Jan
20th

pacific hub

pangkaraniwang araw na sa akin yung pumapasok ako sa trabaho ng hindi nakakapagayos. tipong gigising ako, magbibihis, magsisipilyo tapos sabay sibat na parang adik na nakahithit ng sinunog na alpombra. noon ko pa problema ang palaging kinakapos sa oras at wala akong balak gawan iyan ng paraan. sa palagay ko kasi mas epektibo akong tao kung palagi akong nagagahol sa oras na para bang mas nailalabas ko pa yung husay at talento ko sa pakikipagsapalaran ko sa buhay.

nagmamadali akong naglakad mula sa MRT papuntang trabaho habang inaayos ko yung buhok kong nagkabuholbuhol dahil nga sa wala na akong oras na makapagsuklay ng biglang may isang lalake na umistorbo sa ginagawa kong multitasking abilities.

lalake: miss anong oras na?
xienahgirl: quarter to 9.
lalake: ano? 8?
xienahgirl: quarter to 9.
bingi lang? hindi ata relo kailangan niya kundi palito na may naka balot na bulak sa dulo para panghinuli. gusto ko rin sanang sabihin na oras na para bumili siya ng relo pero wag na lang dahil wala akong panahon makipagdebate habang kumakandirit ng lakad sa bangketa ng ortigas.

lalake: ang hirap pumasok sa trabaho ng ganitong oras ano?
xienahgirl: sanayan lang
lalake: diyan ka ba sa kanto nagtratrabaho? ako kasi sa kabilang kanto
xienahgirl: ah oo
pagkatapos, dinedma ko na yung lalake. akala ko nga wala na siya at naghiwalay na kami para bumalik sa mga kanya kanya naming buhay pero huwag ka, ang kulit niya at talagang gusto pa makipagusap sa akin.

lalake: ako nga pala si (insert name here) taga (insert company name here)
xienahgirl: shella, gerbis
lalake: balita ko mahirap yung trabaho dun pero maganda kasi madaming incentives
xienahgirl: ahkei
hindi ako nakikipagusap sa mga taong hindi ko kilala at lalo na sa mga hindi mukhang tao. akala mo kung sinong gwapo umasta. nasobrahan ata sa pambobola ng mga magulang niya ito kaya akala niya talagang magandang lalake siya. ano ba bigas na kinakain nito at nagkaron siya ng lakas ng loob para magpakilala sa akin? dapat ipagbawal na sa pilipinas yan. hindi naman sa nanlalait ako pero mas malala pa kasi yung gusto kong gawin–gusto ko pa sana yurakan ang pagkatao niya pero parang ayaw ko na lang sabihin na ang liit niya at mukha siyang tanga–hindi siya bagay sa kahit sinong nilikha ng diyos dahil ang pangit niya.

lalake: pwede ko ba makuha ang cellphone number mo?
xienahgirl: HINDI KO DALA AT HINDI KO KABISADO
lalake: pansin ko nga wala kang bag
xienahgirl: mahirap na sa panahon ngayon dahil napakadelikado
akala ko kapag sinabi ko yung mga piling impormasyon ko, titigilan na ako pero, de puta naman! dumodonromantiko si gago. hindi niya ba alam yung salitang swabe? ang bulok talaga ng style niya na parang gusto ko lang manuntok ng panga ng lalakeng may hawak ng selpon nung mga panahon na iyon. malas lang kasi siya pala yung tinutukoy ko. hindi ako nagsisinungaling sa parteng ito ng usapan namin: hindi ko dala ang selpon ko at hindi ko kabisado ang selpon number ko. ewan ko. parang naisip ko na lang na iwan yung selpon ko sa bahay dahil ginagamit ko lang naman ang selpon ko para gawing alarm clock. isa pa, wala namang premyo kung makabisado ko yung numero ng sim card ko. iyan lang ang mahirap kapag wala kang bag na dala dahil wala na silang ibang makukuha mula sa iyo kundi ang puri mo. asa naman sila na makukuha nila yun agad?

lalake: sige dito na ako shella, nice meeting you.
xienahgirl: …
first name basis? kunwari feeling close. ayaw ko maging bastos pero hinihiling ng pagkakataon kaya ako ganito. wala akong interes sa mga usapan na tulad nito. wala akong balak na magkaron ng emosyon sa mga eksenang tulad na ito. nahalata siguro nung lalake na iniisip kong masama siyang loob kaya nilubayan na ako.

naisip ko, may selpon siya. bakit hindi siya tumingin ng oras dun?

ano ba? 2010 na. nasa bagong dekada na tayo yan pa rin ang mga linya? ang luma. uso pa pala yung mga ganitong klase ng punchline. sanay na ako sa mga ganitong pangyayari. maniwala kayo, ang dami ko ng beses na nakaranas ng mga ganitong klase ng bagay. partida, wala pa akong make-up niyan. pupungas pungas pa ako. hindi ako nakakuntodo postura pero ang lakas pa rin ng dating ko.

proof that im mothafucken gorgeous.

natuto na ako: aalis ako ng maaga sa bahay para hindi ko siya makita at makakasabay sa paglalakad papuntang trabaho.


25 Responses to “pacific hub”

  1. Jakey Junkie
    Jan 20, 2010

    Napaka-wrong talaga ng approach niya, simulang-simula pa lang. Predatory move. Hindi dapat tinatanong ang pangalan sa unang bahagi ng usapan. Bulok na din ang mga tanong na katulad ng “ano’ng oras na?” He can’t expect you to show him your panties when you don’t even trust him during the first 5 minutes, right? :D

    like what he said. haha

    [Reply]

  2. The Gasoline Dude
    Jan 20, 2010

    Nakanaman sa effort! Hindi ko ata kaya ‘yung ginawa niyang approach. Mahiyain kasi ako. LOL

    si gasul the dude mahiyain? imposible. sus.

    [Reply]

  3. VinsentValentine
    Jan 21, 2010

    Kasalanan bang maging mothafucken gorgeous? ;)

    obyusleee? haha.

    [Reply]

  4. andoyman
    Jan 21, 2010

    putik..barado! hahahaha…A for the effort pero Z for sobrang layo ng ano…dimension niya…hehe

    xG…ano email mo? sesend ko na ‘yung header :D

    binigay ko na sa iyo ang email address ko

    [Reply]

  5. Judd
    Jan 22, 2010

    Ako nga pala si Bong, taga-Nuffnang. Puwede ko bang makuha ang cellphone number mo? Wala kasi akong kasamang manood ng sine. Malungkot ang buhay ko eh. Ayos lang bang tawagin kitang Shella?

    Ok, Shella. Disconnect na ako. Nice meeting you.

    gusto ko sana seryosohin itong imbitasyon mo na manood ng sine pero parang wag na lang kasi baka masaktan lang ako. haha. ahm. ano. number ko? teka nga hindi ko talaga kasi kabisado number ko. haha.

    [Reply]

  6. Yin
    Jan 24, 2010

    Yeeeaahh, tha attitude! Hehehe. Kung may credit man akong ibibigay dun sa dude- mabagsik ang lahi ng angas na meron siya, nakakabulag hahaha.

    angas? walang credit para sa mga ganitong tao! sos. ahahah

    [Reply]

  7. Wes
    Jan 24, 2010

    LOL. Sapul. Ganun mo tinarayan at hindi nalanta ang loko. Natatakam tuloy ako.

    ang tigas lang ng mukha ano? ahaha

    [Reply]

  8. Mabalen
    Jan 25, 2010

    Miss, paano ba ang tamang approach sa iyo or sa mga ladies in general sa mga ganitong situations? ahem… :D

    wala. wag mo na lapitan. titigan mo na lang kami mula sa malayo–yung hindi ka namin mapapansin. hahahaha

    [Reply]

  9. Mga Epal
    Jan 26, 2010

    Psst.. kababasa lang namin sa EMPERMERA, well dalawa lang ang nagbasa samin.

    Nabasa din namin mga message mo sa tagboard mo;
    “sino nga pala yung MgaEpal na nagFlood sa comments box? maygahad sana nagisip kayo ng nicer name leik kupaloids or bogalers. haahaha”

    Naintriga kami at chineck. may kupaloids na pala sa blogspot, pati kupaloid.

    hindi naman masulatan yung tagboard mo (dito namin nalaman na tagboard ang tawag dun) kaya dito kami sasagot bahala na kung mabadtrip ka.

    Good morning muna pala.

    Kami yung nagflood kasi sabi mo “the comments had to be at least a hundred bago ka babalik” or something to that effect. We started out on Jan the first so natripan lang namin tapusin yung comments dun para may kasabay kaming “magumpisa” or in your case bumalik…

    pacomment na din sa post:
    Una. Ang panget talaga nung mga hirit nung “boyfriend” mo. Hindi na uso ang subtle na entrada ah, diretcho na parang.. “excuse me miss” magpause for 2 seconds, tingin sa sahig, squint ng mata at ngiwi ng bibig na nakasmile ng konti, at itanong ang “pwedeng makuha yung number mo?” na mejo hesitant para kunyari nahihiya pero normal talking voice at hindi pacute. bago makasagot si babae, follow up ng “kung hindi ok lang” sabay tilt ng ulo at tawa ng light na paexhale to loosen her up para pag sinabi nyan “Hindi ko dala at hindi ko kabisado” hindi awkward.

    pangalawa. kahit umaapaw sa kabahuan ang ihirit nung lalake.. kung gusto mo (or ng kahit sinong babae in general) yung looks nya e malamang ibibigay parin yung number nun.

    eto nalang..
    “excuse me miss, may kulangot ba ako sa butas ng ilong ko?”

    “wala naman”

    “talaga? ikaw din wala.. we have something in common. tara kain tayo.”

    ang haba pala netong comment na ‘to.
    babay.

    namin? so ibig sabihin madami talaga kayo? weow. kayo na ang gumawa ng sub blog entry dito. haha. ahm. salamat sa pagbasa sa empermera kahit dalawa lang sa inyo yung nagbasa. natuwa naman ako ng bahagya dahil natiyaga niyo yun. bakit kailangan niyo ng kasama magumpisa o bumalik? hindi naman ninyo ako kailangan. kung talagang buo ang loob niyo, gagawin niyo yun kahit ano pa mangyari. siguro goodluck sa ating lahat kasi pinasok natin itong magulong mundo na ito. sayang naman na may kupaloids sa blogspot. ayaw niyo talaga yung bogalers? nabasa ko yata yun sa McArthur ni Bob Ong. hindi ko matandaan. nawirduhan lang ako kasi isipin mo magflood sa comments box mo ang pangalan ‘mgaepal’ e nakakatakot kaya yun. hahaha.

    well, the required comments for the previous blog post was just an excuse for me to do other things or to put it bluntly–procrastinate. i am not blogging to live up to people’s expectation. i dont count comments, i never did since it was unnecessary. i am the type of online publisher who appreciates comments but i never require them. some may demand comments that is because every online publisher has their own standard and nobody should question it. its up to their own prerrogative if they think that numbers would matter but for me, its irrelevant. i dont measure online persona thru numbers, so i guess people should reciprocate accordingly. alot of bloggers end up doing hiatus because of that fact–they think nobody listens to them. they get frustrated since nobody reacts. should we blame the readers for not commenting on a writer who is too damn senseless?

    i thank you for giving time to comment on this entry. i really love it when people share their thoughts qualitatively.

    ayan naubusan ako ng english. hahaha.

    maiba lang. kung gwapo man yan o pangit hindi ko talaga binibigay number ko dahil hindi ko nga kabisado. may mga mangilan ngilan na ring mga gwapo ang nagtanong ng number ko pero hindi ko pa rin binigay kasi parang ang baba ng tingin ko sa sarili ko kung pinatulan ko yan. sabihin mo ng mapangutya akong tao pero sa panahon ngayon hindi dapat sineseryoso ang mga taong nanghihingi lang basta ng number ng mga madadaanan nila. bumababa ang paggalang ko sa mga ganyang klase ng tao. kung sa palagay mo na yang linya tungkol sa kulangot ang makapagbibigay sa iyo ng syota, edi gawin mo. ang general rule lang naman dito ay masapawan ng lakas ng loob ang desperasyon ng iba.

    [Reply]

  10. Mga Epal
    Jan 26, 2010

    Kung may gagawa talaga nung linya tunkol dun sa kulangot e malabong tao yun, kung may kumagat sa linya na yun na babae, ‘e mas malabong tao pa sya!

    About numbers baing a basis (or should not be)we agree on some aspect too, yes.

    sorry kung napaiksi yung “procrastination” mo wala lang hindi naman namin kailangan ng kasabay, gusto lang namin, hindi namin alam kung baket.

    contrary to your view/reaction sa mga nagbabakasakaling makuha ang number ng taong na-attract sila while walking on the streets, mall, wherever, we think SOME of those people actually deserve to be given a bit of props dahil they CREATE opportunities rather than WAIT for it.. tingin lang namin yun. at hindi lahat, yung iba kasi nakakairita lang dahil puro lakas ng loob pero walang “game plan” walang diskarte.

    pagbigyan mo na si Judd, nuod lang naman ng sine, malisyosa ka. You’ll never know. The “relationships” that turn out on the up-side are the ones that started out with “uncustomary” beginnings.

    @Judd tuloy mo lang suyuin wag mo tigilan. Ano ba yang kinakain mong noodles?

    Kumukupido,
    Mga Epal

    hindi ko alam kung ilang tao ang nagsusulat sa kumento na ito pero pwedeng magreak? PINAGKAKAISAHAN AKO NG APAT NA LALAKE! hahahahahaha.

    there is always the right avenue for these kind of things. yes, you create opportunities but of course you still have to consider other aspects like timing, preference, wit, luck and drunkenness. why would you need props? we are not role playing. can that thought and put it at the highest part of the counter because i will not buy it. maybe im way too intelligent to fall for that shit. boys are like that: they dont have game plan. men, on the other hand, are spontaneous. on that note, we need more men in our society.

    hoy! magkampihan kayong mga lalake. taena. pinagkaisahan niyo ako talaga pati si judd ba kakuntsaba niyo? hindi ako malisyosa hmmkei? maniwala kayo sa akin, pabor para sa kanya itong ginagawa ko. hahahaha. sa totoo lang hindi lang sine ang makukuha sa akin ni judd. kami na lang nakakaintindi don.

    ang dami niyong sinabi. hahaha.

    natutuwa lang ako kasi para kayong mga kuya ko na pinapagalitan ako. ayaw magpaalo hanggat hindi ako iiyak. hahaha. wala kasi akong kuya, walang nangaasar sa akin.

    aantayin ko ang pagkakataon na magkakasundo tayong lima.

    [Reply]

  11. Mga Epal
    Jan 28, 2010

    “natutuwa lang ako kasi para kayong mga kuya ko na pinapagalitan ako. ayaw magpatalo hanggat hindi ako iiyak. hahaha. wala kasi akong kuya, walang nangaasar sa akin.”

    hindi kami parang kuya, kase kahit umiyak ka hindi kami magpapatalo. hahaha!

    joke.

    “men” ba kamo? ehem! ehem!… sayang boys lang kami.

    hilig mo sabihin yung “taena”. twing nababasa namin yan e parang naguutos na pumunta kami sa CR.

    we’re not ganging up on you(well maybe a bit of bullying) we actually like commenting on interesting posts. We have a feeling we’ll be working with you in a future project. Kutob lang. With other “ninja/faceless” bloggers.

    Ok ka.

    yiihiii nagkakaintindihan na pala e.. nice Judd! nyahaha!

    wag mo na antayin ang pagkakataon na magkakasundo din tayo.. eto na.. charan! magkasundo na tayo.

    Apir.

    ang off topic na nito. hahaha

    yun naman pala, may hidden agenda kayo. sabi ko na nga ba–you, mgaepal.com guys, are a group of boys na may gameplan. wala kayong pinagkaiba dun sa nagtanong ng number sa akin sa kalsada. haha. alam ko naman na wala sa ating magpapatalo at iyan ang pinagkakasunduan natin.

    maraming ng bloggers na kupal ang nagpaiyak sa akin, may masabi lang.

    does this future project involve writing? if yes, then just forget about it. hahaha. im kidding. i kid alot. anyways ive been working with bloggers and i always tell them that im non-committal with regard to things like this. if you need help, nudge me by sending me an email.

    taena. taena. taena. walang pakealamanan. entablado ko ito at wala kayong pakealam kung sabihin ko yan ng isandaang libong beses dahil nakakaramdam ako ng ginhawa.

    napapansin ko na napapadalas anf pagbabasa niyo ng blog ko. medyo, nakikita ko yung writing style ko sa inyo. hahaha. wala ng dating sa akin yung mga sinasabi na ok akong blogger, dahil alam ko na yan–matagal na! hahahahaha

    at oo nga pala mayabang ako. walang anuman :P

    [Reply]

  12. dwin
    Jan 28, 2010

    Sobra naman ksing nasalo mong lahat yun sinabog na sex appeal ni bro kya khit yata me muta ka sa mata eh me nagpapapansin syo, engot nga lng ang style pro mahirap din yun ah siguro kakailanganin ng matinding kesong linya at muka ni john loyd pra makaporma sa mothafucken georgeous na kagaya mo, teka makaisip nga ng matindi yun ala hitch na movie ni will smith kya lng hirap pro eto try ko. “miss pedeng malaman ang phone no. at adress mo for charity use lng ksi gawin kitang donor ng vital organs ko lalo na yun puso ko kung ayaw mo ok lng pro pede ba pag namatay ako umiyak ka pro simulan mo na ngayon ksi ngayon pa lng patay na patay na ako syo’” tang inis ang baduy malamang sa presinto ang tuloy ko nito hahahahaha! how i wish makaya kong sabihin to malamang tama si shiela dun ka na lng sa malayo at tumingin na lng mas epektib yun.

    natawa ako sa iyo! ahaha. good job. good job. pero ahm. sino si shiela? hahahaha. nabanggit mo ang mga magic words na john lloyd cruz, keso at hitch. gusto kita.

    [Reply]

  13. dwin
    Jan 28, 2010

    soweeeeeeeeeee! shella pla tang inis ang tanga kong magbasa, salamat naman at natawa ka, feeling ko kamuka ka ni sarah geronimo or bigtime ruffa g.
    ipagpatuloy mo lng ang nag uumapaw mong kagandahan pro minsan magbahagi ka ng konti sa mga nangangailangan ng ganda, sa susunod na makasabay mo si engot at umepal na naman sbihin mo may b.f ka na seloso pag tinanong kung sino? si john loyd kamo.

    may nakapagsabi nga sa akin na kamukha ko raw si sarah geronimo pero hindi ako naniniwala at lalong hindi ko kamukha si ruffa! gaussian blur! sige sasabihin ko sa susunod na may lumapit sa akin. lafftrip lang yun. hahaha

    [Reply]

  14. dwin
    Jan 28, 2010

    pahabol… pag umepal ng todo todo bigyan mo rin ng matinding kesong linya tanungin mo ” libro ka ba? ksi ang kapal mo eh” sbay 360 degrees na irap.

    ayus yun ah.

    [Reply]

  15. dwin
    Jan 28, 2010

    at pag sinabing ang sama mo naman miss sagutin mo ng “pareho lang tyong masama ang pinagkaiba lng natin sa akin ugali syo muka! ahahahaha pasensya na haba ng comment nag trip lng.

    oo nga ang daming beses mo magkomento. haha. baka magkaron ng shortage. tabi mo muna. haha

    [Reply]

  16. dwin
    Jan 29, 2010

    hahaha! sana tuloy tuloy na yun pag susulat mo ksi idol kita, pede bang maging close? wag mo nag sagutin ng “gaano ka close?” huwawwwww! gusto ko rin sanang mag blog kya lng wla akong alam kung papano gagawin tsaka potek! ano naman ang isusulat ko? yung mga kabalastugan ko kya sa buhay pede…narinig ko rin yun song mo siguro dun masasabi ko na nun nagsabog naman ng tono at ganda ng boses si bro si sarah g. lang ang nakasalo ikaw siguro me sipon ka nun at nasa kwarto kayakap ang mga dugyut mong mga unan kya ganun ang tunog pro i think panget lang yun ginamit mo sa pag record (kumusta naman yun! pinalakas pa ang loob.)gumawa ka na lng ng maraming song tpos pakanta mo na lng kay sara g. o kya kay avril siguro dun me potensyal ka pa, pro sa pagsusulat isa kang henyo at wag kalimutan ang “supah dupah mothafucken dyoryus mong personality” malayo mararating mo.

    nahilo ako. haha. salamat salamat. gawa ka ng blog mo tapos dun ka na lang magrant. kei? haha

    [Reply]

  17. dwin
    Jan 30, 2010

    tang inis! nakita mo na yun trailer nun miss you like crazy starring si papa john lloyd cruz mo ang astig nun mga pick up lines dun hanep talaga si cathy garcia molina tsaka mga staff nya sa pag gawa ng script. sample ha! tatawagin kita pro di mo ako kilala gusto ko lng magpakilala eto, april! may! pag lumingon ka magpapakilala ko sbay ur may di ba? sabay sabing shella name ko sabay ahhhhhhhh kala ko may, eh lumingon ka ksi nun tinawag kitang may ahahahahahaha ampupupu!

    ahmkei. papanoorin ko nga yun e.

    [Reply]

  18. andrea galinato
    Jan 31, 2010

    naks. 2 points para sa effort niya XG. :) umeffort naman eh. Diyos ko! me pa tanong tanong pa ng oras eh me cellphone naman pala. eh di sa cellphone xa tumingin. :)

    olats!

    sana nung tinanong niya pangalan mo, sumigaw ka ng “Saklolo! rapist!” para ma alarma ung mga tao sa paligid mo’t ma sindak siya. LOL!

    hahahaha. ayaw ko sumigaw kasi baka mamaya gripuhan ako sa tagiliran. katakot. haha

    [Reply]

  19. admin p.
    Feb 4, 2010

    kaya di ako nagte-tren eh. Masyado maraming free time ang mga tao dun. Eh pag bus, lalo na yung di erkon, behave ang mga tao pwera lang sa drayber at konduktor.

    totoo yan. parang ang cultured ng mga tao kapag ang bilis ng bus. haha

    [Reply]

  20. gasti
    Feb 4, 2010

    ayos na sana yung pagbabasa ko sa entry eh dapat ganun na lang. sumakit mata ko sa comments section. ganito na ba talaga ngyon dito? ligawan section na? lols!

    andami lang talaga lalaki ngyon na masyadong bilib sa sarili. o sadyang sugarol lang…goodluck! sana may magtagumpay naman kahit isa.

    ikaw naman! wala namang masama magpaligaw sa comments box ko. haha. merong magtatagumpay diyan. antayin mo

    [Reply]

  21. dwin
    Feb 5, 2010

    talagang ganun naman ang buhay di ba? sugal? madalas di mo lng napapansin pro araw araw tumataya ka sa pakikipagsapalaran mo sa buhay minsan talo pro minsan panalo depende na lng kung anong kapalaran ang nakalaan syo sa araw na yun kya gasti pra di na sumakit mata mo entry na lng basahin mo di ba?

    psst! wag mo awayin si gasti. mahal ko yan. haha

    [Reply]

  22. bioniclugaw
    Feb 5, 2010

    hotchick?effort to the bones si lalake…hahaha!!!

    hindi naman masyado. tsk tsk. ampanget ko kaya

    [Reply]

  23. dwin
    Feb 16, 2010

    hindi totoong panget yan nakita ko na kya ilong nyan. hahahaha! dyok!

    [Reply]

  24. sean
    Mar 5, 2010

    hahaha astig naman ni totoy di ko kaya yun ah ahaha. ahhaha anung oras yang mukha mo.

    [Reply]

  25. Random Student
    Mar 9, 2010

    p’deng ubod ka ng ganda or sindikato s’ya. malaymo budol-budol.

    [Reply]

Post a Comment

Comments will be closed on March 9, 2011.