XI asawa

gusto kong linawin yung mga espekulasyong kumakalat sa blogosphere dahil meron kasing mga taong inuugnay sa akin at may mga pangalan na nababanggit mula sa kawalan. hindi ko alam kung sinong ulupong na matabil ang dila ang nagsasabi na meron na akong karelasyon

wala pa akong boypren.

parang nabati ako ng anghel dahil napangiti ako dun sa kakasabi ko lang. patawarin niyo ako kung naging napakatagal na proseso nito para sa ating lahat. mas sabik pa nga kayo kesa sa akin na magkaboypren na ako. bago lang ako sa ganitong klase ng pakiramdam. gusto ko lang namnamin ang bawat segundo at intindihin ang bawat sandali. hindi ko nga ito pinoproblema, mas iniintindi ko pa yung kakainin ko kesa sa mga lablayp na yan. isipin mo, boypren ka ni chiksilog? napakalaking karangalan yan para sa kahit sinong lalake. kumbaga para kang satnong sasambahin ng mga male bloggers kapag nagawa mo yan.

uulitin ko, wala akong boypren–sa ngayon. sa susunod na taon, sana meron na.




Leave a Reply