reblog: tulak
kaasar.
itago na lang natin siya sa pangalang ibarra. tipo ko siya, pero hindi ko siya kras.
ayaw ko gawin siyang kras kahit na matangos ang ilong, chinito, matangkad, maputla, may kotse at higit sa lahat nakakatawa. kainis lang kasi alam niya na gwapo siya. alam na alam niya. pero ako? hindi ko pinapahalata sa kanya yun.
aminado naman ako. hindi naman talaga maipagkakaila na gwapo siya.
tatanungin niyo ako kung ano na yung nangyari kay mr. phantom? hindi ko na siya kras. oo, naghiwalay na kami sa ambisyon ko. tinapos ko na ang relasyon namin na nabuo sa mga pangrap ko. pwera biro, simula nung nakakasama ko na siya araw araw unti unti na ring nawala na ang amor ko sa kanya. friends na lang kami–sabi ng self ko.
itong si ibarra katulad din ni mr. phantom na kilabot ng mga babae at bakla sa gerbis. sa totoo lang, sabi ko sa iyo, napapaligiran ako ng mga gwapo sa opisina namin–ako lang talaga yung pakipot. patay malisya sa oportunidad. hindi ako yung tipo na nagkakandarapa sa isang gwapong lalake. kung si john lloyd pa yun baka di lang ako madapa, baka ingudngud ko pa yung sarili ko sa lupa para sa kanya. kaso hindi, mabuti na lang.
nung lumipat ako ng amo, siyempre naghanap agad ako ng pwede–alam mo na, yung pwede mong tsansingan, pwede mong landiin, pwede mong pagalayan ng matres ng walang malisya. si ibarra lang naman ang gwapo sa kanila pero dahil nga sa alam niya na gwapo siya–medyo iwas ako sa kanya. maiba lang. ako ang papalya sa tradisyon niya pagdating sa mga babae.
yun ang akala ko.
talikuran kami ng selda ni ibarra at kapag inaatake siya sa pagkatamad at pagkabagot, haharap lang siya sa akin at kakalibitin ako–at ayun, meron na siyang matatawag na panandaliang aliw sa katauhan ko. ako naman si suplada di ko pinapansin. siya naman si kulit sige lang kakahanap ng atensiyon. hindi pagibig ito. nililinaw ko lang–hindi natin ito pwedeng tawaging pagibig at kung sasabihin niyo na dito nagsisimula ang lahat, pwes ngayon pa lang tatapusin ko na.
joke.
inaamin ko na nakakatuwa naman talaga si ibarra–mukha siyang tanga. fetish ko kasi ang mga lalakeng mukhang tanga. sorry na, huh? kasalanan naman kasi niya ito, papansin: kalabit ng kalabit. tawag ng tawag. kulit ng kulit. tulak ng tulak–ayan tuloy parang nahuhulog na ako.
erase. erase. erase.
siyempre naman, magiliw ako sa lahat. magkasama kami sa iisang kulungan. iisa ang grupo ng mga tao na nakakahalubilo namin. ang pangit kung may kakalat na tsismis tungkol sa pagiging mataray ko. alam niya kung saan ang kilti ko–internet. tinuruan niya ako kung paano gumamit ng ilegal na internet sa gerbis. marami pa siyang tinuro sa akin. nalaman ko nga na kapag tapos na yung pagpapaalipin namin sa gerbis–selda ko yung ginagamit niya para ipagpatuloy niya ang pagtratrabaho niya.
yiheee. huwag niyo ako tuksuhin. tseh! internet lang ang pakay niya sa selda ko. tamang hinala lang.
sabi ko pa naman sa sarili ko ayaw ko na muna manlalake sa taon ng ox, pero hindi ko naman sinasara ang mga posibilidad na magkaron ng boypren. tulad nga ng sinasabi ng marami: abangan ang susunod na kabanata.
dumating na nga ang sumunod na kabanata.
[edit]
hindi na kami naguusap ni ibarra dahil meron na siyang nililigawan ngayon–kaeskwela ko pero lower batch. morena ako, maputi siya. maganda ako, mas maganda siya. bagay na bagay silang dalawa. lintek, makaalis na nga sa trabaho.
[/edit]








June 2nd, 2009 at 2:56 am
ouch naman yan ate xG. sabi ko sayo magpapaya whitening soap ka, uminom ng lucida at syempre pa, wag masyadong masungit para tuloy tuloy ang ligaya. ayan nakakita na sya ng maria clara nya. tsk. kung magiging sila nga, sa tingin ko mas magandang humanap ka nalang ng iyong linares (kung mas gwapo syempre), wag na si ibarra na may hidden agenda sa kulungan mo:]
[Reply]
June 2nd, 2009 at 8:25 am
kahit mas maganda man yang nililigawan ng ibarra mo, nag-iisa pa rin ang xG sa makamundong pinoy sangkablogosperyohan. hinuha ko, walang laman ang pagitan ng tenga niya. kung igagala mo ang paningin mo sa paligid mo xG, marami kang makakadaupang palad nang mas higit pa sa kasalukuyang ibarra mo.
[Reply]
June 3rd, 2009 at 9:43 am
subukan mong maghubad sa harap niya. :)
tingnan natin kung kumagat
[Reply]
June 3rd, 2009 at 12:51 pm
Aray ku po! Mga lalaki nga naman uo. XD
[Reply]
June 3rd, 2009 at 4:45 pm
nyee.. oki lang ‘yun..
sabi nga ng isang kasabihan
maraming isda sa dagat.
try mo lang lumangoy.. hehe.
[Reply]
June 4th, 2009 at 3:26 am
may plano ako
aagawin ko yung nililigawan nya. tas pag nabasted si ibarra magpapakalango yun sa alak. tas iaalay mo na sa kanya ang iyong matres tulad ni maria clara sa azotea. sus! subukan mong maghubad sa harap nya tignan ko lang kung tatanggi pa sya
[Reply]
June 4th, 2009 at 9:21 pm
Buti ka pa napapaligiran ng guwapo.
Sa work ka pa pala nagpost ng entry hahahaha
link ex?
[Reply]
July 19th, 2009 at 1:59 pm
naks naman. galing galing! yippppe! added you on my blogroll… hehehe. galing mo talaga. bongga ka day. ikaw ang babaeng bob ong. hehehe… shala.
susundan kita pwamis. hehehe!
[Reply]
July 7th, 2010 at 9:57 pm
ate xG..ikaw na si Beb ang.ang babaeng bob ong..haha!
[Reply]