Aug
31st

BlogSikret August08

September
May
April
March
February
January
November
October
September
July
June
May
April
March

ate xG, may balak ka din bang umalis sa mundo ng blogosperyo tulad ng karamihan dito? parang it’s time to say goodbye na yata ang dating sa kanila eh. eh ikaw?

wala akong balak umalis sa mundo ng blogosphere pero ang lumipat at magiba ng identity, oo meron. ganyan lang yang mga yan. kunwari aalis pero ang totoo babalik din yan sa ibang pangalan. ako? magsasawa na ang blogosphere sa akin pero ako? hindi ako magsasawa magblog. pasensiyahan tayo. hahahaha

Natatrack mo ba yung mga nagtatanong dito? you know me? hehe

pwede kong itrack kung pipilitin ko pero mas madalas hindi ko siya ginagawa. gugustuhin ko na sumagot ng walang paghuhusgang kasama sa kung kanino nagmula ang tanong. walang bias. patas. hindi kita kilala. hahaha

maganda ka naman pero bakit nbsb ka sabi mo? yihee maganda.

eh? hindi naman talaga totoong maganda ako kasi gumaganda ako. ok? mabuti na yung malinaw. haha. parang tinanong mo na rin kung bakit may korupsiyon sa pilipinas. napakaobyus ng sagot. sabi nila madami kasing lalake ang naiintimidate sa akin. hindi ko alam kung bakit. pero ang alam ko na dahilan kaya wala akong boyps e dahil sa hindi ko pa nakikita yun bilang isa sa mga pangangailangan ko. pero ngayon kailangan ko na kaya maghahanap na ako. lagi mong tatandaan na hindi nasusukat ang kagandahan sa bilang ng naging boypren at hindi nasusukat ang kagandahan sa dami ng friendster profile views. hahaaha

Sino yung sinulatan mo na blogger ng love letter? Clue naman dyan

sorry. pero walang clue. alam na nila kung sino sila. hahaha

bakit pinapaulet tanong ko? tsk..paano kung my mahal kang tapos eto may dumating na bago at parang mahal mo na rin?

pinaulit ba? sorry naman. hahaha

pano ba kung may mahal kana tapos eto may dumating parang mahal mo na rin?

kailangan mong tanungin yung sarili mo. ikaw lang ang makakasagot niyan dahil ikaw ang nakakadama. nalilito ka ba? kasi kung oo siguro dapat mo pagisipan ng mabuti kung bakit ka nakakadama ng ganyan.

Bakit mo tinatakpan ang mukha mo? Sabi mo may kamukha kang artista, sino?

kasi anonymous ako. wala dapat makakakilala sa akin. wala akong sinasabi na kamukha kong artista. yung mga bloggers na nakakita sa akin ang nagsasabi na may kamukha akong arista

ano to? haha

hulaan mo.

pa’no maglagay ng cbox sa wordpress-powered na blog? waaahh..di ko alam!!

oo wordpress nga ang blogplatform ko pero self hosted kasi ako. ibig sabihin kontrolado ko ang html.

kung magiging vlogera ka, e di puro password protected na entries mo?

part time vlogger lang ako. wala pa nga e. di pa nga ako sure kung itutuloy ko yun. oo. lahat ng video na lalabas sa datkom ay passwordprotected para mapanatili ang lihim na pagkatao ko at ang mga pinakamagagaling lang ang makakakita. maihrap magpundar para makagawa ng pangalan. iniingatan ko yun at hindi ko dudungisan sa pamamagitan ng bidyo. hahahaha

chkslg

yes

ano ‘yung malibog?

kapag di ka naliligo araw araw tapos kinuskos mo yung kamay mo sa balat mo may itim na parang lupa. yun. yun ang malibog. hahahaha.

totoo ba na kapag payat ang babae malibog daw?

hindi rin totoo yan. ako nga payat e. hahah. pero hindi malibog. hahaha

anong motto mo sa buhay? :)

magandang tanong ito ah. akshuli nalimutan ko na. siguro ang motto ko ay “if there is a will, there is a way.”

chiksilog, ano tagalog ng carrots?

karot

nilinlang niloko alam ko na sikreto mo.

may problema ka ba?

Bakit ang ganda ko?

weh. sino nagsabi? patingin nga.

life is short… make it shorter! –KAKLASE KONG EWAN…

oh tapos?

naniniwala ka bang you are born for greatness? *naks*

hindi. i am born for stardom. hahaha

May bf ka na ba?

bestfriend? wala. boyfriend? lalong wala. no boyfriend since fertilization. hahaha

bakit laging itlog ang nasa banner mo?

wala kasi akong itlog. mahilig ako sa itlog. i love eggs. wala rin kasi akong mahanap na image ng fried chicken fried egg at fried rice kaya makuntento na lang tayo sa ganyan.

yesterday!!!

anong yesterday? sus. haha

if you will die tomorrow, why not today?

because im busy. hahaha

gising ka na ba?

tulog pa ako.

i love your layout ate x. but wait, paano magluto ng itlog na hugis puso?

wow. salamat. madali lang yan. basta kapag luto na yung itlog na sunny side up e pwede mo na kortehin sa pamamagitan ng cookie cutter na heart shape. haha. ewan ko. di ko rin alam.

Nakakapagpayaman ba ang pagkuha ng nursing?

hindi. so far sa palagay ko mahirap ako. hahaha

ano ba ang clue dun sa online love? kulang nalang ata, isa-isahin ko ang lahat ng characters sa keyboard para malaman ko kung anong password nun e…

galit ka? galit ka ata eh? hahaha. edi wag mo na hulaan. give up. simple as that. haha. magletgo ka na. move on. recover. hahaha

kailan ang susunod na cartoon strip?

tinatamad ako sa totoo lang hahaha

ate xG, bakit kaylangang may password pa ung post mo. nakakalungkot naman. :(

para maiba lang. haha. ang cool noh? haha

anong pagkakaiba ng tigdas, bulutong, bulutong tubig at bulutong hangin?

tinatamad ako magsagot andiyan naman si google siya na lang kulitin mo

unti-unti na akong nawawalan ng pagasa. anong gagawin ko?

di mo ba nabasa ang sinabi ko? play dead.

ano ba ang dapat gawin kapag may nagawa kang kasalanan pero ‘di mo naman sinasadyang gawin o kaya nagkaroon lang ng misunderstanding?

pakamatay ka na baka matuwa pa yung nagawan mo ng kasalanan kung mawawala ka sa buhay niya. hahahaha

‘te xG, talaga bang mahilig ka sa giyera? (no opens) kasi lagi ka nalang may kaaway e… dati lang, ‘yung nagsabing corny ang blog na ito tapos ngayon si anonymous4141 naman… make peace, not war… makipag-bati ka na…

pakelam mo ba? hahaha

ate, ano ba ung password dun sa post mo? gusto ko kasi makichismis sa online love mo eh. Please??

hulaan mo na lang

ate xG, ano ung password dun sa post mo? gusto ko sanang maki chismis sa online love mo eh.

kailangan mo hulaan

lahat ba ng password protected kanta?

itong online love ang kaunaunahang passowrd protected entry ko na hindi audio file. kung nagbabasa ka ng deskripsiyon ng entry e hindi kana sana magtatanong ng tungkol dito. ahaha

aalis ka ba? mukhang wasted ka ngeon ah. sad kb? ok lng yan, bukod sa panonood ng porn, da best din ang barney kung gusto mo ng hardcore na libangan. Nagpapaalam knb? tsk tsk, isipin mo na lng mga tagasubaybay mo…

sorry ngayon lang kita nailagay dito–spam ka daw kasi. hahaha. alam mo hindi ako sekswali aktib na tao. di ko pa nasusukat ang kaligayahan sa pamamagitan niyan. malayo pa siguro. hahaha. hindi ako aalis. mamamatay na ako pero andito pa rin ang datkom. yun ay kung nakakabayad ako ng yearly fee. hahaha

uhzar ka na ba kay anonymous? hahaha

di lang asar, iritable pa kamo.

ATE POH! wala lang.. nagpapaepal lang. galit ka na ba ATE POH?

galit ako sa mga putanginang poh ng poh na yan. magtigil nga kayo. hahahaha

‘di naman totoo ang sinabi mo… ‘di lang sa pagsasabi ng pilings malalaman kung may gusto ang isang tao sa’yo… pa’no kung torps(torpe) s’ya?!

nagtanong ka pa rito kokontrahin mo rin pala ako? hahahaha. sabi mo may gusto siyang iba? ano ba? lokaret. kung seryoso siya sa iyo e ipakita niya ng bongga

‘di mo pala akam ang tagalog ng i don’t know e… ewan mo pala!

wateber

bakit ako iniiwasan ng kras ko?kras nya din ako noh?sabi ko na nga ba. ayoko lang mag-assume kaya di ko yan naisip dati.ano sa tingin mo super x?

baka kasi akala niya superhero ka din–may powers ka kaya ganun. hahahaha

seryoso ba sayo ang guy na nanliligaw sayo kung may gusto syang iba?

naku. lolokohin kalang niyan. hahaha

‘te xG, nakakaasar ka naman… bakit ‘di mo nilalagay lkahat ng mga tanong?! Ang dami ko nang tinanong sa’yo wala pang nalabas!

sa pagkakaalam ko lahat ng tanong nakalagay dito.

ate xG, anong tagalog ng i don’t know???

ang tagalog ng i dont know ay “ewan ko”.

hello, matagal tagal na rin akong nagbabasa ng blog na’to kaya medyo may gusto ako sayo ng konti… eto ang tanong. napanaginipan kasi kita kagabi, ang problema blurred and mukha mo sa panaginip ko. walang problema sakin yon kase smoking hot naman ang body… ang gusto ko lang i-confirm ay kung mahilig kang magsuot ng oversized t-shirt na pantulog. yun lang POH thank you. :)

may gusto ka sa akin? yiheeee. hahahaha. ang landi mo. hahaha napanaginipan mo ako? ang daming bloggers na napapanaginipan ako. eh? blurred? mabuti na rin siguro yun kesa naman mukha ni mystica ang nakakabit sa katawan ko ano? paano mo nalaman na ako yun kung blurred? kasi maluluwag ang tshirt ko. hindi yung tee na talagang fit, yung shirts ko e yung normal lang sa katawan ko. oo maluwag pero di siya malaki at di siya fit. labo noh? wala POH anuman. hahaha

Sorry, comments for this entry are closed at this time.