fiesta meal number4
naranasan mo na ba na ayain ka ng mga kaopisina mo na kumain sa labas tapos nung nandon na kayo sa lugar–nakahanap na ng mga pinagsamasamang mesa at kumportableng mauupuan sabay ibibigay sa kung kanino ng amo ninyo ang menu at tatanungin kayo kung ano ang gusto niyong kainin?
siyempre natural na eksena yung magtuturuan kayo sa kung sino ang unang dapat na magsabi ng gustong pagkain kaya matatapos ang halos sampung minuto na pinagpapasapasahan niyo ang menu at nakatitig lang kayong lahat sa listahan ng mga kakain. lahat kayo may gusto pero nahihiyang sabihin dahil medyo mahal pero merong isang tao na magsasalita–yung talagang gutom na at sasabihin niya kung ano talaga ang gusto niya mula sa menu kahit di niya kabisado kung anong mga nakasulat.
siya lang pala ang hinihintay ng lahat, sabay sabay na nagsalita ang mga kaopisina mo sa kung ano ang gusto nilang kainin habang natataranta ang waiter sa pagkuha ng mga inorder na kakainin. magaantay ng 15 minuto, papatayin ang oras at magpapanggap sa isat isa na hindi matagal dumating ang pagkain at hindi ka pa nagugutom. ikukubli mo ang lahat ng iyon sa pamamagitan ng paulitulit na pagtingin sa relo at pagkakalat ng mga gawa gawang kwento tungkol sa kapwa kaopisina mo haggang sa dumating na yung pagkain–nagkagulo ang lahat at alam mo kung bakit may isang taong malungkot? dahil yung taong nauna umorder ng pagkaing gusto niya, inubusan na ng mga kaopisina niya.








May 18th, 2009 at 3:49 am
wahaha…
hindi ba ikaw yung naubusan dyan ng food xg?
lolz
bad trip naman yun..
gutom na gutom na naubusan pa
[Reply]
May 18th, 2009 at 7:49 pm
Nakwento mo na saken to sa Drew’s! Or sa Katips bar! Haha. :) Kapag libre, hindi naman ako mahiyain… mas LALO na kung kakilala ko yung manlilibre.
[Reply]
May 19th, 2009 at 3:31 am
aba kung ganyan din namang usapan..
upakanna..
bahala na kung magkaubusan..
basta makaganti lang.ahahaha
[Reply]
May 19th, 2009 at 12:08 pm
talo-talo na basta pagkain lol
[Reply]
May 19th, 2009 at 11:42 pm
kapag libre, sugod agad. hahaha =)) di ako mahiyain kapag ganito eh.. pwera na lang kung di ko kaclose yung manlilibre. :D
[Reply]
May 21st, 2009 at 10:24 am
haha. its a natural mannerism ng mga pinoy na kapag libre ang pagkain ay walang preno-preno. XD
[Reply]
May 22nd, 2009 at 12:30 pm
kelangan sa mga libreng pakain na ganyan e competitive ka, wala munang kwento-kwento, galit-galit muna…
bati-bati na ulit pag nagtagumpay na ang tiyan mo! :D
[Reply]
July 19th, 2009 at 2:25 pm
hehehe. hindi naman siguro ikaw yung naubusan na yun no??? hehehe!
[Reply]