answered prayer

Sangkablogosperyuhan, Teh Life, xGMonologues

hindi ko alam kung matatawa ako pero natatawa na talaga ako kaya wag na kayong lahat.

kung naaalala ninyo, naglabas ako ng lathala tungkol sa ideya ko ng pagkakaroon ng sugardaddy. hindi ko alam kung may seseryoso ba talaga sa mga sinasabi ko sa kahit saang parte ng sangkablogosperyuhan pero minsan hindi natin masasabi ang kahahantungan ng mga bagay dahil mapaglaro talaga ang tadhana. akalain mong pinagtagpo kaming dalawa?

dyaran! sugardaddy cross exhibit number one

natural ko ang pagiging magiliw sa lahat. gumawa ako ng friendster account para masabi na meron akong naiabot na braso sa mga taong mahilig magrepost ng mga gif images at glitter texts. pampublikong pahina ang profile ko at kahit sinong magdagdag sa akin sa friendster ay buong puso kong pinasasalamatan pero ibang kaso ang nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw dahil sa nakatanggap ako ng mensahe mula sa kanya na nasundan pa ng isa pa.

alam ninyong lahat na maselan ako pagdating sa pribadong buhay ko at kabilang na diyan ang mga detalye ng mahahalagang impormasyon ko. hindi ako basta basta nagbibigay ng numero sa selpon sa isang tao hanggat hindi ko nakikitang magiging kapakipakinabang siya sa buhay ko. anong akala ninyong lahat? magiging ganun lang kadali ang pakikipagkilanlan gamit ang internet? maniwala kayo sa akin, hindi ko nilalahat pero bibihira ang mga taong may magandang hangarin para sa kapwa sa mundong pook sasapot. problemang malaki nga talaga yan kung may sarili kang mundo bukod sa amin. bahala ka diyan. kaya kayong mga natitirang mga tao na nasa mundo ko, magingat kayo. huwag kayong basta basta nakikipagkaibigan sa lugar ng internet.

kilala mo si maria isabel lopez? nauso na ang rebond, straight, relax–hayun, dry pa rin ang buhok. makiayon ka sa panahon pero, umarte ka rin sa edad mo. umayos kayo na may pinagkatandaan. lumugar ka. walang matinong sugardaddy ang nagpapakuha ng litrato kasama ang estatwang giraffe at nagdadamit na igorot.

higit sa lahat, wala akong selpon.

9 Responses to “answered prayer”


  1. is like scary-ish. haha

    gusto ko rin ng sugar mommi

    [Reply]




  2. anakngtiteng maugat! napacomment tuloi ako nang biglaan maski hiatus mode na ‘ko. at muntik ko pang maging kapangalan ang hinayupak. amp!

    [Reply]




  3. ahm, in-add din ako neto. hindi ko lang pinapansin. masama ako? sorry na :(

    [Reply]




  4. ay mukhang matanda!wag na ngang umasa

    [Reply]




  5. wahahaha…
    binenta mo masyado yung mama xg
    lolz classic

    kewl naman yung pose nya as igorot ah
    wahaha

    [Reply]




  6. Ahahahahahahahaha. Holyskrap. :P
    Tigang siguro yan. :D

    [Reply]




  7. baka pagselosan yan ni gugol! :D

    [Reply]




  8. baka naman galing siyang baguio. ikaw talaga…

    hehehe…

    yakis ha? hahaha… goodluck na lang diyan sa answered prayer mo. si papa jesus talaga, pilosopo ano?

    [Reply]




  9. hahaha… jaiho! malay mo igorot si lolo na nakatira sa safari zone. bumili ka ng pellet gun at aim at the balls. umaray sana siya ng bonggang bonggang manyak.

    [Reply]



Leave a Reply