VI birheng alay
gerbismate1: ayaw ni kuya maginom tayo sa bahay namin para sa birthday ko!
gerbismate2: bakit ayaw niya?
gerbismate1: nagtanong kasi siya kung may maganda daw ba akong katrabaho.
gerbismate2: anong sinagot mo?
gerbismate1: sinabi ko lahat kayo may asawa na!
gerbismate2: ilang taon na ba yung kuya mo?
gerbismate1: 26 years old.
gerbismate2: ano ka ba? ayan oh! si shella anna.
end.
kung makapagusap itong mga hinayupak na kaopisina kong ito akala ata nila bingi ako o kaya naman wala ako sa tabi nila. seryoso, medyo natatakot ako sa pwede nilang gawin para lang masolusyunan ang uhaw nila sa alak at bidyoke. kapag may nabalitaan kayo na babaeng kinatay at nawalan ng mga laman loob, malamang katawan ko iyon na inialay ng mga kagerbismate ko kapalit ang dalawang mucho ng redhorse at orange na nagaraya.
dead end.







