chiksilog blog contest

34 Comments »

ayun nga.

bilang pagdiriwang ng ikalawang taon ko sa datkom, pinupwersa ko kayong lahat na sumali sa blog contest ko kung saan magkakaroon kayo ng pagkakataon na makita ako sa personal, mailibre ko kayo ng tanghalian, sine, arcade at pamasahe pauwi at higit sa lahat ay manalo ng exclusive shirt mula sa datkom. teka, sandali. nagbibiro lang ako dun sa parteng makikita ninyo ako sa personal at lalo na dun sa ililibre ko kayo ng tanghalian, sine, arcade at pamasahe dahil hindi ko kayo syota pero kung halimbawang gustong gusto niyo talaga, mapagbibigyan ko naman kayo dahil mabait ako.

PARAAN SA PAGSALI:
1. dapat meron kang sariling blog.

2. litratuhan ang sarili gamit ang kahit anong klase ng camera. kung may kakayanan yung plantsa niyo na kunan ka ng litrato, bakit hindi? basta siguraduhin lang na makikita ang logo na ito o logo na ito sa nasabing litrato. hindi mahalaga kung anonymous blogger ka at ayaw mo ipakita ang mukha mo. walang kaso sa akin yun. wala akong pakealam sa mukha mo pero sa katawan mo? baka meron pa. ang importante nakikita ang alin man sa mga logo para malaman na meron ka talagang intensiyong sumali.

3. sa sarili mong blog, gumawa ka ng orihinal na blog entry kalakip ang mga sumusunod:
-pamagat ng entry na Chiksilog Blog Contest
-maikling talata na naglalaman ng pambobola ninyo sa akin
-post processed picture ninyo na may datkom logo
-link pabalik sa http://chiksilog.com at chiksilog blog contest

4. bumalik sa entry na ito,. iwan ang pangalan, email address at link ng post na ilalahok ninyo para sa kontes para matumbasan iyon ng raffle number.

5. huli, antayin ang komento ko sa mismong entry na ipapasa ninyo na naglalaman ng confirmation number na magsisilbing numero ninyo para sa pa-raffle because im techie like that.

merong tatanghaling apat dalawang panalo: dalawang isa para sa raffle at dalawa isa para sa photo contest.

matatapos itong katarantaduhang ito sa march 31, ganap na alas dose impunto ng tanghali at ang mga mananalo ay tatanghalin sa april 7 sa parehong oras.

CLICK PARA SA SAMPLE ENTRY
CLICK PARA SA SUBMISSION NG ENTRY

sa inyo na lahat ng goodluck ko, cheers!