its complicated

blogosphere, we have a problem–pumapagibig na yata ako.

tuksuhin niyo naman ako, please? yes?

paanong hindi magiging napakalaking problema niyan e nagkakandaletseletse na yung trabaho ko dito sa opisina. sabi nga ng mga katulad kong birhen pang nabubuhay sa mundo, hindi pwedeng pagsabayin ang love at career. kung pagibig, pagibig lang. kung trabaho, trabaho lang. kung tite, tite lang. kung puke, inyo na. aanhin ko naman yan? hindi ko naman pwedeng ipangkalso ng gate namin yan.

gumagawa lang siguro ako ng dahilan para pagtakpan ang mga katarantaduhan at kakulangan ko sa buhay pero kasi hindi talaga ako makapagtrabaho ng maayos–kakaisip sa kanya, kakahanap ng paraan para makakausap siya, kakapuyat para lang magkwento sa kanya. nakakaligtaan ko na nga minsan maligo at kumain dahil sa hindi ko namamalayan ang oras sa tuwing nandiyan siya. katulad na lang ngayon, imbes na nagtatrabaho akp gumagawa ako ng lathala tungkol sa kanya. ano nangyayari sa akin? hindi ko rin alam. huhusgahan ninyo ako at sasabihin na nababaliw na ako. ang masakit lang naman dito, wala ako sa posisyon para itanggi ang mga paratang niyo na iyan.

buong puso akong sumusugal pagdating sa mga bagay na sigurado ako, na may pagasa ako. susugal ako para sa pagmamahal. tataya ako para maging masaya. hindi naman sa pagsasalita ng tapos pero iba kasi yung kutob ko sa pagkakataong ito–iba yung pakiramdam ko. ito yung tipo ng pagibig na may malisya–yung aayawan mong matulog ng may salawal sa gabi, ganun ka katiwalang hindi magagahasa ang pagkadalisay mo.

wala naman talaga akong pakealam sa problemang yan dahil kung tutuusin, yakang yaka ko yan. maning mani, chicken feed, piece of cake at kung ano ano pang putrages na pagkain na pwedeng isingit diyan para lang maiparating sa inyo na balewala lang sa akin itong problemang ito. ang totoong problema? kung ano ang maaaring dahilan para makumbinsi ko yung taong mahal ko na hiwalayan niya yung kasalukuyang karelasyon niya. oo, tama ang iniisip mo–yung lalakeng mahal ko, may syota na at ang malas lang dahil hindi ako yun.




14 Responses
  1. sulutin mo na!! yakang yaka yan! :)

    hay congrats at muli na namang tumibok ang puso mo! nawa’y patu-patuloy yan!

    miss you.

    [Reply]



  2. wala akong ibang masabi kaya eto na lang:

    GO GIRL!!!

    hahahahaha

    [Reply]



  3. bkit yung syota b nya ang iniibig mo?
    -robin padilla…

    nwei huwag mong hadlangan ang kaligayahan mo pero pkatandaan na huwag mo ring hahadlangn ang kaligayahan ng iba.. para quits lang

    [Reply]



  4. uyyyy…inlab…dalaga na.

    (walang kwentang panunukso. hrhrhr)

    yaka mo yan :) hehehehe.

    [Reply]



  5. Uuuuuy mang-aagaw. Uuuuuy magpapalungkot ng ibang babae. Uuuuuy manunulot. Yiihiiii gagawa ng bagay na ayaw gawin sakanya. Haaay nakakakilig.

    TANGINANG YAN! NATAWA AKO SA COMMENT NA ITO. hahahaaa. good job!

    [Reply]



  6. ang tanong….yung totoo…..

    papayag din ba siyang magpaagaw?

    [Reply]



  7. Wushuuh..

    Ayiihh..

    Asuss..

    Limampiso na baon, may kras ulit..

    Sabi mo nga kaya mo yan.

    [Reply]



  8. clevids lng ang katapat nyan! hahahaha pang mmk yan mga ganyang pagkakataon.

    [Reply]



  9. Sana hindi ‘Beer’ ang maging theme song mo sa bandang dulo ng istorya. Hehe.

    [Reply]



  10. Tsk tsk tsk.

    [Reply]



  11. eh papano na lang kaming nahuhumaling sa alindog mo?

    [Reply]



  12. Hwag kang mag-alala. Karirin mo lang nang karirin si irog mo. Wabwab ka naman nun.

    At ikaw… ang dakilang mang-aagaw.

    LULZ :3

    [Reply]



  13. Umayos ka mama. Ikaw rin. Hrhrhrhr

    [Reply]



  14. Ayus. Go lang! Hahaha. Kidding aside, ang sakit naman maagawan. Alam mo na, ouchyness. :p

    [Reply]



Leave a Reply