ang tanong

Teh Life, xGMonologues

hindi lahat ng taong prangka, may kredibilidad. ako yung isa sa mga tao na ipagmamalaking sabihin na meron ako ng dalawang katangian na iyan. sa buong kasaysayan ng paglalathala ko, aminado naman ako sa una pa lang na wala akong nabanggit sa datkom na kahit anong lihis sa katotohanan.

kasama ko ang 3 sa pinakamalalapit na kaibigan ko sa speryo sa isang kwarto ng maganap iyon. habang abala akong nagliligpit ng mga gamit ko, bigla na lang akong nagulat sa ibinulalas na tanong ng isa sa mga babaeng kaibigan ko.

xienah, bisexual ka ba?

the shit has landed. hindi talaga namin alam kung saan nanggaling yung ideya niyang iyan. ang tanong niya ay nagsilbing delubyo na naging dahilan ng mabilis na pagguho ng mundo naming lahat na nasa kwarto.

panandaliang katahimikan.

kung tutuusin, hindi ito biro. napakaselang usapin nito dahil pinagduduhan ang pagkatao ko ng isa sa mga pinakamalalapit na kaibigan ko. alam ko na ngayon yung naging sitwasyon ni jimboy, kung naaalala mo pa siya yung boypren boyprenan ni mahal, nung tinanong siya kung bading ba siya. hindi ko sinasabi na hindi siya bakla dahil ang sa akin lang, ganun pala yung pakiramdam na malagay ka sa pangyayaring yon. parang gusto mo manapak pero ayaw mo kasi kakalagay mo lang ng lotion sa kamay mo.

sa totoo, lang natuwa pa nga ako ng may nagtanong sa akin para linawin ang tungkol diyan. ang alam kasi ng lahat bayag ang meron ako at hindi matres.

babae ako at lalake lang ang gugustuhin, mamahalin at titikman ko. kilala si chiksilog sa pagiging babaeng bakla pero kung tutuusin, nauuna pa rin ang pagiging babae ko kesa sa pagiging bading. ikinalulungkot kong sabihin sa inyo na alam ng lahat na hindi ako bakla sa personal.

im boyish but it doesnt follow that im bisexual. siyempre makapagenglish lang para kunwari sopistikada ako. marami akong kaibigang BTLG at wala akong kahit anong masamang tinapay sa kanila. hindi pa ako nagkakaboypren. nagaral ako ng elementarya at hayskul sa isang eksklusibong paaralan para lang sa kababaihan at hindi na bago sa akin ang mga ganitong klaseng sitwasyon. oo, nagagandahan ako kay lucy torres, mikee cojuangco at taylor swift dahil ang puputi at ang papayat nila pero hindi ibig sabihin niyan ay may malisya ako ng pakikipagrelasyon sa kanila. hindi pumasok sa isip ko. kahit sa bangungot, hindi talaga.

hindi ko alam kung ano ang mga salitang dapat gamitin para mapagaan ang kalooban ninyo para mapatunayan na babae ako at lalake ang hanap ko pero handa akong patotohanan iyan sa paraang malalaman pa lang natin sa mga susunod na araw. darating din tayo diyan. ganun kabilis, insta-fast results.

7 Responses to “ang tanong”


  1. (applause)

    hehehe.
    parang plurk lang :p

    ou…dadating din tayo jan. maghintay lang tayo hehe

    [Reply]




  2. walang duda na gurl ka nga teh! :D

    [Reply]




  3. standing ovation. (clap clap clap)

    teka… all girl school? taga Miriam High ka ba dati?

    natanong na din ako niyan dati ng nanay ko. kung sana alam lang niya ang mga milagrong ginagawa ko sa labas ng bahay. oo nga, awkward question nga siya, lalo pa’t nanggaling sa isang taong malapit sayo.

    [Reply]




  4. awkward na awkward nga na tanong. naalala ko nung tinanong ako ng nanay ko kung chongril ba raw ako dahil panay babae ang dinadala ko sa bahay atnagkukulong pa kami sa kwarto.

    bakit? papayag ba siya kung lalaki ang ite take home ko sa bahay at kasama kong magkulong sa kwarto ko?

    kaka lerky nga eh.

    [Reply]




  5. Ate XG kung sakali lang naman na Bisexual ka mag lagay ka naman ng picture na meron kang ka french kiss na sexy girl din (Ang pervo!!!) Jowk lang po baka magalit ka sakin ;-D

    Isa ka paring tunay na babaeng virgin para kay Jepoy Mwahh!

    [Reply]

    Neil

    *insert (unsure) icon here*

    [Reply]




  6. nagkaroon ako ng ka-on. sharing lang. haha

    palakpakan naman natin itong si doc sa napakagandang sharing niya para sa ating lahat na narito. hahahaa

    [Reply]



Leave a Reply