answered prayer

hindi ko alam kung matatawa ako pero natatawa na talaga ako kaya wag na kayong lahat.

kung naaalala ninyo, naglabas ako ng lathala tungkol sa ideya ko ng pagkakaroon ng sugardaddy. hindi ko alam kung may seseryoso ba talaga sa mga sinasabi ko sa kahit saang parte ng sangkablogosperyuhan pero minsan hindi natin masasabi ang kahahantungan ng mga bagay dahil mapaglaro talaga ang tadhana. akalain mong pinagtagpo kaming dalawa?

dyaran! sugardaddy cross exhibit number one

natural ko ang pagiging magiliw sa lahat. gumawa ako ng friendster account para masabi na meron akong naiabot na braso sa mga taong mahilig magrepost ng mga gif images at glitter texts. pampublikong pahina ang profile ko at kahit sinong magdagdag sa akin sa friendster ay buong puso kong pinasasalamatan pero ibang kaso ang nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw dahil sa nakatanggap ako ng mensahe mula sa kanya na nasundan pa ng isa pa.

alam ninyong lahat na maselan ako pagdating sa pribadong buhay ko at kabilang na diyan ang mga detalye ng mahahalagang impormasyon ko. hindi ako basta basta nagbibigay ng numero sa selpon sa isang tao hanggat hindi ko nakikitang magiging kapakipakinabang siya sa buhay ko. anong akala ninyong lahat? magiging ganun lang kadali ang pakikipagkilanlan gamit ang internet? maniwala kayo sa akin, hindi ko nilalahat pero bibihira ang mga taong may magandang hangarin para sa kapwa sa mundong pook sasapot. problemang malaki nga talaga yan kung may sarili kang mundo bukod sa amin. bahala ka diyan. kaya kayong mga natitirang mga tao na nasa mundo ko, magingat kayo. huwag kayong basta basta nakikipagkaibigan sa lugar ng internet.

kilala mo si maria isabel lopez? nauso na ang rebond, straight, relax–hayun, dry pa rin ang buhok. makiayon ka sa panahon pero, umarte ka rin sa edad mo. umayos kayo na may pinagkatandaan. lumugar ka. walang matinong sugardaddy ang nagpapakuha ng litrato kasama ang estatwang giraffe at nagdadamit na igorot.

higit sa lahat, wala akong selpon.




reblog: tulak

kaasar.

itago na lang natin siya sa pangalang ibarra. tipo ko siya, pero hindi ko siya kras.

ayaw ko gawin siyang kras kahit na matangos ang ilong, chinito, matangkad, maputla, may kotse at higit sa lahat nakakatawa. kainis lang kasi alam niya na gwapo siya. alam na alam niya. pero ako? hindi ko pinapahalata sa kanya yun.

aminado naman ako. hindi naman talaga maipagkakaila na gwapo siya.

tatanungin niyo ako kung ano na yung nangyari kay mr. phantom? hindi ko na siya kras. oo, naghiwalay na kami sa ambisyon ko. tinapos ko na ang relasyon namin na nabuo sa mga pangrap ko. pwera biro, simula nung nakakasama ko na siya araw araw unti unti na ring nawala na ang amor ko sa kanya. friends na lang kami–sabi ng self ko.

itong si ibarra katulad din ni mr. phantom na kilabot ng mga babae at bakla sa gerbis. sa totoo lang, sabi ko sa iyo, napapaligiran ako ng mga gwapo sa opisina namin–ako lang talaga yung pakipot. patay malisya sa oportunidad. hindi ako yung tipo na nagkakandarapa sa isang gwapong lalake. kung si john lloyd pa yun baka di lang ako madapa, baka ingudngud ko pa yung sarili ko sa lupa para sa kanya. kaso hindi, mabuti na lang.

nung lumipat ako ng amo, siyempre naghanap agad ako ng pwede–alam mo na, yung pwede mong tsansingan, pwede mong landiin, pwede mong pagalayan ng matres ng walang malisya. si ibarra lang naman ang gwapo sa kanila pero dahil nga sa alam niya na gwapo siya–medyo iwas ako sa kanya. maiba lang. ako ang papalya sa tradisyon niya pagdating sa mga babae.

yun ang akala ko.

talikuran kami ng selda ni ibarra at kapag inaatake siya sa pagkatamad at pagkabagot, haharap lang siya sa akin at kakalibitin ako–at ayun, meron na siyang matatawag na panandaliang aliw sa katauhan ko. ako naman si suplada di ko pinapansin. siya naman si kulit sige lang kakahanap ng atensiyon. hindi pagibig ito. nililinaw ko lang–hindi natin ito pwedeng tawaging pagibig at kung sasabihin niyo na dito nagsisimula ang lahat, pwes ngayon pa lang tatapusin ko na.

joke.

inaamin ko na nakakatuwa naman talaga si ibarra–mukha siyang tanga. fetish ko kasi ang mga lalakeng mukhang tanga. sorry na, huh? kasalanan naman kasi niya ito, papansin: kalabit ng kalabit. tawag ng tawag. kulit ng kulit. tulak ng tulak–ayan tuloy parang nahuhulog na ako.

erase. erase. erase.

siyempre naman, magiliw ako sa lahat. magkasama kami sa iisang kulungan. iisa ang grupo ng mga tao na nakakahalubilo namin. ang pangit kung may kakalat na tsismis tungkol sa pagiging mataray ko. alam niya kung saan ang kilti ko–internet. tinuruan niya ako kung paano gumamit ng ilegal na internet sa gerbis. marami pa siyang tinuro sa akin. nalaman ko nga na kapag tapos na yung pagpapaalipin namin sa gerbis–selda ko yung ginagamit niya para ipagpatuloy niya ang pagtratrabaho niya.

yiheee. huwag niyo ako tuksuhin. tseh! internet lang ang pakay niya sa selda ko. tamang hinala lang.

sabi ko pa naman sa sarili ko ayaw ko na muna manlalake sa taon ng ox, pero hindi ko naman sinasara ang mga posibilidad na magkaron ng boypren. tulad nga ng sinasabi ng marami: abangan ang susunod na kabanata.

dumating na nga ang sumunod na kabanata.

[edit]
hindi na kami naguusap ni ibarra dahil meron na siyang nililigawan ngayon–kaeskwela ko pero lower batch. morena ako, maputi siya. maganda ako, mas maganda siya. bagay na bagay silang dalawa. lintek, makaalis na nga sa trabaho.
[/edit]




  Next Entries »