tumatayming

ChuvaChooChoo, Teh Life

alam mo ba kung kelan ang tamang pagkakataon na maaari mong sabihin sa nanay mo na may nanliligaw sa iyo at sa wakas ay lumalablayp ka na?

pagkatapos mo siya ipamili ng damit, ilibre ng sine, bilhan ng paborito niyang pagkain at bigyan ng kahit anong luho na matipuhan niya.

para ka lang nangunsinti ng kotong sa parak–sa pagkakataong ito, nagmumukhang kasalanan ang magmahal. ang umibig ay isang krimen na hindi mapapatawad ng kahit anong naisulat na batas.

sa nanay mo pa lang iyan, paano pa yung sa tatay? iyan ang napala mo, ang lakas mo kasi makalabstori.

21 Responses to “tumatayming”


  1. Hmmmmm…. oi kelangan natin magkwentuhan na haha parang di na ako updated sa buhay lablayp mo haha

    wala akong ikukuwento. ganun pa rin naman ang estado ko. single kaparehas mo. hahahaha

    [Reply]




  2. baka gusto mo lang ng marami pang ham. hehehe :P

    totoo yan

    [Reply]




  3. ang pinakamagandang tayming ay kapag nagka-anak na kau
    wala nang palag yun…

    joke! sa tatay talaga ang pinakamahirap taymingan hehe

    sinabi mo pa. tsk tsk

    [Reply]




  4. Hindi ko usually ugaling magkwento sa magulang ko tungkol sa nangyayari sa lablayp ko. Pero alam kong curious din ang Nanay ko kasi sa mga pinsan ko siya nagtatanong. LOL

    sa dami ba naman ng babae mo e kahit sino malilito na hahahahaha

    [Reply]




  5. pag sa tatay lasingin mo,haha

    mga ugali niyo talaga! pambihira.

    [Reply]




  6. so meaning yan may sabit ka na pala at hindi na pwedeng makipaglandian sayu sa oktobre?
    ha ha ha..ampotah magsidala nalang nga kayu ng kanyang kanyang lablayp..may groupdate nalang tayu dahil dadalhin ko rin si fiona.lols.
    o siya..ill text you soon pag nasa bahay niyo na ako.lols

    gusto mo soulmate ako ang sasabi sa tatay mo? hi hi hi

    wala akong boypren ano baaaaaa. hahahaha. sige sige. papakilala kita sa tatay ko pero ano naman sasabihin mo e wala nga akong boypren hahahahaha

    [Reply]




  7. So taken ka na ngayon?! Anyways, para related sa topic and comment ko. Ok lang ‘yun sa erpats mo I’m sure, basta ba hindi Babae ang ka-lablyp mo. Pero kung sakali lang na babae invite nyo ko sa date nyo minsan saling pusa lang ako. LoLz

    taken? taken for granted ako! hahahah. single pa rin ako. san ba nanggagaling ang mga balitang ito na may boypren na ako?

    [Reply]




  8. e di pag sa tatay, yayain mo…

    “‘tay, inuman naman tayo. ako taya ngayong gabi.”

    tapos sabay ngiti. pag lasing na, saka ka magtapat…o ha? hahaha

    ginawa mo namang alkoholik ang pamilya namin. sos ka!

    [Reply]




  9. palagay ko.. mananaga ng tabak ang tatay mo.. joke.. ewan hindi ko kasi alam.. ganto na lang kunwari natapilok ka tapos sabihin mo:

    “ay! may nanliligaw na sa akin!” ayun kunwari nadulas lang bibig mo.. haha

    mananaga ng tabak talaga. natawa ako. hahahah. parang nasa probinsiya lang ba kami? hahaha. naimagin ko nga.

    [Reply]




  10. subukan mo munang kausapin ng seryosohan ang nanay at tatay mo. pag naintindihan nila at okey sa kanila, eh di fine. pag naman nagalit, bawiin mo agad sabay sigaw ng ‘yari ka!’.

    hahahaha. sa palagay ko naman hindi sila magagalit at mas malamang na sabihin ko nga talaga yang yari ka at sundin ang payo mo. gudlak sa akin hahahahaha

    [Reply]




  11. dyusku, xg. hinintayin mo pa bang mag-trenta’y quatro anyos ka na bago ka magpaalam? ahahaha…

    aba, baka pagdating ng panahon na iyon ay sila na ang nagmamakaawang lumablayp ka.

    at base sa mga kwento ng mga nakatatanda, hindi gugustuhin ninuman na makialam ang kanyang mga magulang sa mga bagay na akala nila’y may malaking pagkakaintindi sila – tulad na lamang ng lablayp ng kanilang anak. pwera na lang siyempre kung pre-arranged marriage kay jlc, na alam ng lahat na siyang taong nakakapagpalaglag ng underpants mo.

    eka, sino naman kaya itong lalaking nalinlang mo? ehehehe…

    wala akong magagawa kung halimbawang 30years old na ako magkaboypren. gusto kong malaman nila. sa palagay ko obligasyon ng bawat anak na ipaalam ang mga ganitong bagay sa kanila. sino ang lalakeng nalinlang ko? e wala pa naman sa ngayon.

    [Reply]




  12. gwapo ba boyprend mo ate x? may kapatid din ba yun na gwapo?

    ahm. wala akong boypren. san nanggaling ito? hahaha. ano ba itoooo. hahaha

    [Reply]




  13. okei. dahil lumalablayp ka na xG, hindi na ko maglulumandi sa’yo. kasaklap.

    sino ba nagsabi na may lablayp na ako? wala akong sinabi. may kinumpirma ba ako? wala naman ah? nagugulat ako sa mga balitang kumakalat

    [Reply]




  14. kinilig ako. tagos hanggang buto.lols.

    eh ako din. siguro private na masyado yung aspetong yan. pero syempre bilang paggalang eh kelangan pa rin sabihin. iba nga lang sa mga babae. kasi mas protective ang mga parents sa mga babae. sa lalaki parang ok lang eh. diba?

    sana magtagal kayo. si gugol ba yan xG?

    nasa sa anak naman yun kung sasabihin nila o kung hindi pero dahil sa nirerespeto ko ang magulang ko gusto ko malaman nila kung ano ang nangyayari sa akin dahil wala ako lagi sa bahay at minsan ko na lang sila makausap. ah? ano? bakit nagnamedrop ka? anong kalokohan ito? hahahaha

    [Reply]




  15. sulitin mo ang suhol sa nanay mo. ask her to pass the news. lols!

    ginawa mo namang PR manager yung nanay ko? haha. wag ganun. mawawalan na ako ng ipon sa debit ko hahaha

    [Reply]




  16. ikaw naman kasi eh. hahaha! okay lang yan… matatanggap naman nila yun in the end. hahaha!

    anong ginawa ko? ano ba itong mga ito. haha

    [Reply]




  17. kung magkakaanak ako ng babae tas balang araw sasabihin sa akin na may nanliligaw na sa kanya baka maari kong ikamatay yun. goodluck sa lablayp :P

    hindi ko alam kung paano ang pagdadaanan ng mga tatay pagdating sa ganitong sitwasyon. palibhasa kasi alam mo ang kalokohan mo kaya malamang e huwag naman sana mangyari sa anak mo. hahaha.

    [Reply]




  18. HAHAHAY ang nanay ko mas malandi pa sa aso…

    Lolz. :) Hoy! At may first kiss ka pang drama sa blog mo! Grabe. Mahindik ka!

    ahm. ano ang kinalandi ko dito? hindi ko alam. hindi ko maintindihan. hahaha. tae ka ikumpara mo ako sa aso? watch your word mr menthol guy. hahaahha

    [Reply]




  19. agree ako dito kasi nung pinakilala ko si siopauQ sa bahay kinailangan ko munang bumili ng paboritong mirienda ni mama sabay abot ng pera pamalengke at pang allowance ni utol..ahaha

    ang hirap manuhol sa ganitong klaseng kalokohan. nagiging pasko ng wala sa oras.

    [Reply]




  20. Kung me alam ka na sekreto ng tatay mo na hindi pa alam ng nanay mo pwede mo un gamitin.

    “Tay, alam na ba ni nanay ung tungkol dun sa ginawa nyo noong isang taon?… lika tay, usap tayo” =P

    kayo talaga ambabad impluwens niyo. wag ganun. hahahaha

    [Reply]




  21. alam ko kung pano mo sasabihin….

    lasingin mo muna tatay mo tapos sumayaw ka sa harapan nia. kapag hindi ka na niya sinasaway, tsaka mo sabihing may lablayp kana… di ba BONGGA!

    [Reply]



Leave a Reply