Jul
31st

BlogSikret July08

September
May
April
March
February
January
November
October
September
August
June
May
April
March

ate x, kikay si Madame President noh?

uu naka fuschia pink tapos yung mga kasama niya mga pastel colors. kala ko nga makabagong bioman sila e o kaya power rangers.

hello :P may gusto sa pnsan ko ang bf ko. dpat ba sa mga gnung tao pinapaslang na?? :)) haha!

sino ang papaslangin mo? yung boyps mo o ang pinsan mo? para mas madali magsuicide ka na lang. hahaha. oy biro lang. ayos lang magkagusto sa iba ang boyps mo. baka naman karass lang? ok na yun.

what if, i ask you out?

why? am i in? hahaha

sbe ng mom q, bwal den dw aq sa timbuktu.. pnu po yan.? :(

di rin pwede sa timbuktu? edi magtiis ka na lang diyan muna. wala ka naman mapapala dito sa pilipinas kundi tuberculoss at bulate sa tiyan. mas safe ka diyan. hahaha

xienah, bat yellow si mr.smiley? hehe

simple lang kaya yellow ang kulay ng smiley dahil siguro ang yellow ay nakapagbibigay ng ’sunny feeling’. ibig sabihin maaraw, punong puno ng buhay na nagbibigay ligaya.

miss xienah sana hindi lang ako nananaginip, or hindi ako pinaglalaruan ng ibang gaya gaya na gustong gumaya (?) sa yo….kahit medyo na-stress ako sa pagkakabasa ko ng comment mo sa aking hamak na blog, sobrang salamat.pwede na akong mamatay…charus!! hehee made me realize my blog is worth keeping!!!!

gaya gaya? wow. may gumagaya ba sa akin? haha. sa palagay ko wala naman. nastress ka sa pagbasa ng comment ko? haha. baket? sige hindi na ako magkokomento. hahaha. biro lang. wag ka muna mamatay. haha. diosko. hahaha. every blog is worth keeping. remember that yours is. blog as long as you want–love it and it will love you back.

pwede pa-kiss? galing mo kasi!

oo na nga. mwahugz.

galing ng site mo..pwede bang pa-kiss?

ok payn. hahaha. lalake ka ba kasi kung oo baka naman pwedeng hindi lang kiss? hahaha

ano ang ginagamit mong panggawa ng komik istrip?

sa internet may isang website dun. hahaha

ate xG pakibalik na ‘yung dating layout ng tsiksilog…

hindi ko pwede ibalik kasi ito talaga ang paborito kong layout. ano ang dahilan mo at ayaw mo nitong layout na ito?

ate xG, alam ko na ang pangalan ng crush ko! sa wakas!

gud por yu pwede mo na siya gawin sa FLAMES

namimisteryuhan ako sa itsura mo… parang gusto kong makita kung anong itsura ng babae sa likOd ng mga nakasulat dito… ang tanong ko, bakit feeling ko nung bata ako ang astig astig ko pag suot ko sa kamay ko ung tsinelas na rambo?

lahat naman namimisteryuhan sa itsura ko pero nakakasigurado ka na babae ako. hahaha. malamang niyan disturbed ka. hahaha. kasi yung sinelas sa paa sinusuot di sa kamay. islander lang na tsinelas ang pwede isuot sa kamay. hahaha

gusto ko na umuwi ng pinas, pro niba-blackmail aq ng mom q sa paguwe.. ok lang b tumakas pauwe ng pinas.? pno ko kaya ma-coconvince mom ko na magpapa kabait nako talga.?

kung ako sa iyo antayin mo nalang na yung nanay mo mismo ang pumayag na makauwi ka sa pilipinas. delikado rin kasi dito e. hahaha. kung magisa ka lang ang korni. maganda punta ka na lang sa timbuktu baka payagan ka pa. hahaha

pano o malalaman na may krash yung isang tao sa isa pang tao?

tanungin mo siya. hahaha

ate xG paano nalalaman pag may gusto sa’yoi ang isang guy? pag pinapaypayan ka n’ya? pag masyado s’yang concerned sa’yo? pag ‘di kompleto ang araw n’ya pag di ka nakikita? pag lagi ka nyang tinitignan? pag naiilang s’ya sa’yo? pag super ang daldal n’ya sa’yo? ano? please paki sagot naman ako o… alam kong mahaba itong tanong ko pero ito lang kasi yung napaglalabasan ko ng aking nararamdamang curiosity e… paki sagot ng kompleto ha? kung hindi, mangungulit ako ng mangungulit ng mangungulit hanggang maayos ang sagot, ok???? thanks for the time…

malalaman mo lang na may gusto sa iyo ang lalake kapag sinabi niya sa harapan mo mismo. yun ang pinakamagandang senyales na gusto ka niya. ang mga lalake nagbibigay yan ng maling galaw na kapag hindi dapat binibigyan ng malisya. wala lang yan. mabait lang yan.

bakit mahaba ang patilya ni elvis presley?

idol kasi niya si fernando poe jr. hahaha

10028th visitor! first time ko lang sa blog mo… maganda s’ya… impernes…

wow. salamat. sana balik balik ka dito.

ate xG, ‘di maarok ng aking napakaliit na utak ang sagot sa tanong ko kung mahal ko ba s’ya o hindi… mahal ko ba s’ya??? ano po ba ang palagay n’yo?

sa palagay ko magaral ka na lang. yun ang pinakamabuting gawin. kalimutan mo muna yang mga pagmamahal na yan dahil darating ang tamang panahon na makakaramdam ka rin.

Sabi ni Pacquiao, “hindi ko sinasabi sa tao na nagpapa-aral ako ng mga bata.” Eh paano yun, nasabi na niya?

oo nga e. boplaks talaga itong si pacquiao e. tsk. natagtag nayata yung kokote niya sa kakasapak sa kanya ng mga kalaban niya.

ano ang url para sa cbox mo?

hanapin mo na lang para masaya. hahahaha

bakit ang galing galing mo? :)

huh? ang galing ko saan? hindi ko alam kung saan ako magaling.

ung x ko po ay mahal ko pden pero ayoko ipaalam sa kanya.. kahit nagpaparamdam sya di ko sha pinapansin.. anu kaya ang prob ko at bket ang gulo ko.?

siguro kasi wala kayong closure nung eX mo kaya hanggang ngayon malabo kayong dalawa. subukan mong kausapin ng dertsahan. sabihin mo kung ano ang nadarama mo. mabuti yung malinaw ang dalawang parte.

saan ka ipinaglihi ng iyong nanay?

hindi ko alam. teka. itatanong ko.

musta n labstori nio ni badoodles?hakhak

napataas ang kilay ko dito ah. anong labistori? wala kaming labistori. breyk na kami. sus. hahaha

tanggap ko ang uali n’ya at ang ugaling wala s’ya… inlove daw ako sa knya… –tapos…

wag mo na muna problemahin ang tungkol sa love na yan. marami pa ang kailngan problemahin tulad ng bakit di sinusuot ni manny pacquiao ang belt na napanalunan niya.

mahal mo ba ako?

oo at hindi.

bat andameng manlolokong lalake?hakhak

edi parang tinanong mo na rin kung bakit asul ang langit. walang lalakeng manloloko, ang meron lang–babaeng nagpapaloko.

sino ako?? tingin nga kung yun pa rin ang sagot mo.. makalipas ang nth na taon!

para matapos na lang ito, hindi kita kilala. hahaha

uso na naman ang poh dito. POH! :) diba? wow, love doctor ka na ate x.

ewan ko ba kung bakit ang galang ng mga tao dito. hahaha. hindi ako love doctor. sex guru ako. biro lang. hahaha

naimagine n’yo na ba ‘yung nakakabinging boses na sinasabi ko?

wala akong boses na nadidinig.

Graduating na kasi ako kaso di ko pa rin alam yung course ko sa college. Eh yung mga kaklasmeyts ko, lahat sila may course na, actually, nagsend na nga sila ng forms. Eh malapit na kasi yung deadline ng submission ng forms dun sa mga sosyal na universities. Anong course ba ang kukunin ko?! Kasi kung wala akong maisip, baka sapilitan na lang akong mag-nursing kasi yun ang gusto ng familia ko.

magasawa ka na lang. yun pinakamainam. haha. sigurado ka ba na walang kang ibanghilig? kahit pagkain? meron yan. isipin mo.

di ako maka move on

aantayin ka namin magmove on sa tamang panahon kung kailan handa ka na. haha

ate xG, sabi n’yo ang love tanggap ko kung sino s’ya? ibig sabihin, in-love nga ako kay TB!

tanggap mo kung sino siya at tanggap mo rin kung ano ang ugali na wala siya.

pano tong chat box?

sa chatbox dun nagchachat. hahaha

um excuse po, ano poh bang ibag sabihin ng taong ayaw kang kausapin hindi dahil galit sya sa iyo at pag kayong 2 ay magkasama ay di kanya kakausapin. Ano po ba ibig sabihin yun?

tahimik lang talaga siya. ganun. huwag mo pilitin na magsalita siya. hayaan mo na hanapin niya ang kumportableng oras. baka maraming iniisip. hayaan mo na lang siguro.

hello poh ulit, ako poh yung nagtanong ng :Hello poh. Meron po kasi akong friend na nagalit o kaya naman nadisappoint ako sa kanya. Ano pong gagawin ko? Close poh kasi kami at tsaka poh I try not to show that I dont like her attitude anymore. Ano poh ulit ang gagawin ko? I want her to turn back as her old self…………ang ibig ko poh kasing sabihin ay nagbago na poh sya kaso poh pumanget poh yung ugali nya. Very close poh kasi kami at hinde poh ako marunong mang-pranka. At kaya poh ako disappointed sa kanya ay kasi ibang-iba na poh talaga yung kanyang ginagawa ngayon. Kung kilala nyo poh sya, makikita nyo poh yung difference. At minsan poh feeling nya sya poh yung centro ng mga taong malapit sa kanya. Ano poh ang gagawin ko? (kung naiireta poh kayo sa kin, pwedeng wag nyo nalang poh sagutan =] )

nasagutan ko na ito. kung talagang kaibigan ka niya tatanggapin mo kung sino siya pero kung nakikita mo na mali na ang ginagawa niya malamang walang ibang paraan kundi sabihin mo sa kanya. kund di ka sanay na prangkahin siya edi sulatan mo.

anong nangyari sa layout ng site mo? kapanibago. nagiging kikay ka naba?

pinalitan ko ang layout ng blog ko. ito ang layout ng luma kong blogspot. dati pa naman akong kikay ah? hahaha

Sorry, comments for this entry are closed at this time.