wala naman talagang kinalaman itong bidyong ginawa ko sa babasahin mo
maiba lang naman ang ihip ng hangin dito sa datkom ko.
isa sa mga dahilan kung bakit ako naging punong abala noon ay dahil sa nahikayat ako ng kaibigan kong direktor na tahakin ang isa pang landas para mahasa ang iba pang talentong meron ako. nakumbinsi niya akong gumawa at bumida sa dalawang pelikula–indie film, para naman medyo sopistikado pakinggan. kung hindi niyo pa nababalitaan, nagkalat sa internet ang dalawang indie film kung saan ako lumabas pero siyempre hindi ko sasabihin kung ano yung mga pamagat ng nasabing obra dahil malaki ang posibilidad na kutyain niyo ako oras makita niyo kung gaano ako kabanban makipaglaro sa lente ng kamera.
mapangahas ang modernong kabataan at kahit mahirap gumawa ng ganitong klase ng timpla ng mga pelikulang lumilihis sa nakagawiang kamalayan ng lipunan dahil bukod sa ako ang nagdala ng sarili kong damit at ako na rin ang nagayos sa sarili kong maganda, wala kaming pera at kakaunti lang kaming nagtulungan sa proyektong ito. abilidad lang ang puhunan. wala kasing nakuhang sponsor yung kaibigan kong direktor at sariling pera niya yung ginamit niya para dito kaya limitado lang ang nagawa namin. kahit ganito, naging inspirasyon namin iyan at pinaganda namin ang kalidad ng pelikula sa makakaya ng paraan na maaabot namin. hindi rin naman mawawala sa isip ko na siguro kung may magpopondo sa amin baka nagamit namin iyon para mas lalong mapaganda yung ginawa naming proyekto. dapat kasi pinagtutuunan ng pansin ng gobyerno ang ganitong klaseng sining, bigyan ng karampatang alokasyon sa budget para sa ikauunlad ng makabagong kultura natin.
kakaiba pala yung pakiramdam na umarte kasama yung totoong artista. parang nakakahiya naman kung magkakamali kaming mga birhen pa sa tanghalan. pekeng artista kasi ako pero kaya lang aaminin ko na kahit huwad akong aktres ay masasabi ko naman na one take actor ako. ganito ako kayabang.
maarte talaga ako dati pa at ito ang paborito kong gawin–ang magpapansin. sa palagay ko nga baka hindi mo namalayan na vlogteaser3 ang dapat na nilagay mo sa textbox para mapanood mo yung bidyo sa itaas. naalala ko dati pinayuhan ako ng amo ko sa trabaho na baka pagod na ako kaya dapat kong balikang gawin ang mga bagay na nakakapagpasaya sa akin, na gusto kong ginagawa. parang siya daw, manunulat daw siya nung kolehiyo at balak rin niyang gumawa ng pelikula dahil napupundi na rin siya sa ginagawa niya sa opisina. sabi ko kunin niya akong artista kasi mabilis ako umiyak. naisip ko, baka akala niya pinaglalaruan ko lang siya at umaarte lang ako sa harap niya para lang payagan niya akong umalis sa trabaho. naiyak kasi ako sa harap ng amo ko habang sinagot ko siya ng hindi na ako masaya sa tanong niya na bakit ka mageresign? kapag emosyonal ka, hindi maiwasan na mababaw ang luha mo at madali kang tutuluan ng sipon.
ito yung tinatawag ng maraming hitting 2 birds with 1 stone. dalawang pangarap ang natupad dahil bukod sa nangyari ang pangarap kong umarte sa pelikula ng may mga kahalikang lalake habang nakikipaglampungan sa kama, nakatulong din ako sa pagtamo ng pangarap ng kaibigan kong direktor na gawin ang pelikula niya. ang totoo, tinanggap ko ang mga iyon kahit walang kapalit. yung tipong kawang gawa, ang bait ko talaga. kaya kung sino man diyan ang gusto akong kuning artista, pameryenda lang ayos na ako.
oh eh kayo na bahala maghanap kung sino yung direktor ko at kung ano yung pelikula at onga pala, kaya kailangan ng password nung bidyo sa itaas kasi nakita na don yung mukha kong pinagkatago tago ko ng 3 taon.
teka magkalinawan nga tayo–itong bidyong ito ay hindi ang trailer ng pelikulang ginampanan ko.
its complicated
blogosphere, we have a problem–pumapagibig na yata ako.
tuksuhin niyo naman ako, please? yes?
paanong hindi magiging napakalaking problema niyan e nagkakandaletseletse na yung trabaho ko dito sa opisina. sabi nga ng mga katulad kong birhen pang nabubuhay sa mundo, hindi pwedeng pagsabayin ang love at career. kung pagibig, pagibig lang. kung trabaho, trabaho lang. kung tite, tite lang. kung puke, inyo na. aanhin ko naman yan? hindi ko naman pwedeng ipangkalso ng gate namin yan.
gumagawa lang siguro ako ng dahilan para pagtakpan ang mga katarantaduhan at kakulangan ko sa buhay pero kasi hindi talaga ako makapagtrabaho ng maayos–kakaisip sa kanya, kakahanap ng paraan para makakausap siya, kakapuyat para lang magkwento sa kanya. nakakaligtaan ko na nga minsan maligo at kumain dahil sa hindi ko namamalayan ang oras sa tuwing nandiyan siya. katulad na lang ngayon, imbes na nagtatrabaho akp gumagawa ako ng lathala tungkol sa kanya. ano nangyayari sa akin? hindi ko rin alam. huhusgahan ninyo ako at sasabihin na nababaliw na ako. ang masakit lang naman dito, wala ako sa posisyon para itanggi ang mga paratang niyo na iyan.
buong puso akong sumusugal pagdating sa mga bagay na sigurado ako, na may pagasa ako. susugal ako para sa pagmamahal. tataya ako para maging masaya. hindi naman sa pagsasalita ng tapos pero iba kasi yung kutob ko sa pagkakataong ito–iba yung pakiramdam ko. ito yung tipo ng pagibig na may malisya–yung aayawan mong matulog ng may salawal sa gabi, ganun ka katiwalang hindi magagahasa ang pagkadalisay mo.
wala naman talaga akong pakealam sa problemang yan dahil kung tutuusin, yakang yaka ko yan. maning mani, chicken feed, piece of cake at kung ano ano pang putrages na pagkain na pwedeng isingit diyan para lang maiparating sa inyo na balewala lang sa akin itong problemang ito. ang totoong problema? kung ano ang maaaring dahilan para makumbinsi ko yung taong mahal ko na hiwalayan niya yung kasalukuyang karelasyon niya. oo, tama ang iniisip mo–yung lalakeng mahal ko, may syota na at ang malas lang dahil hindi ako yun.
hindi na naman ako nakainom ng gamot ko
wala pang isang araw ang nakakalipas ng binura ko ang 6 na account ko sa mga social networking sites pero parang taon na ang binilang ko.
kinakausap ko na naman ang sarili ko para ipahiya lang sa inyo.
hindi ko kayang mawala itong blog ko, baka mabaliw ako. hindi pala baka, kundi mababaliw talaga ako. mawala na yang twitter, plurk, friendster, facebook at pantasya account ko huwag lang ang datkom. ito na lang yung tanging bagay na nagpapanatili ng katinuan ko at isa pa, bukod sa sayang ang bayad ko sa rehistro at hosting, meron akong panata na magblog kahit isa lang bawat linggo. tumutupad lang ako sa pangako at sa palagay ko yan ang isang katunayan ng pagiging matapang ko.
nung una, nawala yung notebook ko tapos yung wallet ko sinundan ng cellphone ko tapos yung files sa computer ko at ngayon naman nawala yung 6 na accounts ko. sana nga pwede kong sabihin na baka namisplace ko lang sa kung saan tulad ng mga nabigong pagibig ko noong nakaraan pero hindi pa ba sapat na tawagin akong matatag sa lahat ng pinagdaanan ko? kailangan ng tamang timpla ng tapang at pagkabaliw para gawin yan. iniisip ko kung ano yung bagay na pumipigil sa akin dati para burahin ko ang mga iyon–nakalimutan ko na. alam ko merong isang bagay na nagsisilbing balakid para sa ating lahat para pilit na panghawakan ang mga alaala.
panghihinayang. nagpundar ka ng emosyon sa isang alaala na alam mo na posibleng mawala. inaamin ko, malaking parte ng pagkatao ko ang nawala kasama ng mga accounts na iyon pero ang mga ito ang bahagi ng buhay ko na nagtutulak sa akin para huwag subukan ang mga bagay.
sino ang baliw? ikaw na patuloy na nakukulong sa anino ng nakaraan o ako na nagbuwis ng alaala para lang magkaron ng bagong karanasan? maraming kumukwestiyon sa kung bakit hindi ko mabura ang blog ko dahil kapag ginawa ko iyan, para na rin akong tumalon mula sa pinakamataas na palapag. may malaking posibilidad na mabuhay ako para lang magpakamatay muli.







