continued
-dahil diyan pagusapan naman natin yung mga nagawa, ginagawa at gagawin mo pa lang bilang isang blogger.
xG: napakaraming nagbukas na oportunidad para sa akin simula ng naging blogger ako
-napasama ka sa candy blog awards
xG: hindi ako sinwerte na makasama sa finalist. sumali ako doon dahil gusto ko manalo ng laptop kaso hindi pinalad, ayun bumili na lang ako
-HAHAHAHAHAHAA
xG: ang yaman ko diba? kaya bumili na lang ako. nakakatuwa lang kasi may suporta akong nakuha sa mga nagbabasa ng blog ko.
-marami ng nagbabasa sa iyo noon pa
xG: ayaw yata ng candy yung blog ko. hindi swak sa panlasa nila. mas gugustuhin pa nila yung mga blogs na may paru paru glitters at rainbow. hindi ako bagay doon.
-kawalan nila yun hindi sa iyo
xG: parang ang bitter ko naman pakinggan
-hindi ba?
xG: pakyu ka
-HAHAHAHAHAAA
xG: inamoka
-pagusapan naman natin yung pagkapanalo mo sa project lafftrip laffapalooza
xG: ayan na naman
-bakit?
xG: sinasabi ko na nga ba
-ayaw mong pinaguusapan yung tungkol don?
xG: hindi naman sa ganun, kaya lang kasi ang daming gulo ang naidulot ng contest na yan sa buhay blogger ko. ang seryoso ko. deputa. HAHAHAHAHA.
-kasalanan ni badoodles?
xG: lagi kong sinisisi si badoodles tungkol dito. alam niya yan.
-kawawa naman siya. kung iisipin mo natalo mo si inday!
xG: oo nga. akalain mo yun? ang lakas pa man din ng blogniinday nung mga panahon na yun
-galit ka kay badoodles?
xG: hindi. napamahal na sa akin si badoodles kaya tinaggap ko na lang
-nasa iyo pa rin ang bragging rights ng pagiging kaunaunahang pinoy humor blogger
xG: tama!
-may issue ba kayo ni greenpinoy?
xG: wala kaming isyu. hindi nga kami nagkakausap.
-hindi ka daw niya kilala
xG:HAHAHAHAHAHAHAAA
-HAHAHAHAHAHAA
xG: mali lang kasi yung naging simula namin. ok sana kung naging magkaibigan kami
-ok na siguro yung ganito
xG: makontento na lang ako sa kung ano yung hindi kami
-sana nga wala ng contest na sumunod
xG: kung ako lang ang masusunod, sana wala na nga talaga pero hindi naman pwede yun. siyempre may darating at darating na bago. magiging mahirap nga lang dun sa susunod kasi hindi maiiwasan na maging basehan o standard yung nananahimik na dating top10
-ang gulo. hindi kita maintindihan
xG: matagal na
-parang sinasabi mo na sana natalo ka na lang?
xG: hindi ah.
-ano lang?
xG: ang tagal na nito. grabe.
-kaya nga pwede na nating pagusapan. hindi ibig sabihin na matagal na ito, e tapos na. kailangan natin pagusapan ito para malagyan ng katapusan ang mga bagay.
xG: wala naman akong isyu tungkol dun. ang galing lang kasi kahit walang entry dito sa datkom may traffic pa rin dahil sa kwentong barbero
-parang ginawang extension itong blog mo ni badoodles
xG: walan namang kaso sa akin yun. kung sa bagay, dati nung hiatus kuno si badoodles, ako naman yung pursigido magblog. aba, siguro panahon na para magpahinga naman ako saglit at siya naman ang magblog
-naniniwala ka ba na popularity contest lang yung PLLP?
xG: sabi nila pasikatan daw. hindi naman ako sumikat. oo, lumabas yung blog ko sa tv–saglit lang.
-pangarap mo yun ano?
xG: pangarap ko yun–yung makilala sa labas ng internet bilang blogger. sa kahit anong media. magazine. radio, diyaryo. billboard.
-ambisyosa!
xG: kung mangangarap ka lang din, taasan mo na.
-lumabas ka na dati sa dyaryo diba?
xG: oo, lumabas sa dyaryo yung pangalan ko nung pumasa ako sa nursing
-hindi yun!
xG: alin ba?
-tungkol sa pagiging blogger ang pinaguusapan natin.
xG: nagsulat ako dati sa dyaryo, pero sandali lang yun.
-anong dyaryo?
xG: matagal na akong wala sa pinoy parazzi. hindi yata ako unabot ng 10articles doon. napagod ako saka natakot din.
-may balak ka bang magsulat ng libro?
xG: sa ngayon, wala akong balak. masyado akong abala sa paggawa ng wala.
-bukod sa dyaryo, sinubukan mo din yung pelikula
xG: nahihiya ako kapag pinaguusapan itong mga bagay na ito
-gago ka pala, gagawagawa ka ng kung ano ano tapos ikahihiya mo
xG: HAHAHAHAHAAA
-kamusta naman yung ginawa mong pelikula?
xG: short film yun. tinulungan ko yung isang blogger na aspiring director.
-magkano binayad sa iyo?
xG: yun nga e! walang binayad sa akin
-libre lang?
xG: oo! HAHAHAHAAA
-pameryenda lang
xG: yan lang naman ang kaligayahan ko.
-nagpupunta ka pa ba sa mga blog events?
xG: hindi na. matagal ng hindi. pakiramdam ko kasi plastikan lang yun. payabangan. ewan ko, ako lang yata ito.
-hindi ka na pupunta?
xG: ayaw ko na siguro. paso na yang ideya na yan sa akin. pareparehong tao lang naman ang nakikita mo. nakakasawa na.
-anong blog event ang masasabi mo na nagenjoy ka?
xG: mahirap ito.
-mukha nga
xG: siguro yung
-ano?
xG: wala akong matandaan
-AHAHAHAHAHAA
xG: seryoso. parang wala naman. wala talaga yung masasabi kong sobrang saya ko pwede na ako mamatay walang ganun. hindi ako dumating sa ganung punto.
-meron ka pa bang hindi pa nagagawa at gusto mong gawin?
xG: oo, gusto ko mapasama sa flippish.
-oo nga!
xG: kaya lang parang ang sosoyal ng mga andon. hindi ako bagay.
-gusto mo mapasama sa isa sa mga show ng flippish?
xG: matagal na. kahit anong show. kahit nga yata mascot, weather report o kaya kahit lector sa sunday mass na streaming ng flippish, papatusin ko. mapasama lang sa flippish.
-kilala mo ba si kring?
xG: oo naman! pero hindi niya yata ako kilala.
-imposible
xG: ewan ko pero sa tuwing nakikita niya ako lumalapit siya palagi sa akin para batiin ako. ganun yata siya sa lahat. hindi ko naman alam kung ano yung gagawin ko kasi, alam mo yun?
-si kring pa lumalapit sa iyo
xG: hindi si kring. THE KRING ELENZANO.
-THE KRING
xG: mabait siya. binebeso niya ako kahit di niya ako kilala.
-mabait nga talaga.
xG: pinagpapala ang mga taong mababait.
-nagusap ba kayo?
xG: wala kaming pagkakaataon para makapagusap. siguro kung may tsansa baka maging magkaibigan kami. siguro hindi rin kasi magkaiba kami ng interes.
-malay mo.
xG: nahihiya ako sa kanya. ang ganda niya. ang dumidumi ko kapag katabi ko siya
-HAHAHAHAHAHAHA
xG: triple threat yun. teka. basta threat siya sa kahit kaninong babae.
-pareho kayong sikat sa napili niyong larangan.
xG: ayaw kong sabihin na sikat ako. siguro kilala, yun yata yung mas tamang salita. maraming nakakakilala sa akin sa blogosphere.
-napasama ka rin sa philippine blog awards
xG: naligaw lang yung blog ko doon. hindi ako dapat talaga kasali
-gusto mo bang manalo sa taon na ito?
xG: kung meron man akong blog awards na gustong mapanalunan, yun yung philippine blog awards. legit yun. hindi popularity contest. palakasan lang sa judges
-HAHAHAHAHAHAHAAA
xG: pero mukhang malabo ako manalo sa taon na ito.
-sa top 10 emerging influential bloggers.
xG: nominado lang. napasama lang dati pero hindi pinalad na mabilang sa top10
-naniniwala ako na ikaw ang isa sa mga pinakamaipluwensiyang blogger sa pilipinas
xG: sa pilipinas? parang hindi naman
-wag ka na. alam mo naman ang tungkol dito, masyado ka lang mahiyain.
xG: ako mahiyain? hindi ah.
-ano masasabi mo doon sa mga bloggers na tumitingala sa kahusayan mo sa larangan ng blog?
xG: wag kayong maglagay ng auto play na mp3 widget sa blog niyo
-HAHAHAHAHAHA
xG: puta lang diba? seryosohan. kung gusto ko makinig ng music, may media player naman ako. hindi ako pupunta sa blog mo para lang makinig ng kanta. nandon ako para magbasa. hubugin mo yung kagalingan mo sa pagsusulat hindi sa kaartehan. ang blog ay behikulo para unti unti mong makilala ang sarili mo. makikita mo ang sarili mo sa karanasan ng ibang tao at kusa kang matututo mula doon.
-ang bibo mo dun sa sinabi mo
xG: HAHAHAHAHAHAAA
-may masasabi ka pa ba?
xG: wala naman na.
-parang bihira ka na nga lang magsalita nitong mga nakalipas na buwan. sana hindi ka huminto sa blogging.
xG: magsasawa na yung blogosphere sa akin pero hindi ako magsasawa sa kanya
-tunay na anak ng internet
xG: HAHAHAHAHAHAAA
-sana maulit ito ano?
xG: ayaw ko na. ang hirap ng mga tanong mo dito.
-pwede naman silang magtanong sa iyo sa formspring mo
xG: at pwede rin nila ako sundan sa twitter.
-seryoso, salamat sa oras mo.
xG: wala iyon
-wag na tayong magplastikan, puta
xG: HAHAHAHAHAAA
-oh, siya. hanggang dito na lang
xG: hanggang sa susunod na isyu
-HAHAHAHAHAHAAA
faux play deux
interbyuwer: pinagusapan natin yung mga isyu mo bilang blogger
xienahgirl: ang grabe lang ng mga tanong.
interbyuwer: ngayon medyo pagaangin naman natin yung usapan.
xG: lovelife na ito
-ang dami mo niyan diba?
xG: wala nga kahit kapiraso
-pumapagibig ka naman yata kahit paano? may nanligaw naman ba sa iyong blogger?
xG: meron naman siguro, yata, pero ayaw kong magsalita para sa kanila. mas maganda yata sabihin na lang kung sino yung mga niligawan ko.
-ang swerte naman ng mga lalakeng iyan at ikaw pa ang nanligaw
xG: akala mo kung sinong mga gwapo itong mga ito para bastedin lang ako.
-HAHAHAHAA
xG: ang ganda ko diba? tapos binasted lang ako. ang kakapal. HAHAHAHAHAAA.
-sino na nga?
xG: ayaw ko naman sabihin na eto si ganito niligawan ako niyan. si ganyan niligawan ako nito. ayaw ko naman na ganun. ipapaubaya ko na lang sa desisyon nila kung sila na yung aaminin o hindi
-magsasabi ka ba kung sino?
xG: si billycoy saka si ninong
-talagang nagbanggit ng pangalan? anak ng kasawiang palad.
xG: ano magagawa ko? tinanong mo ako, sumagot ako.
-pwede namang hindi sumagot!
xG: keri lang. basta, sila yung talagang alam ng tao na nagkagusto ako. alam naman din nila billycoy at ninong yun. ako yung tipo na kapag gusto ko yung tao, hindi na ako magaantay. sasabihin ko talaga kaagad na gusto ko sila
-agresibo ka masyado
xG: ayaw nga yata nila ng ganun. hindi ko naman kasi makita yung punto kung bakit kailangan itago na nagkagusto at minahal ko sila.
-sino naging syota mo sa kanila?
xG: wala. hindi nila ako gusto. ayaw nila sa akin. binasted nga ako, ang kulit. ayaw ata nila ng babaeng agresibo kagaya ko
-nakita mo na sila sa personal?
xG: si billycoy lang. si ninong hindi pa atsaka parang hindi naman na kailangan pa. wala ng silbi kung magkikita kami sa personal. masasaktan lang ako. HAHAHAHAA
-hindi pa rin ako makapaniwala na ganyan ka.
xG: kahit ako rin. AHAHAHHAA. kahit naman sinaktan ako ng mga yan mahal ko pa rin sila. kaya kong sabihin sa harapan nila yang mga salitang iyan at alam nila yan.
-yung iba?
xG: wala. kalunoslunos lang kasi hindi ko naman masyado pinagtuunan ng pansin.
-doon ka naman bumawi
xG: HAHAHAHAAAA
-yan ang gusto ko sa iyo
xG: pwera biro, masaya naman ako na naging parte ako ng mga buhay nila at nagpapasalamat naman ako na naging parte sila ng buhay ko
-maganda yan na alam mo sa sarili mo kung ano ang gusto mo
xG: totoo yan.
-parang maganda yata kung gagawa ka ng blog entry tungkol diyan
xG: meron na akong nagawa. nagaantay lang ako ng pagkakataon para ilabas.
-sino naman si misterE? ultimate kras mo yun diba?
xG: ah oo.
-sino ba yun?
xG: bakit ko naman sasabihin sa iyo?
-eto hula ko lang. tamang hinala.
xG: sino? sige nga.
-si es2pido ba ito? si neil.
xG: HAHAHAAA
-siya ba?
xG: ang daming nagsasabi na baka siya. ewan. dito ko na gagamitin yung sinabi mo sa akin na pwede namang hindi sumagot.
-putrages na yan. naisahan ako! HAHAHAHAAA. parang wala ka namang balak aminin iibahin ko na lang yung tanong
xG: sige. pinipiga mo talaga ako dito.
-ang daming arte ah
xG: ako pa ngayon?
-nabalitaan ko na may mga bloggers ka na nakahalikan
xG: medyo
-paanong medyo? isipin mo, bibihira lang ang mga ganitong klaseng istorya
xG: weh ano naman?
-sino na yung mga nakahalikan mong blogger
xG: wala namang malisya ito
-sino nga?
xG: tangina lang please
-puta sabihin na kasi
xG: HAHAHAHAHA
-papilit pa talaga?
xG: si aaron, si billycoy saka si judd
-IKAW NA
xG: HAHAHAHAA
-kamusta naman?
xG: ayos lang. wala namang malisya yun talaga. parang balat lang na dumikit sa balat ng iba
-kinilig ka naman
xG: siyempre
-HAHAHAHAHAA
xG: ganun talaga kapag malandi
-eto pansin ko lang, dahil sa kalandian mo na yan ang dami mong cyber stalkers.
xG: ayaw ko sa mga stalkers mapainternet man yan o hindi
-nagpapakita ka na naman ng mukha mo
xG: marami na ngang nakakakilala sa akin sa labas
-ano ginagawa nung mga nakakakilala sa iyo?
xG: wala naman. hindi sila lumalapit sa akin. natatakot ata kasi ang pangit ko
-HAHAHAHAHAHA
xG: medyo nga. kasalanan ko ba na pangit ako?
-hindi ka naman pangit.
xG: pwede na, mapagtiyatiyagaan.
-presentable ka naman
xG: may pakinabang naman ako sa ganda ko kahit konti
face2face
interbyuwer: kamusta?
xienahgirl: ayos lang. ikaw ba?
interbyuwer: sa ating dalawa, ako lang ang dapat na nagtatanong
xienahgirl: HAHAHAHAAAA
-wala kang karapatang magtanong sa akin. ako ang magiinterbyu sa iyo diba?
xG: pwedeng magsorry?
-maganda sana ito kung podcast, pero ayos na rin. bago ako magsimula gusto ko lang malaman ng lahat ng makakabasa nito na napakaswerte ko na makita ka sa personal at makausap ka ng tayong dalawa lang
xG: ng walang halong alak
-walang halong alak
xG: walang pulutan
-walang pulutan
xG: walang suhol
-purong pagmamahal lang
xG: at libog
-at bolahan
xG: ganun na nga
-pero seryosohan. magiging napakalalim ng paguusapan nating dalawa kasi ito yung mga tanong na alam kong takot itanong sa iyo nung mga piping tagapagmasid sa blog mo
xG: akala ko ba kasama dito yung sa formspring ko?
-kasama rin yung mga nakalap kong tanong sa formspring mo. chill pill ka lang diyan.
xG: wala akong ibang taong naisip na kayang gumawa nito kundi ikaw lang. ikaw lang ang pwedeng bumarag sa akin
-alam mo yan
xG: teka. may rules ba itong interview na ito?
-wala naman. hindi ito yung katulad doon sa isang blog.
xG: HAHAHAHAAAA
-wala itong rules. wag mong limitahan yung mga sagot mo. ang kailangan mo lang gawin ay ang magsabi ng tapat.
xG: kaya ko yan
-sige simulan na natin sa unang tanong
xG: natakot ako bigla
-tae ka. umayos ka.
xG: maayos naman ako ah?
-saan ka galing?
xG: HAHAHAAAA
-seryoso ako. saan ka galing? ang tagal mong nawala. naniniwala kasi ako na ikaw yung kahulugan ng salitang hiatus sa blogosphere.
xG: hiatus
-pinauso mo daw yun?
xG: hindi ko pinauso yan! saka, hindi naman ako nawala. nandoon lang ako sa tumblr
-pansin ko nga nasa tumblr ka madalas. nagtatago ka ba?
xG: hindi. wala naman akong kasalanan kahit kanino. basta lagi lang akong nandon sa tumblr at lumalandi. minsan nagpupunta ako sa mga bagong blogs para naman makibalita sa kung paano na ba yung kinalabasan ng blogging ngayon.
-iba na kabataan ngayon
xG: jejemon na nga magsulat yung mga bloggers
-napansin ko rin na sa halos lahat ng bagong blogs na puntahan ko nandoon yung link mo.
xG: sobra ka naman. hindi naman yata
-wala ka dun kay greenpinoy saka blogniinday
xG: HAHAHAHAAAA
-wala ka doon!
xG: hindi naman sila nagpupunta sa blog ko
-nakakapagtaka lang kasi hindi ka naman talaga kagalingan
xG: ilaglag mo ako sa sarili kong blog.
-yung iba nga diyan, walang galing
xG: salamat ah? HAHAHAHAHA kung pwede nga lang lamunin na ako ng lupa sa mga pinagsasasabi mo
-kung meron kang blogger na ibabaon sa lupa sino yun?
xG: ang lakas makaiba ng usapan.
-meron ka bang tinatagong hinanakit at galit sa mga kapwa mo bloggers?
xG: napakadiretsa ng mga tanong
-kailangan din ng diretsang sagot, wala ng paliguyliguy pa
xG: dati meron pero ngayon parang hindi na ako galit. walang kabuluhan magalit sa panahon ngayon. masyadong naguumapaw ang puso ko sa pagmamahal nitong nakalipas na buwan. walang puwang para magalit
-balita ko nga may hate entry na sinulat tungkol sa iyo
xG: alin sa mga iyon?
-ang dami ba?
xG: oo, madami. HAHAHAHAA
-nakakatawa lang kasi merong isang hate entry doon, hindi ko naman nabasa pero ang sabi nung mga tao parang trying hard daw
xG: trying hard?
-trying hard sumikat
xG: tangina mo ka
-HAHAHAHAHAHAAAA
xG: hindi ko naman binabasa ang mga hate entry na tungkol sa akin
-parang ginagaya ka. hindi pala parang, talagang ginagaya ka.
xG: imposible namang gayahin ako. wala naman akong style. wala akong hulmahan para ihurno niya ang sarili niya bilang kawangis ko
-leche
xG: siyempre kapag binasa ko yung mga sinulat na tungkol sa akin, ibig sabihin nakuha nila yung atensiyon ko. asa naman sila na papansinin ko sila. siguro oo, makakarinig ako ng tungkol doon pero minsan hindi ako nagsasalita kasi alam ko na wala namang kwenta kung papatulan Ko. madaldal akong tao pero alam ko kung kelan ako tatahimik at bubuntong hininga.
-sabi naman doon sa isa, nagbibigay ka ng opinyon kahit hindi naman kailangan.
xG: hindi naman aaray kung walang kukurot. minsan may mga sugat na kailangan humahapdi muna bago gumaling.
-nakakainis yung ganun, yung punong puno ka ng atat sa pagsulat ng hate entry tapos hindi ka naman pinansin
xG: HAHAHAHAHAHAA
-mapangasar ka rin
xG: tinatamad lang talaga ako
-ows?
xG: saka sinisiguro ko lang na bago ako magreak, kinokompronta ko muna yung mga tao na kailangan kausapin
-pero seryoso, may kagalit ka ba?
xG: hindi naman ako galit. parang naiinis lang ako kasi ang talino ng putanginang iyon. ang galing. ang linis. ang dalisay.
-kala ko ba wala kang kagalit?
xG: wala talaga. naiinis lang ako.
-HAHAHAHAHA. bakit hindi mo sabihin na si…
xG: subukan mo lang banggitin yung pangalan
-hindi na
xG: pakyu ka
-hindi na nga diba? HAHAHAHAHAAAA
xG: dati nagbabasa lang yun ng blog ko. nagiiwan pa nga ng comment. nagcomment din ako sa blog niya. ayaw ko sa kanya pero pinilit ako ng pagkakataon para sa kaswal na plastikan. isang araw, nakabili siya ng domain tapos doon na biglang tinubuan ng yabang. akala mo kung sino. siya na.
-ganyan ka lang kasi wala ka sa links niya
xG: excuse me, nandon ako.
-sa lumang blog
xG: HAHAHAHAHAHAHA
-meron ka bang gustong iparating sa mga taong galit sa iyo?
xG: kung gagawa naman na rin lang sila ng kagaguhan, ayusin na nila. maging responsable sila sa mga gagawin nila. kung masaya sila na pinaguusapan ako, ibibigay ko sa kanila yun.
-oo totoo yan, parati ka ngang topic nung mga yun
xG: ng mga yun? parang ang dami.
-nakakaawa lang sila kasi wala na silang ibang mapagusapan kundi puro ikaw na lang. pumupunta lang yata yung mga yun sa blog mo para may mapagkwentuhan.
xG: mabuti sana kung pinagkakakitaan ko sila
-kaso hindi naman.
xG: ang saklap
-sikat ka kasi
xG: hindi ko alam kung bakit naging masama ang ibig ipakahulugan ng salitang sikat
-sabi mo kasi dati araw lang ang sumisikat. hindi ka araw, kundi isa kang star!
xG: HAHAHAHAHAHAA
-hindi mo naman kasalanan kung may karisma ka at ginagamit mo yun para maging magiliw sa lahat
xG: mabait lang ako talaga kapag nasa tamang gising saka hindi gutom
-alam ko yan, naranasan ko na yan!
xG: alam mo yan
-medyo mahaba na itong naging usapan natin kaya itutuloy na lang natin ito sa susunod na araw.
xG: ano naman ang mga paguusapan natin don?
-yung tungkol sa lovelife mo
xG: sige
-dapat nung february pa yun diba?
xG: oo nga
-abangan na lang nila yun







