sa comfort room
ikaw ba kapag nagpupunta ka ng banyo, sinasara mo yung pinto? ayos lang kung sabihin mong hindi pero kung ibahin natin ang senaryo: ikaw ba kapag nagpupunta ka ng pampublikong palikuran, sinasara mo yung pinto?
parang likas na yata sa katawan ng tao na isara ang kahit anong makikita niyang bukas na pinto. hindi naman talaga ako palagamit ng public cr. mas madalas nagsasalamin lang talaga ako, tapos na.
isang mahabang proseso kasi ang paggamit ng pampublikong palikuran, parang kumukuha ka lang ng nbi clearance. tedious process. kapag nakapasok ka na, wala ng atrasan. touch move. ang lumabas ng hindi gumamit ng CR, weak. siyempre pipili ka ng malinis linis na toilet bowl, yung hindi tinapakan yng upuan. hindi maputik na sahig, merong rolyo ng tissue at higit sa lahat yung may umaandar na flush. yung ugali ng iba tatapakan yung bakal para sa flush, kumbinyente sa kanila yun imbes na gumamit ng tissue. hindi ako ganon. nagkakaaminan na rin naman diba? sige na nga. minsan ganun ako at mapupunta ako sa impyerno.
hindi ko alam kung anong mensahe ang nais iparating sa akin ng bathaluman na sinasamba ko para makaranas ako ng 3 magkakaibang magkakasunod na pagkakataon na pumpasok ako sa pampublikong palikuran ay nasasakto ako sa mga tao na hindi marunong magsara ng pinto. gusto kong pilitin isaksak sa kokote ko na walang pinto ang banyo nila sa bahay kundi kurtina lang pero sa panahon ngayon napalaimposible na ganun.
maiintindihan ko pa kung isang beses lang mangyayari sa akin iyon na mabubuksan ko ang pinto ng isang cubicle na may laman na tao, pero 3 beses? sobra na yun. sabi nga 3 is a charm–kung ano man ang charming sa pangyayaring iyon hindi ko talaga makukuhang maisip. ako pa yung nahihiya para sa kanila na hindi sila gumagamit ng kandado. napakahirap bang gumamit ng kandado? pambihirang katamaran naman na yan na sa sobrang kailangan mo ng gumamit ng banyo ay nakakalimutan mo na magsara ng pinto.
meron naman kasing tinatawag na occupied at vacant sign. kung occupied yun merong tao at kung vacant malamang wala at dahil ang pilipinas ay isang third world coutry, minsan hindi na nila kaya pang lagyan ng mga ganon ganon yung mga pintuan ng mga pampublikong banyo kaya nakokontento na lang yung iba na sisilipin yung ilalim ng pinto. hindi makatarungan ang silipin ng kahit sino ang ilalim ng pinto para lang malaman kung may tao nga ba sa loob. mano ba naman na kumatok ka at kung may sumagot ng ‘may tao dito’, siguro sapat na hudyat na yun para magletgo ka na at magmove on sa kabilang cubicle. respeto para sa kapwa. mas madalas napapalamukos na lang talaga ako ng mukha sa mga taong ang hihilig manilip ng mga paanan ng mga nasa loob ng banyo. kabalbalan ng mga walang urbanidad.








August 13th, 2009 at 8:59 pm
Nakakamiss talaga ang writings mo.Ikaw na ata ang Pinay Bob Ong.:]
Hehe.
Ni-link pala kita sa bago kong website :D
[Reply]
August 14th, 2009 at 1:30 am
Guilty ako sa hindi pag katok sa cubicle, itinutulak ko lang ang pinto at pag may nabanggang tao lipat na sa kabilang cube :-D
[Reply]
August 14th, 2009 at 2:44 am
hindi ako nagsasara ng pinto kung iihi lang ako. nakatalikod naman e.
[Reply]
August 14th, 2009 at 4:15 am
ako,ako siguro yung tao na minsan nang nabuksan ang pintuan ng banyo ng ka boardmate ko habang sarap na sarap ako sa paglligo…dahil nakalimutan mag lock.
indi rin ako makarelate, kasi indi ako gumagamit ng pampublikong cr.he hehe..next tym wag nalang gumamit pa.
[Reply]
August 14th, 2009 at 1:56 pm
tumitingin din ako sa ilalim kung may tao sa loob,nakikita ko madalas nakababa ang pantalon ng mga walangya,
[Reply]
August 14th, 2009 at 8:57 pm
tara, inom tayo. tas mang-trip ng mga taong nakasalampak pampublikong palikuran. huhlolz!
[Reply]
August 15th, 2009 at 6:39 am
tumitingin din ako sa ilalim kung may tao sa loob,nakikita ko madalas nakababa ang pantalon ng mga walangya,; tumitingin din ako sa ilalim kung may tao sa loob,nakikita ko madalas nakababa ang pantalon ng mga walangya,;;
[Reply]
August 16th, 2009 at 1:26 pm
wag ka nang mahiya ate
di ka naman siguro nakita nung napagbuksan mo
[Reply]