chiksilog blog contest

ayun nga.

bilang pagdiriwang ng ikalawang taon ko sa datkom, pinupwersa ko kayong lahat na sumali sa blog contest ko kung saan magkakaroon kayo ng pagkakataon na makita ako sa personal, mailibre ko kayo ng tanghalian, sine, arcade at pamasahe pauwi at higit sa lahat ay manalo ng exclusive shirt mula sa datkom. teka, sandali. nagbibiro lang ako dun sa parteng makikita ninyo ako sa personal at lalo na dun sa ililibre ko kayo ng tanghalian, sine, arcade at pamasahe dahil hindi ko kayo syota pero kung halimbawang gustong gusto niyo talaga, mapagbibigyan ko naman kayo dahil mabait ako.

PARAAN SA PAGSALI:
1. dapat meron kang sariling blog.

2. litratuhan ang sarili gamit ang kahit anong klase ng camera. kung may kakayanan yung plantsa niyo na kunan ka ng litrato, bakit hindi? basta siguraduhin lang na makikita ang logo na ito o logo na ito sa nasabing litrato. hindi mahalaga kung anonymous blogger ka at ayaw mo ipakita ang mukha mo. walang kaso sa akin yun. wala akong pakealam sa mukha mo pero sa katawan mo? baka meron pa. ang importante nakikita ang alin man sa mga logo para malaman na meron ka talagang intensiyong sumali.

3. sa sarili mong blog, gumawa ka ng orihinal na blog entry kalakip ang mga sumusunod:
-pamagat ng entry na Chiksilog Blog Contest
-maikling talata na naglalaman ng pambobola ninyo sa akin
-post processed picture ninyo na may datkom logo
-link pabalik sa http://chiksilog.com at chiksilog blog contest

4. bumalik sa entry na ito,. iwan ang pangalan, email address at link ng post na ilalahok ninyo para sa kontes para matumbasan iyon ng raffle number.

5. huli, antayin ang komento ko sa mismong entry na ipapasa ninyo na naglalaman ng confirmation number na magsisilbing numero ninyo para sa pa-raffle because im techie like that.

merong tatanghaling apat dalawang panalo: dalawang isa para sa raffle at dalawa isa para sa photo contest.

matatapos itong katarantaduhang ito sa march 31, ganap na alas dose impunto ng tanghali at ang mga mananalo ay tatanghalin sa april 7 sa parehong oras.

CLICK PARA SA SAMPLE ENTRY
CLICK PARA SA SUBMISSION NG ENTRY

sa inyo na lahat ng goodluck ko, cheers!




34 Responses
  1. pag nagpakita ako ng manboobs panalo na ba ako?

    pwede ba tumblr dito?

    ahm. depende sa kung ano ang magiging itsura ng manboobs mo. hahaha. yes. yes. pwedeng ang tumblr blog.

    [Reply]



  2. Excited na’ko. wait lang alam mo bang na feature kita sa blog ko. Alam ko kebs lang yun sayo pero ang catch nilagay ko ang picture mo sana wag kang magalit. Pero pag nagalit ka aalisin ko ang picture mo. At excited na kong sumali. Pero ang daming mekaniks eh, slow mode ako ngayon kaya babasahin ko nalang ulet mamya. Yun lang. Pakiss nga! Mhuahugs!

    isa ang blog ko na nagtulak sa iyo para magblog? lagot na. haha. teka. 5 steps lang ang meron nalito ka na? haha. basta sumali ka, ayos na sa akin yun. thanks.

    [Reply]



  3. eto na un !!!!
    pwede bang suhulan na lang kita para mapunta sa akin ung shirt :P

    Q1: ok lang ba na photoshopped ung logo mo sa pic? :)
    Q2: bakit walang deadline? kelan ang last submission?

    hindi pwedeng iphotoshop ang picture. may kaibigan akong graphic artist so malalaman ko yan. haha. ang deadline ay mar31 para sa submission at malalaman ang mananalo sa april7 alas dose impunto, oras sa relo ko.

    [Reply]



  4. shet kinakabahan ako gosh

    sali ka!

    [Reply]



  5. Pwede bang daanin na lang sa pagkakaibigan ito? Haha :P

    goodluck sa lahat ng sasali!

    kung dadaanin ko lahat sa pagkakaibigan mamumulubi ako. sumali ka! kung kaibigan talaga kita sasali ka. aahaha

    [Reply]

    Micamyx

    amf amf sige na nga haha pero sa March 31 ko na lang i-uupload para masaya :P sali ka rin sa mga upcoming contest ko bakla

    yun lang pala walang kaso yun. sasali ako diyan sa kontes mo. pwede naman hanggang march31 ang pagpasa ng entry. walang kaso. aantayin ko lang.

    [Reply]



  6. sasali ako bwahahahaha…

    ikaw na

    [Reply]



  7. Hmn. Alam ko namang malas ako sa mga pakontes ng buhay at pag-ibig, pero watdahel. Wala namang mawawala kung sasali ako.

    Pero biro lang talaga ‘yung libre sa arcade? Gusto ko sana’ng mag-basketbol maghapon at mag-ipon ng tickets para ipapalit ng stuffed toy na ibibigay ko sana sa’yo. :|

    Biro lang. Sasali na lang ako.

    ang keso. nasabi ko na ba sa iyo na mahilig ako sa keso? aww. hahaha. sa totoo lang kinilig ako. ampotah ka! umayos ka. hahaha. wag mo akong paasahin masasaktan lang ako. haha. sumali kaaaaa! yes? k.

    [Reply]

    soulscorpio

    K sasali na nga eh. Mapasaya lang kita.

    HAHASOWS.

    totoo yan ah? nako pag hindi. tsk

    [Reply]



  8. Kahit first time ko sa blog mong ito ay sasali ako sa contest na ito dahil kailangang-kailangan ko ng t-shirt. Salamat.

    yehey! salamat. aantayin ko yung ipapasa mong entry

    [Reply]



  9. Ate. Pwede bang bilin na lang sayo? haha. Gusto ko talaga ng tsert eh. kaso di na ako mahilig magblog sa kalawakan ngayon eh. >:)

    nararamdaman ko na marami kang pera noime. kung pwede nga lang na humingi ako ng pondo mula sa iyo para sa pakontes ko e ginawa ko na. haha. yaan mo maglalabas ako ng mga shirt na pwedeng bilhin pero sa ngayon sali ka muna sa kontes, pless? mahal mo ako dibaaa? yes? k. hahaha. pwede naman sa tumblr at alam ko meron kang account dun

    [Reply]



  10. asteg. may pacontest si ate(?)[:D]…
    pwedeng pera na lang kesa tshirt? hwahehehe…pis
    gudluck sa contest…

    adbants hap-pey birthday na rin (ayun o, manlilibre na! haha)

    ekskyusmee? ambata ko sa iyo para maging ate mo, ser. haha. pwede naman na perahin na lang walang kaso yan tapos ipapalit natin ng shirt. haha. sumali ka kundi babawiin ko ang pagmamahal ko saiyo. hmpft.

    [Reply]



  11. i agree with noime. syempre libre niya ako. LOL. (joke lang noime hahaha)

    akala ko yung kagaya parin ng dati, kung ganun lang eh, yun na lang din isusubmit ko. hahahahaha

    adbans heypi burpdei katams :)

    sareeh na f0eh pless? busy kasi ako last year kaya hindi ko naituloy. ayos na lahat! tuloy na tuloy na ito. hahaha. ganun pa rin naman kaya lang hindi na text ang nakalagay sa papel kundi yung logo na. hahaha. sali ka yeye! aantayin ko yung ipapasa mo

    [Reply]



  12. omigad, brb. planning to win this contest.

    pwede bang hindi sarili? or pwede magsama ako ng ibang tao? may plano kasi akong gawin ehhhH!

    sIgE nA pOwZzZ!

    ikaw bahala! go crazy! haha.

    [Reply]



  13. at talagang me ganun na factor?pro mahirap din ah! tang inis papano mo bobolahin ang taong sanay na sa lahat ng klase ng pambobola malamang magmumuka ka lng tanga, pro sbi nga mas madaming nagtatagumpay na tao pag malakas ang loob pro sira ang tuktok gudluck! gusto ko sana kso wla na akong maisip na kesong linya t.h na dating. Yun libreng sine ako excited pede bng pag nanalo terno natin isusuot yun tshirt habang naglalakad sa mall asteg! kayanin kya ng powers mo yun ahahaha!

    ang dami mong sinabi! haha. hindi naman talaga literal na pambobola ang hinihingi ko, nasa sa iyo pa rin. ang mahalaga naman dito e yung litrato at yung link. kung mananalo ka baka pwede ko na isama yung libreng sine at oo kung rekwes mo na isuot ko din yung tshirt ko walang problema. sumali ka na! game.

    [Reply]



  14. Kailangan ko pa bang sumali? Teehee.

    parang may unwritten rule ata na bawal sumali ang official endorser/model ng kahit anong produkto sa mga pakontes nun. wag kang gahaman. haha.

    [Reply]



  15. huwaw! ang dae palang pedeng maging premyo pag nanalo sa kontes na toh.. wahaha sali ko dyan kahit di ako magaling sa bolahan hekz. sana manalo akesh!

    sali ka na! ayos lang kahit di ka magaling mambola. expected naman na sa ating mga babae yun dahil ang mas magaling mambola e mga lalake hahahaha

    [Reply]



  16. susuportahan kita soulmate dito.ahahaha…now is the right time na para magtshirt naman ako…buong buhay ko nakahubad lang ako.ahahhaha..tae!

    napansin ko rin na buong buhay mo sa blog nakahubad ka. ahaha. mahal mo talaga ako. yiheee~

    [Reply]



  17. entry number 2 bwahahaha

    e asan yung entry number 1?

    [Reply]



  18. sana me category rin na pagandahan na lng ng comment wahahahaha! hindi ksi ako makabuo ng blog! baka dun manalo pa, big time ka talaga idol para kang eraser, binubura mo lahat ng nasa isip ko ang iniiwan mo lng yun aura mo! yipee! hapi na ako sa comment portion mo!

    join ka na rin ha? tingkyawz

    [Reply]



  19. wow..kontes..haha..parang natakot ako..
    ang bibigat kasi ng kalaban haha..
    hmmmmm…

    wag ka magalala dahil lahat may tsansa manalo! sali ka na!

    [Reply]



  20. psst xg peram ako DSLR mo!

    :)

    ayaw ko nga! webcam na lang gamitin mo. hahaha

    [Reply]



  21. pano kapag nasa ibang bansa?

    saka na natin yan problemahin basta ngayon sali ka muna? k? kei.

    [Reply]



  22. Wow, okay ‘to ah! Institusyon ka pala talaga sa pagba-blog.

    Gusto kong mapalanunan ‘yung flat iron with built-in camera AND AM/FM radio. :D

    parang nahiya naman ako nung sinabi mong institusyon na ako sa larangan ng blogging. sali ka! aantayin ko yung ipapasa mo! yeheheheyz!

    [Reply]



  23. First time kong magcomment dito, at first time ko na sasali sa mga ganitong contest. (hindi ba pwedeng Hep!Hep!Hooray! nalang?)
    Kelangan kong magisip pala ng todo dito haha. I’ll try my best to do! (huh?)
    I’ll try to do my best! (ayan ok na)

    Add po kita sa blogroll ko ha!
    Thanks and God Bless!

    salamats! sali ka na. antayin ko yung ipapasa mo. hanggang mar31 lang kei? k.

    [Reply]



  24. Pwede bang magprint ako ng maraming logo mo tapos yun ang gagamitin kong props sa piktyur ko?

    yun talaga yung mismong punti ng kontes ko. haha. pwedeng pwede! dapat makikita yung logo sa pichurr. sali ka naaaa! yeheyz!

    [Reply]



  25. Bakit wala sa pagpipiliang logo ang sisiw na may punyal sa dibdib? mas gusto ko yun

    meron lang tayong dalawang pwedeng pagpilian e. sarreeh :(

    [Reply]



  26. parang nawala koment ko dito?

    ngayon ka pa lang nagkomento. hoy pedro sumali ka!

    [Reply]



  27. hi, kakagawa ko lng ng blog last week lng pero lagi mo na akong bisita sa bahay / blog mo maraming taon at buwan na ang nakakalipas…pasali ako ha…

    salamat naman natuwa ako sa sinabi mo. yes. yes. yes. sali ka sa kontes ko ha?

    [Reply]



  28. Nice. I love it! Umaasenso ka na ate!

    [Reply]



  29. yehey! nakapagpost na ako!

    [Reply]



  30. mkasali nga..hihih

    [Reply]



  31. patawarin ako :(

    [Reply]



  32. Hindi man ako umabot sa deadline, gusto ko lang ipaabot ang aking pagmamahal kay xG sa pamamagitan ng pagpost ng larawan na ito. adbans hapi birthday pare koy! hindi man ako nakasali, hindi man ako nagawa ng entry, alam naman nating pareho na hindi na ito ang batayan ng ating taos pusong pagmamahalan. hindi naman masisira ng hindi ko pagsali ang ating pagkakaibigan di ba? no? ktnxbai.

    yung emblem mo nasayo na at sana nasayo pa. yung emblem ko, nasa babaeng minsan kong minahal, hindi ko na nabawi. kauzuhr. oo blogger siya. the who? hahahaha

    http://walangkwenta.tumblr.com/post/500289896/hindi-man-ako-umabot-sa-deadline-gusto-ko-lang

    [Reply]



Leave a Reply