IV circumcision

espesyal para sa akin at sa datkom ang philippine blog awards. ang mapasama sa listahan ng mga kilalang bloggers ay panaginip na gugustuhin ng kahit sinong huwag na lang magising.
teka, umurong yata yung bayag ko.
ganito pala yung pakiramdam ng mga lalake kapag nahihirapan maghanap ng pwedeng maging kasama sa mga ganitong klase ng pagtitipon. ang sobrang ubod ng grabeng hirap nito para sa akin. alam ko ako lang ang nagiisip nito pero para akong supot pa, hindi tuli.
sa kaso ko mas mahirap dahil bukod sa babae ako, wala talaga akong nasa isip na pwedeng lalakeng imbitahan para makasama ko sa october 9. mas magiging masaya lang kasi kung meron akong karaykaray na binatilyo na pwede niyo itukso sa akin para halikan ako bago umakyat sa itaas ng entablado para tanggapin yung award.
eksaherado pero alam kong parepareho tayong makikinabang sa maaring nakakatuwang magaganap. kailangan kong linawin na ang award ang tinutukoy kong suntok sa buwan, hindi yung kiss. ang dali lang kaya humingi ng halik pero yung award? mahihirapan tayo kasi baka ibarter ko na lang yung katawan ko per piraso para diyan.
iniisip ninyong lahat na ako si chiksilog at napakadali para sa akin ang maghanap ng isasama dahil sa likas ko ang pagiging malandi. parang ‘AKO ITO, SI CHIKSILOG’ pero iba kasi yung landi na may malisya sa landi na walang malisya. nanginginig yung tuhod ko kapag kumekerengkeng ako ng may halong intensiyon ng pagibig.
meron pa naman ako hanggang alas singko ng hapon ng martes para pagisipan ang tungkol dito. kung meron kayong kilalang pwede ko makasama sa PBA09, sabihin niyo lang sa akin para alam nung kung sino mang ponsiyo pilato na yun ang iteterno niyang kulay sa sususuotin ko. kung wala talaga akong makikita, baka hindi na lang ako pumunta at magmukmok na lang ako sa loob ng aparador.







