found a boy

1 Comment »

ang pagibig ay pagasa.

ikinalulungkot kong sabihin na wala na akong kahit katiting na pagtingin kay ibarra, mr phantom at lalong lalo na kay misterE.

office crush ko sila ibarra at mr phantom samantalang blogger crush ko naman si misterE. wala na talaga, wala na akong pagasa sa kanila. pareho ng may karelasyon ang mga gerbis kras ko at masyado ng mahaba ang 3taon para makulong sa panaginip na gusto rin ako ni misterE.

suko na ako. ayaw nila sa akin.

siguro kailangan ko lang talaga bumalik sa simula at huwag na muna ulit magseryoso. gusto ko lang naman talaga maramdaman na mahalaga ang pagkababae ko at isa sa mga paraan para masukat iyan ay ang makaramdam akong muli ng kilig. hindi ko na matandaan kung kelan ko ginamit yung talandi skillzzz ko kaya kailangan ko ng regular na ensayo sa paglalandi dahil nawawala na ako sa kundisyon.

may bago akong kras at sa pagkakataong ito–tao siya. hindi artista sa pelikula, hindi singer ng banda, hindi karakter sa isang anime, hindi inaalagaang hayop, hindi masarap na pagkain at ang pinakamahalaga sa lahat, hindi siya bakla.

nagiisip ako ng pwede nating itawag sa kanya, code name para kunwari sweet ako. kaya lang, hindi ko pala alam ang buong pangalan niya. ayaw kong alamin. ayaw ko siyang kilalanin dahil binibigyan ko lang ng pagkakataon ang sarili ko na mahulog ang loob ko sa kanya, na hindi naman talaga dapat mangyari dahil paghanga lamang itong meron ako.

siyempre saka na yung malisya ng buntisan. aaminin ko, gusto ko magkaanak sa kanya pero baka ipagpaliban na muna natin. next week na lang pagusapan iyan. iisip muna ako ng pwede natin ipanglasing sa kanya kaya huwag muna ngayon. konserbatibo akong babae. hindi ugali ng mga mahihinhin ang magpakawala ng bugso ng damdamin.

pinakilala siya sa akin sa pamamagitan ng picture. pagkakita ko pa lang, sinabi ko na sa sarili ko na hindi siya gwapo–walang arrive. nung dumating ang tsansa na makita ko siya sa personal, napanganga ako tapos tumulo yung laway ko ng hindi ko napapansin. nasa kanya pala lahat ng pisikal na katangian na hinahanap ko sa isang lalake: chinito, matangos ang ilong, matangkad, maputi at higit sa lahat mukhang geek. may malaking puwang sa puso ko ang mga geeks at mga nerds. bihira lang ang mga taong nakakaintindi sa mga tulad nila at sa palagay ko isa ako sa mga lubos magmahal ng katauhan nila.

doon ko rin napatunayan na totoong kaibigan ko itong nagpakilala sa kanya sa akin dahil nagreto siya ng tipo ko. obligasyon ng kaibigan na ipakilala ka sa alam nila na babagay sa iyo.

pero hindi yata ito yung nangyari.

ang alam ko, hindi ako pinakilala sa kanya kaya nung nagkita kami sa personal, nakuha ko agad ang atensiyon niya. siyempre iisipin niya ‘sino itong lokaret na ito na pagkaingay ingay at humaharang sa daanan niya?’ naramdaman ko iyon, yung alam mo na may nakatingin sa iyo kahit nakatalikod ka. ganun. tipong lahat ng galaw mo minamasdan. hindi ko alam kung paano nangyari pero bigla kaming naiwan sa kwarto ng kaming dalawa lang. wala siyang ibang pagpipilian bukod sa kausapin ang sarili niya kaya nilapitan niya ako. natunaw ako sa kanyang ngiti. nasilaw sa kinang ng kanyang mga mata. inabot niya ang kamay ko at sinabi niya ang pangalan niya. tinitigan ko ng maigi ang labi niya sa kung gaano ito kapula at kung paano ito gumalaw habang sinasambit niya ang baybay ng bawat kataga. hindi ko siya narinig, masyadong malakas na ang tibok ng puso ko tapos huminto–katibayan na nadinig nito ang mga salitang magpapaamo sa kanya. uminit yung pisngi ko at naramdaman ko na nabuhayan ako ng kalooban. gusto kong managinip sa mga braso niya at sana paggising ko sa katotohanan ganun din ang naramdaman niya para sa akin.

emo.

sabay bumitaw ako sa kamay niya. tumalikod para umiwas. humakbang pasulong. tago sa likod ng refrigerator. hindi ko alam kung refrigerator nga yun o si manang na nagluluto ng tanghalian kasi magkapareho sila ng hugis pero basta nagtago ako, natorpe.

isa lang ang ibig sabihin kapag natotorpe ako, gusto ko siya.

hanggang sa nagkasama kaming muli, nagkakwentuhan, nagkatawanan, nagkabiruan, nagkalandian, nagkainuman. nagkabuntisan este wala pa lang ganung nangyayari pero kinilig talaga ako kapag naaalala ko ang mga ito. gusto ko magamok sa kalsada at sabihin sa lahat na kinikilig ako. hindi naman talaga mahalaga kung ano yung mga pagkakataon na masaya ako. ang mahalaga, nandon siya, na nakangiti ang puso ko dahil sa kanya. nabibilang ko sa daliri ko yung mga pagkakataon na nakasama ko siya pero masasabi ko na sagrado ang mga sandaling iyon. hindi ko ipagpapalit yun sa kahit ano, kahit sa yakult o curly tops. baka sa baked macaroni pwede pa pero ang punto ko, ganun iyon kahalaga para sa akin.

sa ngayon, nakukuntento na nga lang ako sa facebook profile picture niya. sa kung paano ko siya unang nakilala–sa litrato. hindi kasi ako makasabay sa kanya dahil magkaiba kami ng interes. sopistikado siya. masyado siyang matalino at masyado ko na siyang nagustuhan dahil doon. nahihiya lang ako dahil wala akong maikwento kundi yung mga katarantaduhan ko sa trabaho. siguro meron talagang mga pagkakataon na alam mo, hanggang doon na lang talaga. ang simpleng kababawan na iyon ang magtutulak sa iyo para umasa at umibig.

« Previous Entries