massage

masarap sana yung pamasahe na home service o kaya naman yung mga mararanasan mo sa sauna bath pero sa kamalasmasan, ito yung tipo ng pamasahe na binabayad mo sa mga sinasakyan mo. sa kung bakit pwedeng ipagsama ang salitang pamasahe sa sinasakyan? wala na akong kinalaman diyan dahil ikaw na ang may berdeng utak.

sa lipunan ng pilipinas, nandon ako sa pinakamataas na antas ng mga dukha pero nasa ibaba naman ng mga mayayaman at oo, doble ng minimum ang sweldo ko. kahit ganyan, marunong naman ako magpakumbaba sa pamamagitan ng pagititipid. hindi naman siguro bawal sa mga middle class ang magreklamo? medyo, medyo lang naman, medyo ibubuhos ko na lahat ng natitirang pagkamuhi ko sa mga pampublikong sasakyan.

unahin na natin yung trike. alam ko maraming nakakapansin na tumataba na ako pero ibig sabihin ba niyan kailangan doble lagi ibabayad ko? sa pagkakaalam ko magisa lang naman ako na sumasakay sa tricycle pero bakit laging dalawa ang sinisingil nila sa akin? required na ba na kapag trike driver ka bukas yung third eye para makita yung mga kasama mong kaluluwa? hindi naman dapat kasi binabayaran yung mga multo multo kasi hindi sila nagoccupy ng space. hindi sila matter ayon sa grade 5 science teacher ko. maiintindihan ko pa kung singilin nila ako ng mataas kung madaling araw–night differential. pakunswelo ko na lang iyon sa paggising nila ng maaga o sa hindi nila pagtulog sa gabi. kesa naman magalangan yung puri ko o mas malala, buhay ko. wala sa akin yung magbayad ng sobra. mahirap makipagtalo sa mga tao na batas ng lansangan ang pinaiiral.

sos na mga jeep na ito. diba doon sa may cartimar yung eskwelahan ko nung kolehiyo ako? sa araw araw na ginawa ng diyos, hindi ko talaga mawari kung saan ko nakuha yung pasensiya sa pagtiis na magsuot ng uniporme sa tuwing papasok ako sa paaralan. hindi talaga dapat basta driver sweet lover ang motto nila kundi love is blind. kabaliktaran ng mga trike driver ang mga jeepney driver dahil nagbubulagbulagan sila sa tuwing nakakakita ng mga estudyante na nakauniporme. ano yun? matik na dapat na kapag estudyante, kesyo maglalakwatsa yan sa mall, magiinom sa bahay ng kaklase o tatambay sa kung saan mang bilyaran, bibigyan pa rin ng diskwento sa pasahe. pribelehiyo yan ng kabataan para ganahan sa pagaaral kahit hindi naman talaga iyon ang motibo nila sa paggising ng maaga. hindi naman yan magaabala pa na magsuot ng uniporme para makatipid ng mamiso o dos pesos. hindi ka magpapanggap sa ganyan kaliit na diskwento dahil mas mahal pa ang sabong panlaba.

ito na talaga yung malupit–bus drivers. kumbaga, sila yung koopa ni mario tapos yung princess si claire de la fuente. sa katunayan, panatiko ako ng mga ordinary bus. limang piso na lang idadagdag mo sa pamasahe mo makakarating ka na sa langit. yun bang sa tuwing sasakay ka parang nakikipaglaban ka kay kamatayan para sa buhay mo. yung kaluluwa mo mapipilitan na humiwalay sa katawan mo. roller coaster, the deadlier version. meron kasi akong hilig sa mga ganitong klase ng karanasan kaya para sa akin kakampi ko itong mga ito lalo na kapag tinatanghali ako ng gising. kahit madalas ako malaslasan ng bag sa bus nila, ayos lang. yung normal na 45minutong biyahe ko mula bahay papuntang gerbis ginagawa lang nilang 15-20minuto. partida pa iyan kasi kasama na sa minuto yung trapik. minsan alam na nga na puno na yung sasakyan, hala sige pa rin yung kundoktor sa kakahanap ng pasahero. san mo naman isisiksik yan kundi doon sa daanan ng tao. hassle lang talaga kapag ganyan na punuan. hindi ko maintindihan yung paiba ibang singil nila. kung sino pa yung maganda yung bus, yun pa yung mababa ang singil. ang kakapal lang ng mukha nung mga bus na galing ng japan. japan nga ba talaga yun o sa taiwan pero malamang china, basta yung mga sinusurot yung upuan. kasabayan ng mga ipis na natira sa mundo yang mga bus na yan nung panahon ng mga dinosaurs. ang alam ko kasi 28pesos ang binabayad ko mula tarbaho papuntang bahay kaya nung nagbayad ako kanina, 30pesos yun at may sukli dapat na dos. sigurado ako kasi hindi ako naglalagay ng piso sa wallet. ibahin niyo ako dahil ang barya ko lang dito tig dadalawang daan. im rich like that. ewan ko nga kung bakit may trenta pesos na sumulpot sa pitaka ko kaya iyon na lang ang ibinayad ko. alam mo kung ano? hindi binalik yung sukli kong dos. sabi nung kumag na kundoktor 26pesos daw yung pamasahe tapos yung binayad ko bente, lima saka piso. kelan pa natutong magpanggap ang piso na maging limang piso? hindi yun nangyayari sa totoong buhay. nakipagdebate ako–kako kaya nga 30pesos binigay ko kasi alam ko 28pesos ang singilan sa pasahe tapos sasabihin mo bente, lima at piso ang binigay ko? sige na at pakakawalan ko na ang isang ito. abuloy ko na lang yun sa nalalapit na lamay niya. magkita na lang kami sa impyernong kinabibilangan ko.

kaya hindi tayo umuunlad mula sa kahirapan dahil ginugulangan tayo ng mga taong nagdadala sa atin sa landas na dapat nating patunguhan. sayang pa rin yung dos ko, pambili rin ng kendi yun sa tuwing nauumay ako sa mga paninda sa pantry ng gerbis.




3 Responses
  1. sana kinuha mo ‘yung plate number. papasagasa natin sa pison. o di kaya eh ilagay natin sa gitna ng lampas-bewang na baha dito sa espaƱa.

    taga espanya ka lang palang lioloco ka? pambihirang buhay ito! pumunta ka ng sa events para naman malandi na kita. hahahaha

    [Reply]



  2. bulag naman ung kunduktor na yun. hmpft.
    ako minsan sa jeep, kahit sinabi ko na estudyante ako, kulang ung sinusukli sakin. pinaglalaban ko lang talaga, sayang ung piso eh. eh kadalasan pa naman sakto lang ung barya ko pamasahe….

    kakarmahin din sila.hehe

    [Reply]



  3. Wala akong reklamo sa trike drayber at tama lang na maningil siya sa eports ng pagpapadiyak pag ikaw ang sakay. BIGATIN ka kasi! hahahaha

    ahm. tangina mo? salamat. hahaha. bakit papadyak ang trike driver e hindi naman sila iisa ng PEDICAB driver?

    [Reply]



Leave a Reply