we gonna party like its my birthday

happy birthday to me.

lagi kong sinasabi na limot ko na yata kung paano dapat sinisimulan ang mga ganitong klase ng blog entries pero bahala na, susubukan ko pa rin kahit na wala naman talagang katuturan yung mga pinagsususulat ko. basta masabi lang na may first paragraph, pwede na yun.

hindi ko na patatagalin ito dahil matanda na ako at alam ko hindi na uso ang bolahan sa parteng ito ng blogosphere. bago ang lahat, gusto ko muna magpasalamat sa lahat ng mga nagabalang magpasa ng litrato para sa chiksilog blog contest. seryoso, tatanawin ko yang tanda ng pagkakaibigan natin. napakalaking utang na loob nito kung tutuusin at hindi ko alam kung paano ito matutumbasan kaya pagdamutan niyo na itong shirt na ibibigay ko sa inyo.

oo, ibibigay kong shirt sa inyong lahat na sumali at nagpasa sa kontes. tama ang basa mo, lahat ng nagpasa ng entries para sa chiksilog blog contest ay makakatanggap ng shirt. sa totoo lang ang dami nila at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng panustos sa kagagahan kong ito pero ayos lang, minsan lang naman ako magbertdey at sa palagay ko huling beses ko na gagawin ito. traumatic. daig ko pa yung mga politiko sa paspasang product placement ads ng pangangampanya kung makagastos ako. kala mo kung sino akong rich bitch kung makaarte, diba?

maraming mga pasaway ang hindi sumunod sa rules, pero sige–palulusutin ko. maraming mga nagpasa mula sa ibang bansa, pero sige–pagbibigyan ko. isa pa, ang hirap pumili ng pinakamagandang photo entry. bakit ko kailangan pahirapan ang sarili ko kung pwede ko naman pagbigyan lahat? madudurog ang puso ko kapag nabalitaan ko na may malulungkot dahil hindi siya nanalo kaya mas minabuti ko na lang na panalunin lahat.

sa mga sumali at nagpasa, pakiantay niyo na lang yung email na ipapadala ko sa inyo na naglalaman ng detalye sa kung paano ninyo makukuha yung premyo.

gusto ko lang naman, masaya tayong lahat.

ayaw ko maging ipokrito, aaminin ko–nagtatampo ako sa ilan sa mga taong nagsabi na sasali sila pero pinaasa lang ako. friendship over mothafuckers.




28 Responses
  1. Happy Birthday xG! Sayang hindi ako nakasali sa pakontest mo, wala tuloy akong magandang t-shirt. Next time? :)

    [Reply]



  2. pasensya wala akong regalo, hehe, eto na lang…. isang dambuhalang kaantig-antig na walang hanggang pagbati sa iyo mula sa aking puso tagusan hanggang buto at kaluluwa, maligayang bati xG!!! hehehehe

    [Reply]



  3. parteeeeh in da club. ohyeah!
    pibertdei! :)

    [Reply]



  4. uy! hapi birthday syo buti ka pa me birthday hehehe! sayang me draft na ako ng blog na ipapasa kaya lng wag na lng t.h eh, niways ibang klase ka talaga pra kang si helen of troy yung me fez na makakapaglaunch ng thousand ships well kaw naman since di pa kita nakikita at nose mo pa lang ang nakikita ko well safe to say na you have a nose that could launch a thousand blogs papano pa kung makikita nila ang fez mo tyak kinabog mo si helen ahahahaha, just wishing you a happy birthday and sabi nga ni manong johny “gusto ko chubby este! happy ka!”

    [Reply]



  5. akala ko soulmate extended to? so pano yan? babasura ko nalang ang ginawa ko? ganun? ha?!

    ha haha..happy beerday soulmate..

    late man o hindi, papadala ko sayu ang ginawa ko.

    Ganyan eh, mahilig ako sa deadline. ha ha ha

    [Reply]



  6. happy burfday! yehey! birthday mo na!

    [Reply]



  7. :) happy birthday! mwah!

    [Reply]



  8. everybody is a winnar!

    did you accept my entry? i gez not! im not a winnar :(

    [Reply]



  9. Happy birthday xg! Dapat ako rin my shirt tsk….

    [Reply]



  10. Haberdey!

    [Reply]



  11. Oohohoy, sabi ko na nga ba, better late than nevarr eh. Oh yeah.

    [Reply]



  12. hahaha.. HAPPY BIRTHDAY. :D

    [Reply]



  13. ayooosssss, salamat talaga…

    hapi birthday..sana maipost din lahat ng photos..please…

    [Reply]



  14. oh humabol ako!

    babati ulit ako dito

    happy birthday! eks oh eks oh na madami

    [Reply]



  15. Hoy ninang,

    Maligayang Bartday… T-shirt namin ng inaanak mo, where’s?

    Nagmamahal,

    inaanak Igno and Lunes

    [Reply]



  16. ako may tshirt din? wala? k.

    happy birthday. muah

    [Reply]



  17. belated happy birthday ahaha

    di nakasali. ayaw mo kasi ako phiramin ng dlsr mo ahaha

    :)

    [Reply]



  18. Hindi ako nagsabing gagawa ako.

    And yeah, Im a mothafucka. :/

    [Reply]



  19. wala akong camera… excuses. :D

    [Reply]



  20. Happy Birthday! Hope you’ll have a good one!

    [Reply]



  21. Happy Bday Xg! Napadpad ako dto sa tulong ni maldito. Sana maging meaningful ang bday mo!!!

    [Reply]



  22. Happy Birthday :-) cencya kana ha walang nternet sa site office na napuntahan ko during submission date :-(

    [Reply]



  23. late na late na ang bati ko sa pinag papantasyahan kong si XG! Happy Birthday sorry hindi ako nakahabol sa pa-contest mo…

    [Reply]



  24. Happee Beeerrday po! Belated na pala…nagbabasa ng blog nyo. Ngayon lang po nag comment. =)

    [Reply]



  25. pibertdey xg.

    galit ako sa iyo. yata. hindi ko alam. nagtatampo ata? san ka galing?

    [Reply]



  26. haha. generic na reply habang nag-iisip ng palusot. hmm… one enehap years na nga pala ano *kamot ulo.

    siguro minsan, wala talagang malalim na dahilan. gusto mo lang. – sabi ng mga adik

    hapi bertdey! bati na tayo.

    seryosohan? nagtatampo talaga ako.

    [Reply]



  27. Ui haberdey. Sayang may tishort sana ko, kahit plastik na entry lang sana, di ko naabangan yun.

    [Reply]



  28. heypibirthday!

    maaligasgas.

    [Reply]



Leave a Reply