XXIII separation anxiety
ngayon itinakda ang araw kung saan nagsimula ang katapusan. bumagsak ang balikat ko ng malaman ko na babalasahin kami sa gerbis. ibig sabihin? bagong amo, bagong kagerbis, bagong buhay.
nakakalungkot pero kailangan kong yakapin ang katotohanan na sa buhay, walang permanente.
iniisip ko pa lang na magkakahiwalay na kami, hindi na ako makahinga.
XXI gudlak
hindi ko alam kung magiging masaya o malungkot ako nung nalaman ko na yung mga tarantadong kaklase ko nung kolehiyo (sila yung tipo ng estudyante na hindi na nga pumapasok sa klase, ibinabagsak pa ang theory at skills) ay ganap ng mga rehistradong nars sa mga kilalang ospital dito sa pilipinas gayun din sa ibang bansa.
kung alam lang ng mga pasyente nila, ayaw ko ipagkatiwala ang buhay ko sa mga tinutukoy kong ‘nars’ na iyon dahil sila ang dahilan kung bakit mababa ang kalidad ng nursing sa bansa.
XIX bragging rights
basta hindi siya ang itinanghal na panalo doon sa isang event, matatanggap ko ng buong puso ang pagkatalo ko.
aminado naman kaming lahat na sikat ka, lumabas ka pa nga sa telebisyon diba? pero pakshit lang kasi hindi ka funny–wala kang talento sa pagsulat.







