ulit ulit

sandali. hihinga muna akong malalim.

kung mapapansin niyo, wala ng natira dito sa blog ko. lahat bago. sinadya ko talaga na pasabugin ulit yung datkom kasi pakiramdam ko hindi na ako yung dating sarili ko. nagiba na ako at parang hindi ko nagustuhan yung naging resulta. kung naaalala ninyo noon, grabe yung pagkukumahog ko na maibalik yung shit ko dito sa datkom. nagwawala ako. mainit ulo ko pero ngayon iba na dahil ako na mismo yung kumawala at nagpasya na kailangan ko ng blog reset.

naaawa nga ako dito sa datkom kasi binabalikan ko lang siya kapag nasasaktan ako mula sa buhay pagibig ko. palagi yun. makikita ninyo na harabas ako sa blogging kapag broken hearted ako. alam niyo ba na nabuo lahat ng blog ko mula sa pagiging talunan ko sa pagibig? hindi? ayos lang. mas marami talaga akong naikukuwento kapag pakiramdam ko na malupit ang trato ng mundo sa akin. isa pa, wala na akong kaibigan. sana nga nagbibiro ako nung sinabi ko na wala na akong kaibigan pero seryoso ako–hindi na nila ako kailangan. wala na akong ibang makausap kaya kesa naman maglaslas ako, naisipan ko na magsulat ulit tapos maghahanap na lang ako na makakaintindi sa akin. kamumuhian namin yung mundo tapos iiyak kami tapos magiging maayos na kami–kakain kaming siomai.

kanina nga habang nasa bus ako pinatugtog yung acoustic version ng poker face. kamuntik na akong maiyak. isipin mo? naka smoky eyes akong makeup–kumpletong mascara, itim na eyeshadow, eyeliner at shimmer tapos biglang maiiyak ako sa kanta ni lady gaga na poker face? ganun na kabigat yung nararamdaman ko. hindi ko na yata kakayanin kaya sabi ko sa sarili ko malala na ito, kailangan ko na talaga magsulat ulit.

balik ako sa simula–gagawa ako ng meron mula sa wala. hindi ko na pinanghihinayangan yung mga entries na nawala. bakit pa? andito lang naman yun sa my documents ko. ang hirap sa inyo, kabado kayo masyado. sana mapagtiyagaan nyo muna yung miserableng buhay ko. hayaan niyo na muna ako buuin ulit yung tiwala at kumpiyansa ko sa sarili ko na nasira mula doon sa palpak na romansa ng buhay ko.




9 Responses
  1. tagay mo yan ate XG.. ^_^

    [Reply]



  2. aww… am looking forward of reading ur blogs… hmmm…
    tama yan! tagay pa! hik!

    regards…
    aly

    [Reply]



  3. nakaka relate ako rin hindi na rin yata ako
    kailangan ng mga friends ko dahil magtataransfer nako
    huhuhuhu sana wag ganun . . .

    [Reply]



  4. “alam niyo ba na nabuo lahat ng blog ko mula sa pagiging talunan ko sa pagibig?”

    Parehong-pareho pala tayo ng blog history e. “Jake The Miserable” pa nga ‘yung gamit kong pangalan nu’n (circa 2007, kung na-encounter mo). Tapos meron pa akong “National Ex-Boyfriend.”

    Pero, that is so effing 2008. Over time, naka-recover ako. Tapos may isang fairy na ginawa akong bunny. Kaya masaya ako ngayon. Sana maka-recover ka na rin agad at maging kumpyansa ka ulet sa sarili mo. Kung nagawa ko, magagawa mo rin ‘yan. Do not accept if the seal is broken or missing.

    Finally, a quote from my favorite author:

    “We have this idea that love is supposed to last forever. But love isn’t like that. It’s a free-flowing energy that comes and goes when it pleases. Sometimes is stays for life; other times it stays for a second, a day, a month, or a year. So don’t fear love when it comes simply because it makes you vulnerable. But don’t be surprised when it leaves, either. Just be glad you had the opportunity to experience it.” (Neil Strauss)

    [Reply]



  5. parang naiiyak na din ako sa acoustic na poker face after mo i-blog hehe…
    ganun talaga, meron palpak at may perpektong romansa – nataon napunta tau dun sa palpak.. hindi kaw nag-iisa.. :((

    [Reply]



  6. sabi ko naman kasi sa’yo nandito naman ako e, ang kakambal ni john lloyd! hwahahahahaha

    siyanga pala, kapag kelangan mo ng kausap, nandito lang naman ako e. lam mo naman cellphone # ko o kung paano ako makokontak. :D

    stay sexy.

    [Reply]



  7. Shot lang yan!:)
    Kahit magblog reset ka,susubaybayab ko parin tong blog mo. Itaas mo?!(*shing tugs* tunog ng basong nagkalampagan)

    [Reply]



  8. akala ko, nuong sumapit ako sa ganyang kalagayan (ikamamatay ko) pero hindi.. lalo akong nabuhay.. ng panibagong buhay..
    alam ko.. masakit, masaklap.. at nakakawalangganang mabuhay,makipag hapi hapi…
    pero what to do./. isa kang DIYOSA!
    at hindi tlga pwedeng pagsamahin ang isang diyosa at isang mortal..

    [Reply]



  9. tama ka nga ma’am. some people have a tendency to write better pag heartbroken. ayos nga mga entries mo e. when i was 23 i was like you, romanticizing everything. we shouldn’t look at life as a race to find love. masyadong masaya ang buhay para magmukmok lang sa isang bagay na HINDI PA LANG dumadatin. dadating ka din dun.

    [Reply]



Leave a Reply