to all the boys i love
ang baduy humingi ng vacation leave sa araw ng linggo pero alam mo ba kung ano pa yung mas babaduy kesa diyan? yung humingi ka ng vacation leave sa araw ng linggo dahil valentine’s day.
katarantaduhan.
bakit ka nga naman hihingi ng vacation leave sa araw ng linggo? linggo nga diba? wala talaga dapat pasok yung mga manggagawang pilipino sa araw na yan dahil araw ng pahinga. diyos nga nagpapahinga, tayo pa kaya mga nilalang niya? wala tayong karapatang higitan ang pagiging workaholic ng bathalumang sinasamba natin. kaya lang, hindi naman ako manggagawang pilipino kaya hahayaan ko na lang na malunod ako sa trabaho kesa naman intindihin ko pa kung gaano ako kaawaawa dahil wala naman talaga akong ibang dahilan para magdiwang ng araw ng mga puso.
23 taon ko na itong ginagawa pero bakit parang pabagobago ako dahil hindi pa rin ako sanay?
dahil katulad ng hindi naman talaga ako obligadong humingi ng vacation leave sa araw ng linggo, hindi rin naman talaga ako obligado gumawa ng lathala tungkol sa araw ng mga puso pero dahil sa ikalawang taon ko na ito dito sa datkom, minarapat ko na rin na simulang ipakita sa lahat na marunong ako magpakabobo sa pagmamahal. atsaka parang mas katanggaptanggap naman ito kesa malaman ng buong opisina namin na meron akong kinakalantaring wala naman.
naguluhan din ako sa sinabi ko.
maraming gustong makaalam kung ano na nga ba ang totoong pinagdaanan ng puso ko nitong mga nakalipas na taon. kahit maraming nakakaalam sa mga kaibigan kong tsismoso ang tungkol sa mga kalokohan ko, hindi pa rin talaga kasi ako naging bukas sa ideya na magkwento ng tungkol sa buhay pagibig ko dito sa datkom–kahinaan ko ito. siyempre naman, bakit ko ipapalam sa inyo kung saan ako nagpapakatanga? alam ko kahit paano, mataas ang tingin ng ilan sa akin tapos biglang malalaman nila kung gaano karupok yung puso ko.
good luck.
naniniwala kasi ako na merong tatlong kanto ang bawat kwento: sa akin, sa kanya at yung sa aming dalawa. magiging napakadaya ng gagawin kong ito dahil anggulo ko lang yung ikukwento ko. istorya ko lang yung malalaman ninyo. hayaan niyo, alam ko naman na nagbabasa yang mga kupal na yan ng blog ko kaya maging mapagmatyag tayo sa kung paano nila ilalahad yung kwento ng kalandian nila sa akin.
abangan niyo yung kwento ng pagkakaroon ko ng malisya sa 4 na lalake. 7 nga sana ito pero 4 na lang muna dahil nakakatamad magkwento. isa pa, hindi rin naman ako sigurado kung minahal nga rin nila ako. basta, sa dinamidami ng lalakeng dumaan sa buhay ko–4 lang ang masasabi kong minamahal ko pa rin.
mukhang mapapasubo ako nito, bahala na.








February 14th, 2010 at 6:00 pm
Ilang buwan ko na ‘tong hinihintay!
Dali na dali na chapter 1 na daliiiiii
[Reply]
February 15th, 2010 at 1:53 pm
sino ung sana’y swerteng 4 na yan?
kabang abang!
[Reply]
February 15th, 2010 at 6:01 pm
luking 4rward sa istoryang iyan :)
[Reply]
February 16th, 2010 at 10:51 am
ayuz to ah, dpat maganda ang pamagat ng kwento ng pag sintang pururut mo, maka pag suggest nga siguro… “kwadro de jack ng puso ko”! engggggg! parang tagalog pocket buk ang dating may pagka baduy pa, teka isip pa… “apat na karanasang di ko malilimutan”… tang inis parang drama naman sa radyo ang dating… dapat sakto eh, “to all the boys i loved before”? nega naman dating parang ang landi eh, bahala ka na im sure interesante yan kwento na yan abangan!
[Reply]
February 16th, 2010 at 6:21 pm
bitin naman… sige na abangan =p
[Reply]
February 17th, 2010 at 4:14 pm
wow.. parang big 4.. ahehehe..
[Reply]
February 17th, 2010 at 9:41 pm
ilabas n yan!ahahahah…abangan,,,
[Reply]
February 18th, 2010 at 4:23 pm
baka pwedeng mag-abang sa kwento
[Reply]
March 3rd, 2010 at 8:04 pm
Hongtogol
[Reply]
March 7th, 2010 at 8:59 pm
alam ko late na pero..
happy valentines katams :)
hehe imissyou.! :) balik blogging na ulet ako hahaha
[Reply]
March 8th, 2010 at 4:20 pm
talagang apat dapat? parang crackers lang. haha!
[Reply]
March 22nd, 2010 at 10:36 am
naku wala pa hanggang ngayon ang chapter 1 nito… naghihintay rin ako ng balita.. hahaha
[Reply]