12345678


ito na ang pinakawalang kwentang kaadikan na ginawa ko sa mundo ng internet. parang may nagbago ba? lahat naman ng ginagawa ko walang halaga. emo alert. dangerous emo alert. alam ko nasabi ko na ito pero uulitin ko na rin para sa kapakanan ng lahat ng mga kadarating lang sa aking buhay–blogger ako at hindi diva pero paminsan minsan pwede rin.

pambihirang kanta yan, ang baba. hindi bagay sa magandang boses ko. excuseseses, i haz a lot of them. mapapatawad niyo pa ba ako? no? k.

bongga na ako ngayon, hayteks! palakpakan niyo naman ako. napansin niyo? im technically improving pero yung pagkanta ko ay pangcabinet pa rin talaga.

[edit]
ito na nga pala yung pangalawang bersiyon, YUNG MAS NASA TONO. i thank you.
[/edit]




nangangati

simula ng nahuli ako ng amo ko na nagiinternet ako sa opisina, nangako ako sa kanya na hindi ko na ulit bubuksan ang browser kapalit ng hindi niya pagbibigay sa akin ng memo. mahal ko ang trabaho ko at ayaw ko magkaroon ng masamang reputasyon sa mga magiging trabaho ko sa hinaharap pero aaminin ko, tarantado talaga ako sa opisina.

kaya ano ang napala ko sa hindi paggamit ng internet? gumaling ako sa trabaho.

ayokong gumaling sa opisina. ayokong ayusin ang trabaho ko. tarantado akong empleyado–hanggat maari kung may pagkakataon na pumasaway, papasaway ako. laging sobra ang break time, hindi sumusunod sa dress code, kumakain habang nagtratrabaho, pumupunta ako sa mall sa oras ng trabaho, pumapasok ako ng nakainom, nagbabasa ako ng magazine, hindi ko nirereport na walang akses yung id ko kaya nakikisabay lang ako pumasok sa ibang kaopis ko, tumatawag ako sa telepono gamit ang linya ng gerbis, nahuhuli akong dumating sa trabaho, binabara ko yung amo ko. hahahahahaa. oo, nababara ko yung amo ko. weh ano ngayon?

hanggat maaari pinapaubaya ko na lang ang pagiging bibo sa mga magagaling na gaya ko pero mas matatapang. binibigay ko sa kanila ang pagkakataon para sa mga papuri ng mga amo. hindi naman kasi ako matakaw sa atensiyon gaya nila. chillax lang ako. kunwari wala akong ibubuga. petiks petiks lang.

magaling naman ako, ayaw ko lang ipakita. mayabang? oo, pero hindi ako sinungaling.

biro lang, hindi ako nagyayabang. hindi iyan ang nasa isip ko habang sinulat ko yung pangungusap na nasa itaas. ang akin lang, wala sa hinagap ko ang magtino. alam ko l.ang maganda ako tapos, yun na.

alam mo nung grade school ka? tapos may graded recitation. merong isang bata na magtataas ng kamay dahil alam na alam niya yung sagot sa tanong. nakakairita yung ganun diba? alam mo rin naman yung sagot pero nahihiya ka dahil sa pakiramdam mong mas matalino siya. lahat ng tao sa eskwela iniisip na maaasahan yung batang laging aktibo sa klase at kalakip nito ay laging siya na lang ng siya ang ibinibida.

ako ang batang iyon. sinisimbolo ko ang paslit na nabanggit ko. malamang ako ang imahe ng batang pinaplastik mo sa klasrum–natatalinuhan ka kaya iniaasa mo sa kanya lahat ng trabaho sa klase. ako ang maaaring sumimbulo sa bawat batang maiisip mo na ganyan: na palaging maaasahan, na palaging may dalang papel, na palaging magdadala ng gamit sa experiment para makagawa ng science project at palaging maglilinis kahit hindi naman cleaners.

sawa na ako sa pagiging magaling, mabait at matino. ang sarap kasi ng pakiramdam na walang iaasa sa iyo pero nakakalungkot dahil alam nila na hindi mo kaya. nasanay na lang sila na akala nila wala kang kwenta. magaan sa loob yung asahan ang sarili mo dahil alam mo na walang aasa sa iyo.

nagulat lahat ng kaopis ko dahil kaya ko pala talagang magtino kahit wala yung amo ko–hindi ko lang ipinagmamalaki. hindi ako mapagkumbaba, mahiyain lang talaga ako sa personal.

oo, nangako ako na hindi na ako magiinternet pero hindi ko sinabi na hindi ako magiinternet bukas, sa makalawa, sa isang linggo, sa susunod na buwan. alam kasi ng kabilang selda (kakumpetensiya ng selda namin) kung paano ang maglaro–susugatan nila yung pinakamagaling sa pinakamahinang parte. alam nila na kahinaan ko talaga yung internet. ang hindi nila alam yung inggit nila walang ibang maidudulot kundi ang patunayan na mas magaling ako sa kanila. alam mo kung ano? tama ako at napatunayan ko yan.

im so yabang, enough.

seryoso, natatakot pa rin ako magbukas ng browser ng internet lalo na at may naisyuhan na naman ng memo. ayokong ipahamak ang mga kaselda ko. ayokong masangkot sa isa pang iskandalo. inaantay ko na lang magtanghalian yung amo ng kabilang selda at doon lang ako panatag gumawa ng kalokohan–parang ngayon. kita mo? nakagawa ako ng lathala habang wala siya.




walang may kras sa akin

dapat hindi na talaga tayo magkita.

kung pipilitin pa rin tayo ng tadhana na muling magkita sa kung saan mang lugar–sana hindi tayo magkatapat ng upuan sa hapagkainan dahil bukod sa hindi ako sanay na kumportableng ngumuya ng taba ng baboy sa harapan mo, ilang na ilang pa rin ako sa iyo sa tuwing tinititigan mo ako.

nakalipas ang mga araw, nakumpirma at napatunayan ko na hindi na kita gusto. mahal kita pero ayaw ko na sa iyo. hindi ko kasalanan na nauna mong ayawan tayong dalawa. mabuti na lang pala na itinigil mo ang kung ano mang meron tayo dahil kung nagkataon na ako ang unang lumayo sa iyo? baka di mo makayanan na iwanan ako.

walang may gusto sa akin at dahil diyan, i hate your life.




« Previous Entries