tsk tsk.
anong gagawin mo kapag napag-bintangan ka sa isang kasalanang hindi ikaw ang gumawa?
naku madalas nangyayari sa akin yan. ang ginagawa ko siyempre ilabas mo ebidensiya na di ikaw yun. pero dapat wag ka magagalit kapag napagbintanagan ka. kalma lang. ok?
paano ba ako mamimili ng course?!
pili ka sa course catalog. hahaha. siyempre dapat unahin mo yung course sa school
Xienah, ano ba yung tamang pagsasabon ng katawan? Ginagamitan ba ng loofah o pwedeng wala na?
tamang pagsasabon sa katawan? bakit? ngayon ka lang ba nagsimulang maligo? haha. ako kasi gumagamit ako ng loofah pero ang sabi kahit sabon at palad lang ay ayos na. basta ang pagsasabon ay long strokes towards the heart para gumanda ang blood circulation
Ano ba ang mainam na sahog ng halo-halo? Yun bang marami o kakaunti lang pero dabes naman?
ako kasi basta madami ang yelo pwedeng pwede na.
Sa tingin mo ba may pag-asa pang gumanda ang buhay pag-ibig ko?
habang may wowowee may pagasa. haha
Ano po ang magandang gawin ngayong summer na pampalipas ng init maliban sa pagbi-beach?
ano nga ba? hmm. ako kasi pampalipas ko ng init e ang paglalandi kay somemaleblogger. haha.
Sino po ba ang mas magaling, si Rambo o si Terminator?
sa palagay ko si airwolf. kilala mo yun? haha
Nakapag-type na po ba kayo sa harap ng computer ng nakahubo’t hubad?
hindi ko pa nasusubukan. hahaha. pero nakapaginternet na ako ng nakatapis lang dahil katatapos ko lang maligo.
Sa palagay mo, ano ang magiging reaksiyon ni SMB sa pagkakataon na magkita kayo sa personal?
hindi ko alam. wala akong ideya. hindi naman na siya magugulat kasi nakita na niya ako sa pictures. siguro matutuwa siya. sana.
Kinakabahan ka ba sa mga dadaang pangyayari sa buhay mo?
oo naman. marami akong bagay na kinakakaba pero kailangan pagdaanan e. kailangan maranasan. haha
Ano ang tipo ng mga kaibigan ang nagtatagal sa buhay mo?
kapag lagi akong nililibre ng pagkain. yun. magtatagal yun. haha. pero yung totoo mas gusto ko yung tao na lagi akong kinakamusta sa kung ano na yung nangyayari sa buhay ko. yung tipo na alam ko na nandiyan lang palagi kahit hindi ko kailangan
Nanonood ka ba ng FPJ films? Kung OO, ano sa mga ito ang natatandaan mong nagustuhan mo?
maganda yung kay fpj saka kay judy anne santos, isusumbong kita sa tatay ko. haha. wala lang.
buti pa yung blog mo ang ganda… samantalang yung akin ang pangit… boring basahin… anong secret mo?
wala naman akong sikreto. hmm. siguro palitan mo yung layout na madali makapagbasa tapos ipromote mo. ganun. kaya mo yan. wala naman talagang sikreto.
sa TBAC, anong susunod kong gagawin after ko magpost ng entry? saan/paano ko ipopost yung link dun sa mismong entry?
sabi ni loud cloud ‘lahat ng entries/links sa cbox iiwanan’
oi day ang haba ng buhok mo day sino ba mas mahaba ang buhok nimo day kay mariano day?
mas mahaba yata buhok ni mariano sa akin e
kung magiging disney princess ka. Sino ka sa kanila?
si mulan o kaya sa belle. haha
ano na ang balak mo sa empermera?
aantayin ko mawalan ng readers saka ako babalik. sa ngayon kabuhayan blog muna siya
pano po maglagay ng twitter sa blog?
subukan mo yung widgets options
kung di naging chiksilog ang pangalan ng blog nyo ano ang magiging title nito?
emotera: emo na echusera o kaya reyna ng valenzuela
anong pabango ang gamit mo?
flirt sa penshoppe o kaya yung sweet honesty. pwede rin yung sa red jeans versace.
favorite Pinoy Movie?
one more chance. hahaha
kung magiging hayop ka, ano ka at baket?
gusto ko panda. kasi cute. hahaha
clue naman sa password ng i’ll never stop oh…
google.
ang kyuuut kyuuut mo…turuan mo ako kung paano magblog…plz
hindi ako cute. maganda ako. paano magblog? edi magtype ka. ano pa ba? basta sabihin mo lang ang nasa utak mo gusto mo at nararamdaman mo. yun na yun.
kailan ka nagsimulang magblog?
ang totoo hindi ko talaga maalala pero yung mas magandang sabihin ay taong 2006 ako nagsimula
ano ang ibig sabihin ng banidosa?!
vain sa wikang ingles na nangangahulugang sobrang pagpapahalaga sa sarili.
maliban sa blogging, may iba ka pa bang pinagkakaabalahan sa mundo ng internet?!
sa mundo ng internet? hmm. dati kasi nagForums ako pero pinagsawaan ko na. ngayon nagiisip ako ng isang mabangis na virus para ipakalat sa buong mundo. ahaha. biro lang. ngayon puro ako web developing, chat saka movies.
bakit hindi ka na nagttwiter? kasalanan ba ng exotic blogger na yun?
kasalanan nga talaga ng exotica blogera na yun. haha. pero ok na. hahayaan ko na lang yun. hindi kami magkasingganda. inggiterang kapitbahay na yun. kapal ng mukha. haha. pipili siya ng aawayin. hahaha. back to regular twittering on easter sunday na ako.
Saan gaganapin yun? Yung alam mo na. Hehe
http://drivenmanila.com/
pinangarap mo ba talagang maging nars?!
hindi. ang pangarap ko lang talaga mula noon hanggang ngayon ay magkaroon ng anak kahit walang asawa. haha
galit ka ba sakin xG?
hindi ako nagalit, galit at magagalit sa iyo.
kilala mo ba yung 888th visitor mo sa empermera?! if oo, sino?! kung hindi, interested ka pa bang malaman?! mali pala.. 8888th visitor pala..
ang alam ko nanawagan ako e. haha. kung sino ang 8888th person sa empermera. hindi ko kilala kung sino yun pero yung pang 10000th kilala ko. hindi ko alam kung kaya sige, sabihin na kung sino. ikaw ba yun? haha
paano mang-turn down ng guy?!
paano nga ba ako nambabasted ng lalake? haha. napaisip ako sa tanong na ito ah. kasi ako prangka akong tao e. sinasabi ko kung ano nadarama ko. sinasabi ko kapag naiinis ako kapag natutuwa kapag kinakabahan, natatakot–lahat. kaya siguro naging madali na lang para sa akin ang mambasted. naniniwala naman ako na merong tamang paraan para sabihin ang mga bagay. sabihin mo lang sa kanya kung ano ang dahilan mo at kung ano ba ang nadarama mo. ganun.
lahat ba ng dumudugo eh may sugat? lahat ba ng hiwa ay sugat?
hindi lahat ng sugat ay dumudugo pero lahat ng dumudugo ay may sugat. lahat ng hiwa ay sugat pero hindi lahat ng sugat ay hiwa. hahaha
nagsimula akong maging blogger ng mabasa ko ang empermera at kwentong tambay ng mga unang nagpatawa sa aking blog. ay mali si nanskii pala ang una kasi sa gblogs pa lang eh sinusubaybayan ko na ang mga pagpapatawa nya na hindi sinasadya at kagagawan lang ng mga pagkakataon sa buhay nya. naengganyo ako sa kanilang tatlo kaya nangarir magpatawa eh sablay naman naging emo blog hehehe
talaga ba yan? ako pala may kasalanan kaya ka naging blogger. haha. hindi ko alam na maimpluwensiyang tao pala ako sa internet. haha. salamat. ipagpatuloy mo na yan.
Sino kaya yung nangugulit dito? Yun laging may poh? talagang may ‘h’ pa. POH.. parang may pahabol na hininga. :))
wala akong ideya kung sino siya. kapampangan yata siya e. ewan ko. ok lang poh naman poh sa akin poh yun poh eh poh. hahaha
hindi ako masyadong nakasama sa confe kanina/kahapon kasi umalis kami, anung pinagusapan ninyo?
wala. hindi ko na matandaan e. haha
hindi ko din alam eh. hmm. sana maging okay na siya no? away daw sila ng utol niya, tama ba yun?
oo utol niya ang salarin.
lalaki kaya ang problema ni mia?
kapatid daw niya ang problema niya. tsktsk. mga kapatid talaga pasaway. oo lalake kasi yung kapatid niya.
alam mo ba ang problema ni ate mia?
sana hindi ako yung problema niya. haha. ano daw ba?
what motivates/motivated you to do well in school?!
sa totoo lang–wala akong motivation sa pagpasok sa school. hindi ko hinangad na maging honor student o mapabilang sa dean’s list. nakakatamad gumising at pumasok ng maaga pero ang tanging dahilan kaya ako nagaaral ay dahil sa obligasyon ko yun bilang anak. karapatan kong matuto bilang bata. gusto ko ang may natututunan. hindi ako pabibo sa klase pero sinisigurado ko na meron akong natututunan.
sasali ka p0h ba sa TheBlogAwardChalleng?!
kasali at sasali ako sa theblogawardchallenge
hindi naman password ang password sa password protected entry mo
sinubukan mo ba? kung hindi bumukas edi ibig sabihin hindi yun yun.
ate xG, ano ba talaga yung m– disease na yun?! at ano konek nun sa right ear?!
mas maganda kung si google na lang ang sasagot sa iyo para mas kumpleto
last na ‘to bago mag-off line… makulit poh ba ako???
sa totoo lang nalulungkot ako kasi hindi mo naiintindihan ang konsepto ng blogsikret. hindi ko alam kung mababastos ako o maiirita o magagalit pero hindi na kasi nakakatuwa. kahit kailan hindi ako naging panatiko ng mga makukulit. nakakapagod.
yun lang poh… thank you…
ok
dalawa nalang poh uli ang users online… kayo poh ba yung nag-offline???
hindi
3 users na poh ang online… kasama poh ba kayo dun???
hindi
…………………………bwubgiu;obaieubohellowpohwbnwoboibqaohboawigbi; gbiawowa……………………….. hanapin n’yo poh yung words dun sa letters… (basta words…) no cheating!!! ; P
bwubgiu;obaieubohellowpohwbnwoboibqaohboawigbi; gbiawowa
sino pong favorite anime character n’yo??? tsaka sa ano pong anime s’ya nandun…
yung unang pumasok sa isip ko ay si tasuki ng fushigi yuugi at si touya ng card captor sakura.
sorii poh kung makulit ako… wala lang poh kasi akong magawa e…
oo nga e. ang kulit mo. nakakaubos ka ng energy. hindi na cute.
naaasar poh ba kayo sa kaka-poh ko???
hindi naman
hehe… meron pong 2 users online ngayon… kayo poh ba yung isa???
hindi ako yun.
yay!!! ako poh ang pang 01053 visitor dito sa chiksilog!!! congrats sa’kin!!!
congrats. teka. ano naman? haha
kanina pa poh ako nagtatanong dito… anong oras poh ba kayo magsasagot???
nagsasagot ako ng tanong kung kelan ako libre at kung nasa mood ako.
paano poh ba maglagay ng something sa tagboard???
maglagay ka lang. haha
naka-experience na poh ba kayong matulog sa madaling araw (nang hindi natutulog sa hapon…) dahil hindi pa poh kayo inaantok o may ginagawa kayong walang kahalagahan??? kung meron poh pa share sa’min yung story… kung wala ok lang poh…
lahat naman ng tao natutulog sa madaling araw. haha
meron poh ba kayong ideya kung bakit mahal na araw ang tawag sa holy week dito sa Pinas??? share n’yo naman kung meron oh…
siguro kaya kasi naging mahal na araw ang tawag sa mahal na araw kasi mahal ang bilihin. magastos. haha. ewan ko. wala akong ideya.
galing sa mga experience n’yo, meron poh ba kayong gustong iadvice sa mga readers ng blog n’yo??? ano poh yon at bakit…
kung meron man akong ipapayo sa mga nagbabasa ng blog ko yun ay ang magpasensiya–dahil sa walang update. haha. PASENSIYA. sabi nga ‘you cannot please everbody’, malaki ang expectations ng readers sa akin. sobrang laki na nakakaapekto na yun sa paraan ko ng paglathala. nagiging conscious na ako. inaasahan ng lahat na laging patok ang hirit. na laging nakakatawa ang banat. na laging mainit at orihinal ang konsepto. pero hindi laging ganun. hanggat maaari dapat lagi ninyong tandaan na hindi ako naglalathala para sa mga nagbabasa. hindi ako nagsusulat para mapasaya kayo. hindi perya ang buhay ko. nagsusulat ako dahil gusto ko at kung dumating man sa punto na hindi ninyo magugustuhan ang mga susunod kong lathala–PASENSIYA.
ano poh ba ang koneksyon ng chiksilog sa easter??? kasi meron pong mga easter egg hunt na nagaganap every easter sunday… (grabeh… sawang-sawa na nga ako eh… twing naririnig ko ang easter sunday laging may kasu7nod na easter egg hunt/ing… kulang nalang takpan ko ang tenga ko…) meron po ba kayong kinalaman dun???
wala akong kinalaman at lalo naman ang chiksilog sa mga nagaganap na easter egg hunt. einubeh. wala pang chiksilog may easter egg hunt na. haha. isisi ba sa akin? haha. hayaan mo na lang na mangyari yun total e isang araw lang naman yun diba?
Ate X, date tayo sa trinoma? Libre ba ni noime? HAHA.
kailangan muna natin kausapin si noime tungkol dito. gusto ko lahat ng luho ko ay masusunod. haha
Ano ang GNP ng Pilipinas ngayon? Eh GDP? Umuunlad na ba tayo?
wala akong eksaktong figures ng kasalukuyang GNP at GDP ng pilipinas pero naniniwala naman ako na habang tumatagal umuunlad tayo. makikita mo naman sa mataas ang halaga ng piso. ang siste lang hindi nararamdaman ito ng mga mahihirap
ano po ang itot?
ang itot ay sexual intercourse.
Sa totoo lang, hindi ko pa nararanasang maglaro ng bahay-bahayan, lutulutuan pwede pa. Tsk. Loser ba ang tawag dun? HAHA
hindi pa naman huli ang lahat. tulad nga ng sabi ko sa iyo. nung 16 lang din ako naglaro nun. hahaha
ano poh ba ang magandang itanong sa inyo??? yung hi9ndi masyadong mahirap sagutin pero nakakatuwang basahin…
ewan ko. kaya nga sa inyo ko na lang iniasa ang pagtatanong kasi ayaw ko na ako nagtatanong
nalaman ko na poh yung password sa mabula… grabeh talbog sa colbiecaillat sa inyo!!!
HAHAHAHAHA.
16 years old na ako, ano ba sa tingin mong mga kailangan kong gawin?
nung 16 ako e nagbabahay bahayan pa ako nun. haha. late bloomer ako e. na try mo na ba yun?
Alam mo ba na ako ang pang999th visitor mo?
pft. ako yung 1003rd visitor. hay. congrats sa iyo ngayon alam na namin
Paano mo sasabihin sa isang tao na nabubuiset ka na sa kanya? Yung sa prangkahang paraan?
naku sana hindi ako itong kinabubuwisitan mo. haha. kapag ako naaasar sa isang tao binabara ko lang talaga e o di kaya naman pinariringgan ko lang. pero kung gusto mo talaga na prangkahin e siyempre maganda pa rin na gumamit ka ng tamang salita. sabihin mo hindi pa naman huli ang lahat para magbago ng masamng ugali. try niya–uso naman e. haha
nabibingi yung right ear ko. yung parang may pressure. pero di luga yun. promise talaga. minsan nga naririnig ko yung tibok ng puso ko eh. haha. lam mo yun?! sa tenga ko naririnig yung dubdub. pero hindi naman umiikot ang paningin ko. ménière’s disease na ba yun?! [dinagdagan ko lang ng details. pag sinabi mong hindi. eh di hindi.]
dubdub? ganun tunog ng tibok ng puso mo? hahaha. naku baka sa puso ang problema mo di kaya? haha. di kaya si doc mnel ang kailangan natin dito? haha. para makasigurado tayo kung may meniere’s disease ka e kailangan mo magundergo ng series of diagnostic tests tulad na lang ng hearing and balance tests. kapag yung resulat ay deviated sa normal edi malamang meron ka na ngang meniere’s.
bakit somegirlblogger?! bakit hindi somefemaleblogger?! para swak kayo ni somemaleblogger! di ba?!
kasi sa twitter, characters ang labanan. e kung somefemaleblogger masyadong character consuming kaya somegirlblogger na lang. saka parang mas malandi pakinggan yung somegitlblogger diba? haha.
Maganda ba ako?
ano ba sabi ng nanay mo? kung ano man yun e wag ka maniniwala. haha
Kung papipiliin ka, gugustuhin mo bang magkaroon ng walang katapusang supply ng salapi o super powers?
superpowers na lang kasi kapag super powers pwede ako magkaron ng pera e kung pera di naman ako mabibili nun ng super pwoers diba?
Mahalaga ba sayo ang suot ng lalake sa beach?
parang awa mo na. magboard shorts ka. haha
Naranasan mo bang magpalipad ng saranggola noong kabataan mo?
oo naranasan ko na yun. batang kalye ako e. nasusugatan pa nga yung palad ko kasi yung tali ng saranggola may bubog. diba? haha. tapos may mga salitang ginagamit. balatengga ba yun? haha. eektad na.
Sa palagay mo ba magkaugnay ang nakaraang buhay nating dalawa?
oo naman. sa palagay ko magkakilala tayo sa past life natin. diyosa ako tapos ikaw ipis. hahaha
ako ako! hahaha..juk lang..
gusto mong sumunod sa yapak ko? haha. sige lang. ikaw na. haha
anong balak mo ngayong holy week?
gusto ko talaga magbakasyon kaso yung nanay ko ayaw sabihin yung phone number ng tita ko para matawagan ko at maka larga na. ngayon nagaantay ako na tawagan ako ng tita ko. sana tumawag siya.
ano ang tunay na pangalan ng prince charming ni snow white?
bakit mo naman gusto pa palitan ang pangalan ni prince charming? hayaan na lang natin na ganun. haha. wag natin wasakin ang pangarap ng kabataan.
pano linisin ang madumi, puro putik at gasgas ng white na sapatos?
malas mo kasi hindi ako naglilinis ng duty shoes. haha. ang ginagawa ko e kumukuha ako ng sepilyo tapos sabong bar na panlaba. ayun kinikiskis ko yung duming nanuot. tapos dapat meron ka ring white shoe paint. hindi ko alam tawag dun e pero makakatulong yun para yung pinaghirapan mo na pagkiskis sa sapatos e magtagal. labhan mo rin yung sintas para kumpleto ang pagkalinis niya. pwede mo rin i autoclave para walang bakterya. haha
paano po ba kayo nag-umpisang maging blogger???
naghahanap kasi ako ng OST ng FullHouse nun tapos nakita ko sa blog na [ito] yung download link. habang nagDL ako binabasa ko yung blog niya hanggang sa naengganyo ako at tumalon [dito] tapos [dito] tapos [dito]. wala naman talaga akong becomings ng pagiging isang blogger nung fetus pa lang ako. nagkaroon lang ako ng ideya ng blog nung nabasa ko na si bob ong pero 2taon pa ang lumipas bago ako nagsimulang maglathala sa blogdrive. naiinggit at bagot lang talaga ako nun kaya ako nagblog.
anong peyborit song mo?!
Just The Girl ng TheClickFive. kapag binasa mo kasi yung lyrics parang nakilala mo na rin ako. gusto ko rin yung Masaya ng Bamboo
Ilan ang dwarfs ni Cinderella?
pito ang dwarfs ni snow white
Kailan mo sasagutin ang mga tanong ko?
ngayon na. eto na nga ako nagsasagot na.
paano ba yung blog ni docmnel?! di ako marunong magbasa eh.. may pinipindot ba somewhere doon?!
wala pa yun. ang alam ko e nasa la dolce vita pa siya http://ladolcevita.docmnel.com/
may kilala ako sa real-life na nakakaalam ng blog ko. eh ayoko nga na may kakilala ako sa totoong buhay na reader ng blog ko eh. kaya palipat-lipat ako ng blogsites. kaso. yung blog ko ngayon, mahal na mahal ko. ayokong iwan dahil lang dun sa lakwents na nagbabasa ng blog ko. paano ko ba sasabihin sa kanya na wag na basahin yung blog ko?! yung di sya maooffend. tsaka kapag sinabi ko kasi sa kanya na wag na nya basahin baka sabihin lang nya sa akin na hindi na nya binabasa pero binabasa pa rin naman nya. ano gagawin ko?!
what a nice story. haha. ang haba nito ah? kasi ganito yan–oras na nilagay mo yan sa internet maikokonsidera na yang public property. kaya nga nasa public_html yan diba? haha. ang gawin mo lagyan mo na lang siguro ng password yung page mo. ganun na lang.
babae ako o lalaki?! hulaan mo. dali dali.
ako hulaan mo. lalake ako o babae? dali dali.
totoo ba yung pa-raffle ni badoodles o kwentong barbero lang?! tingin mo?!
akhsuli yun din isa sa mga naisip ko nung nagsisimula yung project lafftrip laffapalooza–na baka binabarbero lang ako. haha. nasabi ko naman sa kanya yun e. pero sa palagay ko naman totoo yun.
sinong peyborit mong blogger?!
wala akong paboritong blogger pero kung meron man di ko sasabihin. haha. kasi baka magselos yung iba. diba?
nabibingi yung right ear ko. yung parang may pressure. pero hindi naman umiikot ang paningin ko. ménière’s disease na ba yun?!
namuong luga lang yan.
kilala mo ba ako?!
ikaw kilala mo ba ako?
wahaha.. mangungulit na naman ako! okey lang?!
ok lang. sanay na naman ako sa mga makukulit.
xienah talaga pangalan mo?! bakit xienah pinangalan sa’yo?! weird.
oo xienah talaga pangalan ko. kaya xienah ang ipinangalan sa akin kasi galing yun sa queen of the jungle. haha.
paano ka nakakagawa ng password protected posts?!
sa wordpress meron siyang function na password protect posts
Anung pinakamahirap gawin? Ang matulog ng nakadilat o ang matulog ng gising?
sa palagay ko mas mahirap yung walang gising. hahaha
Sige. gagawa na ako ng music video ko. Anung klaseng damit ang gusto mong isuot ko habang sumasayaw?
gusto ko yung damit mo white collared shirt tapos may chaleco na fitting tapos shorts tapos fish net stockings na nakaboots. hahaha.
Alama mo bang enjoy tumambay at magtanong sa blogsikret?
ay. hindi ko alam yan. haha.
pwede bang sumawsaw… chix din ako e. hahaha
sawsawero ka. haha. sige lang.
Ano gamot kapag umiijot ang paningin? Pwede ba ang Serc?
ang serc o betahistine hydrochloride ay gamot para sa ménière’s disease. ang pagkahilo ay isa sa mga simptomas ng ménière’s disease pero hindi ibig sabihin na nahihilo ka e may ménière’s disease ka na. haha. malabo diba? mas maganda ipahinga mo na lang yan. pero kung madalas na madalas talaga ang pagkahilo mo, sinabayan pa yan ng pagkakaroon ng ringing sound at pagkawala ng pandinig sa isa sa mga tenga mo tapos may pressure ménière’s disease na yan. patingin ka na sa doktor.
Pwede ba akong magpost ng video na sumasayaw ako ng Low?
aba. gusto namin yan. haha. sige. ipakita na yan.
“Jojitah, Mia, Saminella, Doc Mnel, Aleli, Gyk, Noime at Ayiene sino sa kanila ang susunod na magkakamit ng korona mong MS. Blogosphere?” Bakit napasa ako diyan? Di ko hinangad ang titulong yan. Sino nagtanong niyan?
hindi ko alam kung bakit ka napasali dito. haha. wala naman kahit sinong gusto ang titulo na MS blogosphere. hindi ko pwede sabihin kung sino nagtanong nito dahil kahit ako hindi ko alam. haha
Daga o Ipis?
basta yung ipis hindi lilipad ayos yun. patas ang laban. haha.
Gusto ko magvolleyball, laro tayo?
sige ba. alam mo ba na 3years ako huling nakalaro ng volleyball? haha
Pwede ba kitang kagatin?
kung mangunguya at malulunok mo ako pwedeng pwede. haha
Bakit may mga taong kumakain ng booger?
yung mga booger eatre ay mga walang social life. mga taong bored. haha
gotta go now. i’ll be back again tomorrow. sorry i asked too many non sense questions. ciao!
back na nga again pa. haha. kahit wag na. haha. ok lang. diosko. 26 questions sa loob ng 30minutes? haha. baliw.
Jojitah, Mia, Saminella, Doc Mnel, Aleli, Gyk, Noime at Ayiene sino sa kanila ang susunod na magkakamit ng korona mong MS. Blogosphere?
wala sa kanila. they deserve something greater, more than a title
mas maganda ba ang wp kesa sa blogger?
ako. ahaha
ano ang theme song nyo ni MisterE?
laklak
can we meet? trinoma, tuesday, 1pm. cause it’s my hella freakin’ birthday. It would be nice if you could come.
happy birthday pero busy kasi ako this lifetime. try mo sa next. haha
who is that female dog?
shes the girl from down street
how would you describe xienah in one word except “MAGANDA” and “MALANDI”
child-like
cant find empermera in the dictionary.. what does it means?
ang kahulugan ng empermera ay ‘tagapangalaga ng maysakit’ o nurse
hey you look like someone i know.. My future Girlfriend. Im serious
ish
can’t leave a message on your tagboard do i decided to just ask question about it. Why is it private?
its private so that people can throw away their curiosity
pongchol ya chiri ri kong chuwa ya OR ken lee libu dibu
keys me
is it you?
no
Hey hottie, can i get your number?
no.
what is salingpusa in english?
paper tiger
why do all things come to an end?
so that we can begin other things
should i cut my hair coz i cant help but eat it. pica!
huwag kasi kapag ginupit mo yan magugutom ka. haha. papayat ka niyan
what is your height and weigth? pls include your vital statistics.
sa huling pagkakaalam ko ang height ko ay 5 feet 4 inches 120lbs ang timbang ko at 36 27 36 ang vital stats ko
If you gonna be a beauty queen, and you can only choose one title which would it be? Ms. Universe, Ms. World, Ms. Earth or Ms. International?
i would rather have my mother’s title: best mom in the world.
kamag anak ba ni Andrew E. si Mr. E? o baka naman iisa lang sila? ayt?
hindi.
ang ganda mo? [may question mark ibig sabihin tanong pa rin to]
maganda ako. period ibig sabihin declarative sentence
i wanna have a child like you. I hope my future babies would be intelligent, witty and pretty like you. Can you be a surrogate mom for my future babies? hope you answer this question my Dear XienahGirl! aja!
salamat naman sa papuri at sabay pihit na maging ina ng mga anak mo. haha. i cannot be a surrogate mom to any child. it would be unfair. i would never be unfair to anyone.
kailan po ako madadagdag sa links nyo?
kapag nakadami ka ng comment sa entries ko. haha. ganun kasi ako e. ayaw ko kasi sa mga pasaway na nagpapaexlink sa cbox pero ayos lang naman. kanya kanyang trip lang yun
wala po bang clue dyan ms. xienah para mabuksan yung mga password cheverlee nyo?
clue ba? e yung password na nga mismo yung nakikita mo. ayun na mismo e kailangan mo lang intindihin.
alam mo bang may gusto ako sa isang blogger na hindi naman ata tao at mula sa …. bat kaya ako nagkagusto kay francis bangaglona. ges hu? sinong blogger yun
mahina kasi ako sa nges hu nges hu na yan e. kung sino man yung kras mo e malas niya. hahaha
si Ferbert ba nagregalo talaga ng dotcom mo, pwede din ba nya akong bilhan. baka kase kagatin ako nun. mukhang suplado.
si ferbert nga. sa palagay ko hindi ka niya pwede bilhan kasi hindi ka naman kasing ganda ko pero di naman siya nangangagat–nangangain lang. haha. hindi siya suplado. mabait yun.
Bakit sa Twitter mo sinagot ang tanong ko? Haha
e kasi tinatamad ako maglogin sa wordpress. haha
Alam mo ba na makati ang mata ko?
hindi ko alam. salamat naman at nalaman namin na makati ang mata mo.
Ako ang sasagot sa tanong na ito (What is the limit of x squared minus nine as x approaches three?). Hindi bat 0 ang sagot?
oo tama 0 ang sagot dun sa naunang tanong
bakit bigla kang nagpalit ng most peyborit quotational quotable quote?! [haha. akala mo hindi ko mababasa yung una mong nilagay?!]
atribida ka. haha. hindi. kasi naisip ko masyadong seryoso yung naunang quote na binigay ko kaya ayan na lang.
sino si somegirlblogger?! ikaw yun n0h.
oo ako nga iyon. di ko naman itinatanggi. haha
nakakabobo naman yung tagboard mo.
pangmatatalino lang yun. hahaha
hehe. eto last na last na talaga. anong pinaka most peyborit mong quotational quotable quote?
walang lalakeng pangit kapag si xienah ay gipit.
last na talaga ‘to. ekspleyn mo naman kung paano maging datkomista. inggit ako eh
una bumili ka muna ng datkom tapos balik ka dito. ok? haha
uyy! wag ka maasar sa akin ha?! peace tayo!
sabay ganun? nakakaloko ka.
psst! atat na ‘ko! sagutin mo na yung MGA tanong ko!
oo na ito na nga sinasagot ko na nga yung tanong mo. ang dami kasi. nahirapan ako na sumagot.
okay lang bang umalis ng hindi nagpapaalam?
walang tao ang gustong iwan ng hindi nagpapaalam
bakit ‘xienahgirl’?! kyuryus lang uli.
xienah talaga pangalan ko. nung highschool ako ang tawag sa akin xienahbebe o kaya naman xienahgirl kasi masyado daw maiksi para maging xienah lang. hindi pangblogista yung xienahbebe kaya xienahgirl na lang.
may kilala ka ba sa real-life na avid reader ng blog mo?
magandang tanong ito. sa empermera nalaman ng pinsan ko yung blog ko na yun. sana hindi niya nalaman ang datkom ko. haha. sa palagay ko si vex, yung kapatid ko nagbabasa din nito. pero palagay ko hindi sila matatawag na AVID reader. reader lang.
halata na bang nagfaflad ako?
halatang halata
di ba romy diaz si mr_d? [nagdodoboltsek lang]
siyang tunay
saan ka nagsimulang mag-blog?! kyuryus lang. [tama ba ispelins ko?!]
nagsimula ako sa blogdrive tapos sa friendster tapos sa wordpress tapos sa blogger
anong password ng post mo?! yung Protected: mabula. ang hirap kaya manghula! [o, ha! magka-rhyme yun! mabula, manghula. mabula, manghula. mabula, manghula.]
nabanggit mo na mismo yung password. haha. ulit ulitin mo baka magets mo. kulang ka lang sa ulit. mga 100 na beses pa baka makuha mo.
Bakit chiksilog? Bakit hindi tapsilog.com o kaya longsilog.com? Bakit chiksilog.com pa? Tsaka bakit .com hindi .org o .net o kaya .ph. Mahal ang .ph dapat yun na lang para namulubi si Kuya Ferbert. :)
maganda pala pakinggan yung tapsilog.com? haha. wala lang. naipaliwanag ko na ito dati kung bakit chiksilog. dalawa kasi ang kahulugan nun literal saka figurative. yung literal ay biro tungkol sa mga bading sa pagiging chiksilog o babaeng may itlog. haha. pwede naman sa akin yun dahil nga medyo babaeng bakla ako. yung figurative ay girl with. balls ibig sabihin may guts. may tapang. may angas. kung bakit naman datkom e kasi sale nun. haha. sale yung datkom. dapat talaga datinfo ito kaya lang parang support ang dating. haha. saka ayaw naman natin mamulubi si ferbert. kawawa naman siya
Sino mas gwapo si Kuya Mariano o si Kuya FB? Kung liligawan ka nila, sino sa kanila pipiliin mo? Handa ka bang maging ina ng kanilang magiging anak? Sorry naman, bangag lang.
kung magpapaclean cut si mariano siya pipiliin ko. haha. teka. ligaw lang naman ah? bat may anak anak na. haha. oo keri lang sanay na ako sa mga bangag.
What is the limit of x squared minus nine as x approaches three?
fotah. tumulo yung uhog ko. tissue nga.
Bakit ba ako laging nagtatanong dito sa BlogSikret?
sinusubukan mo kung gumagana ba talaga yung form tsaka kung totoo nga ba na sumasagot ako ng tanong dahil inaakala mo na imbento ko lang ito lahat
among those links in your blogroll aling blog ang mairerekomenda mo na bisitahin ko at maidagdag sa blogroll ko?
si xienahgirl. balita ko kasi magaling yun e. hahaha
bakla ba si jojitah?
sa palagay ko pareho kami na babaeng bakla. hahaha
ano na nangyayare sa Kyle XY?
hindi ko na nga rin nasusubaybayan yun e. tsk. kras ko pa naman si kyle.
anong peborit mong line mula sa isang awit?
ill be the greatest fan of your life galing sa kantang ill be ni edwin mccain
Pano mo naman nasabi na hindi bakla si John Llyod. Ex nga daw nya si Sam eh.
sabi ko lang. haha
kunwari manghuhula ka.. sa tingin mo mananalo ba si Ramiele sa American Idol?
hindi.
nakasulat dito ay mahal mo ako pero di puwedeng maging tayo. bakit? ano bang diperensya sa akin?
haha. anong di pwede maging tayo? palagi ka kasi nakaupo kaya ka nagkakaganyan. haha
wala daw gf si john lloyd, bf daw meron sya. is it true na member sya ng federasyon mare?
hindi yan totoo. huhu.
kung ako nga si somemaleblogger e ano ang mensahe mo para sa akin?
naitext ko na sa kanya ang mensahe ko para sigurado na mababasa niya. haha
ayaw mo na ba sakin? ako ba si somemaleblogger?
kung ikaw si somemaleblogger edi labs na kita. haha. kaso mo hindi yata e. so hindi kita labs. haha
Ken Lee o Janina San Miguel?
kay janina san miguel na lang ako kasi english e. si ken lee imbentong english lang. haha. mapagpanggap na english.
kung makikipagpalit ka ng katauhan sa loob ng bente kwartro oras, kanino ka makikipagpalit?
oh wow. magandang tanong ito ah. haha. palagi ko sinasabi na si marie digby pwede rin si oprah winfrey o kaya kay paris hilton para naman maramdaman ko kung paano ang miss lifestyle of the rich and famous. haha. pero ang pinakagusto kong katauhan ay sa gelps ni john lloyd para naman maranasan ko ang paglalambing niya. haha
ano ang pinakamagandang regalo ang natanggap mo sa tanang buhay mo?
palagi ko namang sinasabi na itong datkom ko mula kay ferbert ang pinakamagandang natanggap ko sa ngayon.
Gusto mo bang manalo si Pacquiao ngayon? Ako hindi kasi di naman niya ako bibigyan ng $$$ kapag nanalo siya eh. Ikaw?
kung ako ayaw ko siya manalo kasi mayabang na siya e pero siyempre kailangan niya manalo kasi para sa kapakanan ng bansa yun. pero kung para sa kapakanan ko yun e wag na. magpatalo na siya. hahaha
paano mo maipapaalam sa mga tao na ayaw mo na?
madali lang naman sabihin yun sa mga tao na malapit sa iyo na ayaw mo. ang tanong, ikaw ba handa ka na tanggapin sa sarili mo na ayaw mo na?
mas mahal mo ba ako o mas mahal ang gas?
mas mahal ang gulay lalot magmamahal na araw. o diba? ang daming pagmamahal na nagaganap
sinong blogger ang kinikitaan mo ng potential na maaring sumunod sa yapak mo at maging sikat?
isa ito sa mga pinakamahirap na tanong. una hindi naman ako sikat at pangalawa hindi ako mahilig magbloghop para dumiskubre ng mga sariwang talento. sa palagay ko walang kahit sinong blogger ang gustong makilala sa lilim ng anino ko at maikumpara sa akin. lahat tayo may kakaibang istilo at paraan. kung tatanungin mo ako sa kung sinong blogista ang pwedeng sumunod sa akin mukhang malabo yan talaga.
what if sabihin sayo ni Mr.D na inlove na sya sayo? at pakakasalan ka na nya? pakakasalanan mo ba sya o tatanggihan mo ang alok nyang kasal?
dont say bad words. haha. si mr_d inlove sa akin at papakasalan pa ako? e tanderkats na yan e. haha. never ko naimagine yan kahit sa bangungot. diosko. aba. siguro kung mayaman si mr_d at kaya niya tustusan mga luho ko pwede pa. haha. pero imposible talaga e. imposible yan mangyari.
hindi! ata?
hindi. magkaiba si mr_d at misterE
ilang taon na kaya ang pinakamatandang tao sa mundo?
ayon sa aking research, si edna scott parker ng Indiana na ipinanganak noong april 20, 1893 ang pinakamatandang supercentenarian na nabubuhay pa hanggang ngayon.
Bakit ang mga planets di nagbabanggaan?
kasi may sarili silang mundo. hahaha
Kelan ba babalik si Noime? Nakuuu!
di naman umalis yun e. pagala gala lang yan diyan–sa pagkakaalam ko.
Kapag naging lalaki ka, Xienahgirl pa rin ba pangalan mo?
kung naging lalake akong blogger malamang vEx o di kaya naman ay Quez ang pangalan ko
kala ko tanong yung si mrd at mre. hindi pala.. baket naiba na naman format?
ito ang totoong format ng blogsikret. nilipat ko na siya. mas maganda kasi yung kayo ang nagtatanong kaysa ako. haha. mas varied. mas maganda ang interaction.
para naman tinanong kung si Richard at Raymond ay iisa. Hindi kase si Ruffa si Mr.E
oo nga akshuli palagi silang napagkakamalan–si misterE at si mr_d. magkaiba sila talaga. haha. kaya naging misterE si misterE dahil nga MYSTERY. pinalitan ko lang yung isang letra. haha
Bakit mo naman ako binlock sa twitter?
respetuhan lang. sana matuto ang mga tao na respetuhin ang desisyon ng bawat isa. marunong ako rumespeto sa desisyon ng iba kaya dapat kayo rin sa akin. marami akong followers na binubura. sa totoo lang namimili na lang ako ng mga tao na isasama ko sa account ko sa twitter. wala namang magiging problema para sa iyo kasi nakikita naman ang twitter update ko sa site. diba? di ka pa rin mahuhuli sa tsismis ng buhay ko–kung yun nga talaga ang habol mo.
Masaya ka ba? Hindi ka masaya? Natatakot ka na ba? Mayroon nga bang cheese sa buwan?
hindi ako masaya. oo. ano naman ang kinakatakot ko? walang cheese sa buwan kasi walang daga dun.
Alam mo bang nakailang chancing na si Marimar kay Sergio kahapon?
naku. si marian pa pala nanghihipo kay dingdong? e ayos lang yun. may consent naman ata ni dingdong. gusto naman ni dong kasi di pumapalag. haha
sinung nagtanong kung sinung mas sexy? (ito ang tanong ko, okay?) tae. hindi ako sexy, GORGEOUS AKO. GORGEOUS! haha. hayup. :P
si ayiene ata yung nagtanong nun. haha. oo na gorgeous ka na. sus. iyo na yun. haha
bakit ba palipat-lipat na ng blogsites ang mga pipol?! xG! ikaw ata pasimuno, eh.
akshuli pakiramdam ko nga ako ang responsable sa paglipat ng mga tao sa pagkakaroon ng self hosted site. pero kung tutuusin kailangan talaga na lahat ng blogista ay marunong. kung mahal mo talaga yung craft mo dapat alam mo kung paano yun pauunlarin at sa kaso naman namin kailangan namin iangat ang gilas namin sa pamamagitan ng pagdepende sa aming sariling kakayanan. nagtutulungan naman kami dito sa kung paano gumawa ng isang selfhosted site. kaya masaya na rin. parang bonding.
Pwede ba akong magflood ng mga tanong, minsan lang naman ako magtanong sa BlogSikret eh. :D
oo naman. ayan nga oh. nagflood ka na. haha
Ano mas masarap Vanillao Chocolate? Bakit blue ang kulay ng sky? Bakit blogsikret, hindi sikretblog? O di kaya sikretongblog?
walang lasa ang vanilla. parang gatas lang siya na pinalamig kaya mas masarap ang tsokolate. kaya bughaw ang langit ay dahil sa rayleigh scattering. kaya naman hindi sikretblog o sikretongblog ang pangalan nito ay dahil sa mas maganda pakinggan ang blogsikret. yun lang yun.
Sinong mas sexy, si Noime o si Ate X?
ay hindi ako sexy. aminado naman ako dun. haha. saktong ganda ang ang meron ako e. kung tinatanong mo kung sino mas sexy sa amin ni noime e malamang si noime na isasagot ko. humble ako e.
namimiss mo ba ang empermera?
sobrang namimiss ko ang empermera. sa totoo lang, sa blogger ako gumagawa ng entries at di sa wordpress. haha. kahit hindi ko na gaano sinusulatan ng lathala ang empermera tinitignan ko pa rin yung site na yun. marami kaming napagsamahan nun. ups and downs. pero mas madami ang ups. haha. nahigitan ng empermera sa loob ng 5buwan ang tagumpay na nakamit ng parapnasia sa itinagal nito ng 10buwan. mananatili na lamang sa nakaraan ang empermera. gagawa na lang tayo ng mga panibagong alaala sa chiksilog
ano ba ang dapat kong gawin?
kailangan mo lang talaga na maghintay ng tamang panahon.
Ken Lee, tulibu dibu douchou?
ken lee meju more. haha.
Kung sakaling magkakaroon ka ng pagkakataon na makasalamuha si DGD sa personal, ano ang una mong gagawin at bakit?
haha. magtigil ka nga. einubeh. tulad nga ng sinasabi ko baka yakapin ko na lang siya. di na lang ako magsasalita. haha. tapos magpapabinhi na lang ako dahil sayang ang moment. haha.
si mr.d ba at si misterE ay iisa?
magkaibang tao sila. sus na yan. ang kapal naman ni mr_d. haha.
Sino si Zyreen? HAHA. Adik.
si zyreen? ewan ko. pero ang alam ko lang e mataray siya. haha
xienah?
ako nga. hu u?
