bilbil
ang taba taba ko.
gusto ko sana magpaligoy ligoy pero hindi bagay sa persona ko. mataba talaga ako. kung pupurihin mo ang babae sa kung gaano siya kaganda o katalino, hindi yan maniniwala pero kung sasabihin mo sa kanya–kahit pabiro, na mataba siya? tatatak yan sa utak niya.
kilala mo si aiko melendez? natanong ko lang naman. wala talaga siyang koneksiyon dito sa sinusulat ko pero ang punto ko lang: mataba ako noong bata ako. napapatawad ng lipunan ang mga batang matataba. magandang palusot na pwedeng kainin ng mga bata ang lahat ng gusto nila dahil kailangan sa paglaki, kesyo para maging matalino, hindi maging sakitin, maging matangkad and all that filipino kitchen shiznitz blah blah blah. inaamin ko na naging pananaw din iyan ng nanay ko at ang istayl niya ay ang pagtripan akong hainan ng instant noodles na may itlog araw araw bago ako pumasok sa eskwela. naging matambok ang pisnge ko nung bata ako at sa pagkatuwa ng mga tao, hindi nila ako maiwasan na kurutin. hanggang sa tumagal, nalaman ng pamilya ko na hindi pala talaga bilugan ang pisnge ko kundi manas. tabang tubig. sinugod ako sa ospital dahil sa sakit sa bato. iyan ang dahilan kung bakit wala akong alaala kung paano ko ipinagdiwang ang pasko ko noong grade 1. kahit hanggang ngayon naman marami pa rin ang kumukurot ng pisnge ko pero pagkatapos nila gawin yun, sinisiko ko na sila sa panga. kadalasan dumudugo yung ilong nila dahil sinusuntok ko sila sa mukha. ayos lang naman sila pagkatapos ko gawin iyon.
simula noon, nagkaroon ng limitasyon ang mga kinakain ko. malungkot ang naging kabataan ko dahil ang daming naging bawal. ang maganda lang, hindi ako biniglang papayatin ng magulang ko. dinahandahan nila ang proseso hanggang sa ayun, nagtapos ako ng hayskul na mataba pa rin ako.
nung tumungtong ako ng kolehiyo, ako na mismo ang naghanap ng paraan para pumayat ako at naging epektibo naman. umimpis talaga ako na para akong nagadik sa amoy ng pentelpen pero kahit lumiiit na ang katawan ko, yung pisnge ko ganun pa rin–matambok.
dalawa lang naman ang maaring pagpipilian, ang mamatay ako na payat o ang mabuhay akong mataba. tinatanong ko yung mga kakilala ko–hindi naman daw ako mataba. aaminin ko nagkaroon ako ng tiyan. ok fine, masyado ko lang pinasweet ang salita dahil meron na nga akong bilbil. so, im not pefect after all? simula kasi ng nagkasakit ako ulit, hindi na ako nagpalipas ng gutom. basta kapag nagugutom ako, kakain ako. nagiba na ang prinsipyo ko nung nagtrabaho na ako. kumakayod ako para may makain ako at ang pamilya ko. hindi naman sa gusto kong lumusot sa maling ginagawa ko pero hindi ko na talaga alam kung ano na ba talaga ang kakainin ko. nalilito ako kung agahan tanghalian meryenda o hapunan na ba. hiniling kasi ng trabaho ko na baguhin yung oras ng katawan ko. magugulat kayo na nagtatanghalian ako ng alas onse ng gabi, ako lang ang makikita mo na nagtatanghalian sa madaling araw.
nangako ako na hindi na ako kakain ng rice, fried rice na lang. bago ka magsalita diyan, kalahating fried rice. ayaw mo pa rin? sige. libre kang magpakamatay.
palibhasa kasi marami sa mga kakilala ko pagkain ang ginagawang kapalit para sundin ko ang mga gusto nila. hindi ako nahihiyang sabihin na kahinaan ko ang libreng pagkain. sa tuwing makikipagkita ako sa kanila, aayain ako kumain. hindi napapagod yung bibig ko sa kadadaldal kundi sa kangunguya. nagtataka sila hindi ako umiinom ng softdrinks pero umiinom ako ng beer. hindi ako kumakain ng taba ng barbeque pero kumakain ako ng taba ng sinigang. hindi ko maipapaliwanag kung bakit dahil may mga bagay akong ginagawa ng walang dahilan. kaya marami sa atin ang walang kontrol kasi kadalasan hindi natin alam kung saan nagmumula yung kagustuhan na gawin ang mga ganitong klase ng bagay.
nalaman ko na masaya ako kapag kumakain ako at nagiging buo ang kaligayahan ko kapag paboritong pagkain ko ang binibigay sa akin. hindi katanggap tanggap ito para sa ibang tao dahil kadalasan ang ginagamit nila para humusga ay mata at hindi utak. kahit mataba ako, alam ko maganda ako pero mas madalas hindi. kahit ganito, naniniwala pa rin naman ako na may karisma ako tulad nung dekorasyong biik sa itaas ng tv ng kapitbahay namin.








August 3rd, 2009 at 12:12 am
okay lang maging mataba
kasi pag nagkaroon ng tag gutom
mauunang mamamatay ang mga payat.
LOLS
[Reply]
August 3rd, 2009 at 4:31 am
Baligtad tayo. Kapag nagpapapayat ako, unang numinipis ‘yung pisngi ko. ‘Yun lang. Pisngi lang, hindi katawan. LOL
[Reply]
August 3rd, 2009 at 1:05 pm
okei lang yan xG. mas okei kung voluptuous. at krasness pa rin naman kita maski tumaba man ang tiyan mo nang ilang pulgada. hehe.
napakacomment na naman tuloi ako nang di oras. sinabi ko na ngang last na eh. huhlolz!
last na talaga ‘to. pramis.
[Reply]
August 4th, 2009 at 12:13 am
sabi mo lio sa lahat ng blogs dito last nalang ng last.pohtangena, patawarin mo ako, pero nakakapikon ka na. ha ah ha ha..itgil mo na nga yang review na yan at mag blog nalang.
soulmate, sa awa ng Diyos wala pa namang bawal sakin. Pwde pa naman lahat, pwera nalang umibig.
may ganun?hi hi hi
[Reply]
August 4th, 2009 at 7:02 am
Pohtangena change topic! (Nakimura narin ng katulad ni Maldito) Pag usaping bilbil parang gusto kong umupo sa sulok ng Quiapo at mag mukmuk, kasi nung nag sabog si Papa Jesus ng Bilbil daladala ko ang plangana at timba ng nanay ko, nag papasalok kasi sya ng tubig para itindi nya kunyari mineral water daw, iba tuloy ang nasalok ko. Fuck! hehehehehe
[Reply]
August 4th, 2009 at 10:05 am
to see is to believe! show me the bilbil! ahehe!
pero come to think of it, maganda naman yan para sa belly dancing! wag ka na malungkot. hindi ka naman obese.
[Reply]
August 4th, 2009 at 12:43 pm
At ako’y nagpapapayat na naman dahil mistulang hamburger buns ang bilbil ko. Define! Heh.
Miss na rin kita mami. :s
[Reply]
August 4th, 2009 at 12:44 pm
Pasok ba yung comment ko!?! :o
[Reply]
August 4th, 2009 at 12:48 pm
Okay, hindi pumasok yung comment ko. Tae. Ang sabi ko kanina, nagpapayat ako dahil mistulang hamburger buns ang bilbil ko. Define!
Ayun.
[Reply]
August 4th, 2009 at 3:32 pm
epling talaga si lio hehe..pasimple pa oh hehe..kras mo talaga si xg hehe..
ako din lumalaki tyan ko pag busog hehe..grabe pwede palang mamanas din ang pisnge..ngayon ko lang nalaman..
[Reply]
August 4th, 2009 at 7:12 pm
noong bata ako, payat ako. noong tumanda-tanda na ako, saka naman ako tumaba. sign of progress daw yan ika nga.
okey lang kung mataba ka, idaan na lang sa face value. hehehe…
[Reply]
August 4th, 2009 at 8:01 pm
hai.. ibgy m n lng skn ung excess n tba sau kung meron man.. aq kmuka q n ung maln0ris n tndero ng blot smen.. pnu b tmba??
[Reply]
August 5th, 2009 at 1:19 am
mahal kita…may lio ka naman.
ang dami mong boytoy..
aba!nag sine na pala kayu ni gasti..
bakit indi ko yun nalaman? ahmmm?
[Reply]
August 5th, 2009 at 1:56 pm
e kumusta naman ako. kahit tumaba pumayat. disaster. mataba pa din pisnge ko :) bwahahahaahahahha
[Reply]
August 7th, 2009 at 2:42 am
hahaha. e akala ko ba magdidiet na tayo ??
[Reply]
August 8th, 2009 at 3:24 pm
kelangan na pumayat. sus :P
[Reply]
August 5th, 2009 at 3:16 pm
wei.. penge na lang nung mga ekses na taba mo kung totoong meron man. ako kahit kumain ako ng buong kaldero hindi na ako tumataba.. minsan hindi na mapigilan na pag isipan ako kung nagdadamo ako :)) lolz.. syempre inde :)
[Reply]
August 6th, 2009 at 7:44 pm
Ang alam ko, lumalaki bilbil ko sa tiyan dahil ang daming libreng pagkain. Pero mabilis rin mawala dahil araw-araw biyahe ko. Tas babalik uli. Tas papayat ako. Amazing! Pero mukha pa rin akong gusgusin. Hay life.
[Reply]
August 16th, 2009 at 11:04 pm
Mabuti naman. Hahahaha! Err.
[Reply]
August 8th, 2009 at 10:28 pm
tama! may korek ka ate..(*clap2) btw, matambok din pisngi qo..hehehe ;)
[Reply]