dahil mahilig ako sa siomai

Kill The Cat, xGMonologues

siguro naman nakasakay ka na sa MRT? nadadaan ka dun sa may ortigas station sa southbound? pagkababa ko sa tren bigla akong nakaramdam ng gutom at dahil merong isang stall doon na nagtitinda ng siomai at maaga pa naman ako para sa pasok ko kinabukasan sa gerbis naisipan kong bumili muna ng mangangata.

walang tao sa stall, ako lang at yung tindera. tumingala ako para tignan kung ano yung mga klase ng siomai na meron sila at napansin ko ang isang malaking japanese siomai sa karatula. isipin mo, saan ka nakakita ng japanese siomai sa pilipinas? japanese siomai sa ortigas. noon lang ako nakakita ng ganun kaya sabi ko sa sarili ko hindi ko papalampasin ang pagkakataon na tikman ang siomai haponeso.

nagaritmetik na agad ako ng babayaran ko, pakitang gilas ba. nilabas ko na yung pera na gagastusin ko sa ate siomai tindera para cool effect. ganun sa mga pelikula na may eksena sa restawran diba? iniiwan lang yung bayad sa mesa. gusto ko iiwan ko rin yung bayad ko sa takip ng lalagyan ng gulaman pandan.

tinanong ako ni ate siomai tindera kung gusto ko daw ba palagyan ng chili yung siomai ko, aba sabi ko hindi ko tatanggihan yan lalo na kung libre. iyon na ang hudyat, ready get set go na para kumain. ginawa ang siomai para muli akong makaramdam ng pagmamahal. bumilis ang tibok ng puso ko na para bang pinagtagpo talaga kami ng tadhana sa mga segundo na iyon. pangalan pa lang parang punong puno ng halimuyak ng rosas yung pagkain na yun at hindi nga ako nabigo. nilagyan ko agad ng toyo ang mga mumunting siomai haponeso. hindi ko na nga pinigaan ng kalamansi, ganun ako kasabik ngumuya para sipsipin ang linamnam mula sa laman ng pagkaing ito. bawat subo at kagat ay para bang nakakarinig ako ng mga anghel na nagsisiawitan ng papuri para kay hesus.

eksaherado pero totoo, masarap talaga–sobrang sarap. hindi sapat ang salitang sarap para ilarawan ang lasa. malinamnam, sa sobrang linamnam nakalimutan ko ang pangalan ko. nakailang inom na ako sa gulaman pandan pero wala pa rin ako sa wisyo. wala ako sa sarili ko–hindi ko napansin na naglalakad na ako palayo hanggang sa ginising ako ng isang boses mula sa isang magandang panaginip.

miss, yung bayad niyo po?

ayun naman pala, hindi lang pangalan ko yung nakalimutan ko kundi pati na rin yung bayad ko. may nalaman pa akong prepare prepare ng bayad at aritmetik aritmetik tapos makakalimutan ko din naman pala? anak ng siomai. nakakahiya pero babalikbalikan ko si ate siomai para patunayan sa kanya na magbabayad ako sa mga susunod na pagkakataon na kakain ako. wag nga siyang umasta, baka bilhin ko pa yung buong stall niya para lang sesantihin ko siya.

naisip ko, hindi talaga dapat xG ang pangalan ko, dapat talaga pG–patay gutom.

17 Responses to “dahil mahilig ako sa siomai”


  1. You never fail na pa tawanin ako ng beri beri nice sa post mo. Dahil dyan kiss kita sa Neck mwuah! LOL

    very very nice! i leik you! kisabayhagz.

    [Reply]




  2. japanese bananakyu kaya meron din??

    meron! yun nga lang ang problema e sa samurai nakatuhog hindi sa stick.

    [Reply]




  3. Master siomai is da best. Peborit ko yun at alam ko peborit mo rin yun. Hahaha :) apir

    oo nga e hindi na natuloy yung ililibre ko sana kita. yaan mo bilang kapalit ng siomai na ililibre ko sa iyo ang tonsils na tatanggalin ng doctor mo.

    [Reply]




  4. Ganyan rin ang aking nararamdamang pagmamahal para sa siopao. Hindi ko naisip, hindi hanggang kamakailan lamang, na may malupit na koneksyon ang pagnanais kong makapiling ang isang babaeng singlambot ng siopao ang mga pisngi (at singbilog rin) at ang hilig ko sa paglamon ng mainit-init na siopao. Nahihinuha naman siguro ng lahat na pare-pareho lamang ang itsura ng mga siopao at sa kulubot lang nito nagkakatalo; iyon, bukod sa lasa, ngunit kung iisipin mo, hindi angkop na batayan ng kalidad ang lasa sa ganitong diskusyon sapagkat ihinahalintulad ko ito ngayon sa isang babae.

    (Hindi tulad ng lahat ng siopao na mabibili lamang at basta-bastang matitikman ang lahat ng mga babae.)

    Ito lamang ang punto ko: naiintindihan kita. Minsan, namamangha rin ako sa siopao, lalo na kapag sobrang sarap ng sarsa nito. Tumitigil rin ang mundo ko. Oo, minsan nga’y mayroon ring mga anghel na kumakanta, iyong tipong pinapalipad ka ng karanasan sa langit ala Cooking Master Boy. Hindi kasalanan ang pagkalimot sa bayad dahil hindi panghabang-buhay ang mga pakpak na dala ng sarap ng siopao at siomai. Matapos ang linamnam, babagsak ka rin sa harap ng lalagyan ng gulaman, lalagyang naghihintay na ipatong mo sa kanya ang bayad mo. Huwag kang mag-alala. May intensyon ka namang magbayad. Natural ang makalimot, kasamaang napag-aaralan ang kusang pagtalikod at pagtakas.

    hi. hello. ako nga pala si xienahgirl, ikaw daw si judd ano? masarap ka daw? patunayan mo yan. hahaha. ahm. ano. ahm. ang dami mo ng sinabi e. hindi ko na alam ang isasagot. gege. labyu. what? hahahahaha. nice meeting you pare, pakiss pag nagkita tayo.

    [Reply]




  5. Marahil ito na ang pagsisimula ng matinding tambalan. Isang nagmamahal ng siomai at ang isa naman ay siopao. Matinding tambalan din ang siomai at siopao lalo na kung ang pinanggagalingan nito ay isang recipe na naihubog sa perpeksyon mula sa isang henerasyon tungo sa susunod. Siguro nga ay nararapat na magkakilala na ang isang mahilig sa siopao at sa siomai upang matoonan natin ng nararapat na pagtatagpo ang dalawang mayroon matinding pag-ibig at pagmamahal sa siopao at siomai. Susubaybayan ko ang kwentong ito dahil malamang ito ang magbubunga ng magandang relasyon.

    tambalan ng siomai at siopao? boss, ano ginagawa mo dito? wala po akong badge! huhulihin mo ba ako? no? k. magbunga ang relasyon? hindi naman siguro anak ang tinutukoy niyo dito? bakit ang pormal ninyong lahat? ANONG MERON? hahahaha

    [Reply]




  6. Dito na maguumpisa ang aking katakam-takam na likha. Mapapatunayan na rin sa wakas kung magaling talaga akong magtimpla ng mga putahe. Nawa’y swak na swak sa panlasa ng mga manonood ang aking bagong obra.

    bakit ang OA ng mga komento ninyong mga kayong nasa taas? ha? aber? ang maipapangako ko lang naman ay magiging delicious as ever ako. what? goodluck sa atin.

    [Reply]




  7. Wala naman po madam. Nais ko lang po ibahagi bilang isang taong mahilig sa pagkain at may alam kahit papano sa mga tambalan na pagkain, ang aking napupunang umiiral na tema sa post na ito. Ang matinding pagmamahal sa siomai at ang isang masugid na sumagot upang ideklera ang pagmamahal niya sa siopao. Aabangan ko ang mga susunod na kabanata sa isang kwentong nagsimula sa pagmamahal ng siomai at siopao. Mica, aantabayanan ko ang marahil ay isang maikling pelikula or kaya’y isang buong likhang sining sa pinilakang tabing.

    boss carlos! ano baaaaaa? haha. pengeng payout? no? k. hahaha. ahm. nahihiya na ako sa inyo, ayaw ko na magpakita. ahm. sa totoo lang mahilig ako sa pagkain kaya minsan tara! kain tayo nila mica at judd. libre mo? yehehehes. hindi ako sanay na pinopormal ako ng mga tao kadalasan kasi binabastos ako e. doon ako mas sanay. hahahha. nice meeting you boss!

    [Reply]

    Judd

    Let’s cut the crap, man, truth is I’m not really used to typing words in the vernacular. I am extremely tired of exhaustively thinking about the next “deep” word I am going to say and it’s draining my energy just sifting through my vocabulary.

    That, aside from the fact that Ms. Xienahgirl here is starting to shy away from us because of the choice of words we have been using, sounding all so formal when the truth is that we are not formal at all!

    At ayan na, pati-Ingles ko, ubos na. Sige kain muna ako, baibai.

    [Reply]




  8. master siomai nga ba yan? para kasing first time ko makatikim ng sharksfin dun parang di ako nasarapan haha

    pero japanese siomai ang gusto ko at sa pagkakaalam ko ay walang shark fin doon sa master siomai.

    [Reply]




  9. pwede mo ba akong ilibre ng siomai pagnagbakasyon ako diyan? :D
    sige naaaa.. sagot ko na yung gulaman. hehe.

    ate, andito lang ako. hindi lang ako makapagblog ng maayos sa kalawakan kasi may paking stalker ako. :))

    [Reply]




  10. haha.. natawa talaga ako dito sa post mo.

    nakikidaan lang po.:D

    [Reply]




  11. wooa:) SIOMAI. homaygawd. pag naririnig/nababasa ko yun siomai naaalala ko yung kaklase ko. mukhang siomai daw yung ilong nya eh. haha:D .

    [Reply]




  12. First time ko rito sa blog mo and grabe sobrang napatawa mo ako.. ill definitely add you up in my blogroll :) :) I could use a smile sa aking mejo madrama at makesong buhay

    [Reply]




  13. Nahulugan ako ng sharksfin dumplings kanina. Dalawa. Last two ko pa naman yun. Malapit na ko mabusog. 8 piraso in-order ko. Tapos. Nahulog. Sa. Carpet. Ng. Office. namin.

    Demmit.

    Pareho lang ba yun sa siomai?

    [Reply]




  14. ‘Yan ba ‘yung Hong Kong Style-something? Masarap nga ‘yung Japanese siomai nila (nakakakain ako nito sa food court ng Glorietta 4). :D

    “Orgasmic” – ‘yan ang term namin ng mga katrabaho ko kapag nakaka-kain kami ng sobrang panalong pagkain. :D

    [Reply]




  15. Hahaha, katrabaho mo ba yung mga unang kumomento? Balagtasan hehe. May mas maliit na daw sa siomai pala.

    ah oo! natikman ko na yata yung mini siomai na yun. teka. hmm. hindi ko maalala e. eto ba yung wanton? hindi ko rin alam e. hhaah

    [Reply]




  16. buti di ka in eyes eyes (minata) nun tindera at sinabing ur so dead hungry (sosyal na tawag sa patay gutom)

    [Reply]



Leave a Reply