Apr
30th

BlogSikret April08

September
May
April
March
February
January
November
October
September
August
July
June
May
March

anong masasabi mo tungkol sa google adsense

wala akong masabi kasi di naman niya ako kinakausap. ang suplada niya diba? ahaha. pero sana may pumipindutero sa mga ads ko para naman ganahan ako magblog. yun lang. haha

sino ang gumawa ng banner? ang ganda.. hehe

si ayiene.

why is redford white?

because he is not norman black. tangina tol ang corny ko. hahaha. meron akong napanood dati tinanong si redford white kung bakit nga daw siya redford white. ang sagot niya dati daw talaga maitim siya kaya lang nalaglag daw siya sa puno ng buko kaya ayun imbes na namutla e namuti siya.

saan n’yo poh nakuha ‘yung isea ng title ng blog n’yo? namumrublema poh kasi ako e… wala akong maisip! kawawa naman ‘yung naabandona kong blog na ngayon ko palang gagamitin… ano poh bang magandang title?

ang title dapat ng unang blog ko ay MALDITA kaya lang taken na daw yun kaya naghanap ako ng malupit na medical term sakto naman nakita ko yung agraphia na ang ibig sabihin ay loss of ability to write pero naduling ako at ang nailagay ko ay parapnasia na ibig sabihin ay use of incorrect words or word combinations. yung sa empermera naman sa lumang el filibusterismo ko nakita ang salitang yun kung saan puro latin ang nakasulat. yung chiksilog naman matagal ko na siyang alam pero naalala ko lang dahil sa kanta ng kamikazee. magandang title? ano ba sa palagay mo ang salita na maglalarawan sa iyo?

bakit naka-tweaked si holy kamote sa empermera?

mahal ko kasi si holy kamote. haha. siya yung nagayos ng napakagandang layout ng empermera kaya tweaked. siya yung kumumpuni. kaya dapat espesyal mensyon siya.

paano mo nalagay sa empermera yung random quotables?

yung random quotes sa empermera mula yun sa mga nakalap kong comments ng mga bloggers sa entires ko. merong javascript para dun na makukuha mo sa internet.

magkano kaya kikitain ko kung ilalagay ko ebay yung undies? hahaha

sa palagay ko walang bibili nun. itatago na lang nila para sa pansariling kapakinabangan. hahaa

Kelan pala yung parteh natin, di na natin na-ireschedule. Ako ba dapat mag-organize? Di naman ako yung manlilibre eh. :|

yun nga e. yung manlilibre sa atin nawala. ewan ko kung nasan. kung ako lang ang tatanungin palagi naman akong abeylabol. sabi nga, if you want things to be done, do it yourself. pero baka sa buwan ng mayo e hindi na pwede. magiging sobrang abala na ako.

Oo nga, may tagalog na ba sa zimbabwe? baka meron din sa africa. :)) Ako yung gumawa ng banner, promise! :D Ang hirap ng icrop yung babae dun eh. XD Gusto mo ng PSD? :)

oo naniniwala na ako na ikaw yung gumawa ng banner. haha. ikaw lang naman ang nagke claim. ako rin nahihirapan icrop yun. haha. teka. ano yung psD?

Hello po! Hahha! Kamusta po kayo? :D

ok lang ako. medyo paos.

gumagawa ka ba muna ng draft sa blog entries bago i-publish o tinatype mo na lang ng diretcho??

kung mapapansin mo napakadami kong typographical errors palagi sa mga lathala ko kasi diretso ko siyang sinusulat. isang bagsakan. onetime bigtime. yung daliri ko may sariling utak. haha. meron akong mga nakadrafts dito pero para sa mga password protected entries lang. minsan rin yung nakadrafts ko title lang ang meron, para maalala ko na magsusulat ako ng tungkol sa topic na yun. minsan din naka autopublish yung entries para mabigyan daan ko yung kapatid ko na makagamit ng computer.

ano pala yung link ng blog nomination mo sa candy? hindi ko mahanap eh. ipo-promote ko na iboto ka ng mga taga-zimbabwe. hehe

ganun? may nagtatagalog sa zimbabwe? haha. chiksilog at empermera

san na si noi??

nasa pilipinas

tangina. corny mo tol. – kapi-peyst lang. baka gawan mo rin ako ng entry. lol.

haha. tama na. hahaha. move on na tayo.

ahh, i c..san ka sa valenzuela?

malapit sa tullahan river

san u nagwowork?

akshuli, tambay lang ako sa pinas ngayon. haha. magtatrabaho pa lang ako kapag tinamad na ako sa buhay tambay. haha.

ipagpapatuloy ko pa ba ang med?

ano ang dahilan at nagaalinlangan ka na magmed? alam mo ba na maraming tao ngayon ang gustong makapagaral? napakagandang oportunidad niyan para sa iyo at masasayang lang kung hindi mo ipagpapatuloy. sa huli ikaw pa rin ang masusunod. ano ba ang gusto ng puso mo? ng utak mo? timbangin mo kung sino sa dalawa ang paniniwalaan mo. do you have a better heart or a better mind?

alam mo ba ako gumawa nung banner? wahaha. malamang.

ows? patunayan mo nga. parang hindi naman. haha

Ate X, ito na banner mo: http://tinyurl.com/3hphe4 wooooo! banner nga ba? Ay basta!

hahaha. ang kuleeeeet. hahaha. ang cute. ang cute. nasabi ko na ba na ang cute? hahaha. akin na lang ito ah? paramis mo yan. hahaha.

xienahddicts. woo! kasali ako dun. wahaha. :))

hahaha. o sige sumali ka kung gusto mo. haha

xienaholics kami!

xienahddicts. haha. parang teen star lang ang dating. may banner na ba ako? haha

wafu ba ko?

wag ka maniwala sa sinasabi ng nanay mo. hahaha

magsswimming ba ako o hindi?

basta ba isasama mo ako pwede ka magsuwiming

bakit ka daw korny TOL?lols

tol! tae. haha. kaya nga hindi ko ganap na mapasalamatan si mokong kasi di ko alam ang dahilan kung paano ako naging corny. tsk tsk

ni link kita. magagalit ka ba?

hindi naman ako magagalit. ang babaw naman nun para magalit ako. hahaha

idol ku kea c xienah..:)

ano kala mo sa ain si april boy? haha. biro lang. salamat. salamat ng madami.

how can something so wrong feels so right all along?

catch me im falling for you. haha. kaya nagiging tama ang mga maling bagay dahil sa iyon ang gustong maramdaman ng puso. e kadalasan ungas ang puso. hindi niya ginagawa ang tama kundi ang gusto niya na lang

testing lang ‘to… puwede magtanong?

nagtatanong ka na nga e. kala mo di gumagana ano? uyy. inggit. hahaha

Tangina nung nag-tangina kay xG!

huy. behave ka. haha

may balak ka bang sumunod sa mga yapak ni inday? wala lang. para kasing masyado ka nang nahihilig sa wikang banyaga.

wala akong balak sumunod sa yapak ni inday. hindi ko gusto maging househelp. haha. ako? nahihilig sa wikang banyaga? imposible. gusto ko lang ipakita sa lahat na ako ay versatile pagdating sa paglalathala.

sa nagsabi ng “tangina. corny mo tol.” wala lang. :) Maganda ka pa rin Ate X.

haha. wala ka naman palang masasabi sa kanya kundi maganda ako. haha. kala ko aawayin mo e.

tangina. corny mo tol.

tangina tol. maraming salamat at sinabihan mo ako ng corny. kailangan ko yan. sa dalawang taon na nagblog ako, ngayon lang may naglakas loob na sabihan ako ng corny. ampotangena. kung sino ka man–nasa akin ang iP address mo, pero mas maganda kung nagiwan ka ng pangalan para di ka nagmumukhang duwag. thank you.

Kasing pawisin ba ni Sean Kingston si FPJ (sumalangit nawa)?

hmm. hindi naman kasi rapper si fpj. saka si sean kingston sa ibnag bansa siya nakatira at sakto naman na natapat na summer dito kaya siya pawisin

anong ibig sabihin ng empermera?

tagapangalaga ng maysakit o pwede rin namang nurse. haha

sino si misterE? link! link! link!

naku sikreto si misterE di siya pwede ibulgar. haha

ngaun lng ako napadaan sa blog mo… at may katanungan din ako katulad nila.. sana masagot mo… anong real name mo?

kilala ako sa internet bilang si maria shella anna mendoza.

masaya ka ba nung april 11?

oo naman masaya ako kasi kasama ko kayo pero siyempre di pa rin maiwasan na magpanic ako nung gabi na yun kasi pumalpak diba? pero natutuwa ako kasi naiintindihan niyo ako.

Ano ang yahoogroups password ni Queen Elizabeth?

may yahoogroups si queen elizabeth? abay. madaya. di ako nasabihan tungkol dun.

ate, nakakatuwa nman yung blog mo. wag ka mag-alala, iboboto kita. :)

wow. salamat. sana mapadaan ka ulit dito.

San kau nag-parteyyy?

sa warehouse135 at sa McDonalds buendia

I am a fan xG. :)

salamat naman.

pa’no mo nagagawang maging matagumpay ang bloggings moh??..hehe..ngaun ko lang na-visit yung site mo pero natuwa akoh..haha!!!…gud lak nalang p0h sau!!

hindi ako magiging matagumpay kung wala akong mga tagasubaybay na tulad mo na nagsisilbing apoy sa kagustuhan ko na magsulat.

saang category ka nominated sa blogawards?

best boy’s blog. haha. hindi biro lang. ang empermera at chiksilog ay nominado sa kategoryang best written blog.

kung isa lang ang kilay mo, san mo gustong nakapwesto ito?

sa bunbunan ko para di halata. haha. o kaya sa taas ng labi para kunwari bigote. haha

bakit kaya pag naglilinis ng tenga, napapa pikit din tayo?

hindi kasi ako ganun e. baka nasasarapan ka lang kaya ganun. haha

dahil gaya-gaya ako makikisali na din ako sa pagtanong, bakit ang yabang ng tagboard mo at hindi ako makapag-tag?

ikaw ay isang magandang halimbawa ng inggiterong kapitbahay. haha. mayabang yung tagboard ko? inaano ka ba niyan at nayayabangan ka? haha. hindi ka makapagpost? kawawa ka naman. tsk tsk. kaya mayabang yan kasi mayabang din yung mayari. haha

anong ginagawa mo ngayon?

nakikinig ng kanta habang pasayaw sayaw

bakit nawala ang entries ng blogsikret?

hindi siya nawala dahil andon siya sa sidebar. naka archive siya–para kasi yun sa buwan ng march e april na ngayon diba? haha. kaya ayun. monthly ang archives.

bakit gusto mo magpakilala sayo ang mga lurkers mo? =)

alam ko imposible yun pero ako kasi yung tipo ng tao na gusto ng kontrol. gusto ko alam ko kung ano yung nasa isip nila, kung ano yung nadarama nila. saka mahirap yung di mo alam na may sinasabi pala yung tao tungkol sa iyo na di mo alam

ano ang gusto mong regalo?

madami akong gustong regalo–digicam, desktop pC, lappie, psp, portable dvd player, iphone hahaha ang dami diba. pwede isla. bigyan mo ako ng isla

bakit ***** **** ang password? hehehe. na-gets ko lang naman na sitti xa. hehehe

pinaliwanag ko na ito sa mismong entry na iyon kaya di ko na kailangan pa ulitin. kung bakit ayun ang napili kong password

Bakit hindi nauubos ang tubig sa waterfalls?

nauubos din. kapag wala ng masyadong ulan at kalbo na ang gubat. yun may posibleng maubos.

lbre b ang dload s bittorrent

di ko alam. di ko pa nasusubukan.

Ano susuotin mo sa party mo!?

naisipan ko na lang na mag white shirt tapos vest saka skinny jeans. yun lang. simpleng simple.

Saan nagsimula ang April Fools?

tingin ka na lang [dito]

wow! naks! marami-rami na rin ang naka-post na mga tanong rito a! kaya sasama na ‘ko! mag-bigay ka naman ng clue sa password ng sitti oh! pleeeeeaaseee!!!!! I beg you!

mag move on ka na. napakatagal na ng entry na yan. haha. pero ang clue na nga mismo ay yung title. palagi namang ganun.

Xg, sorii sa abala… hehe… ok na poh yung password-protected post ko… tenkyu! ; D

mabuti naman at ok na siya. hay. makakatulog na ako sa gabi. haha

Sino ang dapat kong sisihin sa pagkawala ng blog ko? Ako o ang katangahan ko?

wala kang dapat sisihin dahil hindi naman ginusto ng kahit na sino ang mawalan ka ng blog

Sorry, comments for this entry are closed at this time.