pasisikatin kita

ito na–ang pinakapapansin na komento sa kasaysayan ng datkom at sa sobrang agaw atensiyon nitong blogistang ito, naisipan ko na ibigay sa kanya ang hinihiling niya.

sabi nga, baliw na matatawag ang taong papatol sa baliw. pwes, nakahanap siya ng katapat niya.

una sa lahat, mayabang talaga ako at matagal ko ng alam na magaling ako sumulat pero hindi ko lang masyadong pinapahalata. yung talento ko? wala sa kalingkingan ng talento na meron ka. kung ikukumpara lang din sa iyo? hindi naman sa pagaano pero nainsulto ako.

pangalawa, hindi ako nagpapanggap sa blog na ito. lahat ng makikita ng mata mo dito ay kapiraso ng pagkatao ko. banal ang bawat titik. sagrado ang bawat kwento. hindi ko kailangan patunayan sa kahit kanino, lalo na sa iyo, kung nagsasabi ako ng totoo. hindi naman ako nandito para paniwalain kayo sa mga kasinungalingan. nagsusulat ako para maglathala, maglabas ng sama ng loob, matuto mula sa pagkakamali, insultuhin ang mga bobong katulad mo, bumuo ng alaala at kausapin ang sarili ko. para sa akin, hindi para sa kahit kanino.

pangatlo, im consistently inconsistent. sana marunong ka makaintindi ng ingles kasi hindi ko alam kung paano pagkakasyahin iyang napakalaking ideya na yan sa kokote mo. ito yung isa sa mga bagay kung bakit ako tinanggap ng tao dahil sa lagi akong merong hindi ko alam.

pangapat, diyos ka kaya huhusgahan mo ako? pwes ako xienahgirl, wala rin akong pakealam pero pasisikatin kita.




15 Responses
  1. Hala! May umaaway sayo ate xG? Lakas naman ng loob nun.

    [Reply]



  2. shena, dapat di mo na pinatulan. =) hayaan mo na siya. matagal na nating alam… we can’t please everybody. =) hindi na dapat tayo bumababa sa lebel ng mga taong ni sa kalingkingan eh hindi naman maikukumpara sa atin.

    at binasa ko yung blog niya. nangati akong iedit ang entry niya kaya lang wala akong makitang ballpen dito. hehe. chill. =)

    [Reply]



  3. ok, so masakit sa ulo ung sinulat nya at hindi ko na iattempt basahin…
    “My pen!!!! Laaaa!!! where is my pen?” – Nice…. hehe

    [Reply]



  4. relaks.
    ang puso mo :)

    [Reply]



  5. ay… away… may away… afraid… ehhehe

    [Reply]



  6. Huwag ka mag alala! Hindi naman iblebless ni God yung mga taong umaaway sayo eh!

    Mas marame pa rin kaming nagmamahal sayo! lalo na ng katawan mo! BWAHAHAHAHAHA!!!! CONFERENCE NA ULIT!

    May hint ako sayo Xg: “Oi nakausap ko na si Badoodles!” :)

    pero galit/tampo ako kay badoodles

    [Reply]



  7. gawan mo rin ako ng ganito soulmate…please…gusto ko yung sikat din ako…diyos rin ako. kaya parang awa mo na.ahhaha.

    @umleo..parang alam ko kung ano ang pinag usapan niyo ni badods ah.lols

    [Reply]



  8. nakapasok ba comment ko?

    [Reply]



  9. ouch. sumakit ulo ko. kelangan nyang magpatutor ng English ke Inday!

    [Reply]



  10. wahahaha. lalo kang kumucute kapag nagagalit. ayiiii..

    relax lang ate. apir.

    [Reply]



  11. haha.. my pen..
    haha… namatay na ko kakatawa.. well sikat na siya :)

    [Reply]



  12. Hi Xienah, kilala mo paba ako? :p
    Namiss ko magbasa ah.. Long time no woot…
    Nakikichismis lang ako.
    Nakakamiss ka talaga.

    [Reply]



  13. @Maldito: Oo malamang alam mo yun wahahahahaha!

    @Xg: Huwag ka ng magtampo! Ikaw naman inde mo anman BF si Manong Badoodz! wahahahahahahaha kaya wag ka ng magtampo kase wala rin namang mangyayare! bwahahahahahaha

    hindi ako natuwa sa comment mo

    [Reply]



  14. parang ano yung blog nya yung mga website na tagalog na literal na tinranslate sa english bawat salita. ok, hindi. =(

    [Reply]



  15. naintriga ako sa showbiz dito LOL

    pero sana hindi ko nalang binasa ang pangalawang link, dahil naging anemic ako bigla ampfufu

    she’s not worthy sumikat, wag ibaba ang level sa mga taong walang kwenta.. =)

    [Reply]



Leave a Reply