BlogSikret June08

bakit prang controversial etong blogsikret?

hindi ko rin alam. haha. pati ako naiintriga na dahil dito sa blogsikret na ito. shet. hahaha

greetings, ano po ba ang pinag-iba ng love sa crush?

gagawin kong simple para sa iyo. kapag kras, may partikular na ugali ka lang na gusto sa kanya. halimbawa, kras mo siya kasi ang lalim ng dimpols niya o di kaya naman pang colgate na close up ang ngiti niya. mga ganun lang. kapag love naman ang mangyayari e tanggap mo yung buong katauhan niya. tanggap mo kung sino siya at tanggap mo rin kung ano ang mga ugali na wala sa kanya.

Hello poh. Meron po kasi akong friend na nagalit o kaya naman nadisappoint ako sa kanya. Ano pong gagawin ko? Close poh kasi kami at tsaka poh I try not to show that I dont like her attitude anymore. Ano poh ulit ang gagawin ko? I want her to turn back as her old self.

kasi ganito yan. hindi mo pwede baguhin ang ugali ng ibang tao. hindi mo sila pwedeng diktahan sa kung ano yung dapat na maging sila. kung gusto mo talaga siyang magbago, siguro para sa ikabubuti niya. pero kung kaibigan ka talaga niya, tatanggapin mo na lang kung sino siya. walang ibang mas magandang gawin kundi ang sabihan mo siya gamit ang maayos na paraan diba?

please? cbox?

ok na diba? nakapasok ka na yata? hahaha

sige… iniba ko na’yung codename ng crush ko… ‘di nalang Joseph… Twin Brother nalang… haha! ^.^

krasabol naman yang si dotep ko e. pwede na rin yun. hahaha.

bakit po ba me tanong? :)

kasi gusto mo malaman kung gumagana ang blogsikret. hahaha

ate, ano new url ng cbox

may url ba ang cbox? hahaha. alamin mo. kaya mo yan. hahaha

ano bang feeling ng in-love? sabi kasi nila in-love daw ako kay Joseph e… Lagi ko s’yang naiisip, mas obesessed ako sa kanya kaysa sa 3 taon kong naging crush…, gusto ko, lagi namin s’yang pinag-uusapan ng friend ko, napapangiti ako pag naaalala ko s’ya, napapatawa n’ya ‘ko na di ako naiilang sa kanya kahit sa 3 taon kong crush naiilang ako…, parang sarili ko lang talaga pag kausap ko s’ya… in-love na ba ‘ko?

feeling ng inlove? yung di makatulog sa gabi sa kaiisip sa diwa ko ikaw ang laging panaginip. hahahaha. tama ba lyrics ko? basta pag lagi mo siyang binibida, iniisip, pinagpapantasyahan. mga ganun. hahaha. di ko alam. ako kasi nalalaman ko na inlab ako kapag lagi ko siyang bukambibig saka di ako makatulog dahil sa kanya. IN LOVE KA KAY JOSEPH? seryos ka? ahaha. sinong joseph? joseph ko? hahaha. siguro nga inlove ka. hahaha. pero naku. chickboy yang si dotep ingats ka. hahaha. medyo kompyus yun pero ingat ka pa rin. hahaha. HINDI NGA? SERYOS? JOSEPH? wow.

Plurk o Twitter??

kung magkakaroon ng magandang widget at application ang plurk, plurk ako. http://plurk.com/user/xienahgirl

ikaw pa rin ba ang superhero na inaapi?

oo naman. ako pa rin yun. walang ibang pwedeng umagaw sa akin ng tagline na yun

haha. natawa naman ako question #1. ginawan kayo ng isyu ni kuya badoods!

oo nga e naiisyu na kami. patay ako nito. hahaha. hello po mrs bebenibadoodles. hahaha

bagong sibaks! hindi ako makapasok!

aaaaah. ano gusto mo gawin ko?

last na to promise. :) kung ang tagalog ng airplane ay salipawpaw, ang chair ay salumpwet, ibig bang sabihin nun eh salung-itlog ang tagalog ng brief? kung ganon, anong english ng salung-guhit? underline? o vagina? hahaha.

ang tama ay hawla para sa mga lalake at kulungan para sa mga babae. hahaha

haha, maxado na akong natuwa dito. ahmm, saisangsisiw ilan ang itlog? isa ba o anim?

baka ang tanong mo dapat sa isang itlog ilan ang sisiw? hahaha.

san nahuhuli ang isda?

sa akwaryum

anong idadagdag mo sa isang sakong bigas para mabawasan?

butas sa sako. hahaha. o di kaya naman isasako ko kasama ng bigas yung mga dukha na kilala ko. makikita mo malingat ka lang sandali bawas na yun.

bakit nauna ang skinny chuva ni superman kesa sa brief?

nagmamadali kasi siya. lagi siyang on call kaya wala na siyang chance makapagpalit pa. saka ok na yun di naman napapansin kasi may belt naman siya. hahaha. si batman pala yun. hahaha

haha, naaaliw naman ako dito, peyborit pa-plad ha, sana ok lang, pang ilan na ba to? 4 na ata, haha. ahmm, bakit yung mga mini stop at 7 eleven may gate at pad lock eh 24 hours naman sila, aanhin pa nila yung pad lock kung di naman sila magsasara?

sige lang iplad mo ito ng iplad. hahaha. wala naman ako magagawa kasi para naman talaga sa mga bloggers na walang magawa itong section na ito. hahaha. may gate ba ang mga convenience store? wala naman ah? hahaha. sa pagkakaalam ko ang may lock lang sa convenience store ay yung kaha de yero nila. hahaha. e malay mo naman naiihi yung cashier tapos wala siyang relyebo. wala namang CR sa loob ng kombinyens stor diba? hahahaha. makikiCR muna sila sa jollibee. hahaha

bakit bilog ang pizza pero sa square na box siya nakalagay?

kaya nga siya tinawag na BOX kasi square. hahaha. so malamang pizza ay nakalagay sa box. hahaha. meron ng mga pizza ngayon na sa bilog na lalagyan nakalagay at meron din naman mga square na pizza sa box nakalagay. meron na nga rin sa triangle diba? yaan mo ipapauso ko yung dodecagon na lalagyan para maging masaya ka lang. hahaha

di ba sabi nila, if you drink don’t drive and vise versa, eh bakit may mga parking lot ang mga bar na may inuman? lahat ba ng nakapark dun may sariling driver? yung mga walang driver ba na nakapark dun eh nasa loob at hindi umiinom? hindi naman lahat di ba? pano yun? bakit ganun?

may parking lot yun para sa mga mafia gods na nagbebenta ng shabu. alam naman natin lahat na ang mga mafia gods de tsikot. siyempre di naman sila pwede magtagal dun sa loob ng bar kasi business lang ang pinunta nila. pwede rin minsan sa mga pokers yun. di naman lahat ng nagpupunta sa bar umiinom. meron din naghahanap ng pokers. hahahahaha. sa madaling sabi, hindi lahat ng pumupunta sa bar umiinom.

nalalaman mo ba kung sino mga nagtatanong dito? kagaya ko, alam mo kung sino ako? kung oo, pano? eh wala namang naglilink para matrace back sa akin. o meron? magulo, kompyus talaga ata ako. demet!

nalalaman ko lang kung sino ang mga nagtatanong dito base sa kung paano sila bumuo ng pangungusap at tanong. halimbawa ikaw gumamit ka ng salitang kompyus malamang hula ko ikaw si pedro. hahahaha. sikret talaga dito para maiwasan ang bias na sagot at maprotektahan ang mga nagtatanong.

Ano bang magandang gawin sa mga namflirt sayo tapos ibabasura ka pag sawa na sila sayo?

nakupo. ang sakit naman nito. ganitong ganito rin kasi ang naranasan ko. ang ginawa ko? wala. tinigilan ko na siya. kasi kung aasa lang ako masasaktan lang ako. mabuti na yung maaga pa lang nalaman na natin kesa naman ng minahal na natin na sila ng lubos tapos bigla na lang nila tayong iiwan. hindi ko nagawang magalit kasi kung magkakaroon ako ng galit sa puso ko, pipigilan ako ng galit na yun na magmahal ulit. hayaan na lang natin sila.

bago ang lahat, nais ko lang ipabatid sa iyo na namamangha ako sa mga post mo. nagustuhan ko din yang titulo ng bago mong paskil. Ika-anim ng hunyo taong dalawang libo’t walo. 678, malufet. once in a century. naisip mo pa yun? (clap clap clap) eto ngayon ang tanong. totoo bang kunektado ang pilik mata sa buhok sa pwet? mapapapikit ka daw kasi pag binunot mo ito. gaano ito katotoo?

katulad nga ng sinabi ko, nagkataon lang na 678 ang date nito. hindi ko talaga siya binilang. wala talaga akong kahit anong galing sa numero. once in a century. wala na ito. hahahaha. ground breaking history pala ang nagawa ng datkom wow. hahaha. hindi totoo na konektado ang buhok sa pwet sa pilik mata dahil ang totoo konektado ang pwet sa bibig. hahahaha

ate xG!!! Happy 100th day of chiksilog.com!!!!! i love you at sana mas dumami pa ang mga readers at walangmagsasawang magbasa ng blog mo! pa blogroll po ako.. pwede?!

salamat sa pabati. sana sa comments mo na lang inilagay ito. mas natuwa pa sana ako. hahaha. hindi lang basa ang gagawin ninyo dito sa blog ko kundi pati nood at king. abangan niyo yan. hahaha. magsasawa na kayo sa akin pero hindi ako hihinto sa pagblog

aaaw,, kabit ni badoodles?

nalungkot ka para sa akin diba? hahaha. keri lang yun. labs ko naman yang si badudels. ok lang maging kabit ako kung ok rin sa bebe niya. hahahaha

sinong paborito mong babae na superhero na lokal? yung mga linya nila, darna, inday bote, super booba, volta atbp.

si zsazsa zaturnnah para medyo modern naman. hahaha

san mo nakukuha mga binoblog mo?

sa kapitbahay namin. hahaha. biro lang. siyempre sa sarili ko lang din nakukuha yung lahat ng makikita mo dito.

sino yung kinakainisan mong female blogger? sino yung minahal mong blogger?

yung kinaiinisan kong blogger ay si Igorota E. Xoticcaaa at yung labs ko naman na blogger ay si somemaleblogger. ahahaha

blogvrtise? ah wag mo na pansinin yun tol este xg, jokee jokee lng yun 2ngkol dun. si inday? oo siya nga..piste un. nagcomment sakin yung tsimay na yun e, sabi: “Haha..its quite funny na rin.” o db parang nanlilibak? may araw dn skn yan.

sauce. ganun lang ang dating nun kasi english. pero kung tatagalugin mo yun ok naman. huwag mona kami pagawayin ni inday. hahaha. tama na yung sa PLLP na lang kami magkatunggali.

tagal mo ata nag-update miss xg? ung kinaiinisan kong blogger, napalitan na ng iba. malamang kilala mo na to. clue ulet: katulong siya, inglesera, no. 1 sa ranking, at recently ko lang nalaman, mayabang pala siya.(dapat lalagyan ko pa ng hinayupak to e!) Tungkol nga pla sa intuition ko sayo, tingin ko nga e maganda kang nilalang, konti na lng crush n kita. (ayan ha di na aq umubo)

si inday? hala ka. hahaha. di kasi ako nagba blogbertays bukod na lang kung talagang kailangan at nasa mood ako.

ano ba nauna? manok or itlog? haha.

manok ang nauna. kung pagbabasehan ang relihiyon at agham, manok talaga ang nauna.

haha! inadd na kasi kita dati pero duda ako na yun ang ym id na ginagamit mo..psensya na..alam ko na ang buong pangalan mo. ang haba!

ito ang mahirap sa humor blogger. di pinaniniwalaan. akala lahat joke. hahahaha. pangalan ko? maiksi lang ang pangalan ko.

ano bang magandang iregalo sa ate ko??? wala pa ‘kong maisip e… malapit na ang birthday n’ya…

medyas. para safe. hahahha o kaya panyo. pero mas maganda kung pera. the best yun. hahaha

pwede pablogvertise?

sa tamang halaga. hahahaha.

baka pwede mo akong i-add sa ym. pwede ba? pag hindi. dito na lang ang mamemerwisyo. ktnx.

ako na lang iadd mo sa yahoo messenger. inutusan mo pa ako. di mo ba ako kilala? hahahaha. biro lang. dahil di mo inilagay ang ym id mo ikaw na lang ang magadd sa akin. ym id: xienahgirl

haha joke lang xg, lam ko nmn hirap magkadomain. kilala mo yung sinabi kong kinainisan ko, at minsan na siyang nalink sayo. clue: blogger siya. eto nlang favor ko, pwede ba add moko sa blogroll mo? paki check na rin page ko. ang bait mo talaga at ang ganda pa! *cough*

uu mahirap magkadomain pero pwede kita matulungan para magkaroon ng free domain muna. nalink sa akin? shocker. ang dami kaya ng nalink sa akin. tsk tsk. medyo mahirap yan. may Z ba sa pangalan niya? hahahaha. nakikita ko nga page mo e kasi yung bloglog ko minsan may galing sa iyo. kaya lang dahil umubo ka parang nagabago isip ko. hahahaha

tingin ko xg kaw lang humble na may datcom na blogger na kilala ko, kainis kasi magtanong sa iba, lakas mambara. hindi ko rin naman mabara kasi alam ko may rePUTAsiyon sila. hay… kaya ang favor ko sana sayo: BILAN MO NAMAN AKO NG DOMAIN NAME tnx.

wow. salamat naman sa sinabi mo na hambol ako. hahaha. teka. binabara ka? sa paanong paraan? reputasyon? tsk tsk tsk. wag ganun. dito sa blogosphere dapat walang away. although may kaaway rin ako. hahaha. pero hanggat maaari wag tayo magsasabi ng masama tungkol sa mga kapwa bloggers natin. teka. naku sorry hindi kita mabibigyan ng domain kasi binigay lang din ito sa akin. saka hindi yun basta hinihingi. marami kang proseso na kailangan pagdaanan. kung ako sa iyo magsimula ka muna sa free domains. try mo lang muna kung ano yung feeling tapos kapag nagustuhan mo saka ka bumili ng sarili mong domain. teka. parang binola mo lang yata ako ah. hahahaha

maaari ba kitang makausap ng masinsinan? ahehe!

oo naman pwede bakit hindi? tungkol saan ba paguusapan natin?





No Comments »

 

Leave a comment



Powered by Wordpress | Hosted at NewBeginning | Original theme by XienahGirl.