chamber of secrets

Kill The Cat, Photo

the clutter that is my room

ngayon lang sa buong dalawang taon ko ng pagkakaroon ng sariling kwarto naging magulo ang mga gamit ko. hindi talaga ako makalat at sa katunayan, lahat ng makita kong basura, tinatapon ko kaagad. kaya kapag nakita ko yung mga gadgets ng kapatid kong nakakalat, sinisigurado ko sa iyo sa basurahan niya yan mapupulot.

gustong gusto kong pinapanood sa tv yung palabas na pinapakita nila yung mga bahay ng mga sikat na tao. kapag nagpapasok ka kasi sa kwarto mo, parang ipinapakilala mo na rin sa kanila kung sino kang talaga. binubuksan mo yung posibilidad na maintindihan ka nila. para sa akin, ang kwarto ko, bukod sa banyo, ang isa sa mga lugar sa bahay kung saan nakakulong ang aking mga pangarap, kalibugan at sikreto at dahil medyo matagal akong nawala sa blogosphere, hayaan niyo na magpakilala akong muli sa inyo sa pamamagitan ng pagpapakita sa inyo ng mga lihim ko.

1) single sized bed na may kubrekama na felix the cat- para sa single na tulad ko
2) dugyot hotdog pillows- hindi ko alam kung bakit ayaw ko ipalaba itong mga unan ko na ito.
3) dugyot square pillows- hugis kwadrado
4) malong- hindi ako nakakatulog hanggat hindi ako nakakapagkumot. wala akong pakealam kahit brownout o summer, basta ako? magkukumot pa rin ako.
5) peksman mamatay ka man nagsisinungaling ako- mas gusto ko si eros atalia kaysa kay bob ong
6) cherry p1 mobile phone- si pharell, pangalawang selpon ko na ito sa ganitong klaseng model. nalaglag sa tricycle yung una at walang nagbalik dahil sa akala nilang lahat ay isa lang itong calculator
7) laptop tray- mas mababang desk, mas maganda
8) msi wind netbook- Zeff ang ipinangalan ko sa laptop ko, may reklamo? ito ang isa sa mga pinakamahal na naipundar ko simula ng nagtrabaho ako sa gerbis. alam niya lahat ng katarantaduhan ko–na wala akong porn. Zeff ang pangalan ng laptop ko kasi naisip ko msi wind. wind. zephyr. zeff. cool.
9) charger/power outlet- pangcharge, pangpower kay Zeff
10)toeberries flipflop- akala ko 89php ito, akalain mong pagpunta ko sa cashier 45 pesos lang? ito ang nagsalba sa akin nung mga panahon masakit na ang paa ko sa paghihitay dahil sa pagsuot ko ng highheeled shoes
11)lampshade- 180pesos pero nabili ko ng 150pesos, napamura ako diba? pagdungaw ko sa kabilang tindahan, 130pesos ang presyo. napaputangina talaga ako.
12)durabox- ang dahilan kung bakit lukot ang mga damit ko dahil hindi sila nakatiklop ng maayos.
13)tv- na channel 9 lang ang meron
14)lens cap- na akala kong nawawala
15)payong- na hindi ko ginagamit kapag umuulan dahil baka mabasa
16)microphone- na hindi ko alam kung bakit ako merong ganito sa kwarto ko
17)plastic bag- na may laman na madami pang plastic
18)electronic piano- na kahit kailan hindi ko natutunan gamitin
19)havaianas- napanalunan ko sa isang surfing event ng mga bloggers
20)king air- electric fan
21)laundry basket- dito nakalagay yung mga damit na sinuot ko ng 3 araw
22)id strap- nakuha ko sa iblog summit event
23)wallet- lalagyan ng limpak limpak kong salapi
24)kikay kit- deadly secet weapon
25)pabango- mas deadly secret weapon
26)virgilio- stuffed monkey na pagaari ng kapatid ko na hindi ko alam kung bakit nasa akin
27)thou- canon 1000d camera na binili ko nung december 31. pinakamahal na naipundar ko sa taong nakalipas.
28)plastic bag- na naman
29)basket- dito nakalagay yung mga importanteng papeles ko tulad ng resignation letter at resibo mula ministop
30)paperbag- dito nakalagay ang ilan sa mga nakuha kong freeebies mula sa mga blog events
31)bag- maraming marami pang bag
32)lunch box- na hindi ko pa nagagamit at mas gusto ko na lang display dahil sa sobrang ganda
33)sneakers- 130pesos ko nabili sa 168mall dahil may damage
34)fuschiang kurtina- dahil wala ng kaming iba pang kurtina
35)bintana- na inakyat ko ng minsang naiwan ko ang susi ng bahay

18 Responses to “chamber of secrets”


  1. natawa ko dun sa nakamura ka. hehehe.

    happy new year, xg.

    [Reply]

    Lourdes or lady Lala

    wow! astig… napadungaw lang ako dito nalibang naman ako… :)

    [Reply]




  2. ay sekembeys lang hehehe. ala MTV Cribs, donde esta el banyo? (patawad di ko alam palabasin si enye) may “manual ng napapagal” ka ni eros?
    inadd pala kita ulet sa heroes link ko. tuloy-tuloy na sana idols.

    [Reply]




  3. ayos ah. hehehe! salamat at nagbalik ka na….

    [Reply]




  4. pinyuyir xienah!!!

    nagulat ako sa kwarto mo parang yung sahig ng 2nd flr namin dati. ganyang ganyan! hehe! mukha namang malinis hindi lang naayos ang mga gamit.

    ahhhmm…gusto kitang bilhan ng bagong set ng unan at kubrekama. hindi bagay sayo yan.

    [Reply]




  5. Apinyuyir xg.mwah

    I lab the camera. Can i have it?? Hahaha

    [Reply]




  6. xG, nagulat ako kase may masgugulo pa pala sa estado ng kwarto ko..lolz…welcome back.. at talagang inantay mo na mabuno ang 100 comments

    [Reply]




  7. Hi XG… Salamat sa pag she-share mo ng mga bagay na personal sa iyo. Favorite ko ang dugyot hotdog pillows pwede bang ipamana mo nalang sakin yan. LOL Na miss ko mag basa dito…

    [Reply]




  8. ang dumi ng mga unan! HAHA

    [Reply]

    skud

    ayan pala andami plastic bag eh.. pahingi lalagyan ko basura ko..

    [Reply]




  9. Ano nga ba gamit ko sa room ko? Oh right. Wooden cabinet. Tapos mattress na niro-roll ko somewhere safe every time I wake up. Comforter. Pillow. Laptop. Tapos dalawang bag. Nasa loob na ng cabinet ang cosmetics at kung anik-anik. Nokia XpressMusic na phone. Genius 2.1 speakers. Ayun.

    Almost empty pag wala ako sa kwarto. Hhehe.

    pagkeyaman mo na. ikaw na ang magtatapos ng ating kahirapan!

    [Reply]

    Neil

    Ayan nga lang gamit ko eh. Mayaman na? (throws a big rock)

    you cannot virtually throw a big rock on me, schmuck! hahahah

    [Reply]

    Neil

    Can’t take a joke much? :/ (throws a VIRTUAL rock)

    [Reply]




  10. Ay, nakalimutan ko. Electric fan. Wala lang. Tamang pampalamig sa aircon.

    kala ko yung ref ang pampalamig mo sa electric fan?

    [Reply]

    Neil

    Wala nga kaming ref eh. :/ Suya.

    sira ang ref namin. bakit kaya?

    [Reply]

    Neil

    Sinira mo. Galit sa yo ang sanlibutan ng mga ref.

    [Reply]




  11. parang nahuhulaan ko ang reason kung bakit di malabhan yun mga dugyut na unan hmmmmm hula lng siguro dahil sa amoy nya…. malamang amoy kumportable yan kya di malabhan parang di kumpleto ang pag tulog pag di nalalanghap yan dugyut na unan na yan ahahahah yun ngang unan ko amoy paa daw pro sa akin parang amoy downy lng, heheheh!

    wala lang talaga akong pampalit sa hotdog pillow. haha. walang oras din para labhan

    [Reply]




  12. try mo naman yun siopao pillow o kya siomai pillow with matching tulo laway noodles o di ba panalo!

    [Reply]



Leave a Reply