first kiss
pagkatapos ng 22 taon, ayun nga. bigla na lang nangyari. nagulat ako.
malambot.
matamis.
masarap.
masaya.
nagamoy rosas ang paligid tapos nagsiawitan ang mga anghel. ayaw ko masyadong nagsasasalita, nagkakakain at nagsisisipilyo dahil gusto ko pa ring manatili yung pakiramdam ng dampi ng labi niya sa akin.
pramis, walang malisya iyon–pero kinilig ako.







