hindi na naman ako nakainom ng gamot ko

wala pang isang araw ang nakakalipas ng binura ko ang 6 na account ko sa mga social networking sites pero parang taon na ang binilang ko.

kinakausap ko na naman ang sarili ko para ipahiya lang sa inyo.

hindi ko kayang mawala itong blog ko, baka mabaliw ako. hindi pala baka, kundi mababaliw talaga ako. mawala na yang twitter, plurk, friendster, facebook at pantasya account ko huwag lang ang datkom. ito na lang yung tanging bagay na nagpapanatili ng katinuan ko at isa pa, bukod sa sayang ang bayad ko sa rehistro at hosting, meron akong panata na magblog kahit isa lang bawat linggo. tumutupad lang ako sa pangako at sa palagay ko yan ang isang katunayan ng pagiging matapang ko.

nung una, nawala yung notebook ko tapos yung wallet ko sinundan ng cellphone ko tapos yung files sa computer ko at ngayon naman nawala yung 6 na accounts ko. sana nga pwede kong sabihin na baka namisplace ko lang sa kung saan tulad ng mga nabigong pagibig ko noong nakaraan pero hindi pa ba sapat na tawagin akong matatag sa lahat ng pinagdaanan ko? kailangan ng tamang timpla ng tapang at pagkabaliw para gawin yan. iniisip ko kung ano yung bagay na pumipigil sa akin dati para burahin ko ang mga iyon–nakalimutan ko na. alam ko merong isang bagay na nagsisilbing balakid para sa ating lahat para pilit na panghawakan ang mga alaala.

panghihinayang. nagpundar ka ng emosyon sa isang alaala na alam mo na posibleng mawala. inaamin ko, malaking parte ng pagkatao ko ang nawala kasama ng mga accounts na iyon pero ang mga ito ang bahagi ng buhay ko na nagtutulak sa akin para huwag subukan ang mga bagay.

sino ang baliw? ikaw na patuloy na nakukulong sa anino ng nakaraan o ako na nagbuwis ng alaala para lang magkaron ng bagong karanasan? maraming kumukwestiyon sa kung bakit hindi ko mabura ang blog ko dahil kapag ginawa ko iyan, para na rin akong tumalon mula sa pinakamataas na palapag. may malaking posibilidad na mabuhay ako para lang magpakamatay muli.




14 Responses
  1. ahhh. quotable quotes.
    “sino ang baliw? ikaw na patuloy na nakukulong sa anino ng nakaraan o ako na nagbuwis ng alaala para lang magkaron ng bagong karanasan?”
    pinagisip mo ko dun a.

    [Reply]



  2. *Neil likes this*

    Ay, sorry. Akala ko Tumblr.

    ——————-

    Ang daming nawawalan ng something. :( Ako naman, cellphone.

    NA NAMAN.

    What’s with the month of May at laging may nawawalan? Una, website. Tapos pera. Tapos ngayon, cellphone.

    Masyadong malungkot ang buwan na ito. At enrollment pa.

    MAG-JUNE KA NA PLEASE

    [Reply]



  3. Hindi ko rin kaya hindi magblog. Kahit na malapit na ang boards. *Pagpray mo ko ate. Huhuhu

    Anyway, ang hot mo sa photo mo ate. Weeee!

    [Reply]



  4. Ako nawalan ng pag-asang makabingwit ng tunay na pag-ibig. Panay bota at patay na isda ang nabibingwit ko.

    Well, ganun yata talaga ang buhay. Hindi lahat ng mangingisda, masagana ang huli.

    [Reply]



  5. napansin ko lang sa mga nakalipas mong mga blog medyo mabibigat tsaka naka dextrose im mean seryoso ang mga nilalaman pro sbi nga hindi lahat ng pagkakataon masaya ang buong buhay pag ganun anak ka na ng diyos nun, pro sbi nga ni idol gary granada kailangan mo lng matutong mag palipad ng sarangola sa ulan, ganun talaga sbi nga yun mga pasakit at luha ay isa sa kailangan upang mabuo ang pagkatao mo. gudluck!

    [Reply]



  6. WAG NA WAG KANG MAGBUBURA NG BLOG!

    dahil kapag ginawa mo yan marami ang manggagaya like kreizeih!

    hindi ko mabubura kahit kailan ang friendster ko dahil gusto kong pagtawanan ang pagmumukha at pinaggagawa ko nuon

    [Reply]



  7. Pag binura mo tong dat kom na ito. Ayawan na :(

    [Reply]



  8. nabasa ko. hehe. SALAMAT!

    [Reply]



  9. just smile…everything would be fine…

    parang nabubuhay ka sa nakaraan…

    kilala mo sarili mo.walang pakialam ung iba s kung ano man gusto mo gawin..

    [Reply]



  10. Nagbasa. Gusto ko magkomento pero wala namang katuturan pero andito na rin lang ako iwan ko na ‘tong walang wentang quote na ‘to,

    “everything will be okay in the end, if it’s not okay, it’s not yet the end..”

    sabi ng kaibigan ko sinambit daw ni patrick starr to, sabi naman ng isa pang kaibigan hindi daw. Ang sabi ko naman depende sa talong.

    [Reply]



  11. Congratulations sa pagkakabura mo ng anim na social account mo.

    “kailangan ng tamang timpla ng tapang at pagkabaliw para gawin yan.”

    Pwede ding isang pangyayari na magdudulot ng matinding frustration at kinakailangan ng matinding outlet ang magtulak para magawa yan.

    Nagmamarunong na naman kami. Tama na. Congratulations ulit.

    [Reply]



  12. just smile…everything would be fine…

    parang nabubuhay ka sa nakaraan…

    kilala mo sarili mo.walang pakialam ung iba s kung ano man gusto mo gawin..

    [Reply]



  13. just smile…everything would be fine…

    parang nabubuhay ka sa nakaraan…

    kilala mo sarili mo.walang pakialam ung iba s kung ano man gusto mo gawin..

    [Reply]



  14. – sana bagay na lang din amg nawala sa akin , madaling palitan , hindi katulad ng taong minamahal.
    oo nga , pwede mo s’yang kalimutan pero paano ang pinagsamahan ?

    nabubuhay ako para sa nakaraan .. wala akong maisip na bukas kung wala rin sya ..

    ++ ow c’mon .. move on ! hehe

    [Reply]



Leave a Reply