i am sorry

mataas ang pride ko, natural ko na iyon. kung alam ko na may kasalanan ako, na bihira lang naman mangyari dahil sa perpekto akong tao, inaamin ko naman agad ng buong puso.

may ginawa akong kasalanan. hindi ko naman sinasadya na ginawa ko iyon pero dahil sa walang pwedeng sisihin kung hindi ako lang, mukhang aakuin ko na nga yata talaga ang pagkakamaling ito.

nagutom ako kaya bumaba ako sa pinakamalapit na convenience store mula sa opisina. pumunta ako sa kahera at sinabi ko na gusto ko subukan yung siomai meal na may kasamang rice. nagbayad ako sabay binigyan ako ng styropor na may kutsara at tinidor, toyo at chili sauce at kanin sabay tinuro sa steamer para kunin ang isang oder ng siomai. gutom na kaya nagmamadali akong nagtungo sa steamer at nakita ko na meron na lang 3 siomai na natitira. nagduda ako dun sa isang order–parang nginuya na kaya napilitan akong kunin yung siomai na alam kong kapag kinain ko makakatulog ako ng mahimbing sa gabi. nagiingat naman ako pero hindi ko talaga alam kung paanong nangyari ang hindi ko inaasahan.

nahulog yung isang order ng siomai sa sahig.
isang order.
apat na piraso.
42 pesos.

siyempre nagulat ako. nanlaki yung mata ko. nalumo ako. nanginig yung tuhod ko. lumingalinga ako baka may naman nakakita sa ginawa ko, na hindi ko naman talaga ginawa–siyempre wala. sana wala. ang pinakamalaking problema ko ay yung security camera, hindi ko madadaya yun. swerte ko na lang kung wala pero imposibleng hindi nagkakabit ng security camera ang mga convenience store para bantayan ang mga empleyado nito kung nangungulangot b o dinuduraan yung timpla ng iced tea. mabuti kung hotdog yung nahulog, magagawa ko pang sipain yun para gumulong sa gilid ng dingding para hindi makita pero siomai yung nalaglag–isang order, apat na piraso, ang hirap itago at tadyakan niyan. kung sisipain ko yan, magkakalasog-lasog pa. kakalat sa sapatos ko at magpuputik. lalo akong mahahalata ng may ginawang kalokohan.

matalino ako kaya naisip ko na wala pa namang 5 minutes, wala pa ngang 3minutes ang nalaglag na siomai kaya binalik ko sa steamer at kinuha ko yung isang order na natira sabay karipas ng alis sa tindahan. ganun talaga, nangyayari ang mga bagay bagay na hindi inaasahan at tulad na lang nito, sinong magaakala na malalaglag ang siomai mula sa steamer? sinong magaakala na ako pa ang makakalaglag ng siomai? simula noon, hindi na ako nakakatingin ng diretso sa mata ng kahera ng convenience store na iyon. hindi ko alam kung paano ako makakabawi pero sana, sana talaga hindi rin nailaglag ng hindi nagiingat na gaya ko ang siomai na nabili ko.




8 Responses
  1. Haha natawa ako. Paano ba malalaman kung ang siomai ay makakapagpatulog sa ‘yo ng mahimbing sa gabi kapag kinain mo?

    kapag may halong pampatulog? yes? k. hahahahaha

    [Reply]



  2. Ikaw pala ang nakakuha ng siomai na sinipsip ko ung isa piraso pero ayoko ng lasa kaya binalik ko sa steamer kaya hotdog nalang ang inorder ko.

    kadiri. yuck. hahaha. well yung hotdog na kinuha mo ang nailaglag ni jeck! hahaha

    [Reply]



  3. naalala ko tuloy yung ofismate ko rin na babae na nakahulog ng hotdog sa 7-11. binalik nya rin sa lalagyan sabay layo na parang wala ngyari.

    parang nakakadala na tuloy bumili ng pagkain pag self service.

    yaan mo sa susunod wag mo na ako ililibre sa hongkong style noodles. nakakatakot yung peanut butter sauce dun e

    [Reply]



  4. nangyarin na rin sa akin yan pero hotdog yung nalaglag ko. at ang ginawa ko? binalik ko rin matapos kong masiguro na walang nakakita sa akin. wahaha!
    swerte nung nakabili nng hotdog na yun. may touch of love and respect to other people. bwehehehe

    buti na lang di ako nakain ng siomai. hihi

    parang nakakabusog naman yan dahil punong puno ng pagmamahal mula sa iyo. hahaha. ayaw mo ng siomai? youre missing 3/4 of your life.

    [Reply]



  5. ack.

    yung kasama ko sa 7-11, nahulog nya rin yung hotdog na kinuha nya. pero nakonsensya naman, di na binalik. kinain na lang nya. :S

    weh. ikaw yata yun e. haha. tayo tayo lang naman aminin mo na! hahahaha

    [Reply]



  6. ahahahhaa…kawawa naman yung makakain nun..ang sama..lols.
    dito sa cebu soulmate kahit saan may siomai…
    kahit sa hardware store meron. :)

    parang hindi ko naman nakita nung nagpunta ako sa cebu na maraming siomai doon? puro kimchi lang dahil sa koreano. hahahaha

    [Reply]



  7. “sana talaga hindi rin nailaglag ng hindi nagiingat na gaya ko ang siomai na nabili ko.”

    Hahaha… Sana nga.

    tsk tsk. ayos lang kasi wala pa naman siguro ding 5minutes sa sahig yun kaya ligtas pa kainin.

    [Reply]



  8. hahaha! sa’ng Ministop (assuming eh noh!) yan???
    di ko kaya ung gnawa mo! heheh! pero mukhang masayang gawin! =)

    sa may adb avenue. wag ka na gumawi doon. hahahaha. masaya siya. sa sobrang saya niya pagpapawisan yung kilikili mo, try it!

    [Reply]



Leave a Reply