ang kapal ng mukha ko

gusto kong maglayas. gusto kong pumunta sa malayong malayong lugar. yung walang makakakilala sa akin. yung makakapagsimula ako ulit.

hindi ko alam kung bakit nagsusulat ako ngayon imbes na gumagawa ako ng paraan sa kung paano ako hahagilap ng kinse mil. nalaman ko na 3buwan na pala kaming hindi nakakapagbayad sa bahay. imposible yun. hindi pwede mangyari yun dahil buwan buwan nagbibigay ako ng pera para sa lahat ng obligasyong pinansiyal ko, kaya papaanong magkakaron ako ng utang?

saan napupunta ang perang binibigay ko? hind ko alam. makatao ang usapan namin ng tatay ko sa kung paano ang hatian, sa kung paano ang dapat na mangyari sa mga gastusin pero bakit parang naiwan ako sa ere? ako lang ba ang miyembro ng pamilya?

kahit kumita ako ng isang daang libo sa isang buwan kung hindi sila marunong maghawak ng pera maghihirap pa rin kami.

ayaw ko lang talaga ng may utang. nakakatawa na nakakainis kasi nagtatrabaho ako bilang kolektor ng utang tapos may utang pala ako? tadhana nga naman. ang tigas ng mukha ko para maglabas pasok sa gate ng compoud namin. ang kapal naman ng apog ko at nakuha ko pang bumili ng mamahaling mga bagay tapos hindi ko alam meron pala akong utang.

putangina lang.