broken heart

ChuvaChooChoo

gustong gusto mo ang mahahabang biyahe–noon. iyan yung panahon na sadyang pinuspos pa ng kainosentehan ang pagkatao mo at wala ka pang bahid ng kahalayan. sabi ko sa iyo, hindi ka na talaga dapat nagsasasakay ng bus lalo na kung masyadong mahaba ang biyahe. palusot mo lang na sa tuwing sasakay ka ay sasakit yung katawan mo, kesyo mainipin ka at naiingayan sa mga nagtitinda ng mani dahil ang totoo, napagtanto mo lang talaga na delikado ang sasakyan na yan sapagkat pinupwersa ang utak mo na magisip tungkol sa maraming bagay at mapipilitan kang magdesisyon ng sakto sa oras.

tama ang desisyon mo. tama ang ikinilos mo. tama ang lahat lahat, pero sa pagibig–isa itong malaking pagkakamali. kinailangan mong magkamali para malaman kung alin ang tama.

natutuwa ako na natuto ka.

baka isang araw, mahulog ang loob mo sa kanya. baka bukas magustuhan mo siya. baka bukas makalawa, mahalin mo na siya. kaya lang mauubos na yata ang lahat ng bukas sa kalendaryo pero hindi pa rin nangyayari ang alin sa mga iyan.

huwag mong ipilit ang mga bagay na parang bang inubos mo na ang buong lakas mo sa pagtulak sa pader. kahit anong gawin mo, hindi yan gagalaw, hindi yan mabubuwag, hindi yan mahuhulog sa iyo. ito yung klase ng hiling na alam mong hinding hindi tutuparin ng bathalumang sinasamba mo dahil kapag pinagbigyan ka niya, maaring pagtawanan lang siya ng mga santo at anghel sa langit.

hindi mo sinadya na puro kapintasan ang nakikita mo. ang bait mo pa nga ng lagay na yan dahil hinahanapan mo pa siya ng magandang ugali na maaaring maging palusot sa lahat ng ito. dakila kang maituturing dahil nagpasensiya at naghintay ka–kahit kailan hindi mo natural iyon. binigyan mo ng panahon ang puso mo para makakita ng rason para magpatuloy pero tulad ng dati, binigo ka na naman nito. masyado ng mahaba ang panahong ginugol mo para sa paulit ulit na pagbubulagbulagan. hindi nga yata pagbubulagbulagan ang salita pero aminin mong ginawa mo rin iyan. masaklap pero tinanggap mo ito ng maluwag habang lumuluha ka pauwi sakay ng tricycle at nalaman mo na wala pa palang panukli si manong drayber kaya mas lalong nanghinayang kang mabuhay.

kahit kailan hindi mo pinangarap ang isang malapelikulang buhay pagibig pero karapatan mong isipin sa hinagap na minsan merong pagkakataon na mararanasan mo iyan. obligasyon ng bawat babae na kiligin kahit sa panaginip. tipong tinginan ng malagkit, hawakan ng kamay, sagutan ng ngiti, kurutan sa pisnge, harutan sa ulan, habulan sa tabing dagat, ulayawan sa hagdan, halinghingan sa library–parang ibang pelikula na yata ito pero ang punto ko? maliit ang tsansa na mangyayari ito sayo pero patuloy tayong aasa sa karampot na bahagdang natitira dahil iyan na magsisilbing apoy para magalab ang nalalabing pagibig na magiging rason mo para sa mabuhay.

bakla nga minamahal, babae pa kaya? ipagpalagay natin na hindi ka nga talaga babae, na hindi ka rin talaga bakla at totoo nga ang sinabi ng mga kaibigan mo na isa kang gulaman. hindi ba dapat meron kang kasama na sago o arnibal man lang? hindi ko alam o siguro masyado lang silang maraming alam. ganun naman talaga madalas ang mga kaibigan, ang dami daming sinasabi na nakakagulo lang. wala na talaga sigurong karapatang magmahal ang gulaman o kung magmamahal man siya, dapat sa sago o kaya sa arnibal lang.

hindi mo maiiwasan ang sumakay ng magbus kaya ang masasabi ko na lang sa iyo ay huwag ka na lang lumablayp sa ngayon at mas makakabuti na gumulaman ka na lang.

19 Responses to “broken heart”


  1. Iba ka talaga XG! aylabet :-D Gumugulaman pala ha, ‘di ko sure kung puro metaporika ito, basta ako ay na aliw dito sa entry mo.At ako na ang bahalang uminterpret sa entry na ito. Basta ang masasabi ko lang kung ikaw man ay sakaling maging gulaman ako ang iyong taperware.

    Baket?

    para ma mold kita ayon sa gusto kong porma, ito ay hugis sun flower.Naks! :-D

    Chill!

    acheche. hahaha. salamat. salamat. pwede bang ano ahm star? kasi kikay ako e. hahaha

    [Reply]




  2. sige, di na muna ako maglalablayps. bahala na si batman, kung dadating siya edi dumating siya. :P

    kumarir ka muna pambihirang bata ito pagkayaman. lubusin mo yan na magipon ka para makabili ka ng lalake sa susunod. haha

    [Reply]




  3. masarap ang magmahal soulmate..wag kang tumigil sa pagmamahal sa isang tao…sa patuloy tuloy na bawat pagkakataon na nasasaktan ka, balang araw magiging dalubhasa ka na sa larangan ng pag ibig..
    at ikaw na ang magiging..
    next margie holmes.
    ayee!

    wala naman akong sinabi na hindi masarap magmahal. alam ko naman yan. hanggat buhay tayo soulamte maghahanap at maghahanap tayo ng chuva choo choo! hahaha

    [Reply]




  4. ba’t parang napakalungkot naman ata nito…ooh, pag-ibig sa panaginip, kailan kita makakamit…

    eh? ang saya pa nga nito eh. hahaha. ha. ha. ha.

    [Reply]

    andoyman

    hahaha….ganon ba…hahaha….

    oo ganun na nga. huhuhuhuu

    [Reply]




  5. pwede naman matulog sa bus kung mahaba-haba ang biyahe mo para maiwasan mo makapag-isip hehehehe.

    hindi nga ako makatulog

    [Reply]




  6. :( preho nga tau, sawi…malas nila!
    *two-thumbs up!* nakakatuwa tlng basahin mga posts mo! :)

    oo nga e. salamat salamat

    [Reply]




  7. halinghing sa library? parang alam ko kung anong pelikula yun. haha. Harry Potter? wahaha.

    some people want what they can’t have.

    hindi ako nanonood ng harry potter! hahahaha. ano kamo? some people want what they cant have? kaya pala hanggang ngayon, i still cant have you. mwehgahnon? hahaha

    [Reply]

    ninong

    haha. kaya nga mailap ako, pag nakuha mo ako, aayaw ka na sa akin. :P

    ganun ba yun? parang hindi naman. hahahaa. kapag nakuha kita aayawan kita? wow! san galing yun? hahahaha. kung makaarte ka para kang babae. hahaha. seryoso nahirapan ako magreply sa comment na ito. parang ayaw ko magsalita at gusto ko na lang patunayan na mali ka ngayon! BAHAHAHAHAHA.

    [Reply]




  8. at bakit nawala ang comment ko??

    andito lang siya sa puso ko. hahaha.

    [Reply]




  9. sa bus may madami holdaper… :(

    yun lang. ganun din naman sa pagibig, ibigay ko ang lahat wag lang niya akong saktan

    [Reply]




  10. huwaaa..
    pwede bang mag sabayin na lang,
    mag gulaman ako at mag lablyf hehe..xg..
    basta ko takot ako kagad umupo sa upuan ng bus kapag mahabang byahe ang, naka encouter ako ng may buble gum na upuan syete talaga ehhe..bastush ang huling umupo dun ehe..

    edi magmulti task ka. ok lang naman yun sa palagay ko. hahaha

    [Reply]




  11. Right on. Nalalaman natin na ang pag-ibig, katulad din ng iba pang aspeto sa ating buhay, may kani-kanyang landas. At sa pagtahak ng naturang landas, hindi pwedeng wala tayong madadaanang roadblock. O fork in the road.

    Ang bus, napupuno ng mga tao. Nagsisibabaan din. May terminal at stop-over. May nasisiraan, minsan kelangang magpalit ng gulong. Project it to the reality of the situation that is life, and that’s all there is. I think.

    (Kung tama ang pagkaka-intindi ko?)

    mabuti naman naintindihan mo ako. ako kasi hinde eh hahahaha

    [Reply]




  12. hindi ako lumalablayp ngayon. Mas maayos ako pag ganito. Saka na pag mejo nalulungkot nako. Crush-crush muna ako ngayon.

    pagaaral muna sa ngayon dapat.

    [Reply]




  13. Kausap mo ba ang sarili mo dito? Basta ang alam ko, kung hindi ukol, hindi bubukol. LOL

    anong bukol ba itong pinaguusapan natin. please elaborate. ahahahaha

    [Reply]




  14. madami talagang kwento sa bus lalo na sa isang pagkahaba habang byahe… naalala ko lang, sa bus nawala ang pagiging inosente ko.. tsk..!

    too much information! hahahaa. seryoso. sharing naman diyan. BAHAHAHAHAHAHAHA

    [Reply]




  15. “gustong gusto mo ang mahahabang biyahe–noon. iyan yung panahon na sadyang pinuspos pa ng kainosentehan ang pagkatao mo at wala ka pang bahid ng kahalayan.”

    awts :( nahurt ako dyan. sapul na sapul. naaalala ko nanaman tuloy ang ‘NAKARAAN’. I-emo nanaman ako mamaya neto.

    laslas pulso na kasi! sus yan. hahaha

    [Reply]




  16. anakngtitengmaugat! gumugulaman?

    hindi ko tuloi alam kung tatawa ako o makikisimpatiya sa buhay pag-ibig mo, xG.

    kanino ba kasing yang anakngtitengmaugat na yan? curious ako. hahahaha. ako rin naman hindi ko rin alama ng magiging reaksiyon ko sa buhay ko. mababaliw na talaga ako. ahahahahuhuhuhu. shit.

    [Reply]

    lio loco

    binabati pala kita sa pagiging finalist sa best humor blog. ambibigat ng kalaban (kasama si deejay ng goodtimesmanila at bossing badoodles) pero naniniwala ako sa kakayahan ng datkom na ‘to.

    gumulaman ka sa gabi ng parangal xG. goodluck!

    at goodluck din sakin kung mapasama ako sa finalist ng “best visayan blogger” category. hahaha! tae talaga.

    next year, sisiguraduhin ko nang tama ang napindot kong category. takte.

    ano ba! natawa ako sa sinabi mo. pwede naman iedit yun at palitan ng category. yun lang e siguro due na para sa deadline. haha. mabibigat talaga yung kalaban ko at gusto ko na talaga magback out. paggising ko kanina binati ako ng mga tao na kasama daw ako sa finalist na yun. alam naman natin na kung sino yung mananalo at sinali lang ako dun para may madagdagan yung matatalo hahahaha. salamat sa pagtitiwala mo sa datkom. natutuwa lang ako dahil kapag kailangan ko ng suporta bigla na lang kayong naglalabasan. teka. hindi ako gugulaman sa gabing iyon, CHICHIKSILOG AKO! haahhaha. salamat. kitakits sa oct09 sa megatent. hamwahagss.

    [Reply]



Leave a Reply